XX - Plans

2017 Words
At Third Land: The Land of Sword Third Person Point of View         Inasinta ni Aero ang kanyang palaso sa maliit na mansanas na ilang metro ang layo sa kanya. Nagsasanay siyang mabuti para sa darating na kasiyahan sa kaharian ng mga River. Kailangan niyang mahasa ng mabuti ang kanyang pag asinta upang hindi ito mamali ng tira. Alam niyang magaling siya pagdating sa pana at palaso ngunit alam niya rin na kahit ano pang galing ng isang tao ay mayroon at mayroong makakatalo dito at kailangan nito palaging hasain ang kakayahan sa araw araw.         Hindi siya pwedeng kumalma at magpakasigurado na isang asinta niya lamang ay tatama na ang kanyang palaso sa mga La Casa dahil ano man ay pwedeng mangyari.         Noong makasigurado si Aero na tama na ang kanyang pag asinta ay binitawan niya ang pagkakahawak sa palaso ngunit bago pa man tamaan ng palaso niya ang mansanas ay may ibang palaso na ang tumama rito.         Agad siyang napatingin sa direksyon kung saan galing ang palaso at nakita niya roon ang isang babaeng mahaba ang buhok na hanggang likuran. May nakalagay na simpleng lamuymoy sa noo nito  na kay gandang pagmasdan.         Nagmumukha itong isang diwata dahil sa kasuotan at kagandahan.         Ito si Makani Ulaah. Gaya ni Aeo ay asul rin ang mga mata nito.         Nakangiti ito sa kanya habang ang kamay ay nasa posisyon pa ng pagmana.         “Mas magaling na ba ako ngayon sa prinsipeng binasgang diyos ng palaso?” tanong ni Makani sa prinsipe at lumapit dito. “Ano ang iyong masasabi, mahal kong prinsipe?”         Bumunot muli si Aero ng palaso at umasinta.         “Ano ang ginagawa mo rito?” tanong ni Aero na hindi pinansin ang tanong ng dalaga. “Hindi ka dapat narito. Ito ay pribadong lugar na aking sanayan. Walang sino man ang maaring pumasok dto maliban sa akin.”         “Alam ko ngunit pinapayagan mo naman ako na pumasok dito,” ani ni Makani habang nakangiti.         Hindi naman nagsalita si Aero. Tuna yang sinabi ng dalaga. Hinahayaan niya lamang na maglabas pasok si Makani Ulaah sa kanyang sanayan na lugar. Naging malapit na rin sila sa isa’t isa kaya naman hinayaan niya na lamang ito.         “Alam ko na dito kita matatagpuan kapag wala ka sa inyong kastilyo,” ani ni Makani. “Ang pagsasanay na ito ba ay para pa rin sa mga La Casa.”         “Kung narito ka dahil kinausap ka ni Jamaicah upang pigilan ako sa aking mga plano ay umalis ka na,” ani ni Aero sa dalaga at binitawan ang kanyang palaso. “Hindi mo ako mapipigilan. Hindi ako magpapapigil kahit kanino. Walang makakapigil sa akin at alam mo iyon, Makani.”         Tumikhim naman si Makani.         “Alam ko naman yon mahal na prinsipe,” ani ni Makani. “Hindi pa kami nagkausap ng kataas taasang Jamaicah ngunit sa sinabi mo ay pareho lang kami ng nais. Sigurado ako na natatakot rin siya para sa kaligtasan mo.”         Hinawakan ni Makani ang kamay ng prinsipe at ibinaba ito.         “Mapanganib ang nais mo,” ani ni Makani. “Maaring kuhanin nito ang iyong buhay.”         “Ano ngayon?” tanong ni Aero. “Kahit ilang buhay ko pa ang kuhanin nito ay ayos lamang  basta makapaghiganti ako.”         “Ngunit paano naman kami?” ani ni Makani. “Paano ako? Kami na nagmamahal sa iyo? Maaring wala kang pake sa iyong buhay, Aero ngunit kami, handa kaming mamatay mailigtas ka lamang.”         Hindi sumagot ang binata at ngumiti lang siya sa dalaga.         “Ano ba ang iyong iniisip,” ani ni Aero. “Namamatay naman talaga ang isang tao. Kapag oras na niya ay oras na niya.”         Napatitig si Makani sa ngiti ng binata. Ang mga ngiti nito ay walang laman. Kitang kita nya ang totoong nadarama ng binata. Malungkot ang mga mata ng prinsipe.         Kung mayroon mang nakakilala kay Aero ay siya iyon. Mula noon pa ay nakasubaybay na siya sa prinsipe kaya nasubaybayan niya rin ang pagbabago sa mga galaw nito.         “Hindi ka pwedeng mamatay,” ani ni Makani sa binata. “Gagawa pa tayo ng sarili nating pamilya.”         Iniiwas naman ni Aero ang kanyang mga mata.         “Masyado kang diretso manalita, Makani,” ani ni Aero. “Hindi tayo makakasiguro na ikaw ang pakakasalan ko. Maaring may ireto sa aking iba. Huwag kang masyadong pakisuguro sa akin.”         “Sisiguraduhin ko,” ani ni Makani sa binata. “Papayag ka ba na hindi ako ang babaeng ihaharap mo sa altar? Prinsipe! Huwag mong wasakin ang binigay ko sa iyong puso. Tapat itong naglilingkod ito sa iyo.”         Hindi naman sumagot si Aero. Noon pa man ay diretso nang sinasabi ni Makani ang mga bagay bagay gaya ng pag ibig nito sa kanya. Wala naman siyang masyadong interes sa pag ibig pagka’t masyado ng nasa paghihiganti ang atensyon niya. Hindi niya rin naman alintana kung si Makani man ang mapangasawa niya pagdating ng panahon. Tiwala syang magagampanan nito ang tungkulin ng dalaga bilang kanyang asawa.   ***         “Kasal? Hindi naman siguro kumpolsaryo ang magpakasal,” ani ni Aelous sa kanyang taga payo na si Sevre.         “Panginoon, hindi maaring pang habang buhay na lamang kayong mag – isa,” ani ni Sevre rito. “Kailangan niyo ng isang babaeng aalalay sa inyo at magbibigay sa iyo ng isang anak na iyong magiging taga pagmana.”         “Nariyan si Aero upang humalili sa akin,” ani ni Aelous. “Hindi mo kailangan na alalahanin pa ang bagay na iyon.”         “Ngunit walang interes ang iyong kapatid sa bagay na ito,” ani ni Sevre. “Pwede niyang itapon na lamang ng basta basta ang iyong trono. Sa iba nakatuon ang atensyon ng mahal na prinsipe.”         Napaisip naman si Aelous sa sinabi ng kanyang taga payo na si Sevre. May punto ang kanyang taga payo. Wala ngang interes ang kanyang kapatid at maarng hindi nito sapuhin ang kanyang trono sa oras na siya ay bumaba.         “Ngunit sino ang aking mapapangasawa?” tanong ni Aelous.         “Wala na ang dapat mong mapangasawa na si Eimee Valeeryan,” ani ni Sevre.         May nakatakda ng mapangasawa si Aelous dati ngunit kasama ang kanyang mapapangasawa na si eimee Valeeryan sa mga namatay. Labin limang tao na ang nakakalipas.         “Ngunit mayroon akong naiisip na babaeng bagay sa posisyon mo bilang asawa. Kayang kaya niya gampanan ang asawa ng panginoon ng ika tatlong na lupain,” dagdag ni Sevre.         “At sino naman iyon?” tanong ni Aelous.         “Si Jamaicah Ulaah, panginoon,” sagot ni Severe rito.         “Si Jamaicah ay nakatakdang mapangasawa ng kapatid kong si Alexander,” ani ni Aelous dito. “Hindi ko siya pwedeng pakasalan.”         “Ngunit wala na ang prinsipe Alexander panginoon,” ani ni Sevre. “Kasama na siyang –“   Natigilan na si Sevre at hindi na niya nais ituloy ang sasabihin dahil iniisip niya ang pakiramdam ng kanyang panginoong Aelous.         “Wala na ang prinsipe,” ani ni Sevre. “Wala akong nakikitang mali sa pagpapakasal mo sa kataas taasang Jamaicah. Isa pa ay isang  pag aareglong kasal lang rin naman ang nangyari sa pagitan ng prinsipe at ni Jamaicah.”         “Mahal ni Jamaica hang kapatid ko,” ani ni Aelous sa kanyang taga payo. “Hindi natin masasabi kahit na inareglo lamang ang kasunduan nilang pagpapakasal. Maaring may nabuo ng pagtitinginan sa pagitan ni Jamaicah at ni Alexander.”         Pumasok naman  si Jamaicah sa silid kung saan naguusap ang dalawa. Narinig niya ang pag uusap ng panginoon at ng tagapayo nito na si Sevre.         “Wala na ang iyong kapatid,” ani ni Jamaicah kay Aelous. “Wala na rin si Eimee. Ako na lamang ang natitira sa hanay ng mga babaeng nakatakdang ipakasal sa magkapatid na Ulaah.         Yumuko si Jamaicah at humarap sa kanyang panginoon.         “Nabalitaan ko ang nangyari sa mga  Octavin na maaring mangyari rin sa iyo. Kung ang pagpapakasal sa iyo ay ikabubuti n gating kalupaan ay ayos lang sa akin. Tama naman si Sevre. Walang mali kung tay ay mag iisang dibdib.”         “Hindi ko babastusin ang aking kapatid,” ani ni Aelous sa dalawa. “Marami pang babae ang pwede kong maging asawa ngunit hindi ikaw, Jamaicah. Alam kong mahal mo si Alexander at sa kanya ka nakipagkasundo.”         “Kaya ko nga gagawin ito,” ani ni Jamaicah. “Kung mawawala ang mga Ulaah sa ikatatlo na lupain ay tiyak na hindi magugustuhan ito ni Alexander at ng iyong mga namayapang magulang. Hayaan mo na tulungan kita sa pamunuan ang ika tatlo na kalupaan. Alam mo ang aking kakayahan.”         “Naniniwala ako sa kakayahan mo, Jamaicah ngunit hindi ikaw,” ani ni Aelous. Bumaling ang binata sa kanyang taga payo. “Humanap ka ng ibang aking mapapangasawa ginoong tagapayo.”         “Aelous,” tawag  ni Jamaicah sa kanyang panginoon. “Wala ka na dapat pang pagkatiwalaan kung hindi ako lang. Anong malay natin sa kung anong klaseng tao ang pwede mong mapangasawa. Kung hindi si Aero ay ako lamang ang karapat na sumama sa iyo. Mahrap na magtiwala sa ibang tao.”         “Sumasang ayon ako sa kataas taasang Jamaicah, panginoong Aelous,” ani ni Sevre dito. “Kailangan nating maging maingat sa mga desisyong ating ginagawa.”         Napatingin naman si Aelous kay Jamaicah. Seryoso ang mukha nito na nakatingin sa kanya.         “Gagawin natin ito para sa mga Ulaah, Alexander,” ani ni Jamaicah.         Napahinga naman ng malalim si Aelous.         “Pag iisipan ko munang mabuti ang inyong mga suhestiyon,” ani ni Aelous. “Bigyan niyo ko ng panahon.”         “Nasa iyo ang lahat ng oras, aking panginoon,” ani ni Sevre. “Maiiwan ko na muna kayo.”           Lumabas na si Sevre ng silid at naiwan ang dalawa.         “Iwan mo muna ako, Jamaicah,” utos ni Aelous. “Nais ko munang magi sip at mapag isa.”         “Kung iyan ang iyong kagustuhan,” ani ni Jamaicah. “Ngunit nasa batas rin ang patungkol dito.”         Ang tinutukoy ni Jamaicah ay ang batas ng mga Ulaah. Na kung sakaling hindi mapakasal ang nakatakdang ikasal sa isang dugong bughaw ay ang susunod na kapatid nito ang kanyang makakatuluyan. Ang kaibahan lamang ay panganay si Aelous ngunit batid niyang pwede pa rin ito.         Mahal niya pa rin si Alexander. Hindi mawawala ang pagmamahal niya rito at nag iisa ito sa kanyang puso. Kahit magpakasal pa siya sa kahit na sino ay hindi ito mapapalitan.         Isa pa ay ginagawa niya ito para sa kanyang angkan. Para sa mga Ulaah at para sa ika tatlo na kalupaan. Kailangan niya lang na pormal na magpakasal kay Aelous at sigurado naman siyang naiintindihan ito ni Alexander.         Naglakad na palabas si Jamaicah. Kung narito lamang si Alexander ay matagal na siyang may sariling pamilya nguit wala na ito. Hindi na natuloy ang kasunduan nilang dalawa na magpapakasal sa isa’t isa.         Kasama itong nasawi labing limang taon na ang nakakaraan. Kay tagal na niyon ngunit hanggang ngayon ay nagungulila pa rin siya para rito.         Napatigil si Jamaicah noong makasalubong niya ang prinsipe Aero at kataas taasang Makani.         “Jamaicah,” tawag ni Aero sa kanya.         Yumuko naman si Jamaicah sa prinsipe upang mag bigay galang dahil mas mataas pa rin ang posisyon nito sa kanya.         Ang iniisip niya rin ay magkakaroon siya ng karapatan upang pigilan si Aero sa ano mang bala nito sa oras na maging asawa siya ni Aelous.         Hindi niya nais na mapahamak ito dahil lamang sa paghihiganti.         Napatingin siya kay Makani. Walang duda na ito ang mapapangasawa ng prinsipe. Laging magkadikit ang dalawa. Sa ngayon ay pantay sila ng kanilang posisyon.         “Magandang hapon, Jamaicah,” sabi ni Makani at ngumiti sa kanya.         “Magandang hapon rin, Makani,” ani ni Jamaicah. “Galing kayo sa pagsasanay?”         “Ganoon na nga,” ani ni Makani.         “Kung ganoon ay hindi ko na patatagalin pa ang usapan na ito. Mauna na ako upang makapgpahinga kayo,” ani ni Jamaicah.         Isang ngiti ang naging paalam nila sa isat isa bago maglakad sa kani kanilag pupuntahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD