XXXX - Katotohanan

1896 Words
At The Second Land: The Land of Kings Third Person Point of View                 “Bakit tayo tumatakbo?” tanong ni Emilia sa kanyang asawa. “Naiwan doon ang aking ama, Gregor!”                 “Lubhang mapanganib kung mananatili pa tayo roon, Emilia,” ani ni Gregor. “Sinabi sa akin ng iyong kapatid na tumakbo na tayo paalis doon.”                 Napatingin si Emilia sa kanilan likuran. Nakita niya na wala ang kanyang tatlong anak na lalaki.                 “Nasaan sila, Aspen??” tanong ni Emilia kay Gregor.                 Napatingin naman si Gregor sa kanyang likuran at tanging si Emma at Inari lamang ang nasa kanilang likuran.                 Maging si Gregor ay hindi niya napansin na nawawala na ang kanyang mga anak.                 “Mauna na kayo nila Emma at Inari,” ani ni Gregor Aragon kay Emilia. “Babalik ako upang hanapin sila.”                 Hindi naman alam nila Emma at Inari kung ano ang nangyayari sa kanila. Wala silang alam. Lumuluha si Emma sa nangyari sa kanilang abuelo na si Edward Chevor. Habang si Inari naman ay  walang luhang lumalabas sa kanyang mga mata ngunit batid sa kanyang ipinapakitang emosyon ang kalungkutan sa nangyari.                 Hinawakan ni Emilia ang kanyang asawa. Ayaw na sanang pabalikin pa ito ngunit ang kanyang mga anak ay nawawala.                 Nalilinawan na siya sa mga nangyayari. May sabotaheng naganap sa pagsasalo salon g mga dugong bughaw.                 Niyakap ni Gregor ang kanyang asawa.                 “LIsanin niyo ang ikalawang kalupaan,” bulong ni Gregor dito. “Susunod kami ng mga anak mo. Huwag kayong babalik o ano pa. Diretso kayong umuwi sa ating kalupaan.”                 Bumaklas na si Gregor sa kanyang pagkakayakap sa kanyang asawa. Ngumiti siya sa dalawa niyanag anak na babae, at niyakap niya ang mga ito. Pagkatapos ay tuluyan niyang nilisan ang  kanilang kinalalagyan upang hnapin sila Aspen.                 “Halika na kayo, mga anak,” ani ni Emilia.                 Agad silang tumakbo palayo roon ngunit may mga kawal na humarang sa kanilang daraan. Agad silang umatras pabalik ngunit may mga kawal din na nagsilabasan sa kabilang pinto ng kaharian.                 Nakatutok ang mga espada nito sa kanila. Natakot ang dalawang babaeng anak niya na si Emma, at Inari. Humawak ang mga ito sa kamay ng kanilang ina.                 “Ina, bakit tayo nila tinututukan ng sandata?” tanong ni Emma.                 Ang mga suot ng mga kawal ay metal na may halong abong kulay. Ibig sabihin lamang na mga kawal ito ng hari na si Devos.                 Napahinga ng malalim si Emilia. Ito na ang kanyang kinatatakot. Dumating na ang araw na kanyang inaalala.                 “Ano ang ibig sabihin nito?” tanong ni Emilia sa mga kawal. “Paraanin niyo kami ng aking mga anak! Uuwi na kami sa aming kalupaan!”                 “Hindi kayo pwedeng umuwi!” sigaw ng isang kawal sa kanila. “Kayo ay mga traydor! Sinubukan niyong lasunin ang hari at ang kanyang pamilya! Mananatili kayo sa kahariaan hanggang hinihintay ang nakaatang na parusa sa inyo.”                 Nagulat ang tatlong Aragon sa kanilang narinig.                 “Ano ang sinasabi mong tinangkang patayin?!” sigaw ni Inari sa mga ito. “Kami ay biktima lamang!”                 Hinawakan naman siya ni Emilia at pinigilan.                 “Huwag mo kaming paratangan ng isang bagay na hindi namin ginawa,” ani ni Emilia. “Malinis ang aming kalooban at hindi namin iyon magagawa sa hari! Paraanin mo kami, kawal! Ako si Emilia Chevor   anak ni Edward Chevor, at Ellysa Chevor. Asawa ng panginoon ng ika unang kalupaan na si Gregor Aragon  mula sa ika unang kalupaan ng mga dragon. Inuutusan kitang paraanin mo kami!”                 “Tanging ang hari lamang ang magsasabi ng dapat naming gawin!” ani ng kawal.                 Hinawakan ng mahigpit ni Emilia ang kanyang dalawang anak.                 Habang sa kabilang banda ay napatigil si Chevor noong isang espada ang biglang tumutok sa kanyang leeg.                 Hawak hawak ang espada ni Raciero La Casa na nakatingin sa kanya.                 “Lapastangan!” mariin na sabi ni Raciero kay Gregor.  Dala dala nito ang kanilang mga kawal habang nakaharap sa panginoong si Gregor. “Sumuko ka na!”                 “Hindi ko naiintindihan ang ibig mong sabihin,” ani ni Gregor kay Raciero. “Ang pagsuko ay para lamang sa mga tumatakbong salarin o sa isang mandirigma na sumusuko na sa laban. Sa dalawag iyon ay wala akong kinalaman. Huwag mo akong tutukan ng iyong espada ng walang dahilan. Ito ay pagtataksil at pagsira ng kasunduan!”                 “Nilason niyo ng iyong asawa ang reyna at tinangka niyo ring patayin ang aking mga apo,” ani ni Raciero kay Gregor. “At ngayon ay nais mong takasan  ang mga kasalanang ginawa mo? Hindi ako makakapayag! Dadalin kita sa kulungan at parurusahan!”                 “Wala akong kinalaman sa sinasabi mo, Panginoong Raciero,” ani ni Gregor habang nakatingin sa matalim na espadang handang bumaon sa kanyang leeg ano mang oras. “Kami ay hindi tumatakbo dahil kami ay nagkasala. Umalis kami roon upang iligtas an gaming pamilya na pinagtangkaan ring patayin!”                 Tumawa ng malakas si Raciero.                 “Huwag mo nang pagtakpan ang ginawa niyo, Panginoong Gregor,” ani ni Raciero. “Saksi ang lahat ng bisita sa inyong katrayduran! Maging ang mga mamayan ng ikalawang kalupaan ay nasaksihan ito. Wala ka ng takas. Sumuko ka na.”                 “Wala kang sapat na ebidensya? Kakausapin ko ang hari!” ani ni Gregor. “Alam niyang hindi ko magagawa sa kanya iyon. Kung mayroon mang gagawa ng bagay na iyon ay hindi kami kundi kayo.”                 “Sinasabi mo bang nilason ko ang sarili kong anak?” tanong ni Raciero dito.                 “Sinasabi mo bang nilason ko ang sarili kong byenan? Ama ng aking asawa?” tanong pabalik ni Gregor sa lalaki.                 “Oo, sakripisyo para sa inyong tagumpay,” ani ni Raciero sa kanya. “Upang hindi namin kayo paghinalaan? Pasensya ka na, Gregor. Hindi kami mga bobo at tanga! Hindi namin hahayaan na magtagumpay ka. Sapat na ebidensya na ang inyong pagtakbo.”                 “Sige at hulihin niyo siya!” utos ni Raciero.                 Hindi naman pumalag si Gregor at patutunayan niya ang sarili niya sa harap ng kanyang kaibigang hari na si Devos.                 Dinakip siya mga kawal ng mga La Casa at hinatak paalis doon upang dalhin sa harap ng hari.                 Habang sa labas ng kaharian naman ay nakasakay sa kabayo si Jamaicah at Aelous. Sa labas sila maghihintay ng kung anong magiging hatol sa loob. Hindi sila aalis doon upang hindi sila mapagbintangan na mga traydor. Ngunit nais nilang makasiguradong ligtas sila kaya naman sa labas ng kaharian sila naghintay. *** At The Land of Birds: The Land of Free Men Third Person Point of View                 Tinignan ni Erebus habang sakay sakay siya ng kanyang kabayo ang mga nagtratrabahong mga Golote.                 Ang mga lalaki sa mga golote ay walang saplot sa itaas na bahagi ng katawan at tanging mga bahag lamang ang nakatapis sa kanilang ibabang parte ng katawan. Habang ang mga babae ay may maliit na tapis ng tela sa kanilang dibdib at mahabang bahag naman na abot hanggang binti ang suot pang ibaba.                 May hawak silang matutulis na sibat gaya ng regalong sandata ni Alexander kay Meira. Ang kaibahan lamang ng kanilang mga sandata ay isa lamang ang tulis nito habang kay Meira ay magkabilang dulo.                 Kasama ngayon ni Erebus si Alexander, at Augustus.  Samantala naiwan sa kanilang kuta si Meira at Shabiri.                 “Sila ang mga Golote, panginoon,” ani ni Augustus habang nakasakay din sa kabayo. “Mga magagaling na mandirigma sila. Wala silang kinikilalang iba kundi ang kanilang sariling tribo.”                 “Sariling tribo?” tanong ni Erebus kay Augustus.                 “Oo panginoon, tama ka ng dinig,” sagot ni Augustus. “Ang kanilang tribu ay tinatawag na golote. May sarili silang mga paniniwala. Bukod doon ay may sarili silang mga mamayan, at mandirigma upang ipagtanggol ang kanilang tribo sa sino mang magnais na kontrolin sila.                 “Kilala silang mga golote na nullus receptus , nulla deditione. Hindi sila sumusuko sa kahit anong laban. Patay kung patay ang isang digmaan sa kanila. Lagi silang nag uuwi ng tagumpay. Ngunit iyon nga lang ay malayo sila sa kabihasnan kaya walang nakakakita ng taglay nilang importansya.”                 Nakatira ang mga golote sa bundok na tabi ng kalupaan ng malalayang tao. Doon sila nagsimulang gumawa ng sarili nilang pwersa at sibilisasyon.                 “Nakakaintindi ba sila ng ating wika?” tanong ni Erebus.                 “Tanging lumang salita lamang, panginoon,” ani ni Augustus                   Nilapitan nila ang mga golote. Agad na nagsihintuan ang mga ito sa kanilang paglapit.                 “HOSTES!! HOSTES!! HOSTES!!” sigaw ng isang babae na may kargang bata sa kanyang dibdib.                 (AN ENEMY!! AN ENEMY!! AN ENEMY!!)                 “Mitescere! Mitescere! Hostes tui non sumus! Loqui mox volumus c*m duce tuo!” sigaw ni Augustus sa mga ito habang nakataas ang kabukang palad upang ipaalam na huminahon sila.                 (Calm down! Calm down! We are not your enemy! We just want to talk to your leader!)                 Nagkatinginan naman ang mga naroon sa harap ng bundok sa kanilang sinabi.                 “Quis es? Cur c*m nostro duce loqui vis? Unde venistis?” tanong ng isang lalaki habang naglalakad paabante.                 (Who are you? Why do you want to talk to our leader? Where are you from?)                 “Aliquid offerre volumus. Nos e terra avium sumus. Ubi est is?” tanong ni Augutus sa mga ito.                 (We want to offer something. We are from the land of birds. Where is he?)                 “Quid dabis?” tanong muli ng lalaki.                 (What will you offer?)                 Napahinga ng malalim si Erebus. Batid niyang naninigurado lamang ang mga ito ngunit hindi na siya makapaghintay na makita ang lider nila upang maging kaalyansa niya.                 “Dicemus ei directe. Ad eum nos adduc. c*m eo loqui volumes,” ani ni Augustus sa mga ito.                 (We will tell it to him directly. Bring us to him. We want to talk with him.)                 “Minime! exi!” sigaw ng lalaki sa kanya.                 (No! Get out!)                 “Mukhang hindi natin makakaharap ang kanilang pinuno, Erebus,” ani ni Alexander. “Mahihirapan tayo kung kakausapin lamang natin siya. Kailangan natin ng susi upang makuha ang kanilang kalooban. Iyon ang nakikita ko.”                 “Kailangan nating umatras,” mabilis na sabi ni Augutus noong  itinutuok ng mga lalaki ang kanilang mga sibat sa kanila.                 Agad na pinatakbo nila ang kabayo palayo roon bago sila matamaan ng mga sibat.                 “Bukod sa kanila ay wala ka na bang ibang suhestiyon, Augutus?” tanong nI Alexander. “Mukhang mahirap kausap ang mga Golote.”                 “Sila na ang pinakamagandang makuha natin,” ani ni Augustus kay Alexander. “Pwera na lang kung may isusuhestiyon ka.”                 Nagtinginan ang dalawang lalaki sa kanilang mga sinabi sa isa’t isa.                 “Augustus, sigurado ka bang kaya nilang makipaglaban kahit ganoon ang kanilang mga itsura?” tanong ni Erebus sa kanya.                 “Panginoon, hindi ko kayo bibiguin,” ani ni Augutus sa kanya. “Sila ay magagaling na mandirigma. Kinatatakutan sila ng lahat. Alam mo ba kung bakit? Dahil hindi sila takot makipaglaban. Hindi sila takot mamatay. Iyon ang mga kalaban na dapat nating katakutan. Ang mga mandirigmang ibibigay ang lahat.                 “A warrior you should be scared of was not the one who is equipped, and skilled but a warrior who is not afraid of death.”                 Tumango tango si Erebus.                 “Panghahawakan ko ang iyong salita,” ani ni Erebus. “Kung sila ay mga tanyag. Walang sayang sa ating paghabol sa kanila.”                    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD