XXX - Kwintas

1104 Words
At The Land of Birds: The Land of Free man Third Person Point of View         Naunang sumulong si Alexander.         Sumunod naman si Erebus.         “Mahal na prinsesa,” tawag ni Alexander at inabot ang kanyang kamay. “Bubuhatin kita ng sa ganoon ay hindi mo na kailangan pang lumusong sa tubig.”         “Hindi na,” tanggi  ni Meira sa lalaki. “Nais kong lasapin ang tubig ng sarili kong mga paa.”         Manghang mangha si Meira sa loob ng kweba. Para sa kanya ay napakaganda nito.         “Masyadong malamig ang tubig, kataas taasan,” ani ni Alexander.         “Huwag mo akong alalahanin,” ani ni Meira at sumuong sa tubig. “Ayos lamang ako.”         Naglakad na si Meira kaya wala ng nagawa si Alexander.         Sumuong naman si Nabi na halos mabuwal sa lamig ng tubig.         Napatingin siya sa tatlo na tuloy tuloy lamang sa pag – lakad.         Nakarating na si Erebus sa dulo at tinulungan niyang makaahon ang kanyang kapatid na si Meira mula sa tubig.         “Napakaganda ng bundok na ito,” ani Meira sa kanyang kapatid. “Tila ayoko ng umalis.”         “May tirahang naghihintay sa iyo, Meira,” ani ni Erebus. “At iyon ay ang ating kaharian.”         “Kaharian?” tanong ni Nabi at tumaas ng tubig. “Anong kaharian ang tinutukoy niyo?”         “Malalaman mo,” ani ni Meira sa dalaga at nakangiting nagpatuloy sa kanilang paglalakad.               Ilang akyat rin ang kanilang ginawa bago tuluyang nakalabas sa lagusan ng kweba.         Mas lalong namangha si Meira sa pagtungtong nila sa ibaba ng bundok.         Puro nyebe ito at maging ang mga puno ay puti na. Napakaganda at tahimik itong tignan. Ngunit tanging itaas lamang ang nakikita nila pagka’t may malaking bato ang nasa kanilang harapan.         Napatingin sila Erebus sa kabilang banda. Malaki ang bangin na narito at siguradong patay sila sakaling mahulog sila dito.         “Ito na ang pasukan patungo sa bundok,” ani ni Nabi.         “Kung ganoon ay kailangan lang nating akyatin ang batong ito upang tuluyang makapasok,” ani ni Alexander.         Si Erebus naman ay napalinga linga sa paligid.         “Sandali lamang,” ani ni Nabi. “Dapat ay narito na ang halimaw na nagbabantay sa pasukan.”         Iniikot nila ang kanilang mga mata ngunit wala silang nakitang kahit ano.         Naghintay sila ng ilang minuto at napagdesisyunan na nilang umakyat ngunit papalapit pa lamang sila ay bigla ng yumanig ang lupa.         Nagbitak ito at sa bandang kinatatayuan ni Meira ay tumaas ang lupa kaya naman dumulas siya paibaba.         “AHHH!” sigaw ni Meira noong mahulog siya at agad na nakahawak sa isang sanga bago siya tuluyang mahulog sa bangin.         “MEIRA!” sabay na tawag ni Erebus at Alexander.         Lumapit si Erebus sa kinalalagyan ni Meira upang tulungan ito.         Napatulala naman si Nabi sa kaniyang nakita.         Ang bato na malaki kanina ay biglang tumayo mag isa. Ang nakikita lang nila kanina ay ang likod nito.         Nakatingin ngayon sa kanila ang isang dambuhalang halimaw na bato bato ang katawan at niyeyelo.         Pula ang mga mata nito at umungol ng napakalakas.          Bumagsak ang mga nyebe sa puno.         Agad na nilabas ni Alexander  ang kanyang espada at dumepensa noong maglalakad ang halimaw. Sumipa ito ng mga nyebe at tinamaan si Alexander at natabunan.         