XXXIII - Bagong Kamay

1929 Words
At The Land of Birds: The Land of Free Men Third Person Point of View           Napatingin si Augustus sa nakalahad na palad ni Erebus sa kanyang harapan. Sa palad nito ay nagniningning ang isang maliit na asul na brilyante.           “Ito na ang iyong hinihingi,” ani ni Erebus sa lalaki. “Inaasahan ko na ibibigay mo ang iyong ipinangako.”           Kinuha naman ni Augustus ang maliit na asul na brilyante at pinagmasdan ito. Magaling siyang kumilatis ng mga ginto at brilyante kung ito ba ay totoo kaya naman alam niyang tunay ang dala dala ni Erebus sa kanya.           “Paano niyo napatay ang halimaw na nagbabantay sa kanluran na kabundukan?” hindi makapaniwalang tanong ni Augustus.           Pinagmasdan naman ni Erebus si Augustus.           “Kakampi namin ang tadhana,” ang tanging isinagot ni Erebus sa lalaki.           “Kahanga hanga,” hindi pa rin makapaniwalang ani ni Augustus. “Simula sa araw na ito. Ang aking katapatan at buhay ay sa iyo, aking panginoon!”           Lumuhod si Augustus sa harap ni Erebus. Noong makita iyon ng mga kasamahan ni Augutus ay lumuhod din sila sa harap ng prinsipe.           Napangiti si Nabi sa kanyang nakita pagka’t nakaluhod na kay Erebus ang magiting na mandirigmang si Augutus.           “Mabuhay ka, panginoon!” madiin na sabi ni Nabi at lumuhod din.           “MABUHAY KA PANGINOON!!!!” sabay sabay na sigaw nila sa lugar na iyon. ***           Nakangiti si Meira habang pinagmamasdan ang halimaw sa kanyang tabi. Si Alexander naman ay nakaupo sa gilid habang pinagmamasdan si Meira.           “Ano ang iyong pangalan?” tanong ni Meira sa halimaw. “Agape lamang ba ang kaya mong bigkasin?”           “Agape! Agape!” sagot sa kanya ng halimaw habang nakatingin din sa kanya.           “Alexander,” natutuwang tawag ni Meira sa lalaki. “Kasiya siyang kasama ang nilalang na ito. Pagmasdan mo ang kanyang mga mata. Kasing kulay ng mata namin ni Erebus.”           “Prinsesa,” tawag ni Alexander sa kanya. “Maya maya lang ay kinakailangan na nating umalis upang sundan sila prinsipe Erebus. Ikinalulungkot ko ngunit kinakailangan mong iwan ang halimaw na iyan dito pagka’t hindi siya pwedeng dalhin sa maraming tao. Magdudulot lamang siya ng gulo at takot doon.”           “Ano ang katakot takot sa kanya?” tanong ni Meira. “Mabuti siyang nilalang at hindi siya nananakit. Hindi ko iiwan ang aking kaibigan, Alexander. Simula ngayon ay sasama na siya sa akin.”           “Prinsesa Meira,” ani ni Alexander. “Naiintindihan ko na napalapit ang iyong puso sa kanya ngunit hindi nabibilang ang katulad niyang nilalang sa ating mundong ginagalawan. Tignan mo at napakalaki niya. Mas magiging maayos ang lahat kung mananatili siya sa kanlurang bundok.”           Nalungkot naman si Meira sa kanyang narinig.           “Dahil ba ganito ang kanyang itsura?” tanong ni Meira at bumaling sa halimaw. Tinanggal niya ang kanyang kapa at isinuot sa mukha nito. “Ayan. Hindi na nila makikita ang kanyang mukha.”           “Ngunit prinsesa ang kan-“ napatigil si Erebus noong mabilis na nagbago ang katawan ng halimaw. Lumiit ito na kasing laki lamang ng buo niyang palad.           Maging si Meira ay nagulat sa kanyang nakita.           “Anong nangyari?!” tanong ni Alexander.           Binuhat naman ni Meira ang halimaw at niyakap.           “Lumiit siya,” ani ni Meira at ngumiti. “Ayaw niyang mag paiwan, Alexander.”           Pinagmasdan naman ni Alexander ang halimaw na kalong kalong ng dalaga. ***           “Sino pa ang ating hinihintay?” tanong ni Augutus sa kanyang panginoon habang nakaupo sila ngayon ng paikot sa may malaking lamesa sa gusali nila Shabiri.           “Ang aking kapatid na si Meira at ang kanyang taga bantay na si Alexander,” ani ni Erebus sa lalaki. “Kailangan ay nandito sila sa ating pulong pagka’t tinitimbang din ang kanilang opinyon.”           Sa kabilang banda ay nakatingin si Nabi kay Shabiri. Nakikita nito ang mga tingin ng babaylan sa binatang si Erebus at hindi niya nagustuhan ang mga ito.           Kaya naman inilapit niya ang kanyang upuan sa tabi nito upang makausap.           “Nakikita ko ang iyong mga tingin na hindi naaangkop sa katulad mo,” ani ni Nabi sa babaylan. “Alam mo naman siguro ang mga bagay na dapat niyong sundin.”           Napatingin naman si Shabiri sa dalaga.           “Ano ang ibig mong sabihin, binibini?” tanong ni Shabiri sa dalaga.           “Huwag ka ng mag maang maangan pa, babaylan,” ani ni Nabi. “Pareho nating alam na may laman ang iyong mga tingin.”           “At?” tanong ni Shabiri. “Ikinasasama ba ng iyong loob? Masama bang tignan ko o titigan ang panginoong Erebus? Hindi niya naman ako sinisita. Pansin ko rin naman na hindi lamang ang mga mata ko ang mga nakatitig sa kanya ngunit pati na rin ang mga matang nakatingin sa akin ngayon.”           “Kinakalaban mo ba ako?” tanong ni Nabi.           “Wala tayong dapat pag awayan, binibini,” ani ni Shabiri. “Ano ang ikinatatakot mo sa mga titig kung hanggang tingin lamang ito. Huwag kang mag alala pagka’t alam ko ang aking limitasyon. May mga bagay akong ibang dapat na gawin na higit pa roon.”           Sasagot pa sana si Nabi noong dumating na sila Alexander sa loob.           “Saan napunta ang nilalang na kasama kasama niyo?” tanong ni Erebus sa dalawa.           Ipinakita naman ni Meira ang halimaw na nasa kanyang balikat na ikinagulat nila.           “Saan mo nakuha ang halimaw na iyan,  kataas taasan?” kunot na tanong ni Augutus sa dalaga.           “Hindi siya halimaw,” ani ni Meira. “Kaibigan ko siya. Haw ang kanyang pangalan simula ngayon.”           “Haw? Kamukha niya ang nagbabantay na halimaw sa kanlurang bundok, panginoon,” ani ni Augutus kay Erebus. “Kung anak niya iyan ay siguradong mapanganib na alagaan ito ng iyong kapatid.”           “Iyan ang halimaw na tinutukoy mo,” ani ni Erebus. “Hindi ko alam kung paano lumiit ang kanyang katawan.”           Gulat naman na pinagmasdan ni Augutus at Nabi ang halimaw.           “Mukhang nahanap na niya ang kanyang amo,” ani ni Shabiri sa kanila. “At ikaw iyon prinsesa Meira.”           Napangiti naman si Meira sa sinabi ni Shabiri at inaya siya ni Alexander na umupo.           Tinignan naman ni Erebus si Shabiri at tumango ito.           “Volo intduce me ipso verum est,” ani ni Erebus sa kanila. “Ego sum Erebus Valeeryan, in novissimo de terra deorum Ego autem Godefridi quondam regis filium Beumont Valeeryan et regina Erissa Chevor.” (Nais kong ipakilala sa inyo ang tunay naming pagkakakilanlan, Ako si Erebus Valeeryan, mula sa sa huling lupain ng mga diyos. Anak ako ng namayapang dating haring Beumont Valeeryan at ng dating reyna na si Erissa Chevor.)           Gulat na napatingin si Augutus kay Erebus habang si Nabi naman ay hindi rin makapaniwala sa kanyang mga narinig,           “Valeeryan? Kayo ay mga Valeeryan?!” hindi makapaniwalang ani ni Nabi.           Hindi na lubos maisip na mga Valeeryan na pala ang kanyang kaharap. Kilala niya ang mga Valeeryan at maingay ang mga kwento nito sa kanila.           “Paanong nangyari ito?” tanong ni Augutus. “Sa pagkakaalam ko ay pinatay na lahat ng mga La Casa at mga River ang mga Valeeryan. Wala na silang itinira. Alam kong wala na rin ang mga anak nh dating haring Beumont, at reyna Erissa Chevor pagka’t napatay na sila. Paano mo sa akin patutunayan ang iyong mga sinabi. Walang sino man ang maniniwala sa inyo at ngayon na iba ang kulay ng inyong mga mata.”           “Pagdating ng hating gabi ay makikita mo ang patunay na iyong hinihingi, Augutus,” ani ni Erebus.           Si Nabi naman ay kahit alam niyang hindi kapani paniwala ay naniniwala siya sa sinabi ng binata pagka’t halata sa kanilang mga itsura na mga kakaibang tao sila.           “Siguradong nanganganib ang inyong mga buhay sa oras na malaman ng mga La Casa na may nabubuhay pang mga Valeeryan,” ani ni Nabi kila Erebus.           “Iyon ang aking naiisip,” ani ni Erebus. “Hindi magtatagal ay makakarating din sa kanila ang mga balita kaya naman bago pa nila malaman ay nais kong siguraduhin na mahihirapan silang lapitan tayo.”           “Kung totoo nga ang sinasabi mo ay huwag kang mag alala,” ani ni Augutus. “Hindi ka nila mahahawakan habang kasa – kasama mo ako. Dadaan muna sila sa aming mga bangkay bago nila mahawakan ang hibla ng iyong buhok.”           “Sa ugali ng mga La Casa ay hindi sila papayag na aabutin ka ng mga susunod na pagsikat ng araw,” ani ni Alexander. “Gagawa at gagawa sila ng paraan upang mapatay kayong magkapatid. Iaalay nila ang kaluluwa nila sa demonyo mapatay lang kayo dahil kahit wala kayong hawak hawak na kapangyarihan ngayon ay magiging banta kayo sa kanilang posisyon.”           “Marami akong tauhan, panginoon,” ani ni Augutus. “Ngunit sa tingin ko ay wala itong laban sa libo libong mandirigma ng kanilang kaharian. Kailangan mo pang humanap ng mga mandirigmang makikipaglaban sa iyo bukod sa amin. Kaya namin kayong protektahan ngunit hindi sapat upang sumakop ng kaharian.”           “Alam ko iyon,” ani ni Erebus. “Sigurado akong marami kang mga alam sa pasikot sikot, Augutus,” ani ni Erebus. “Ilalahad mo sa akin ang lahat ng iyong nalalaman.”           Tumango tango naman si Augutus sa sinabi ni Erebus.           “Mayroon akong alam  na pwede mong kuhanan ng libo libong mga kawal,” ani ni Augutus. “Kayang kaya mong lumikha ng kaharian at bantayan ito sa lahat ng sulok ngunit kakailanganin mo ng malaking salapi.”           “Walang problema ang salapi,” ani ni Erebus rito. “Ilahad mo sa amin ito ngayon.”           Tumango naman si Augutus.           “Ang mga Golote…” *** At The Fifth Land: The Land of Snakes Third Peson Point of View           Kunot ang noo ni Raciero La Casa habang binabasa ang laman ng liham na ipinadala sa kanya ng kanyang anak na si Mercier.           Matapos niyang basahin ito ay nilukot niya ito at itinapon sa sahig.           “Imposible!” madiin na sabi ni Racier habang nanginginig ang mga nakakuyom na mga kamay.           “Ano ang sabi sa sulat, panginoon?” tanong ni Egre na siyang taga payo ni Raciero.           “Nakita raw ni Greco ang isang babaeng Valeeryan na namumuhay ngayon sa lupain ng malalayang tao,” ani ni Raciero rito. “Isa itong kalokohan! Paanong may nabubuhay pang mga Valeeryan?!”           “Alam niyo na hindi malabo mangyari ito dahil sa kanilang dugo,” ani ni Egren sa kanyang panginoon. “Mga Valeeryan sila na maaring mabuhay muli matapos ang ilang taon kapag nakulong sila sa yelo.”           “Ipinasunog ko ang kanilang mga katawan kaya imposible ang mga sinasabi ni Mercier,” ani ni Raciero.           “Hindi natin dapat pag walang bahala ito, panginoon,” ani ni Egren dito. “Ang babaeng Valeeryan ay maaring manganak ng manganak at bumuo muli ng mga pamilya ng panibagong henerasyon na magiging banta sa inyong trono at sa magiging trono ng iyong mga apo.”           “Kailangan nating makasigurado kung totoo o hindi ang sinasabi ng prinsipe Greco,” dagdag pa ni Egren.           Sang ayon si Raciero sa sinabi nito.           “Den,” tawag ni Raciero sa kanyang kamay. “Magpadala ka ng mga manlilingo sa lupain ng mga malalayang tao. Hanapin nila ang tinutukoy na Valeeryan ni Greco at sa oras na makita nila ay agad nilang patayin at iuwi sa akin ang ulo ng babaeng Valeeryan na ito. Ngayon rin!”           “Masusunod, panginoon!!” ani ni Den at nilisan ag bulwagan.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD