At The Second Land: The Land of Swords
Third Person Point of View
“Labas,” utos ng isang kawal na kapapasok lamang. Nakatingin ito kay Emma na nakaupo sa tabi ng kanyang ina sa loob ng kulungan.
Napatingin naman si Emma sa kanyang ina. HInawakan siya ni Emilia.
“Saan niyo dadalhin ang anak ko?” mariing tanong ni Emilia sa kawal.
Pumasok ang kawal, at hinatak ng malakas si Emma. Nabitawan pa rin siya ni Emilia kahit mahigpit ang pagkakahawak sa kanyang anak.
Pinagsarhan sila ng pinto ng kulungan at hinatak ng kawal palabas si Emma.
“EMMA!” sigaw ni Emilia.
Agad na napatayo si Gregor sa kabilang selda noong marinig niya ang sigaw ng kanyang asawa.
“Anong nangyayari?!” tanong ni Gregor habang pilit sinisilip ang asawa sa kabilang kulang na katabi lamang kung saan sila naroroon ni Inari.
“Gregor,” batid sa boses ni Emilia ang pagkabahala. “Kinuha nila ang ating anak na si Emma! Hindi ko alam kun ano ang dahilan! Anong gagawin nila sa aking anak?! Gregor! Gumawa ka ng paraan!”
Napaluha si Emilia habang tinatanaw ang pinuntahan nila Emma ngunit wala na siyang makita kundi kadiliman lamang.
Napapikit naman si Gregor at napansandal sa kahoy na rehas. Iniisip niya ang dapat niyang gawin.
***
Binitawan ng kawal ang braso ni Emma pagkarating nila sa isang silid. Nakita ni Emma si Gatley na nakaupo sa bandang harapan habang nakangisi sa kanya.
“Emma, Emma, Emma,” tawag ni Gatley at tumayo sa kanyang upuan. “Kanina pa kita hinihintay.”
Napalunok naman si Emma pagka’t kabado siya sa kung ano ang gagawin ng prinsipe. Batid niya ang kaya nitong gawin sa kanya.
Lumapit si Gatley sa dalaga at hinaplos ang mukha nitong napakakinis.
“Napakaganda,” mahinang ani ni Gatley sa dalaga. “Alam mo ba kung bakit ka narito?”
Umiling iling si Emma. Hindi niya alam. Wala siyang alam. Ang tanging alam niya lamang ay ikinulong silang mga Aragon sa bagay na hindi nila ginawa.
“H-hindi ko alam, mahal na prinsipe,” ani ni Emma sa binata.
“Iniligtas ko ang buhay mo sa bingit ng kamatayan,” ani ni Gatley sa dalaga. “Kinausap ko ang aking ama na kaawan ka.”
“T-talaga?” tanong ni Emma rito.
Ngumiti si Gatley sa kanya.
Napaiyak naman si Emma.
“Maraming salamat, mahal na prinsipe! Maraming salamat!” nagagalak na ani nI Emma.
Kung mayroon man na pinaka natatakot mamatay sa kanilang lahat ay si Emma iyon. May mga pangarap pa siya sa buhay na nais niyang gawin. Labis ang kanyang pagkatakot noong sabihin ng hari na hahatulan sila ng kamatayan.
“Huwag kang magpasalamat sa akin,” ani ni Gatley. “Pagka’t may kapalit ang kabutihang ginawa ko sa iyo.”
Napatigil si Emma sa sinabi ng prinsipe.
“K-kapalit? A-anong kapalit?” tanong ni Emma sa prinsipe.
“Kapalit nito ay ang buhay mo,” ani ni Gatley. “Pakakasalan mo ako, at iaalay mo sa akin ang iyong buong buhay. Pagsisilbihan mo ako bilang aking asawa. Aking reyna. Sa totoo lamang ay napakaswerte mo sa akin, Emma. Kay raming nagnanais maging reyna ngunit pinili kita. Alam naman ng lahat na ako na ang kasunod nakokorohan ng aking ama, at kapag nangyari iyon, ikaw, na aking asawa ay magiging reyna ng lahat kalupaan.”
Hindi alam ni Emma kung matutuwa ba siya o hindi. Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang ireak o maging emosyon sa sinabi sa kanya ng binata.
Nais niyang maging reyna. Ito ang kanyang kagustuhan, ang kanyang pangarap. Nangako siya sa sariling gagawin niya ang lahat para makuha niya ang posisyon na ito ngunit ngayong araw ay ito na mismo ang lumalapit sa kanya.
“Hindi ka na babalik pa sa kulungan, Emma,” ani ni Gatley. “Walang sino man ang makakapanakit sa iyo pagka’t na sa iyo ang proteksyon ko.”
Inilahad ni Gatley ang kanyang palad sa harap ni Emma. Nagpapahiwatig kung siya ba ay sumasang ayon o hindi sa kagustuhan nito.
Napatitig si Emma sa kamay ng binata. Napalunok siya, at tumulo ang pawis sa kanyang noo.
Iniisip niya kung kukuhanin niya ba ang inaalok na kamay ng prinsipe.
“Ililgtas mo rin ba ang buhay ng aking pamilya sa ibinibintang sa kanila?” tanong ni Emma sa binata.
Ibinaba ni Gatley ang kanyang kamay. Tumalikod siya sa dalaga at naglakad lakad.
“Hindi ko maililigtas ang iyong pamilya sa kaparusahang nag – hihintay sa kanila,” ani ni Gatley. “Tinangka niyong lasunin ang aming pamilya. Maswerte ka na binibigyan pa kita ng pangalawang pagkakataon.”
Mabilis na lumuhod si Emma, at napahagulgol.
“Handa akong pagsilbihan ka, mahal na prinsipe,” ani ni Emma. “Magsisilbi ako sa iyo hanggang sa aking huling hininga. Parang awa mo na. Isalba mo rin ang aking pamilya.”
Napatawa si Gatley sa sinasabi sa kanya ni Emma.
“Kalimutan mo na ang aking sinabi sa iyo,” ani ni Gatley sa kanya. “Hindi ko magagawa ang nais mo.”
Naglakad na palabas si Gatley ngunit hinabol siya ni Emma, at yumakap sa kanyang binti.
“Mahal na prinsipe!!” hagulgol ni Emma sa binata. “Tulungan mo kami. Kaawan mo kami!”
Hindi naman sumagot si Gatley. Wala siyang pakielam sa pamilya ni Emma. Tanging ang dalaga lamang ang nais niyang makuha.
Kahit lumuha pa ng isang katerbang luha si Emma ay hindi niya ito matutulungan. Kahit naman may kakayahan siyang tulungan ito ay hindi niya tutulungan ang dalaga.
Gaya ng kanyang ina at ang pinagmulan nito ay ayaw niya rin sa mga Aragon. Pinalaki siya ng kanyang ina na may galit sa mga ito, at sa mga Chevor.
Tunay na magkaaway ang kanilang mga dugo.
Umiling iling si Gatley.
“Pag – ispipan mo ang aking alok,” ani ni Gatley sa Emma. “O tanggapin mo na lang ang parusang nakaatang sa iyo.”
Tuluyan ng lumabas si Gatley sa kanilang silid. Kung saan sila nag – usap.
Naiwan si Emma roon na puno ng luha ang mga mata.
Napayakap siya sa kanyang mga tuhod, at doon ibinuhos ag lahat ng kanyang iyak.
Natatakot siya. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Hindi pwepwedeng siya lamang ang maliligtas. Hindi pwepwedeng mamatay ang kanyang mga magulang.
Hinablot na muli siya ng kawal, at ibinalik sa kanyang kulungan.
“Emma! Anak ko! Ano ang ginawa nila sa iyo?!” alalang tanong ni Emilia noong makita ang anak na malungkot habang umiiyak.
Agad na napayakap si Emma sa kanyang ina.
“Natatakot ako ina,” hagulgol ni Emma habang nakasandal sa ina. “Ayoko pang mamatay! Gusto ko nang umuwi sa atin!”
Napaluha si Emilia sa sinabi ng kanyang anak. Maging siya ay nais nang umuwi sa kanilang kalupaan ngunit sa kalagayan nila ngayon ay wala silang takas. Wala silang kapangyarihan. Wala silang pang – hahawakan.
“Emma, anak! Ayos ka lamang ba?! Anong ginawa nila sa iyo?” tanong ni Gregor sa kanyang anak noong marinig ang pagtangis nito.
Hindi makasagot si Emma pagka’t nangangatal ang kanyang panga. Wala siyang masabi. Ang nais niya lamang ay umiyak nang umiyak.
Sa isang sulok ay malungkot na nakatingin si Inari sa kanyang ama. Kahit nais niyang tumulong ay isa lamang siyang di hamak na mangmang sa mundong kanilang ginagalawan. Wala siyang lakas. Wala siyang maitutulong.
“Huwag kayog mag – alala,” ani ni Gregor. “Iaalay ko ang buhay ko para lamang makaligtas kayo.”
“Paano mo kami ililigtas, Gregor?!” tanong ni Emilia habnag lumuluha. “Hindi mo kami maililigtas! Kung nakinig ka lamang sana sa aking suhestiyon ay hindi mangyayari ito! Hindi sana tayo nakakulong ngayon! Hindi siya nagdudusa ang ating mga anak!”
“Kasalanan ko,” ani ni Gregor na walang balak depensahan ang sarili. “Masyado akong tiwala sa hari at sa kasunduan na aming nilagdaan sa papel. Patawarin mo ako, Emilia. Hindi ko alam kung paano tayo makakaalis dito pero gagawa ako ng paraan.”
***
“Sulat mula ‘kay Efren Chevor,” panimula ni Bellamy sa hari. “Nais niyang makuha ang bangkay ng kanyang ama, at nais niya ring palayain mo ag mga bihag mong mga Aragon upang pagtibayin ang inyong alyansa na nilagdaan niyo ng inyong dugo. Kung hindi mo gagawin yon ay binantaan niya tayong sisibol muli ang isang panibagong digmaan.”
“Nagkasala ang mga Aragon,” ani ni Devos. “Hindi ko pwedeng gawin iyon. Saksi ang mga mamayan. Nais nilang hatulan ng kamatayan ang kanilang katrayduran sa akin. Sumulat ka pabalik kay Efren. Sabihin mo na isuko na niya ang kanyang sarili sa atin upang hindi na lumaki pa ang gulo.”
“Ang mga Ulaah ay naghihintay sa labas ng kaharian,” ani ni Bellamy sa hari. “Nais nilang humingi ng paliwanag sa nangyaring hindi kanais nais sa loob ng kaharian.”
“Pauwiin mo na ang ating mga bisita,” ani ni Haring Devos sa kanyang taga payo. “Ikaw na ang bahalang magpaliwanag sa kanila.
“Masusunod, mahal na hari,” ani ni Bellamy at matapos ay naglakad paalis ngunit tumigil saglit.
“Ito na ba talaga ang iyong nais, mahal na hari?” tanong ni Bellamy dito.
“Hindi ko pwedeng biguin ang mga tao,” ani ni Devos sa lalaki. “Sila ang bumubuhay sa aking kaharian. Dinidinig natin ang kanilang mga boses.”
Napaisip naman si Bellamy, at pagkatapos ay yumuko na saka umalis sa lugar na iyon.
“Fieto,” tawag ng hari sa kanyang malapit na kawal.
Agad na lumapit sa kanya si Fieto upang tumanggap ng kung anong iuutos niya.
***
“Sigurado ka na ba riyan?” pag – uulit ni Aelous sa kanyang narinig sa kawal na isinugo ng hari upang kausapin siya.
Tumango naman ang kawal, matapos ay umalis na rin matapos maihatid kay Aelous ang mensahe ng hari.
Lumapit naman si Jamaicah sa kanyang asawa noong makita ang pakikipag – usap ng kawal sa hari.
“Ano ang balita sa loob?” tanong ni Jamaicah sa lalaki.
“Pinapauwi na tayo ng hari,” ani ni Aelous.
“At anong balita sa nangyari sa loob?” tanong ni Jamaicah dito.
“Ang mga Aragon ang naglagay ng lason sa hapag kainan,” sagot ni Aelous dito. “Hawak sila ngayon ng hari, at nakatakda silang hatulan ng kamatay bukas ng tanghali.”
Nanlaki ang mga mata ni Jamaicah.
“Impsoibleng gawin iyon ng mga Aragon,” ani ni Jamaicah. “Wala ka bang gagawin?”
“At ano ang gagawin ko? Hindi tayo maikielam Jamaicah kung ayaw nating mabaling sa atin ang init ng kanilang mga mata,” ani ni Aelous at tumalikod na.
Hinawakan siya ni Jamaicah at hindi makapaniwala sa sinabi nito.
“Alam mong hindi totoo ang binibintang sa mga Aragon,” ani ni Jamaicah. “Aabandunahin mo sila?!”
Napahinga ng malalim si Aelous.
“Walang silbi ang katotohanan sa kanila,” ani ni Aelous. “Hindi natin idadamay ang ating sarili. Hindi tayo makikielam. Iyon ay laban sa kanilang pagitan. Itong desisyon na to ang magliligtas sa atin. Sumakay ka na ng iyong kabayo at ngayon din ay uuwi tayo.”
Naglakad na paalis si Aelous matapos tanggalin ang nakahawak na kamay sa knaya ni ni Jamaicah.
Pinagmasdan ni Jamaicah si Aelous. Hindi na niya kilala ito.