Pilit na iniakyat ni Erebus ang kanyang kapatid ngunit nabitawan niya ito ng hampasin siya ng kamay ng halimaw.         Muling napahawak si Meira sa may sanga habang si Erebus at tumama sa isang puno.         “EREBUS!” sigaw nila Meira at Nabi.         Inilabas ni Nabi ang kanyang espada na ginagamit niya upang protektahan ang kanyang sarili.         “HOYY!!” tawag ni Nabi sa halimaw at inespada niya ang paa nito pagka’t ito lang ang abot niya pagka’t mataas ang halimaw.         Naputol lamang ang kanyang dala dalang espada at napatingin sa kanya ang halimaw. Hinampas rin siya nito at tumama siya sa batuhan.         Sa kabilang banda naman ay bumibitaw na ang sanga na hinahawakan ni Meira dahil sa bgat niya pababa.         Habol ang kanyang hininga habang nakakapit doon.         “Erebus! Alexander!” tawag ni Meira.         Nakuha niya ang atensyon ng halimaw at nanlaki ang kanyang mga mata noong sumilip ito sa kanyang kinalalagyan.         Sumalamin sa mata ng halimaw si Meira. Nagtitigan silang dalawa.         Tuluyan na ngang bumitaw ang sanga.         “AHHHH!!” sigaw ni Meira habang pahulog ngunit agad na inabot ng halimaw ang sanga na hawak hawak niya at itinaas niya si Meira at muling iniharap sa kanyang mukha.         Kasing laki ni Meira ang mata ng halimaw kaya naman kitang kita ni Meira ang pulang mga  mata nito na animo ay isang salamin sa kanya pagka’t nakikita niya rin ang repleksyon niya sa mata ng halimaw.         “AGAPE! AGAPE! AGAPE!” ani ng halimaw habang nakatingin kay Meira. Malaki ang boses nito.         “Agape?” tanong ni Meira rito. “Hindi ako si Agape. Ako si Meira.”         “AGAPE! AGAPE! AGAPE!” muling ani ng halimaw na mula sa matigas na itsura ay lumabot ang ekspresyon nito habang nakatitig sa dalaga.         Kumunot naman ang noo ni Meira.         Ibinaba siya ng halimaw sa lupa.         “Agape,” ani ng halimaw sa kanya habang nakayuko itong nakatitig sa kanya.         “Agape?” ani ni Meira at unti unting itinaas ang kanyang kamay upang hawakan ang mukha ng halimaw.         Hinawakan ni Meira ang mukha ng halimaw at namnagha siya. Kasing tigas ng bato ang mukha nito gaya na nga kung saan ito nabubuo. Malamig rin ang katawan ng halimaw na nakatingin sa kanya.         Napangiti si Meira sa kanyang nakikita.         Agad naman na napatayo si Erebus at tinulungan si Alexander makaalis sa may nyebe.         “Meira, lumayo ka sa kanya!” ani ni Erebus sa kapatid.         “Hindi niya tayo sasaktan, Erebus,” ani ni Meira habang nakatingin sa halimaw. “Mabuti siyang nilalang.”         “Ang halimaw na iyan ay pumatay na ng maraming tao,” ani ni Nabi habang tumatayo sa kanyang kinasadlakan. “Hindi siya mabuting nilalang.”         Inangilan ng halimaw sila Erebus noong makita niya ang hawak na sandata nito.         “Meira umalis ka riyan!” ani ni Alexander sa dalaga.         “Ibaba niyo ang inyong mga sandata!” ani ni Meira. “Hindi siya kaaway! Nararamdaman ko!”         “Hindi kami naparito upang saktan ka,” baling ni Meira sa halimaw. “Naparito kami upang makuha ang asul na brilyante.”         “Meira hindi siya makikinig sa iyo! Isa siyang halimaw!” ani ni Alexander. “Umalis ka na riyan!”         May dinukot naman ang halimaw sa kanyang dibdib at mula roon ay kinuha niya ang kumikinang na kwintas na hindi nila napansin kanina dahil natatakluban ng makapal na nyebe.         
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD