XXXII - Agape

1095 Words
At The Land of Birds: The Land of Free man Third Person Point of View “Agape,” ani ng halimaw at isinuot kay Meira ang kwintas. “Agape, Agape.” Nagkatinginan si Alexander at Erebus sa ginawa ng halimaw kay Meira. “Kataas taasan,” ani ni Nabi kay Meira. “Napaamo mo ang kasindak sindak na halimaw!” Binuhat ng halimaw si Meira at inilagay sa kanyang balikat. “Agape,” ani muli ng halimaw sa dalaga. Nagtataka naman ang dalawang lalaki sa inakto ng halimaw na kanina ay nais silang patayin ngunit ngayon ay malambot ‘kay Meira. “Erebus! Nasa atin na ang kwintas! Mapapaluhod mo na si Augustus!” masayang ani ni Meira sa kanyang kakambal at hinawakan ang kumikinang na mga brilyante na nakalagay sa katawan ng kwintas. Ngunit hindi pa rin kampante ang dalawang lalaki sa kanilang nakikita. Hindi sila nagtitiwala sa halimaw habang si Meira ay nakampante na sa dambuhalang halimaw na kinatutungtungan niya. “Pasakayin mo rin sila sa iyo,” ani ni Meira sa halimaw. Lumuhod naman ang halimaw at inilapag ang nakadiretsong kamay sa lupa upang makaakyat sila Erebus. “Meira,” tawag ni Erebus. “Hindi mo isasama ang halimaw na ito pabalik sa lupain ng mga malalayang tao.” Ngumiti naman si Meira sa kanyang kapatid. At The Second Land: The Land of Kings Third Person Point of View Nakapila ang mga kawal sa may bulwagan. Nakaupo rin ang hari sa kanyang trono at sa tabi nito ay nakaupo ang reyna. Nasa bulwagan sila ngayon upang salubungin ang pagbabalik ni Greco La Casa sa kanilang kaharian. Sa gilid nila ay nakatayo ang kanilang tatlong anak. “Nasaan si Donny?” tanong ni Mercier sa kanyang anak na si Amethyst. “Ilang araw ko na siyang hindi nakikita sa tabi mo.” “May ipinaguutos ako sa kanya,” ani ni Amethyst. “Lagi? Tungkulin niya ang protektahan ka,” ani ni Mercier sa anak. “Dapat ay lagi mo siyang nasa tabi, Amethyst.” Itinagao naman ni Amethyst ang kanyang mga kamay sa kanyang damit. Knakabahan siya sa pagtatanong ng kanyang ina. “Huwag kang mag alala ina kong reyna,” ani ni Amethyst. “Ligtas naman ako.” Nakatingin naman si Hollick sa kanyang ina. Malalim ang nililipad ng isipan ng binata. Sa kabilang banda ay sabukot ang mukha ni Gatley sa balitang narinig na paparating na ang kanyang kapatid na si Greco. Hinihiling niya na sana ang mga kasama lang nito na si Gin at Yvonne ang dumating. Gusto niya na masamang balita ang mga dala nito sa kanyang amang hari. Mas lalong napasimangot si Gatley noong pumasok na si Greco La Casa kasama ang mga alalay sa may bulwagan. Sa ngiti nito ay alam na ni Gatley na hindi niya magugustuhan ang kinalabasan ng paglalakbay ng kanyang kapatid. Napangti naman si Mercier ng makita ang kanyang panganay na anak na buo at ligtas. “Mahal na hari, Mahal na Reyna,” pagbati ni Greco La Casa at lumuhod sa harap ng dalawa. Ganoon rin ang ginawa nila Yvonne at Gin. Sinenyasan naman ni Devos na tumayo na si Greco mula sa kanyang pagkakaluhod. “Ano ang nangyari sa inyong paglalakbay?” tanong ni Devos sa binata. “Tagumpay, aking amang hari,” ani ni Greco La Casa sa hari. “Nakakuha ako ng tubig sa balon ng pinagpala!” Batid sa mga ngiti at boses ni Greco ang kasiyahan na kanyang nararamdaman. Maging si Mercier ay masaya para sa kanyang anak. “Paano mo mapapatunayan sa amin na sa balon ng ng pinagpala ka nakakuha ng tubig?” tanong ni Gatley na pumunta sa gitna. “Maraming tubig sa buong mundo. Maaring kinuha mo lamang ito sa kung saan saan upang lokohin ang ating ama.” “May respeto ako sa hari at ginagalang ko siya,” ani ni Greco sa kanyang kapatid na si Gatley. “Hindi ko magagawang pagsinungalingan o lokohin siya.” Pinagmamasdan ni Hollick ang mga mata ni Greco ngunit sa layo nito ay hindi niya masyadong makumpirma ang kanyang mga tanong sa isipan. “Kung ganoon ay patunayan mo na kakaiba ang tubig mong dala dala!” ani ni Gatley na ayaw magpatalo. Inilabas naman ni Greco ang bote na kinalalagyan ng kanyang nakuhang tubig mula sa balon ng pinagpala sa templo ni Irashiba. “Ang tubig na ito ay puro at kumikinang,” ani ni Greco at ipinakita ang bote sa hari. “Sa unang tingin mo pa lamang ay alam mo ng galing ito sa balon ng pinagpala.” Napakuyom ang mga kamao ni Gatley habang nakatingin sa boteng ipinakita ni Greco. Madilim ang kanyang mukha at hindi niya matanggap na nagtagumpay ang panganay na kapatid sa iniatas na misyon ng kanilang ama. Humakbang naman si Greco paitaas sa trono upang iabot ang bote kay Haring Devos. Kinuha ni Devos ang bote sa kamay ni Greco La Casa at pinagmasdan ang loob nito. Rumerepleksyon ang kakinang ng tubig sa loob ng bote sa mata ng hari. Lubos siyang namangha na nagawa ni Greco na makakuha ng tubig sa balon ng pinagpala. Ibinigay ng hari ang bote kay Fieto. Ang kanyang kamay – upang itago ito. “Magaling Greco,” ani ng hari sa binata. “Pinatunayan mo sa iyong mga kapatid at sa akin ang iyong kagalingan at kahusayan. Pinatunayan mo na karapat dapat ka. Bilang gantimpala, sa araw na ito ay pinahihintulutan na kitang gamitin ang aking apilido.” Nagliwanag ang mga mata ni Greco sa narinig. Labis siyang nasisiyahan sa sinabi ng ama at hindi niya maipaliwanag ang sayang nararamdaman. “Ikaw na si Greco La Casa ay pormal kong isinusunod sa aking apilido. Magmula ngayon ay wala ng sino man ang maaaring tumawag pa sa iyo ng Greco La Casa. Ikaw ay isa ng Greco River. Maaari ka ng pumila na hahalili sa aking trono.” Nagulat si Gatley sa sinabi ng kanyang ama. Dahil panganay si Greco ay mas mataas ang tyansa na ito na makuha ang korona at trono ng hari. Ngayon na sumusunod na rin ito sa apilido ng kanyang ama ay mas lalo siya nitong hinarangan sa kanyang pag – akyat. “Ito ay hindi katanggap – tanggap!” mariin na ani ni Gatley sa kanyang ama. “Maaring mabago ang kanyang apilido ngunit hindi ang dugong nanalaytay sa kanya! Hindi mababago ng kahit sino o kahit ikutin pa pabaliktad ang mundo ang katotohanan patungkol kay Greco! Isa siyang La Casa at wala siyang karapatan sa tahanan na ito maging sa trono mo, ama!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD