At the FifthLand: The Land of Lords also known as The Land of Snakes
"Raciero nagpadala ng sulat si Rey mula sa ika apat na lupain. Kinakailangan nila ng tulong mula sa ating lupain dahil binabalak ng pamilyang Carlsen na palitan sa pamumuno ang aking ama," sabi ni Mercolita Octavin sa asawa.
"Hindi tayo magsasayang ng kawal natin para ipadala sa ika apat na lupain," malamig na sabi ni Raciero La Casa sa kanyang asawa.
"Anong ibig mong sabihin, Raciero?!" hindi makapaniwalang tanong ni Mercolita
"Kung hindi kayang ipaglaban ng iyong ama ang sariling trono ay mas mabuti panga na bumaba na siya sa kanyang posisyon bilang panginoon ng ika apat na lupain," sabi sa kanya ni Raciero.
Labis na nagkaroon ng poot sa puso ni Mercolita nang marinig ang mga salitang sinabi ng asawa. Hindi siya makapaniwala na inaabandona nito ang kanyang ama ng harap harapan.
"Sinasabi mo bang hahayaan mo lang na masakop ng mga Carlsen ang ikaapat na lupain? Sinamahan ka ng aking ama noong makalaban niyo ang mga Valeeryan ngunit pagkatapos ay iiwan mo siya ngayon mag isa sa kanyang pakikipaglaban?!" hindi maitago ang galit sa boses ni Mercolita na sinigawan ang asawa.
"Yun na nga ata ang pinakahuling naitulong ng pamilya mo sa akin pagkatapos noon ay palagi na lang silang humihingi ng tulong sa mga La Casa," sabi ni Raciero na walang pagbabago sa lamig ang boses habang nakikipag usap ‘kay Mercolita.
Wala itong pakielam kung masakop ng mga Carlsen ang lupain ng Octavin pagka't mahina na rin ang kapangyarihan ng mga ito. Alam ni Raciero iyon kaya naman hindi magiging masakit sa kanila kung matatanggalan man ang mga Octavin ng pwesto.
Kapag wala ng matutulong sa kanya ang isang tao ay pamilya ay itatapon na lamang niya ito ng basta basta.
Ang pamilyang Octavin ang halos sumalo ng lahat ng delubyo nang matapos ang huling digmaan. Naubos ang halos lahat ng mga tao nito dahil ito ang mga nakahilera sa harap noong labanan. Inubos lahat ng kapatid ni Beumont na si Berces Valeeryan na noon ay humalili sa posisyon ng kapatid matapos mapatay ng mga La Casa si Beumont.
Napangiti si Raciero ng maalala muli ang senaryo noong patayin nila ang mga Valeeryan. Kung paano nilang trinaydor ang dating haring si Beumont. Natutuwa siya sa tuwing nanunumbalik sa kanyang ala – ala ang mga nakaraan ng ginawa nilang katrayduran.
"At dahil wala na silang pakinabang ay itinapon mo na rin sila?" nanlulumong tanong ni Mercolita.
Hindi makapaniwala si Mercolita na magagawa ito ng asawa sa kanya matapos ng mga naitulong ng kanyang pamilya rito.
"Magpadala ka ng sulat sa iyong ama na kusa na niyang isuko ang trono bago pa magkaroon nang pagdanak ng dugo sa lupain nila," sabi ni Raciero sa kanya.
"Kapag pinalitan ng mga Carlsen ang mga Octavin mas hihina ang kapangyarihan ng mga La Casa. Madadagdagan naman ang kapangyarihan ng mga Aragon. Baka nakakalimutan mong ipinadala nila ang ikalawang anak nila sa mga Aragon upang pagpapatunay ng kanilang matibay na alyansa," sabi ni Mercolita kay Raciero.
Hindi naman na nag alangan doon si Raciero. Naisip na niya ang bagay na iyon. Masyado na ring mahina ang angkan ng mga Octavin para maging kaalyansa. Sa katunayan nga ay naiisip niya na rin na darating ang panahon na tatayo ang mga Carlsen upang patalsikin ang mga Octavin kaya naman bago ang araw na iyon ay nakapagplano na siya.
Alam niya na pamilya ng kanyang asawa ang Octavin na namumuno sa ika apat na lupain ngunit ginamit lang naman niya ang mga ito.
Pinakasalan niya si Mercolita para sa tulong ng mga Octavin. Ganon naman ang ikot ng kanilang mundo na kanilang kinatatayuan. Kung nais ng isang taong manatiling makapangyarihan ay dapat maging wais itosa bawat hakbang na gagawin. Utak ang gamitin at hindi puso.
Ngayon ay may tatlong anak sila na puro mga La Casa ang dumadaloy na dugo. Si Mercier na isang reyna at may hawak ng anim na mga lupain. Si Ember na binabalak niyang ipakasal sa panganay na anak ng mag asawang Carlsen. At si Kester na papalit sa kanyang posisyon pagdating ng araw.
Nagpapasalamat siya at walanh sino man ang lumabas na Octavin sa kanila dahil kung hindi ay hindi niya ito matatanggap.
"Kung hindi mo kayang magpadala ng tulong ay kay Mercier ako hihingi," sabi ni Mercolita at tumalikod sa asawa.
Napahinga naman ng malalim si Raciero. Sinenyasan niya ang kanyang sariling kanang kamay na si Den. Tumango naman si Den at mabilis na lumapit kay Mercolita.
"Parce mihi domine mi," sabi ni Den at hinawakan niya si Mercolita sa braso.
(Forgive me my lady)
"Anong ibig sabihin nito, Raciero?" gulat na tanong ni Mercolita sa asawa habang pilit binabawi ang kamay ‘Kay Den.
"Bitawan mo ako!" dadag na sabi pa nito.
"Ikulong mo muna sa kanyang silid ang Ginang. Hindi niyo siya palalabasin hangga't hindi ko sinasabi. Lagyan niyo ng kawal na magbabantay sa kanyang pinto at huwag niyong iiwan," utos ni Raciero sa kanang kamay na si Den.
"Raciero??!" hindi makapaniwalang tawag ni Mercolita sa asawa. Pinanlalakihan niya ito ng mga mata ngunit matibay ang nais ni Raciero na ikulong ang asawa.
"Masusunod," sabi ni Den at hinatak na ang Ginang Mercolita paalis roon.
Kung hahayaan lamang ni Raciero ang asawa ay masisira pa ang kanyang mga plano. Hindi niya nais na guluhin ni Mercolita ang kanyang anak na si Mercier sa kahiraan dahil may inuutos din siya dito na kailanga nitong gawin.
"At paano kung hindi mangyari ang ninanais mo? Paano kung talikuran ka rin ng mga Carlsen tulad ng pagtalikod mo sa mga Octavin," sabi ni Kester na kapapasok lamang na kanina pa nakikinig sa usapan nila Mercolita at nakasalubong pa niya ang ina na hinahatak ng kawal ng kanyang ama.
"Masyado ng mahina ang angkan ng mga Octavin. Hindi magtatagal ay marami na ring mga mahaharlikang pamilya ang mag nanais na patalsikin sila. Magsasayang lang tayo ng mga kawal kung pipilitin nating bigyan pa ng apoy ang nauupos ng kandila. Sinabi ko na sa iyong ina kung ano ang tamang gawin ng kanyang ama iyon ay kusang isuko ng kanyang ama ang posisyon nito ngunit hindi iyon ang nais ng iyong ina na mangyari," sabi ni Raciero sa kanyang anak. “Hindi pwedeng mag – kaiba kami ng magiging desisyon. Mas wais ang aking naiisip kaysa sa kanyang kagustuhan kaya ako dapat ang masunod.
"Tama ang sinabi ni ina. Mas magiging makapangyarihan ang mga Aragon kapag nangyari iyon. Hahayaan mo na lang ba iyon?" medyo hindi siguradong tanong ni Kester sa kanyang ama.
Alam niya kasing hindi ganoon kabobo ang kanyang ama. Hindi nito hahayaan ang isang bagay na ikalulugi ng kanilang pamilya.
"Malaki ang maitutulong sa atin ng mga Carlsen. Makapangyarihan din ang pamilya nila at nahigitan na nila ang kapangyarihan ng mga Octavin. Ipapakasal ko si Ember sa panganay na anak ng mga Carlsen na si Tyrell. Ito ang susunod na mauupo kapalit ng kanyang ama na sa pagkakaalam ko ay malapit nang mawala sa mundo dahil sa malubhang sakit nito," sabi ni Raciero sa anak.
"At paano kung hindi pumayag si Tyrell?" tanong ni Kester.
