At The Land of Birds: The Land of Free Men
Third Person Point of View
Tumayo ang isang tauhan ni Augustus.
“Sigurado ka ba sa sinabi mo?” tanong nito. “Luluhod ka sa binatang iyon?”
“Kahit gaano pa sila kalakas na mandirigma ay hindi sila makakapasok sa bundok na iyon,” ani ni Augustus dito. “Ang halimaw na nagbabantay doon ay nila kayang patayin. Nagsasayang lang sila ng oras dahil mabibigo lamang sila sa kanilang gagawin. Nasaksihan ko na ang lakas ng halimaw na nagbabantay hindi tao ang dapat kalaban nito.”
Napatango tango naman ang tauhan ni Augustus.
“Mukhang seryoso ang isang iyon,” ani ng isa pa niyang tauhan. “Ngayon ko lamang sila nakita sa lupaing ito at nakalingkis na agad ang tusong babaeng si Nabi.”
“Nagawa niyang pasunurin si Nabi?” ani ni Augustus. “Matinik ang babaeng iyon kaya alam ko na hindi siya basta basta magpapasakop sa kung sino sino. Mukhang mas makapangyarihan sa kanya ang binatang nakasuot ng asul na kapa.”
“Maganda ang babaeng kasama nila,” ani ng isa niyang tauhan. “Baka pwede mong ibalato mo na lamang sa amin kung hindi gusto.”
“Mag ingat ka sa sinasabi mo,” ani ni Augustus. “Sa kanilang apat ay ang dalagang iyon ang kanilang prinoprotektahan base sa kanilang mga kilos. Kapag narinig ka ng binatang iyon ay baka putulin niya ang yong dila.”
Napatiklop naman ang labi ng kanyang mga tauhan sa kanilang narinig.
Napangisi naman si Augustus pagka’t nadarama niya na sa haba ng lumipas na panahon ay may isa nanamang tao ang hahamon sa kanyang kapangyarihan.
Bigla siyang kinabahan sa magiging resulta ng kanyang pang hahamon sa binata.
May parte sa kanya na nag aalinlangan at naghihinuha na makakamtam ng binata ang tagumpay sa gagawin nito.
Ngunit hindi siya bulang salita. Ano man ang kanyang ipinangako ay gagawin niya.
Sa kabilang banda ay hinarang ni Nabi sila Erebus sa paglalakad.
Umiling iling ito.
“Hindi! Nakita na ng aking ama ang halimaw sa bundok na iyon,” ani ni Nabi. “Hindi niyo magugustuhan. Iyon ang nais ni Augustus dahil alam niyang imposible ang bagay na ito.”
“Nabi,” tawag ni Erebus sa dalaga. “Kung patuloy mong sasalungatin ang aking mga desisyon ay bukas ang pinto papalayo sa amin.”
Napalunok naman si Nabi sa sinabi ni Erebus sa kanya.
“Sigurado ka ba sa desisyon mo?” tanong ni Meira sa kapatid. “Nakita ko na nakangiti si Augustus habang tayo ay papalabas. Parang katawa tawa lamang ang sinabi niya sa iyo kanina.”
“Maling tao ang pinagtawanan niya,” ani ni Erebus. “Sa oras na malaman ko na isang kalokohan lang ang sinabi niya sa akin ay sisiguraduhin kong ulo niya ang kapalit ng kanyang panloloko.”
Malamig na tinignan ni Erebus si Nabi kaya naman tumabi na agad si Nabi sa daraanan.
Nagpatuloy si Erebus sa kanyang paglalakad.
Napatingin sila Erebus sa mataas na bundok sa kanilang harapan. May kweba ito papasok at nasa labas pa lamang sila ay ramdam na nila ang lamig sa bundok na iyon.
Napapaligiran ang bundok ng mga nyebe at yelo.
Tinanggal ni Alexander ang kanyang suot suot na kappa at isinuot kay Meira.
“Hindi sapat ang iyong suot upang malabanan ang lamig sa loob,” ani ni Alexander habang tinatali ang kapa.
“Ngunit paano ka?” tanong ni Meira sa mandirigma.
“Ayos lamang ako, mahal na prinsesa,” ani ni Alexander. “Sanay ako sa anu mang klima.”
Napairap naman si Nabi sa ginawa ni Alexander.
“Erebus? Hindi mo ba ibibigay sa akin ang iyong kapa?” tanong ni Nabi sa binata habang hawak hawak ang magkabilang braso dahil ramdam niya ang lamig. “Hindi ko rin kaya ang lamig sa loob.”
“Alam mo ang bundok na ito ngunit hindi ka pa rin naghanda?” tanong ni Erebus na nakatingin sa dalaga na animo ay kinakapos sa tela.
Napasimangot naman si Nabi sa naging sagot sa kanya ng binata.
Nagsindi sila ng sulo upang maging ilaw nila sa madilim na kweba. Sinimulan nilang bagtasin ang loob pagkat ito ang daan pataas.
May mga haligi sa loob at mga matutulis na nagyeyelong estalktita. Mas lalong lumamig sa loob habang papasok sila ng papasok.
“Kataas taasan,” tawag ni Nabi. Nais niyang maksisalo sa telang panangga nito sa malalmig na temperatura sa loob ng kweba.
Napatingin naman si Meira sa dalaga at noong nagtama ang kanilang mga mata ay biglang nanliit si Nabi. Nakaramdam siya ng panliliit. Isang pakiramdam na wala siyang karapatan makisalo sa kung ano mang meron ang mga taong mas mataas sa kanya.
“May problema ba, binibini?” tanong ni Meira dito.
Napailing iling si Nabi.
“Wala naman,” ani ni Nabi at nagpatuloy sa kanilang paglalakad.
Napatigil sila sa paglalakad noong may tatlong lagusan sa kanilang harapan. Inilawan ni Alexander ang tatlong lagusan ngunit hindi abot ng kanilang tanglaw ang loob nito.
“Alin ang tatahakin natin?” tanong ni Alexander kay Erebus.
“Ang pang unang lagusan sa gawing k-kaliwa,” ani ni Nabi habang nanginginig sa lamig. “Iyon ang tamang daan. Ang dalawang lagusan ay mahahaba an gating lalakbayin ngunit sa dulo nito ay walang labasan.”
Sa sinabi ni Nabi ay iyon ang tinungo nilang lagusan. Alam ni Nabi ito pagka’t maalam siya sa mga umiikot na kwento at balita sa kanilang kalupaan. Hindi siya nahuhuli roon.
Naramdaman nila ang mas malamig na klima sa loob.
Tumigil si Erebus at pinahawak kay Alexande ang kanyang sulo.
Hinubad niya ang kanyang kapa.
“Nabi,” tawag niya sa dalaga na nanginginig sa ginawa.
Pagtingin ni Nabi sa kanya ay initsa niya ang kanyang kapa at kinuha pabalik ang sulo mula kay Alexander.
Napatingin naman si Nabi sa kapang ibinagay sa kanya ni Alexander.
Hindi niya inaasahan na ibibigay iyon ni Erebus gayong pabiro niya lamang sinabi ito kanina. Hindi niya lang talaga inaasahan na ganito kalamig sa loob.
“M-maraming salamat, Panginoon,” ani ni Nabi at isinuot ang kapa sa kanyang katawan. Naibsan ang lamig na nararamdaman ni Nabi.
Nakalabas sila ng lagusan sa kanilang paglalakbay at isang malawak na katubigan ang bumungad sila sa loob pa rin ng kweba.
“Kailangan nating lumusong sa tubig upang makarating sa kabila,” ani ni Nabi. “Huwag kayong mag alaala. Ayon sa kanila ay hanggang bewang lamang ang tubig na iyan.”