XXVI - The Raising Gods

1909 Words
At the Land of Birds: The Land of Free Men Third Person Point of View         Naphawak si Meira sa kamay ni Alexander ng mahigpit. Kahit nakabaluti ang lalaki ay nakilala niya agad ito. Ito lang naman kasi ang suot suot nito palagi kapag nasa labas sila ay pamilyar na ito sa kanyang mga mata.         Sa isang tabi ay tumigil sila sa kanilang pagtakbo. Agad na napayakap si Meira sa lalaki at napahagulgol sa takot.         Hindi siya makapagsalita habang nanginginig ang mga kamay. Niyakap din siya pabalik ni Alexander.         “Huwag kang matakot, mahal na prinsesa,” ani ni Alexander. “Ligtas ka na. Narito na ako.”         Mahigpit na niyakap ni Alexander ang dalaga. Lubos siyang nagpapasalamat na nagkita sila.         “Salamat, Alexander at dumating ka!” ani ni Meira sa binata. “Hindi ko na alam ang gagawin ko! Muntik na nila ako mapatay! Saan ba kayo ngapunta.”         Humagulgol si Meira habang mahigpit na nakayakap sa katawan ni Alexander.         “Ipagpaumanhin mo, mahal na prinsesa,” ani ni Alexander at kinalong ang dalaga. “Sisiguraduhin kong hindi na mauulit ang bagay na ito. Hindi ko hahayaang mawalay ka muli sa amin.         Sa pagkakayakap nila sa isa’t isa ay bahagyang kumalma si Meira.         Dinala siya ni Alexander sa kanilang tinutuluyan sa bahay ni Nabi. Naabutan nila roon si Nabi na naghahanda ng kakainin habang si Erebus naman ay nakaupo.         Agad na tumayo si Erebus at sinalubong ang kapatid na si Meira pagkakita na pagkakita nila sa isa’t isa.         Nawala na ang nakadagan sa kanyang dibdib noong makita ang kapatid.         Napakunot naman ang noo ni Nabi habang pinagmamasdan niya ang dalawa.         Tatanungin niya sana kung nobya ni Erebus ang dalaga ngunit noong makita niya ang mukha nito ay napansin niyang malaki ang pagkakahawig ng dalawa. Ang kaibahan nga lang ay mag kaiba ng kasarian ito.         Sigurado syang magkapatid ang dalawa.         Namangha si Nabi sa angking gandahan ng dalagang si Meira. Ang buhok nito ay bagay na bagay sa dalaga. Siguradong mamumutawi ito sa lahat kahit na nasa gitna pa ito ng libo libong mga tao.         Napatingin si Meira kay Nabi habang nakayakap siya sa kanyang kapatid. Humiwalay siya kay Erebus.         “Sino siya?” tanong ni Meira sa kanyang kapatid.         “Si Nabi,” ani ni Erebus. “Tutulungan niya tayong mahanap si Shabiri. Alam niya kung saan naninirahan ang mga puting babaylan.”         “Tama,” ani ni Nabi at ngumiti kay Meira. Sa palagay niya ay kung didikit siya kay Meira ay mahihirapin si Erebus na putulin ang koneksyon nila ng basta basta. “Bukas na bukas din ay sasamahan ko kayo sa mga babaylan.”         “Hindi bukas,” ani ni Erebus. “Pagkatapos natin kumain at magpahinga ng saglit ay pupuntahan na natin sila.”         Napatingin naman si Meira sa aknyang kapatid.         “Kung iyon ang iyong kagustuhan, mahal ko,” ani ni Nabi.         Napatingin ang dalawa sa sinabi ng dalaga.         “Bakit mo tinawag na mahal ang aking kapatid? May nanamagitan ba sa inyo?” tanong ni Meira dito.         Tinignan naman ni Erebus si Nabi.         “Ang ibig kong sabihin ay mahal kong panginoon,” ani ni Nabi at napakamot sa kanyang batok. “Kumain na kayo.” ***         Matapos kumain ay gaya ng pangako ni Nabi kay Erebus ay sinamahan niya ang mga ito sa babayalan.         Napatingin si Meira sa mga nakaukit sa gusaling nasa harap nila. Simple lang ang gusali ngunit alam mo na kakaiba ito sa unang tingin pa lamang.         May katandaan na rin ang itsura nito na parang nalipasan ng panahon.         Pagkapasok nila ay namangha si Meira sa kanyang nakita. Maluwang ang loob at hindi halata sa labas nito na may mga tinatagong magagandang bagay ang sino mang nakatira rito.         Napatayo si Shabiri mula sa kanyang pagninilay noong maramdaman ang mga presensya ng mga pumasok na tao sa loob ng kanilang gusali.         Naramdaman niyang muli ang presensya ni Meira kaya sigurado siya na ito iyon.         Agad siyang lumingon noong marinig niya ang mga hakbang ng mga ito.         Agad na nagulat siya sa nakita noong makita ang binatang nakita niya. Maging si Erebus ay nagulat.         Maging si Meira ay nagulat na muling makita ang babaylan na kanyang nakasalubong         “I-ikaw,” ani ni Erebus. Malakas na tumibok ang kanyang puso sa di niya malamang dahilan. “Nagkita tayong muli.”         Nagtaka naman si Nabi. Ngayon niya pa lang din nakita ang babaylan sa kanilang harapan. Ngayon lang siya naglakas loob na pasukin ang gusaling ito dahil kay Erebus.         Hindi makapagsalita si Shabiri.         “Nagbalik ka,” mahinang ani nito na medyo naluluha ang mga mata.         “Naparito ako upang hanapin si Shabiri,” ani ni Erebus. “Maari mo ba kaming samahan patungo sa kanya. Alam ko na imposible ang aking sinasabi ngunit nasabi sa akin ng aking ama na totoong nabubuhay ang babaylan na si Shabiri sa loob ng mahabang panahon.”         Agad na napaluhod si Shabiri sa harap ni Erebus na ikinagulat nila.         “Kamahalan!” mariin na sabi ng babaylan. “Ako si Shabiri na inyong hinahanap. Ang inyong tapat na tagapag lingkod.”         “K-kamahalan?” nagtatakang ani ni Nabi. Nagugulahan siya.         Kunot noo naman si Alexander na pinagmamasdan ang babaylan. Ni minsan kasi ay hindi niya pa nakita ang mukha ni Shabiri ngunit naririnig niya ang pangalan nito.         “Paano kaming nakakasiguradong ikaw nga si Shabiri?” tanong ni Alexander. “Maaaring nililinlang mo lamang ang aming mga isipan.”         Hinawakan naman ni Shabiri ang kanyang kwintas. Isang puting puting kwintas na babasagin.         “Walang duda!” gulat na sabi ni Nabi. “Siya ang pinuno ng mga babaylan. At ang kwintas na kanyang suot suot ay kwintas ng purong birhen na si Shabiri. Ag kwintas na iyan ang sumisimbolo ng kanyang kapuruhan. Hindi siya nagsisinungaling.”         “Ikaw?” gulat na ani ni Meira. “Ngunit nagkita na tayo kahapon!”         “Mahal na prinsesa,” tawag ni Shabiri at yumuko rito.         Malalim na huminga si Erebus.         “Nais kong kausapin ka ng masinsinan,” ani ni Erebus. “Maari ba babaylan?”         “Ano amg dahilan para hindi ko tanggapin ang iyong hinihing, kamahalan,” ani ni Shabiri. “Halika at sumunod ka sa akin.”         Sinundan naman siya ni Erebus at nakarating sila sa isang tahimik na lugar na tanging silang dalawa lamang ang naroroon.         “Kamangha mangha na nakilala mo ako, agad,” ani ni Erebus. “Hindi ko na kailangan pang ipaliwanag kung sino ako dahil alam mo naman kung saang angkan ako nagmula.         “Bago mamatay ang aking ama ay sinasabi niya sa akin na hanapin kita pagka’t ikaw ang makakatulong sa amin upang bawiin muli ang bumagsak naming kaharian.”         “Kamahalan, tapat akong iyong lingkod,” ani ni Shabiri. “Ngunit may ibang bagay ang nararapat kong gawin sa mga nalalabing oras ko rito sa aking mundo.”         “Tao ka ng aming angkan,” ani ni Erebus. “Hindi mo ako pwedeng tanggihan, babaylan. Ikaw na lamang ang makakatulong sa amin. Ikaw ang pinaka may alam sa lahat. Sigurado akong matutulungan mo kami. Tulungan mo kaming itaguyod muli ang mga Valeeryan.         “Sa loob ng ilang taon ay nagtago kami sa dilim. Nagsanay. Ikaw ang una naming hinanap, Shabiri pagkalabas namin ng aming kalupaan. Bukod kay Alexander ay sa iyo kami hinabilin ng aming ama. Matutulungan mo naman ako hindi ba?”         Napatitig si Shabiri sa mata ni Erebus. Kitang kita niya ang pagnanais dito. Kitang kita niya ang nag aalab na pulang mga mata nito. Kitang kita niya ang haring Armeo.         “Maari kitang tulungan sa mga bagay ngunit limitado lamang ito,” ani ni Shabiri sa lalaki. “May mga bagay din akong dapat gampanan. Maari kitang gabayan, kamahalan sa iyong paglalakabay.”         “Kung ganoon ay napagkasunduan na,” ani ni Erebus. “Sisilong ka sa aking mga pakpak. Sasailalim ka sa aking pamamalakad.”         “Kamahalan, hindi mo ba ako nakikilala?” tanong ni Shabiri.         Mariin namang napatitig si Erebus sa babaylan.         “Ngayon pa lamang tayo nagkita,” sagot naman ni Erebus sa kanya. “Nagkita na ba tayo dati pwera sa pagkikita natin noong isang araw?”         Umiling iling naman si Shabiri.         “Hindi pa,” ani ni Shabiri rito. “Huwag niyo na lamang pansinin ang aking tinanong.”         “Sa ngayon ay wala pa akong mga taong makikipaglaban sa akin,” ani ni Erebus.  “Wala pa akong hawak na mga mandirigmang handang mamatay para sa akin. Kulang ang aking pwersa. May maiimungkahi ka ba.”         Napansin ni Shabiri na nais agad makasiguro ng kamahalan sa kanyang mga tao.         “May kilala akong isang tao na naninirahan dito sa malayang kalupaan,” ani ni Shabiri. “Pwede mo syang maging kamay. Noong makita ko siya ay sigurado akong isa siyang masunuring mandirigma sa oras na mapasailalim siya ng isang pinuno. Malaki rin ang mga tauhan niya sa lupaing ito.”         “Sino ang tinutukoy mo?” tanong ni Erebus.         “Si Augustus,” sagot ni Shabiri sa binata. ***         Naglakad lakad si Meira sa gusali at sinilip ang mga kwarto. Kasunod niya lamang si Alexander. Hindi na nais ni Alexander na mawalay sa kanyang mga mata ang prinsesa.         Napadpad sila sa isang kwarto na puno ng pinta.         Pumasok roon si Meira upang tignan ang mga nakapintang larawan. Nagulat siya ng makita ang taong nakapinta sa bawat papel.         “Mahal na prinsesa,” tawag sa kanya ni Alexander mula sa pinto. “Hindi ko nais na magalit ang babaylan. Isa itong pribadong silid. Sa tingin ko ay hindi tayo nararapat dito.”         Paatras naman na lumakad si Meira habang nakatitig sa mga pintang nakakalat sa may kwarto.         Sa kanyang paglabas ay ang pagdating nila Erebus ay ni Shabiri. Kasunod nila si Nabi na nasa gilid ni Erebus.         “Kanina pa kayo namin hinahanap,” ani ni Nabi sa dalawa. “Kung saan saan kayo nagpupunta.”         Nakita ni Shabiri na lumabas si Meira sa silid na kanyang pintahan.         Napatingin si Meira sa kanya.         “May mga pinta sa loob,” ani ni Meira. “Ikaw ba ang nagpinta ng mga iyon?”         “Libangan ko ang pagpipinta, mahal na prinsesa,” ani ni Shabiri at inilabas ang isang sibat. “Narito nga pala ang naiwan mong armas noong tayo ay nagkita noong isang araw.”         Nagulat si Meira at agad na kinuha ang armas sa kamay ng babaylan. Akala niya ay tuluyan ng nawala sa kanya ang armas na iniregalo sa kanya ni Alexander.         “Mabuti na lamang at nasa iyo ito,” ani ni Meira at tuwang tuwa na makita muli ang sibat. “Akala ko ay tuluyan ko ng naiwala ito.”         “Sa itsura ng sibat ay mukhang ginawa ito espesyal sa iyo, mahal na prinsesa,” ani ni Shabiri. “Hindi ko maiiwan ang bagay na iyan mag – isa lalo na at mahalaga sa iyo ito.”         “Magpupulong pulong tayo,” ani ni Erebus. “Si Shabiri ay inaatasan ko na ating taga payo at gabay sa bawat hakbang na ating gagawin. Ang iba pang mga detalye ay ihahayag ko sa ating pulong na silid. Ngunit sa ngayon ay nais ko na magpahinga na muna tayo. Bukas na tayo mag usap usap.”         “Dito ba tayo magpapalipas ng gabi?” tanong ni Alexander.         “Nakahanda ang mga kwarto para sa sino mang bisita,” ani ni Shabiri. “Ipahahanda ko ang mga ito sa aking mga babaylan.”         Nagkatinginan si Alexander at Erebus.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD