At the Fifth Land: The Land of Snakes
Third Person Point of View
“Ember!!!” tawag ni Mercolta sa kanyang anak habang nakahawak sa mga bakal sa maliit na bintana ng kanyang silid. “Anak! Pumarito ka! Kausapin mo ang iyong ina kahit saglit lamang!”
Napahinto naman si Ember La Casa sa kanyang paglalakad. Hawak niya ang sulat ngayon ni Tyrell Carksen mula sa ika apat na kaharian na katatapos niya lamang basahin ng mga sandaling ito.
Malalim siyang huminga at napatingin sa silid ng kanyang ina. Bigla namang nabuhayan ang mga mata ni Mercolita ng tumingin sa kanya ang anak na babae.
Mula noong isang araw pa siya nag sisisigaw ngunit maging si Kester na kanyang anak ay hindi siya pinapansin. Batid ni Mercolita na ito ang utos ng kanyang asawa sa kanyang mga anak na huwag siyang pansin.
Naglakad naman papalapit si Ember sa silid ng kanyang ina at sinenyasan ang mga taga bantay na saglit na umalis upang makapg usap silang dalawa.
“Anak ko,” tawag ni Mercolita sa kanyang anak. “Tulungan mo ako makalabas rito. Tulungan mo ang iyong ina. Kailangan kong makalabas rito.”
Hindi naman sumagot si Ember sa sinabi ng kanyang ina at umilap ang mga tingin. Wala siyang balak na palabsin ito tulad ng kanyang ama.
“Ember,” tawag ni Mercolita rito. “Nalason na ba ng iyong ama ang iyong isipan? Sinabi niya ba sa iyo na huwag akong pansinin pagka’t wala ako sa matino kong pag iisip? Anak ako ito, ina mo ako. Huwag kang maniwala sa mga kasinungalingan ng iyong ama.
Napahigpit ang pagkakahawak ni Mercolita sa mga bakal. Ramdam ng kulubot niyang balat ang malalamig na bakal.
“Hindi ako baliw. Tulungan mo akong makalabas dito dahil kailangan kong tulungan ang aking ama na iyong lolo. Kailangan nila ng tulong mula sa kaharian.”
Nanatiling tahimik si Ember.
“Kung hindi mo ako pakakawalan ay tulungan mo na lamang ako na magpadala ng sulat sa iyong kapatid na Mercier,” ani ni Mercolita na napansin na hindi sumasagot ang kanyang anak na si Ember. “Kahit iyon na lamang anak. Kailangan ng iyong lolo ng tulong upang depensahan ang kanyang pwesto. Ember, anak. Parang awa mo na. Tulungan mo akong makapagpadala ng sulat sa iyong kapatid na reyna.”
Hinawakan naman ni Ember La Casa ang mga kamay ng kanyang ina. Napapikit siya at malalim na huminga.
“Hindi pa ba nakarating ang balita sa iyo. Ina?” tanong ni Ember rito.
“A-anong balita??” tanong ni Mercolita na kunot ang noo. “Anong balita iyon?? Sabihin mo!”
Napalunok si Ember at nagdadalawang isip kung sasabihin niya ba ito sa kanyang ina.
“I-ina,” tawag ni Ember rito. “Wala na ang lolo Merco. Napatay na siya ng pinuno ng mga Carlsen na si Hidalgo. Tuluyan na nilang napatalsik ang mag Octavin sa ika apat na kalupaan. Sila na ang mga namumuno ngayon sa kastilyo ng ika apat na kalupaan. Ikinalulungkot ko ngunit wala na ang lolo.”
Napabitaw si Mercolita sa bakal. Gulat na gulat siyang napaatras. Naiiyak ang kanyang mga mata na hindi makapaniwala sa sinabi ng kanyang anak na si Ember.
Nadapa siya sa sahig at napahagulgol ng bigla sa sakit ng balitang kanyang natanggap.
Napalapit naman si Ember sa pinto ng silid na may pag aalalang nakatingin sa kanyang ina na si Mercolita.
“Sinabi ko na kasi.” Ani ni Mercolita habang umiiyak. “Sinabi ko na kasi na kailangan nila ng tulong. Ngunit walang pumansin sa akin. Tila isa akong multo rito na hindi niyo pinagtutuunan ng atensyon. Ember, kadugo mo iyon. Kadugo niyo sila. Lolo mo si Merco ngunit bakit hinayaan niyo lamang! Bakit ka nakinig sa iyong ama?”
Napahawak si Mercolita sa kanyang ulo habang umiiyak.
“Ina,” tawag ni Ember rito. “Huwag kang mag alala. May mabuti namang kapalit ang nangyari. Ano pa nga at ako rin ang mamumuno sa ika apat na kaharian. Pakakasalan ko ang kanilang anak na si Tyrell.”
Napatigil naman si Mercolita sa sinabi ng kanyang anak.
“Isinakripisyo mo ang aking ama para sa iyong minamahal?” tanong ni Mercolita at tumayo saka lumapit sa pinto. “Anak! Kakampi ng mga Aragon ang mga Carlsen! Hindi sila papayag na magkaroon ng kapamilyang La Casa!”
Umiling iling si Ember.
“Iyon ang alam ng lahat, Ina, “ ani ni Ember. “Ngunit may plano si Tyrell. Sa oras na mawala na ang kanyang ama ay kukuhanin na niya ako bilang kanyang asawa.Pakakasalanan niya ako at mawawalan ng kaalyansa ang mga Aragon pagka’t nasa La Casa na ang katapatan ng mga Tyrell.”
“Paano ka nakakasiguro?!” tanong ni Mercolita. “Hinding hindi aanib sa atin si Hidalgo! Hindi niya pagtataksilan ang kanyang mga kaalyansa.”
“Siya hindi,” ani ni Ember na ikinagulat ni Mercolita. “Pero si Tyrell oo. Gagawin lahat ni Tyrell para sa akin. Gagawin niya ang lahat para sa anak mo kahit patayin niya pa ang sarili niyang ama.”
Napatakip ng bibig si Mercolita sa sinabi ng kanyang anak.
“Naririnig mo ba ang sinasabi mo Ember?” tanong ni Mercolita sa anak. Hindi siya sang ayon sa nais mangyari ng kanyang anak. “Nais mong pakasalan ang taong katulad niya? Gaano ka kasigurado na magiging mabuti ang kapalaran mo sa kanyang mga kamay? Kung sinabi ito ng iyong ama ay huwag mo ng ituloy. Sinisira niya lamang ang iyong buhay. Isang traydor at taksil ang mapapangasawa mo!”
“Mahal namin ang isa’t isa at sapat na ang ginagawa niya upang patunayan sa akin iyon ina,” ani ni Ember dito. “Hindi ako papayag na masira ang lahat ng kagustuhan ko. Nais kong mamuno sa ika apat na lupain at pakasalan si Tyrell. Kahit anong sabihin mo ay hind mo mababago ang aking isipan. Ibigay mo na sa akin ito ina.”
Umiling iling si Mercolita.
“Kailangan mo ba talagang gawin lahat ito?” tanong ni Mercolita. “Kay among magsakripisyo ng buhay para sa isang kapangyarihan at posisyon? Mas mahalaga na ba ito sa iyo, Ember?”
“Tignan mo ang aking mga mata ina,” ani ni Ember. “Pakititigan mong mabuti at sabihin mo sa akin kung ano ang iyong mga nakikita?”
Tinitigan naman ng mga nagluluhang mata na luntian ni Mercolita ang nakatitig sa kanyang mata ni Ember.
“Ano ang kulay ng aking mga mata? Kahel,” ani ni Ember. “Mga kahel na mata. Mata ng isang La Casa. Isa akong La Casa. Nanalaytay ang dugo ng La Casa sa akin. Hindi ka na dapat pa nagtatanong.
“Kung mahal mo ako ay hindi mo ako hahadlangan sa aking kagustuhan, ina. Mahal mo naman ako hindi ba?”
Napayuko naman si Mercolita sa sinabi ng anak.
***
Nakangiti si Raciero habang pinagmamasdan ang ahas na gumagapang sa lupa. Mabilis itong gumagapang patungo sa masukal na parte ng lupa.
“Et quod serpens c*m volare. Et conciliandos genus suum,” ani ni Raciero habang dala dala ang kanyang ngiti.
(Ang ahas ay makakalipad na sa nalalapit na oras. Nanalo ito sa kanyang laban.)
“Ubi est filius meus Kester? Quid struit?” tanong ni Racier kay Den.
(Nasaan ang aking anak na lalaki na si Kester. Anong ginagawa niya?)
Tumikhim naman si Den sa tanong ng kanyang panginoon kaya napatingin si Raciero sa kanya.
Habang sa kabilang banda ay isang malakas na tawa ang namutawi sa apat na sulok na silid kung nasaan si Kester. Napapaligiran siya ng mga babaeng nakayakap sa kanya. Habang puno ng pagkain at alak ang kanyang lamesa.
Hawak hawak ni Kester ang isang sigarilyo sa isang kamay habang sa kabila naman ay isang baso ng alak. Pagkahihit niya ng sigarilyo ay sinunod niya namang inumin ang alak sa kanyang baso.
“Panginoon, kailan ka hahalili sa iyong ama?” tanong ng isang babaeng nakasandala sa dibdib ng binata.
“Bakit ka ba naiinip?” tanong naman ni Kester at uminom muli ng alak. “Tila may mas interes ka pa sa trono ng aking ama kaysa sa akin.”
“Ipinangako mo sa akin na gagawin mo akong reyna,” ani ng babae at hinimas ang kanyang bibig.
Ibinulwak naman ni Kester ang kanyang alak na nasa bibig sa mukha ng babaeng nakayakap sa kanya.
Napabitaw naman ang babae sa pagkakayakap at inis na tumingin sa kanya.
Natawa si Kester sa mataas na pangarap nito. Kahit kailan ay hindi niya pakakasalan ang isang babaeng mababa ang lipad. Masyado itong nangangarap ng mataas kung nagnanais ang dalaga na mapangasawa ang isang mataas na binatang katulad niya.
Hinawakan niya sa mukha ang babae kung saan natatakpan ng kanyang kamay ang maliit na mukha ng dalaga. Malakas niya itong itinulak kaya nalaglag ito sa malaking inuupuan nila at lumagakpak sa lupa.
“Panginoon?!” hindi makapaniwalang tawag sa kanya ng dalaga.
Inilagay naman ni Kester ang kanyang hintuturo sa kanyang ilong.
“Huwag kang mangarap ng imposible!” ani ni Kester dito at tumawa. “Hindi ko pakakasalanan ang tulad mo! Ang kagaya mo ay palipasan ko lamang ng oras. Kaya kung gusto mo na makalapt pa sa akin ay ayus ayusin mo ang mga sinasabi mo.”
Tumawa si Kester at isang babae naman ang pumalit sa pwesto ng dalaga kanina.
“Huwag mo siyang pansinin panginoon,” ani ng babaeng lumapit. “Wala naman siyang importansya sa silid na ito kaya palabasin mo na lamang kaysa sirain niya pa ang iyong araw.”
Napatingin naman ang dalaga sa binata na humihingi ng pagtatanggol sa kanyang panginoon ngunit taliwas sa kanyang inaasahan ang ginawa nito.
Ngumisi ito sa kanya na punong puno ng pang hahamak. Pakiramdam niya ay nanliit siya ng mga oras na iyon.
“Ano pa ang hinihintay mo? Lumabas ka na!” taboy sa kanya ng isang babae.
Pinulot naman ng dalaga ang kanyang mga damit at naglakad palabas ng silid.
Pagbukas niya ng pinto ay nagulat siya sa kanyang nakita. Naroon ang panginoon ng ika limang kalupaan at matalim ang mga tingin.
Napagawi naman ang tingin ni Kester sa may pinto at agad na nanlaki ang kanyang ama kasama nito ang kanyang malapit na tauhan na si Den.
Agad na itinulak ni Kester ang mga babaeng nakapaligid sa kanya at napatayo mula sa kanyang pagkakaupo.
“A-ama,” tawag ni Kester habang gulat na gulat. Napatingin siya sa mga babae at pinanlakihan niya ito ng mga mata upang umalis sa silid.
Agad naman na nagsihulasan ang mga babae at naglakad papunta ng pintuan ngunit hindi sila makaraan dahil nakaharang ang ama nito.
“Ito ba ang buhay na gusto mo?” tanong ni Raciero sa kanyang anak.
Ngumiti naman si Kester na may halong pangamba.
“Nagbibigay lang ako sa sarili ko ng oras upang magpakasiya,” sagot naman ni Kester.
“Magpakasiya??!” mariin na tanong ni Raciero at hinablot ang babaeng pinakamalapit sa kanila sa kanyang braso. “Anong pangalan mo?”
“A- Adira panginoon,” natatakot na sagot nito.
“Sumama ka sa akin at ihahanda kita upang pakasalanan ang aking anak na si Kester,” ani ni Raciero.
Nagulat ang lahat roon lalong lalo na si Kester.
“Ama!” tawag ni Kester.
“Nais mong magpakasaya? Kung ganoon ay ipapakasal ko sa iyo ang kasiyahan mo ng sa ganoon ay araw araw kang maging masaya!” madiin na sabi ni Raciero at binitawan ang kamay ng babae. “Sumunod ka sa akin.”
Tumalikod na si Raciero at sumunod din si Den. Napatingin si Adira kay Kester at matapos ay sumunod na rin sa kanilang panginoon.
Malakas naman na sinipa ni Kester ang upuan.
“BWISETT!” malakas niyang sigaw at galit na lumabas ng silid.