"Potest. Noong huling magkita sila ni Ember ay parang ayaw na niyang pauwiin pa sa atin ang kapatid mo. Profunda et regni demens in amore quod est soror tua," sabi ni Raciero
(Impossible. Noong huling magkita sila ni Ember ay parang ayaw na niyang pauwiin pa sa atin ang kapatid mo. He is madly deeply in love with your sister.)
"Nagkita na sila?" tanong ni Kester na hindi man lang alam ang bagay na iyon.
"Kester, paano mo ko papalitan sa aking posisyon kung hanggang ngayon ay puno ka pa rin ng kamangmangan?" tanong ni Raciero sa anak na lalaki. “Hanggang ngayon ay hindi mo man lang mahigitan ang utak ko. Mananatili ka na lang bang ganyan? Wala bang silbi ang mga naituro ko sa inyo?”
“Pasensya na, ama. Marami pa akong dapat matutunan sa inyo,” ani ni Kester. "Ngunit naisip ko lamang ama. Paano ang pamilya ni Tyrell papayag ba sila? May magagawa ba si Ember para maging atin ang alyansa ng mga Carlsen? Sa pagkakaalam ko ay nasa mga Aragon ang kapatid nito bilang pagpapatunay ng kanilang alyansa."
"Wala nang magagawa pa ang magulang o ninoman kapag si Tyrell na ang nagdesisyon,” sabi ni Raciero. “ ‘Di magtatagal ay siya na ang mamumuno sa kanilang angkan. Papakasalan niya ang gusto niyang pakasalan. Alam ni Ember ang ginagawa niya. Mga bagay na alam niya at hindi mo alam. Sa inyong tatlo silang dalawa ni Mercier ang nagtataas ng mga apilido natin hindi katulad mo na walang maitulong sa akin. Wala kang kaalam alam. Ikaw pa naman ang nagiisang anak ko na lalaki."
Hindi naman nakasagot doon si Kester. Nanliit siya rito.
"Papaikutin ni Ember sa kamay niya si Tyrell,” sabi ni Raciero habang nakangiti at nakatingin kay Kester. “Paiikutin niya ang mga Carlsen sa palad niya. Balewala ang isang kapatid kapag babaeng minamahal na niya ang kaharap. Kester, hindi mo alam kung ano ang kanyang gawin ng isang lalaki para sa pag ibig niya sa isang babae. Darating ang araw na ang mga La Casa na ang mamumuno sa lahat ng lupain."
"Naaalala mo ba ang sinabi ko sa inyong magkakapatid?" tanong ni Raciero sa anak na kaharap.
"Hindi mo mapapaikot ang mga La Casa. Sila ang magpapaikot sayo," sagot ni Kester dito.
"May naaalala ka pa naman pala sa mga tinuturo ko sa inyo. Ano pa?" tanong ni Raciero.
Magsasalita pa sana si Kester ng biglang pumasok si Ember
"Ama, ano ang ibig sabihin noon? Bakit ikinulong niyo sa silid ang ina?" tanong ni Ember na humahangos papalapit sa nag uusap na kapamilya.
Kamukhang kamukha ito ng kanyang ina. Nahahawig siya sa kanyang nakakatandang kapatid na si Mercier
"Pagod ang iyong ina kaya wala siya sa tamang pag iisip. Hindi siya nakakapagdesisyon ng tama. Hayaan mo munang pagisipan niya ng mabuti ang lahat bago siya lumabas muli," sabi ni Raciero sa anak.
"Ngunit hindi makatwirang ikulong ang aking ina sa kanyang silid," mungkahi ni Ember. “Siya ang babaeng asawa ng panginoon ng ika limang lupain. Ina siya ng tatlo mong anak.”
"Kapag pinalabas ko siya ay magpapadala siya ng sulat sa iyong kapatid na nasa kaharian ng mga River. Pipigilan nilang dalawa na mamuno ang mapapangasawa mo sa ika apat na lupain. Nais mo ba iyon? Pag nangyari iyon ay mabubulok ka na lamang dito," ani ni Raciero sa anak.
Napatahimik naman na si Ember. Ayaw na niyang manatili sa kanilang lupain. Gusto na niyang lumipad at maging isang pinuno rin. Mangyayari lang iyon kapag naging panginoon na ang ipinangakong magiging asawa niya na si Tyrell Carlsen.
Napatawa naman si Raciero ng hindi sumagot pa ang anak. Ngayon alam na niyang isang dugong La Casa talaga ang mas nanalaytay sa dugo nito.