XXVII - Paghahanda

2068 Words
At the Land of Birds: The Land of Free Men Third Person Point of View         Nakapaligid sa pagkakaupo ang lima sa isang pahaba na bilog na sina Meira, Erebus, Shabiri, Alexander at Nabi.         Nakangiti si Nabi habang nakatingin kay Erebus.         “Gaya ng aking sinabi kagabi ay si Shabiri ang magiging tagapayo ko at taga gabay natin,” panimula ni Erebus. “Sa kanya natin isasangguni ang ating mga plano. Si Alexander ay magiging katuwang ko ay kasabay niyon ay magiging taga bantay mo, Meira. Samantala hahanap din ako ng bagong makakatuwang natin.         “Hindi sapat ang ating pwersa upang makilala muli tayo kaya naman hahanap tayo ng isang heneral na pwedeng maging katawan ng ating mga kawal.”         Nawala ang mga ngiti ni Nabi noong hindi niya marinig ang kanyang pangalan.         “Ako?” tanong ni Nabi. “Nasaan ako? Ano ang pwesto ko rito? Wala man lang akong magiging posisyon? Gaya ng sabi mo ay tao mo ako.”         “Nabi, bago ka pa lamang kaya naman nakapagtataka na tinatanong mo ito,” ani ni Erebus sa kanya. “Patunayan mo muna ang iyong sarili.”         Napatingin naman si Nabi kay Shabiri na siyang nakilala pa lang nila ngunit naging taga payo pa. Mas lalong kumunot ang kanyang noo noong makita ang mga tingin ng babaylan sa kanyang panginoon na si Erebus.         Alam niya ang mga tingin na iyon dahil ganoon niya rin tignan ang kanyang panginoon. At First Land: The Land of Dragons Third Person Point of View         Inayos ni Inari ang kanyang mga damit na gagamitin niya patungo sa kaharian. Nasabi sa kanya ng kanyang ina na malamang na mananatili sila roon ng isang gabi dahil sa magaganap na kasiyahan.         Matapos niya ayusin ang kanyang mga gamit ay pumunta na siya sa labas ng kanilang kastilyo upang magsanay.         Ito ang kanyang libangan. Ang paulit ulit na sanayin ang kanyang sarili sa iba’t ibang armas. Ngunit namumukod tangi ang nunchaku sa lahat ng mga armas na kanyang nahawakan. Ito ang kanyang paboritong gamitin sa lahat.         Inilabas niya ang kanyang nunchaku at hinugasan ito sa ilog na nasa gilid niya.         Nadumihan ito kahapon noong nahulog sa putikan at hindi niya agad nahugasan dahil nakita niya ang kanyang ina na paparating. Siguradong pagagalitan siya nito sa oras na makita siyang may hawak hawak na armas kaysa mga pambabaeng gawain.         Napahinga siya ng malalim habang naghuhugas. Naiisip niya ang mga bagay bagay.         Nakita niya kung paano mag aalala ang kanyang ina lalo na noong nabalitaan nito ang mga nangyari sa mga Carlsen at Octavin.         Lubos siyang nagtataka kung bakit. Kasisilang pa lang sa kanya noong naganap ang digmaan sa pagitan ng mga La Casa, River at Valeeryan.         Hindi niya iyon nasaksihan hindi gaya ng mga nakakatanda niyang kapatid na sila Gregory at Ermil. Si Emma naman ay tatlong taon pa lamang. Habang si Aspen ay wala pa.         Iniisip niya na kung ganoon ang naging reaskyon ng kanyang ina ay malamang na may mali talaga.         Buong buhay niya ay hindi niya pa nakita ang kaharian na sinasabi ng lahat. Ngunit hindi iyon ang nais niyang makita kundi ang nasirang kaharian ng mga Valeeryan na ngayon ay abandonado na.         Kung saan galing ang kabalyero na kanyang gusto na gusto. Base sa kanyang mga nababasa na libro ay labis labis talagang nakakahanga ang mga Valeeryan. Ngunit nasasayangan siya na wala na ang mga ito sa kasalukuyang panahon.         Lalong lalo na ang maalamat na kabalyero. Ngunit dahil wala na ang kabalyero ay nais niya namang makita ang pakakasalan nitong babae na si Jamaicah Ulaah. Nais niya itong makalaban upang masukat kung sino ang mas magaling sa kanila.         Alam niyang mataas masyado ang kanyang pinapangarap kaya naman sa araw araw ay nagsasanay siya upang makilala rin sa lahat ng kalupaan upang isang magaling na mandirigma.         Iyon na nga ang pinakapangarap niya. Ang makilala ng lahat at maging isang magaling na mandirigma.         Yun nga lang ay nababahala siya sa magiging reaksyon ng kanyang ina. Siguradong madidismaya ito lalo na at ang gusto nito para sa kanya ay ang mga bagay na hindi gawain ng mga lalaki.         Tinanggal ni Inari ang kamay sa tubig ng ilog at tumayo na mula sa kanyang pagkakatalungko. Sa susunod na lamang sya mamimili kapag nasa katayuan na siya na kailangan niyang mamili ng isa ngunit sa ngayon ay nais niya munang magsanay ng magsanay upang maging isang magaling na mandirigma siya.         Tumayo si Inari sa kalagitnaan upang simulan ang pagsasanay. ***         Sa kabilang banda ay napaluhod naman si Levin sa kanyang nabalitaan. Dala ng ibon ang isang sulat mula sa kanilang kalupaan. Na nagsasabi na ang kanyang amang si Hidalgo ay namayapa na. Ang susunod sa trono nito na hahalili sa ama ay ang kanyang nakatatandang kapatid na si Tyrell Carlsen.         Isa itong masamang balita para sa kanya. Ang kanyang mahal na ama ay wala na. Hindi man lang niya ito nakita ng buhay.         Ang ikinalulumbay niya pa ay hind siya gustong pabalikin ni Tyrell sa kanilang kaharian upang dumalo sa burol ng kanyang ama. Sinasabi nito na masyadong mapanganib para sa isang Carlsen ang maglakabay sa ngayon pagka’t kalat sa buong kalupaan ang ginawa nilang pananakop. Mas makakabuti sa kanya ang manatili sa lupain ng mga Aragon dahil mas ligtas siya rito gaya ng sabi ng kanyang kapatid.         Si Emma naman ay agad na hinanap si Levin dahil nakarating din sa kanila ang masamang balita ng pagpanaw ng kanilang kaalyansa na si Panginoong Hidalgo.         Alam niya na lubos na nasasaktan ngayon ang binata kaya naman nais niyang damayan ito.              Natagpuan niya ang binata sa likod ng kanilang kastilyo.         “Levin,” tawag ni Emma sa binata. “Nakarating sa akin ang masamang balita. Ikinalulungkot ko ang nangyari. Ang mga Aragon ay nakikiramay sa pagkamatay ng iyong ama.”         Hindi naman sumagot si Alexander bagkus ay tumayo siya mula sa kanyang pagkakaluhod at nagbigay galang sa dumating na dalaga.         “Alam kong mahirap,” ani ni Emma. “Ngunit pakatandaan mo na hindi pa natatapos ang lahat. Namahinga lamang ng permanente ang iyong ama ngunit ang buhay mo ay mananatiling umiikot pa rin. Huwag kang mabigo o matagal na magtago. Narito ako, kami n gaming pamilya upang suportahan ka.”         “Salamat sa mainit mong pakikidalamhati sa akin, kataas taasang Emma,” ani ni Levin. “Ikinalulugod ko na narito ka upang pagaanin ang aking kalooban. Tunay na mabuting tao ang mga Aragon. Hindi ko malilimutan ang inyong kabutihan sa akin.”         “Hindi ka naiiba sa amin, Levin,” ani ni Emma. “Miyembro ka na ng aming pamilya. Dala ko rin ang isang magandang balita. Ipinaalam na kita sa aking ama upang lumuwas patungo sa inyong kalupaan ng sa ganoon ay makadalo ka sa lamay ng iyong ama. Pwede ka ng umalis ngayon din ng sa ganoon ay makabalik ka rin.”         “Gustuhin ko man, kataas taasang Emma,” ani ni Levin at napayuko. “Ngunit binilinan ako ng aking kapatid na manatili na lamang sa inyong lupain.”         Napakunot naman ang noo ni Emma sa kanyang mga narinig.         “Bakit? Anong problema?” tanong ni Emma.         “Dahil sa ginawang pananakop ng aking pamilya sa mga Octavin,” sagot ni Levin. “Nangananib ang aming mga buhay. Mainit ang mga mata sa amin ng mga La Casa at Octavin.”         Napaisip naman si Emma sa sinabi ni Levin. Ito nga pinoproblema ng kanyang ama at ina ngayon dahil sa naging pananakop ng mga Carlsen.         Nagbabadya ng panibagong laban bago pa man sumapit ang pagdidiwang ng hari para  sa kanyang ika labin limang taon ng pamumuno sa anim na kalupaan.         Huminga ng malalim si Emma. ***         `Binuksan ang karwahe ng isang kawal. Nakahinto sila ngayon sa harap ng kastilyo kasunod ang libo libong mga kawal ng mga La Casa.         Sa harapan ng karwahe ay ang tatlong kabayo.         Sakay sakay sa gitna si Kester La Casa. Sa kanan nito ay si Saero na kanyang kamay. At sa kabilang banda niya naman ay ang kanyang mapapangasawa na si Adira.         Sabungot ang mukha ni Kester at naiinis siya na siya ang pinadala ng ama upang dumalo sa pagiisang dibdib ng kanyang kapatid na si Ember at ni Tyrell Carlsen. Isama pa na kasama kasama niya ang pinaka kinaiinisan niyang babae na si Adira.         Hindi niya lubos maisip na sineryoso talaga ng kanyang ama na ipakasal sa kanya ang babaeng ito na mas mababa pa sa isang alipin.         Naiinis siya na ipinareha siya ng ama sa isang babae na hindi niya ka lebel.         Napayuko naman si Adira.  Binugbog siya ni Kester kaya naman kita pa ang pasa sa kanyang labi. Ayaw nito sa kanya at pinipilit siyang palayasin sa silid nito ngunit mas natatakot siya sa pwedeng gawin ng kanilang panginoon na si Raciero kapag hindi niya sinunod ang inuutos nito.         Bumaba si Ember mula sa karwaheng kanyang sinasakyan. Nakasuot siya ng magarbong damit para sa kanyang kasal.         Sa labas ay nagihintay na si Tyrell sa kanyang mapapangasawa at noong makita nya ito na bumaba ng karwahe ay agad niya itong sinalubong.         Mas lalong napasimangot si Kester La Casa noong lagpasan lamang siya ng bagong panginoon ng ika apat na kalupaan na si Tyrell Carlsen.         Hinawakan ni Tyrell ang kamay ni Ember at hinalikan ito.         “Maligayang pagdating sa aking kalupaan, mahal ko,” ani ni Tyrell sa kanyang mapapangasawa.         Habang si Ember naman ay hindi mapigilan ang malawak na ngiti sa kanyang labi.         Tuwang tuwa siya na ngayon ay nakita niya na si Tyrell at ito na rin ang araw kung saan mapapangasawa na niya ito.         “Mukhang hindi mo ako napansin, Tyrell,” madiin na ani ni Kester na batid mo na namaliit siya sa ginawa ng lalaki.         “Panginoon,” pagtatama ni Ember sa kapatid. “Panginoon ng ika apat na lupain ang kaharap mo, mahal kong kapatid. Bigyan mo siya ng paggalang sa kanyang pangalan.”         “Wala akong pakielam!” ani ni Kester. “Lumuhod ka sa harap ko ngayon din. Ako pa rin ang mas nakakataas sa iyo. Baka nakakalimutan mo, Tyrell na isang La Casa ang kaharap mo.”         Napansin ni Tyrell ang babaeng nasa tabi ni Kester. Mailap ang mga mata nito at nababatid niya na pinagbitawan ito ni Kester ng kanyang mga kamay.         Tumingin si Tyrell si akanyang mapapangasawa dahil sa sinabi ng kapatid nito na si Kester.         “Lumuhod ka sa harap ko o babalik kami sa aming kastilyo kasama ang aking kapatid na si Ember,” ani ni Kester na nagmamatigas at nais manalo sa mga oras na iyon. “Kasama ng libo libo kong mga kawal. Ako ang itinalaga ng panginoong Raciero upang pangunahan ang hukbo na ito. Magbigay ka ng galang sa pagtanaw ng utang na loob sa aming mga La Casa.”         Malalim na napahinga si Tyrell at lumuhod sa harap ni Kester.         “Maligayang pagdating sa aming kalupaa, kataas taasang Kester,” ani ni Tyrell.         Napangiti naman ng malapad si Kester sa ginawa ni Tyrell na tumango rin.         “Tara na sa aming kastilyo,” ani ni Tyrell at akmang aalis na noong pigilan siya ni Ember kaya napatigil ito sa paglakad.         “Mahal ko,” ani ni Ember na hindi papayag na maliitin lamang sila ng kanyang nakakatandang kapatid na si Kester. “Nais kong ipakilala sa iyo ang mapapangasawa ng aking mahal na kapatid.”         Nawala ang ngiti ni Kester La Casa sa sinabi ni Ember.         “Sino?” tanong ni Tyrell na batid na niya ang nais mangyari ng mapapangasawa.         “Si Adira,” ani ni Ember at ngumiti sa kanyang kapatid. “Isang babaeng alipin at mababa ang lipad. Siya ang mapapangasawa ng aking kapatd. Sa babaeng yan siya gagawa ng sarili niyang pamilya. Adira?”         Nagpigil ng tawa si Tyrell at minaliit na tinignan sila Kester at Adira.         Habang si Adira naman ay lubos na nasaktan sa sinabi ni Ember na ginamit pa siya nito upang labanan ang kapatid nitong si Kester.         “Salamat sa inyong paanyaya, panginoong Tyrell,” ani ni Adira at yumuko dito.         Nagkatinginan si Ember at Tyrell habang dala dala ang mapang asar na ngiti.         Masama naman ang tingin ni Kester sa kanyang kapatid na si Ember.         “Napakaswerte mo, kataas taasang Kester,” ani ni Tyrell dito. “Napakaganda ng iyong mapapangasawa.”         Ang mga salitang iyon ay puno ng panlalait na ikinainis ni Kester. Matapos ay tuluyan na silang pumasok sa loob ng kastilyo upang ganapin ang pag iisang dibdib nila Tyrell at Ember.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD