XXI - Pagdidiwang at Lihim

1908 Words
At Fourth Land : The Land of Wealth Third Person Point of View         “Kampay!!!” sigaw ni Hidalgo sa lahat ng kanyang kaharap ngayon na kanyang nasasakupan.         “KAMPAY!!!!” sabay na sabay na sagot nito pabalik sa kanilang panginoon habang taas taas ang mga baso.         “Magdiwang tayo ngayong buong araw para sa ating gantimpala sa ating mga sarili ngayong nasa atin na ang ika apat na kalupaan!” ani ni Hidalgo ngumiti.         “MABUHAY ANG PANGINOONG HIDALGO! MABUHAY ANG MGA CARLSEN!!!” sigaw ng mga kawal nila saka uminom ng mga alak na laman ng kanilang mga baso.         Sila ay sunod sunod na nagtawanan at nagkwentuhan. Hindi nila alintana ang mga bagay bagay at ang nais lamang nila ngayon ay magdiwang sa kanilang tagumpay.         Napatingin naman si Hidalgo sa kanyang anak na si Tyrell Carlsen. Tahimik ito sa isang gilid.         Napansin ni Tyrell ang ama kaya naman kinuha niya ang kanyang inuman ng alak at itinaas ito sa ere.         “Binabati kita, mahal kong ama sa iyong tagumpay,” ani ni Tyrell rito at ngumiti. “Sa iyong pamumuno ay matagumpay nating nasakop ang buong ikaapat na kalupaan.”         “Matapos ang pagbubunyi na ito ay panibagong laban nanaman an gating haharapin,” ani ni Hidalgo sa anak at lumagok ng alak. “Ang mga Ocatvin at mga La Casa. Kung mamalasin ay baka sumama pa ang mga River upang makipagdigma sa atin. Napadalhan mo na ba ng sulat ang panginoon ng Ikaunang kalupaan?”         “Gaya ng sinabi mo ay pinadalhan ko na ng sulat si Panginoong Gregor,” ani ni Tyrell at ibinaba ang kanyang baso na hindi niya pa naiinuman. “Tanging sagot niya na lamang an gating hinihintay.”         Nguniti taliwas sa kagustuhan ng ama ang sulat na ipinadala niya sa mga Aragon. Iniba niya ang mensahe sa liham.         “Sasamahan tayo ng unang kalupaan sa ating pakikipaglaban laban sa tatlong pamilya,” ani ni Hidalgo. “Oras na upang tayo ay tumayo sa nararapat. Ang iyong kapatid? Napadalhan mo na ba ng sulat si Levin? Siguradong matutuwa iyon sa ating tagumpay.”         “Huwag kang mag alala, aking mahal na ama,” ani ni Tyrell sa kanyang amang si Hidalgo. “Napadalhan ko na ng sulat si Levin patungkol sa ating tagumpay.”         Ang totoo ay hindi niya ito pinadalhan. Sigurado naman siya na malalaman din ng kanyang kapatid ang nangyari sa ika apat na kalupaan dahil sa matatanggap na mensahe ng panginoon doon na si Gregor.         Isa pa ay iniisip niya rin ang maaaring sabihin pabalik ni Levin sa kanyang ama. Kilala niya ang kanyang kapatid. Kakaiba rin iyon mag – isip. Isa pa ay baka masira ang kanyang mga plano kapag nalaman ng kanyang ama na iba ang mensaheng kanyang ipinadala.         Mahihirapan siya kapag taliwas sa kanyang inaasahan ang ipadala ni Levin sa kanila. Lubha iyong magtataka kaya minasmabuti niyang hindi na ito sulatan. Hindi niya rin nais kalabanin ang kapatid.         “Bakit hindi ka umiinom?” tanong ni Hidalgo sa anak noong mapansin na hindi ito gumagalaw ng kahit anong nasa mesa. Maging ang baso nito ay puno pa. “Hindi mo ba gusto ang alak? Kung ganoon ay magpapakuha ako ng iba.”         Akmang tatawagin ni Hidalgo ang kanyang mga taga silbi noong pigilan siya ni Tyrell.         “Huwag na ama,” ani ni Tyrell. “Ako ay nag – aalala rin sa inyo. May sakit kayo kaya hindi kayo dapat nagpapakalunod sa alak. Ikinatatakot ko na baka mas lumubha pa ang inyong nararamdaman. Itigil niyo na ang inyong pag – inom.”         Tinungga naman ni Hidalgo ang lahat ng laman ng kanyang baso.         “Kung mamamatay ako ay hindi dahil sa alak iyon,” ani ni Hidalgo sa anak. “Hindi ako papayag na mamatay ako habang hindi nauubos ang mga La Casa. Malaking banta sila sa lahat ng kalupaan kaya hindi ako papayag na mauna pa akong mamatay kaysa sa kanila. Ang mabuti pa ay kuhanan mo ako ng alak doon sa may mesa. Nais ko pang uminom.”         “Ama,” tawag ni Tyrell dito upang ipaalam dito na nag aalala siya. “Itigil mo na ang iyong pag inom. Nasisigurado akong hindi rin magugustuhan ni Levin kapag nalaman niya na umiinom ka pa ng alak.”         “Maigsi na nga lang ang buhay ko ay pagbabawalan mo pa ako sa mga bagay na gustu ko, Tyrell,” ani ni Hidalgo at itinulak ang kanyang baso sa kamay ng anak. “Sige na. Kuhanan mo pa ako. Hayaan mong lasapin ko ang alak bago pa mahuli ang lahat at mamatay ako.”         Malalim naman na napahinga si Tyrell at kinuha ang baso sa kanyang ama saka tumayo upang kumuha ng alak sa lamesa ng mga alak.         Noong makarating siya roon ay lumingon siya sa kanyang ama. Okupado ito sa pakikipagkwentuhan sa kanyang mga tagasilbi.         Luminga linga si Tyrell at tinignan kung may mga nakakita sa kanya. Noong makasiguro siya na wala ay inilabas niya ang isang maliit na tuyong perpume at dali dali niyang inilagay ang laman  nito sa baso ng kanyang ama.         Noong maubos niya ang laman ng tuyong perpume ay itinago niya ito sa kanyang damit at nilagyan ng alak ang baso ng kanyang ama. Palinga linga siya sa paligid.         Sa totoo lang ay kinakabahan pa rin siya kahit ilang beses niya na itong ginagawa. Hindi dahil sa takot siya kundi dahil ang nilalason niya ay ang sarili niyang ama na si Hidalgo.         Ginagawa niya lang naman ito para kay Ember La Casa. Nais niyang pakasalan si Ember ngunit alam niyang hindi papayag ang kanyang ama. Ngunit sa oras na wala na ito at siya na ang namumuno ay wala ng makakapigil sa kanyan.         Nakipagkasundo na rin siya sa pinuno ng ikalimang kaharian na s Raciero. Walang duda na sumasang ayon ito sa kanilang kasunduan na pakakasalan niya ang anak nito na si Ember kapalit ng kanyang katapatan sa mga La Casa.         Hinalo niya ng kanyang kamay ang alak sa baso saka muling bumalik sa lamesa nila ng kanyang ama.         Wala namang pagdududa na ininom ito ng Panginoong Hidalgo.         Sa isang gilid ng mga nagkakasiyahan ay nakasilip ang isang babaeng nasaksihan ang lahat ng ginawa ni Tyrell.         Alam niya ang laman ng tuyong perpume na iyon. Isang lason. Lason na unti unting papatay sa isang malusog na nilalang.         Matagal na niyang sinusubaybayan ang anak nito na si Tyrell. Ilang buwan na ring ginagawa ni Tyrell ito sa kanyang ama. Sa kanyang tingin ay malapit na ring mawala sa mundo ang kanilang panginoon na si Hidalgo.         Isang lalaki ang lumapit kay Tyrell.         “Liham para sa iyo, galing sa anak ng mag asawang La Casa,” bulong ng kanyang tagapaglingkod saka palihim na ibinigay sa kataas taasang Tyrell.         Agad naman na itinago ni Tyrell ang liham sa kanyang damit at nag paalam saglit sa kanyang ama. Hindi na siya makapag hintay na basahin ang nilalaman ng sulat mula sa kanyang nobya.         Pumunta siya sa lugar kung saan walang katao tao at inilabas ang papel na selyado pa.         Walang duda na galing ito kay Ember La Casa.         Binuklat ni Tyrell ang papel at binasa ito. Napangiti siya sa nilalaman ng sulat. Noong matapos ay pinunit punit niya ang papel at itinapon sa lupa ito.         “Sumulat ka sa magandang dalaga na nasa kastilyo ng mga La Casa,” ani ni Tyrell sa kanyang taga paglingkod. “Sabihin mo sa kanya na hindi na magtatagal pa ang kanyang paghihintay at malapit ko na siyang kuhanin upang dalhin dito sa ating kalupaan. Sabihin mo na maghanda na siya para sa nalalapit naming kasal. Ipabatid mo rin sa sulat kung gaano ako nangugulila na sa kanya.         Nakatingin si Tyrell sa kalangitan habang nakangiting binabanggit ang mga bagay na iyon. Tila nakikita na niya ang mukha ni Ember sa langit dahil sa kanyang lubos na pangungulila.         “Siguraduhin mong walang makakahuli sa iyo at siguraduhin mong makakarating iyan kay Ember La Casa dahil kung hindi ay pugot ang iyong ulo.”         “Masusunod panginoon ko,” ani Hulyo sa kanyang amo. *** Napatingin naman ang simpleng mamayan na si Lowee sa binatang natutulog sa ilalim ng puno. Puno ng putik ang mukha nito kaya naman dala ang kanyang bald eng tubig ay sumalok doon ang kanyang mga kamay at pinunasan ang mukha ng payat na binata. Napatigil si Lowee sa kanyang pagpupunas ng mukha ni Addison noong isang matalim na espada na ang nakatutok sa kanyang leeg. “Subukan mong hawakan muli ang aking panginoon at malalaman mo kung gaano katalim ang aking espada,” ani ni rey at idiniin ang talim ng espada sa leeg ng dalaga. Itinaas naman ni Lowee ang kanyang dalawang kamay upang palantadaan na wala siyang balak na masama. “Ako ay nag mamabuting loob lamang,” ani ni Lowee sa taong nasa likuran niya. “Naabutan ko lamang ang ginoo na natutulog sa ilalim ng puno habang ako ay nag iigib ng tubig. Naisipan ko lamang na linisin ang madumi niyang mukha ng tubig na aking dala dala.” “Hindi lang isang ginoo ang binatang kaharap mo!” madiin na sabi ni Rey. “Magbilang galang ka sa kataas taasang Addison!” Napadilat naman ng mata si Addison dahil sa ingay na kanyang naririnig. Nakita nya ang babaeng nakatingin sa kanya. Kulot kulot ang makapal na buhok nito at matangos ang ilong. Kasing kulay ng buhok nito ang kayumangging balat. Kulay itim ang mga mata nito na nakatingin sa kanya. “Isang Octavin,” ani ni Lowee na nagulat. Hindi niya akalain na isa pa lang dugong bughaw ang binatang kanyang kaharap. “Ipag paumanhin niyo ang aking kalapastangan,” ani ni Lowee. “Ano ang nangyayari dito, Rey?” tanong ni Addison sa lalaki at napahawak sa kanyang basang mukha. “Ibaba mo ang iyong sandata. Tinatakot mo ang binibini.” “Ngunit baka mamaya ay kung anong gawin niya sa inyo,” ani ni Rey na masyadong nag iingat gayong alam niya na hinahanap sila ng mga Carlsen. “Huwag kayong mag – alala,” ani ni Lowee. “Hindi ako masamang tao. Nabalitaan ko ang nangyari sa panginoong Merco. Tapat akong naglilingkod sa mga Octavin. Hayaan niyo na tulungan ko kayo pansamantala.” “Huwag mong bibilugin ang aming ulo, babae,” mariin na ani ni Rey dito. “Walang bahid ng panloloko ang aking alok,” ani ni Lowee. “Nais ko kayong matulungan upang makabawi sa kabutihang ipinakita sa amin ng pamilyang Octavin. Pwede ko kayong patuluyin sa aking bahay.” “At doon ay kikitilin mo an gaming mga buhay?” tanong ni Rey. “Huwag na lamang.” “Ano ang laban ko sa inyong dalawa?” tanong ni Lowee. “Isa akong babae at wala akong laban sa dalawang lalaki na sinanay sa paghawak ng isang sandata. Ako ay isang alipin lamang sa ika apat na kalupaan. Wala akong alam sa paghawak ng kahit anong sandata.” “Ipakita mo ang inyong pagkakakilanlan,” utos ni Rey sa dalaga. Inilabas naman ni Lowee ang maliit na kahoy kung saan nakaukit ang kanyang pangalan. Kinuha iyon ni Rey at pinagmasdan. Matapos ay ibinaba niya ang kanyang sandata. “Halika kayo at sumunod kayo sa akin,” ani ni Lowee. “Tamang tama at nakahain na ako ng kakainin.” Malungkot naman na tumingin si Addison kay Rey. Tumango naman ang lalaki sa kataas taasan. Sinundan nila ang dalag upang makahaap ng pansamantalang matutuluyan.ulHulyo
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD