IX - River's

2124 Words
At the SecondLand: The Land of Kings Third Person Point of View Kalahating nakataas ang magkabilang kamay ni Greco La Casa habang inaayos ng kanyang taga - paglingkod ang kusot sa damit niya. Nakasuot siya ngayon ng simpleng puting damit na may mahabang manggas. Wala itong ibang kulay ngunit kakikitaan mo ng ganda ang bawat burda nito pati na ang maalon alon na parte ng damit sa iba’t - ibang parte.S imple pero elegante. Kulay itim naman ang kulay ng kanyang pang ibaba na tinernuhan ng castanong bota na kasing kinis ng salamin sa harap niya. Tinignan niya ang repleksyon sa salamin. Isang binatang bente singko anyos. Kulay kahel ang pares ng mata na napakakulimlim ng kulay. ‘Ni kahit kislap ay hindi mo makita sa mata ng binata. Matangos ang ilong  ni Greco at pulang pula naman ang magandang korte ng labi. Kitang kita mo ang kakisigan nito sa mukha. Maamo ang mukha ng binata ngunit kasing talim ng espada ang bawat tingin. Wala itong namana sa ina na si Mercier kundi ang kulay kahel lamang na mga mata. Maski ang buhok ni Greco ay itim na itim. Ang buhok nito ay nakaayos kaya kakitaan mo ng linis sa katawan ang binata. Kahit saang banda naman siya tignan ay hindi mo rin makita ang namana niya sa kanyang amang si Devos. Siguro ay tanging katalinuhan lang ang naipamana dito ni Haring Devos pati na ang galing sa pamumuno. Nang matapos sa pag - aayos ay lumabas naman na si Greco ng kanyang silid upang maghapunan. Isang bagay na ayaw niya sanang gawin kasama ang pamilya ngunit kailangan. Ang bawat babaeng taga - paglingkod na nadaraan niya ay napapatingin sa kanya. Sino nga ba ang hindi mapapatingin sa prinsipeng halos talunin na si kupido sa kagwapuhan. Gayunpaman, ay walang interes si Greco sa babae. Puro patungkol sa kapangyarihan ang inaatupag nito. Pagpapalakas at kung paano mamahala ng tama. Sa likod niya ay nakasunod si Yvonne ang kanyang tagapaglingkod at si Gin na nakaatas na tagaprotekta ng prinsipe. Pumasok ang prinsipe sa malaking salas ng kaharian. Naiwan naman sa labas si Yvonne at Gin. Sa salas ay makikita mo ang mahabang lamesa. Punong - puno ng mga magagarang palamuti ang kisame nito. Napupuno ng kandila ang isang malaking nakasabit na chandelier sa itaas upang magbigay liwanag sa buong kapaligiran. Naabutan niya doon ang tatlo niya pang mga kapatid. Si Gatley ang sumunod sa kanya. Maalon alon ang kulay pula nitong buhok. Matanda lamang siya rito ng dalawang taong gulang. Kuhang kuha nito ang dugo ng mga River. Kamukhang kamukha nito ang kanyang ama. Katabi nito ang isa pa nilang kapatid na si Hollick. Nakuha naman nito ang kulay ng buhok ng ina ngunit hindi ang itsura nito.River parin ang mukhang makikita mo rito. Matanda siya rito ng tatlong taon. Ang pinakahuli ay si Amethyst. Labing - siyam na taong gulang. Mapupula ang maalon alon na buhok nito at nakuha ang itsura sa kanyang ina. Sa kanilang magkakapatid ito ang pinaka - mapagmahal. Lumapit si Greco sa kanila at umupo ito sa upuang para sa kanya. Nakatingin sa kanya ang mga abong mata na hindi niya namana. "Kapag ako ang naging hari, ang mga katulad mo ay hindi ko hahayaang maupo sa hapag kainan," sabi ni Gatley. Ito ang kapatid niya na may pinakaayaw sa kanya dahil siya ay naiiba dahil kulay kahel ang kanyang mga mata. "Siguro kung ako ang hari sa oras pa lang na magsilang ang magiging asawa ko na hindi kakulay ng mata ko ay agad agad kong ipapatay ito," dagdag pa nito habang nakangisi. Ngising pang – iinsulto. Napatingin naman si Greco sa kapatid. Wala talaga itong respeto sa kanya. Nagtitigan ang kanilang mga mata. Medyo natakot naman si Gatley sa matalim na titig ng kapatid na si Greco. Kakaiba ito tumitig na para bang kinakain lahat ng tapang mo sa katawan. "Ano ang tinititig titig mo riyan? Gusto mo bang dukutin ko ang dalawang kahel na mga mata mo?! Wala kang karapatan tumitig sa akin ng ganyan! Mas mataas pa rin ang posisyon ko sayo kahit ikaw ang panganay!"kabado man ay pinilit tinapos ni Gatley ang kanyang sasabihin. Hindi naman kumikibo ang dalawang kapatid nila. Si Greco ay patuloy lang na nakatingin sa kanya. "Hindi ganyan ang dapat na ugali ng isang hari Gatley," sabi ng isang malaking boses na nagmula sa pasukan ng salas. Naroon at nakatayo ang hari. May suot itong gintong korona na punong puno ng dyamante. Kumikislap ito sa lahat ng sulok. Sa likod nito ay nakatayo si Mercier ang reyna. Nakatingin ito kay Greco pero ang atensyon ng hari ay na kay Gatley. May mga puti na ang buhok ng hari. Halos mapuno na ito ng puti na buhok. Maalon alon ang hanggang balikat nitong buhok. May balbas din ito at bigote na parang hindi inahitan ng isang buwan gayunpaman ay dala dala parin nito ang isang presensya na sinusunod ng karamihan. Tumingin ito ng sandali kay Greco ngunit ang tingin nito ay punong puno ng lamig. Ganun siya tratuhin ng ama. Hindi malupit ngunit hindi rin mabait. Punong puno ito ng lamig sa katawan pag dating sa kanya. Lahat na ata ng pagmamahal nito ay naibigay na sa tatlong kapatid niya. Pinagpapasalamat niya na lang na hindi siya itinakwil nito sa kabila ng kahihiyan na dala – dala niya rito. "Hindi ko kailangan ng isang haring walang respesto . Kung wala kang respeto sa iba ay paano ka nila rerespetuhin?" tanong ng hari kay Gatley. "Ipagpaumanhin niyo po ama," walang halong sinseridad na paumanhin ni Gatley. "Kamusta ang pagsasanay mo Hollick?" baling naman ng hari sa anak na si Hollick. "Maayos naman ama. Hindi magtatagal ay magiging kasing galing narin ako ng maalamat na kabalyero," sagot ni Hollick. Napatikhim naman ang hari sa narinig. "Ikaw, Prinsesa Amethyst, kamusta ang pagpasyal mo sa labas ng palasyo?" nakangiting tanong ng hari sa nag – iisang anak na babae. Malambot ang hari sa anak na babae. "Ayos naman ho ama. Ang mga tao roon ay mga masigasig at masiyahin," sagot ni Amethyst habang nakangiti. Napangiti rin si Mercier sa sinabi ng anak. Nagagalak siya na masaya ang naging araw nito. "Greco," tawag ni Haring Devos sa prinsipe. Tumingin naman sa kanya si Greco. "Mahal na hari?" pormal na pagsagot nito. "Napagusapan ka namin kanina sa pulong . Napagdesisyunan namin na papuntahin ka sa lupain ng mga malalayang tao upang gawin ang isang misyon na iaatas ko sa iyo," sabi ni Devos. Ikinagulat nilang lahat iyon pero lihim na natuwa si Gatley sa sinabi ng ama. "Devos masyadong malayo ang lupaing iyon para papuntahin si Greco," Pagtutol ng reyna. Ito ang pinakamalayong lupain sa lahat at masyadong mapanganib para kay Greco ang bagay na iyon. Hindi naman pinansin ng hari ang reyna. Nakatuon ang atensyon nito sa paghihiwa ng karne sa kanyang plato. "Susundin ko ang inyong utos mahal na hari," sabi ni Greco kahit na alam niyang mapanganib ang bagay na iyon. "Hindi ako papayag na ipadala mo ang aking anak sa lupaing iyon. Walang pinuno o batas ang lupain ng malalayang tao. Punong puno iyon ng iba't ibang uring mga nilalang. Gusto mo bang mamatay roon ang iyong anak?" tanong muli ng reyna sa hari na hindi sumasang ayon sa kagustuhan ng asawa. Napadiin sa pagkakahawak sa kutsilyo si Devos at hininto ang paghihiwa sa karne sa plato saka ibinaba ang kutsilyo. "Multa c*m magno periculo auferre futuri risk. Are Greco consequatur magnam?" tanong ng hari kay Greco (Great things are accompanied by great risk. Are you going to take that risk Greco to achieve the great thing?) Napatigil si Greco sa sinabi ng hari kaya hindi siya agad nakasagot. "Labinlimang taon na ang nakakalipas mula ng itaya ko ang lahat ng meron ako at ano ang kinalabasan? Kung ano ako ngayon. Kapalit ng pagiging hari ko ay binitawan ko ang lahat. Binitiwan ko ang pagtitiwala, pagkakaibigan at pagmamahal pagkatapos ay hinawakan kong muli ito ng maupo na ako sa trono," sabi ng hari sa kanyang mga anak. "Ano ang ipapagawa niyo?" tanong ni Greco rito. "Kumuha ka ng bukal na tubig sa balon ng pinagpala na matatagpuan lamang sa templo na nakatayo sa lupaiin ng malalayang tao. Kapag nagawa mo iyon ay isusunod kita sa pangalan ko. Bumalik ka rito sa araw bago ganapin ang kasiyahan at iaanunsyo ko sa lahat ang paglilipat mo ng apilido," sabi ng hari na mas lalong ikanagulat ng lahat. Hindi nakapagsalita si Mercier. Hindi niya inakalang gagawin ito ni Devos na noon pa man ay malamig na ang pakikitungo sa anak. Hindi niya rin magawang tumutol dahil isang malaking bagay ang kapalit ng pinapagawa nito. Labis na natuwa si Greco sa narinig. "Hindi ko maipaliwanag ang tuwang nadarama ko. Kung iyon ang nais niyo ay handa akong gawin ang ipinaguutos  niyo," sabi ni Greco sa hari. "Huwag kang matuwa o magdiwang. Wala ka pang nagagawa," malamig na sabi ni Haring Devos dito. Nawala naman ang ngiti ni Greco sa sinabi ng hari sa kanya. "Pero bakit ang bukal na tubig ang nais niyong ipakuha sa akin?" nagtatakang tanong niya "Sasabihin ko sa iyong pagbabalik," sagot sa kanya ng hari. Natapos ang hapunan. Naunang umalis si Gatley dahil sa inis sa sinabi ng ama. Magkasabay naman na lumabas si Amethyst at ang reyna. Umalis na rin kasunod ng dalawa si Hollick. Natira sa hapag kainan ang dalawa. "Tama ang iyong ina ang ipinaguutos ko sa iyo ay lubhang mapanganib. Maari kang mamatay habang naglalakbay para kunin ang bukal na tubig kaya na sa iyo ang desisyon kung nais mong magpatuloy. Hindi kita pasasamahan ng napakaraming kawal upang maging kaagapay mo pero maari kang pumili ng limang taong makakasama mo sa iyong paglalakbay," sabi ng hari sa anak na si Greco. “Hindi ko rin ipipilit sa iyo na gawin ang bagay na ito.” "Naiintindihan ko,"sabi ni Greco sa ama. “Handa akong gawin ang iniatas niyo sa akin.” "Ang bukal na tubig ay hindi basta basta. Sinasabi nila sa templong iyon ay may nakabantay na babaylan at hindi ito nagbibigay ng libre. Pagisipan mo na ang bagay na ipapalit mo sa kanya," sabi ng hari saka tumayo sa kanyang upuan. Paalis na ito ng matigilan at tinignan si Greco. "Hindi ko natapos ang sinabi ko sa inyo kanina. Noong hawakan ko muli ang pagtitiwala , pagkakaibigan at pagmamahal na sinasabi ko na binitawan ko ay hindi ko na muli pang nahawakan ito ng buo. Punong puno ito ng pagkukulang na hindi kayang punan ng hawak kong kapangyarihan," sabi ng hari sa kanya. Napatingin naman si Greco sa kanya. Nakita niya ang isang malamig na mga abong mata na diretsong nakatingin sa kanya. Hindi niya alam ang ibig sabihin ng ama sa sinabi nito sa kanya. "Umalis ka na bukas kung nais mong umabot pa sa kasiyahan," sabi nito at tuluyan nang nilisan ang hapag kainan. Sa isang banda ay napayuko si Mercier sa narinig. Naiwan niya ang panyo sa upuan kaya pinauna niya si Amethyst sa silid nito upang makabalik siya sa salas. Hanggang ngayon ay dala dala parin ng hari ang bakas ng kahapon labinglimang taon na ang nakakalipas kaya hindi nito magawang alisin sa pamumuno ang mga Aragon at Chevor. Lagi niyang binabalaan ang hari na masyado nang makapangyarihan ang mga Aragon na baka magtayo na ito ng sariling kaharian sa ikaunang lupain  at kumilala ng bagong hari pero para siyang hangin lamang kapag kausap niya ito. Hindi siya nito pinapansin at tila walang naririnig. Napahawak siya ng madiin sa damit. Naiisip niya ang mga Chevor. Siguradong gumagawa ito ng hakbang upang ipaghiganti si Ellysa Chevor. "Ina," gulat na sabi ni Greco nang maabutan nito si Mercier na nakatayo sa may isang gilid. Nawala naman bigla sa iniisip si Mercier at napabaling sa anak. "Ano ang ginagawa niyo rito ina? Ang akala ko ay umalis ka na kasama si Amethyst," dagdag na sabi ni Greco. "Naiwan ko ang panyo ko sa upuan," sabi ng reyna sa kanyang anak. “Kaya naman bumalik ako rito.” "Ang paborito niyong panyo? Sige ako na ang kukuha," suhestiyon ni Greco pero noong babalik siya ay hinawakan siya ni Mercier sa braso at pinigilan. "Greco, nakagawa ng muli si Amaya ng para sa iyong mga mata. Inilagay ko ito sa lamesa ng iyong kwarto. Dalhin mo iyon sa iyong paglalakbay at tandaan mo na bago mag-umaga ay gagamitin mo iyon ng walang nakakakita. Naiintindihan mo ba?" mahigpit na bilin ni Mercier sa anak niya "Naiintindihan ko ina," sabi ni Greco sa ina. "Mabuti. Mag iingat ka at umuwi ka sa akin ng buhay," sabi ni Mercier dito. Tumango naman ang anak niya sa kanya. Ikinulong niya ito sa kanyang bisig at mahigpit niya itong niyakap.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD