At The Second Land: The Land of Kings
Third Person Point of View
Nakaupo si Gregor sa sahig. Iniisip kung paano nila malalagpasan ang pagsubok na ito sa kanilang buhay. Malapit na sumikat ang araw, at ilang oras na lamang ay ilalabas na sila sa kulungan upang hatulan ng kamatayan.
Isang lalaki na nakasuot ng baluti ang pumasok sa may kulungan. Dumiretso siya sa selda kung nasaan ang panginoon ng unang kalupaan na si Gregor Aragon.
Walang iba kundi si Fieto. Dala nito ang espada ni Gregor na kinumpiska kahapon noong sila ay ikulong.
Napatayo si Gregor noong makitang binubuksan ni Fieto ang kandado ng pintuan ng kanilang kulungan.
Noong mabuksan ng mandirigma ay inabot niya ang isa pang susi kay Gregor na makakapag – bukas ng kandado sa kabilang selda kung nasaan ang kanyang asawa na si Emilia, at kanyang anak na si Emma.
Yumuko si Fieto at inabot kay Gregor ang espada nito.
“Ito na ang huling maitutulong sa inyo ng hari, panginoong Gregor,” ani ni Fieto. “Tumakas kayo ng iyong pamilya sa kaharian, at huwag nang babalik pa. Protektahan niyo ang inyong sarili gamit ang inyong espada sa mga mandirigma ng mga La Casa. Wala kanga gagalawin na buhay ng mga mandirigma ng mga River.”
“Ipaabot mo sa hari ang aking pasasalamat,” ani ni Gregor. “Tatanawin ko itong utang na loob habang ako ay nabubuhay.”
Tumang si Fieto kay Grgeir, at agad ding nilisan ang kulungan. Agad naman na ginising ni Gregor si Inari.
Binuksan niya ang selda sa kabila, at ginising ang kanyang mag – ina.
“Gregor!” tawag ni Emilia, at mahigpit na niyakap ang asawa.
“Tatakas tayo,” ani ni Gregor. “Tayo na, at magmadali. Kailangan makalabas tayo ng kaharian bago pa sumikat ang araw.”
Mabilis nilang binagtas ang daan palabas ng kaharian. Ang kanilang mga hakbang, at galaw ay maingat.
Sa kabilang banda mula sa itaas ay pinagmamasdan sila nI Greco River. Mula sa pagpasok ni Fieto sa kulungan hanggang sa paglabas ng mga Aragaon dito.
Malalim ang kanyang iniisip. Walang ibang mag – uutos kay Fieto kundi ang kanyang amang hari. Iniisip niya kung bakit ginawa ito ng ama.
Mahigpit na hinawakan ni Greco ang kanyang sandata na nakatago sa kanyang tagiliran. Bahagya niyang hinugot ito ngunit hindi na gumalaw pa.
Isang malalim na paghinga ang kanyang pinakawalan, matapos ay ibinalik na ang espada sa tagiliran. Napagpasyahan niya na magtiwala sa nagng desisyon ng kanyang ama. Kung nakatadhanang makatakas ang mga Aragon sa kamay nila ay magtatagumpay ang mga ito ngunit kung hindi ay nakatadhana silang mabura na sa mundo.
Tumalikod na si Greco upang magbalik ng kanyang silid. Maaga sana siyang gumising upang kausapin ang mga Aragon. Nais niyang marinig ang mga panig nito ngunit nakita niya si Fieto na palihim na naglalakad patungo sa kulungan kaya naman minabuti niyang mag – obserba na lamang. At iyon na nga ang kanyang mga nasaksihan.
***
Malakas ang t***k ni Emilia. Malapit na sila sa labas. Kaonting lakad na lamang.
Hinihintay lang nila magdaan ang mga nagrorotondang mga kawal sa kaharian.
Sa kanilang pagliko ay siya namang pagliko din ni Raciero La Casa. Nagtama sila ng mga landas.
Nalaki ang mga mata ni Raciero. Agad niyang pinahabol ang mga Aragon.
Nadapa si Emma sa kanyang pagtatakbo. Bahagyang napuruhan ang kanyang paa.
“Mauna na kayo, ina,” ani ni Emma rito dahil hindi na siya makalakad pa.
“Tumayo ka, aking anak! Hindi kita iiwan dito!” ani ni Emilia habang pilit na itinatayo ang anak.
Agad ding tumayo si Emma ngunit hindi na siya makatakbo.
“Magtago kayo,” ani ni Gregor. “Lalansihin ko sila. Tahakin niyo ang palabas ng kaharian. Naiintindihan mo ba ako, Emilia?”
Umiling iling si Emilia sa kanyang asawa.
“Gregor! Sama sama tayong aalis ng kaharian!” ani ni Emilia.
Niyakap ni Gregor ang kanyang asawa. Matapos ay hinalikan niya sa noo ang kanyang dalawang anak. Ngumiti siya sa mga ito.
“Umalis na kayo,” ani ni Gregor. Hinawakan siya ni Emilia ngunit agad niya ring tinangal ang kamay ng asawa sa kanyang kamay.
Wala silang nagawa kung hindi ang iwan si Gregor doon.
Mabilis naman na tumakbo si Gregor sa kabilang direksyon salungat sa pinuntahan ng kanyang mag – iina.
Nakuha niya ang atensyon nila Raciero.
Pinatigil ni Raciero ang kanyang mga kawal.
Itinutok ng mga ito ang mga pana sa direksyon ni Gregor. Ngumiti si Raciero at ibinaba ang kamay. Simbolo lamang na pakakawalan ang mga palaso na nakaamba.
Binitawan ng kanyang mga kawal ang mga palaso. Agad na tinahak nito ang direksyon kung nasaan si Gregor Aragon.
Tinamaan ito sa likod ng dalawa at sa binti ng isa.
Napaluhod si Gregor ngunit agad din siyang tumayo upang tumakbo. Lumiko siya sa may pasilyo.
Inilabas ni Raciero ang kanyang espada at sinundan si Gregor.
Muling inutusan ni Raciero na paulanan ng palaso si Gregor. Apat na palaso muli ang tumama kay Gregor sa kanyang likuran, at isa sa paa dahilan upang matumba siya.
Napatumba siya sa sahig.
***
Napatigil sila Emilia pagdating nila sa lagusan. Sarado ang paunang pinto at puno ng kawal ito. Inutusan na sila ni Raciero na harangan ang paunang lagusan upang hindi makalabas ang mga Aragon.
Napatigil sila noong isang espada ag tumutok sa leeg ni Emilia. Si Kester ang may hawak ng espadang iyon na nakita silang tumatakas mula sa silid nito.
“Kataas taasang, Emilia,” ani ni Kester sa babae habang nakangiti. “Mali ata ang kinalalagyan mo ngayon. Paano kayo nakatakas sa inyong mga kulungan?”
Hindi naman nakasagot si Emilia. Ipinadakip sila ni Kester sa mga kawal at ibinalik sa kulungan.
Napahawak sa rehas si Emilia. Nag – aalala siya sa kanyang asawa kung anong nangyari rito.
“Ina,” tawag ni Inari dito habang umiiyak.
Niyakap na lamang ni Emilia ang kanyang anak. Humihikbi naman sa isang gilid si Emma. Malapit na sana silang makalabas kung hindi lamang sila nahuli ni Kester La Casa.
Napapikit si Emilia. Nasayang ang kanilang pagkakataon na makatakas.
***
Nakapila ang lahat ng tao sa harap ng malaking entablado. Animo may magaganap na malaking bagay ngayong araw.
Nakahilera rin ang mga kawal sa lahat ng sulok.
Nagbubulung bulungan sila habang nakatngin sa duguan lalaking nasa kanilang harapan. Nakapikit ang mga mata nito dahil sa bugbog. Nasisikatan ito ng mainit na araw habang nakagapos ang buong katawan.
Ito na ang araw ng kaparusahan ng mga Aragon.
Nagsilabasan na ang mga dugong bughaw kasama ang hari. Naroon na rin si Mercier kasama ang kanyang mga anak.
Naupo sila sa mga upuang nasa may entablado upang masaksihan ang parusa sa mga Aragon.
Mula sa gilid ay iniakyat na dala ng mga kawal sila Emilia at ang dalawang anak nito.
Napasigaw si Emilia noong makita ang duguang asawa. Agad na napahagulgol ang dalawa nilang anak.
“Gregor!!” sigaw ni Emilia.
Nakaluhod lamang si Gregor habang tumutulo ang dugo sa sahig. Wala na siyang marinig pagka’t napuruhan ang kanyang dalawang tainga. Kahit mag susumigaw pa ang isang tao sa harap nito ay malabong marinig pa niya. Maging ang mga mata ni Gregor ay nanlalabo din. Malapit man ang tao sa kanya ay hindi niya na makikilala.
Pinagmamasdan naman ni Gatley si Emma. Habang si Greco ay nakatingin sa kanila. Kanina lamang ay nakita niya ang mga ito na tumatakas ngunit ngayon ay nasa harap nila at mga nakagapos.
Si Hollick ay walang ipinapakitang interes sa mga ito habang si Amethyst ay makikitaan ng takot sa kanyang mukha.
Napalunok naman si Mercier, at napatingin sa kanyang anak na si Greco.
Tumungo naman si Raciero sa gitna ng entablado.
“Ang mga Aragon ay nagtangkang takasan ang kasalanang kanilang nagawa,” ani ni Raciero kaya muling nagkaroon ng bulung bulungan sa harap ng mga tao. “Mabuti na lamang at umiikot ako sa buong kaharian at nahuli ang mga kriminal na ito. Nagpapasalamat din ako na narito na ang aking anak na si Mercier. Malusog, at nakaligtas sa lason. Ngayon ay makikita niya ang pagkamit ng kanyang hustisya.”
Tumayo ang hari sa kanyang inuupuan.
“Ang araw na ito ay ang araw ng paghahatol,” ani ng hari. “Hatol na kamatayan. Magmula rin sa araw na ito. Ang alyansa ng River sa mga Aragon, at mga Chevor ay aking pinuputol. Sila ay mga kaaway, mga traydor. Tanging pagsuko lamang nila ang makapag – aayos ng problemang ito.
“Gregor Aragon, at Emilia Chevor. Dahil kayo ay nagkasala, at sinubukan niyong lasunin ako, maging ang aking pamilya ay hinahatulan ko kayo ng kaparusahang kamatayan. Si Gregor ay puputulan ng kanyang ulo habang ang kanyang asawa na si Emilia ay ibibigti hanggang sa malugatan ng kayang hininga. Ang kanilang mga anak ay tatanggalan ng mga posisyon. Sila ay kasing lebel na lamang ng mga alipin.”
Napapikit si Emilia sa kanyang narinig. Ngunit nagpapasalamat pa rin siya na hindi magagalaw ang kanyang mga anak.
“Haring Devos! Ang kanilang mga anak ay hindi inosente. Nararapat din silang hatulan ng kamatayan. Sila ay tumakas kanina nangangahulugan lamang na sla ay may mga sala!” ani ni Raciero sa hari.
“Ito ang aking desisyon,” ani ng hari at muling umupo sa kanyang upuan.
Napakuyom naman ng kamao si Raciero.
Binitbit ng mga kawal si Emilia at Gregor.
Si Gregor ay inihiga sa isang malaking kahoy habang si Emilia ay nilagyan ng tali sa kanyang leeg.
Hagulgol naman ang maririnig kila Emma, at Inari na pilit kumakawala sa pagkakahawak sa kanila.
Tumingin si Emilia sa kanyang mga anak. Tumango siya sa mga ito.
Sinenyasan ng hari ang kanyang mga kawal.
Isang talim ng espada ang naghiwalay ng ulo ni Gregor Aragon sa kanyang katawan. Isang sigawan ang namutawi sa tumpok ng mga tao. Habang bintawan naman ng isang kawal ang pagkakahawak sa tali. Tumaas sa ere si Emilia, ilang minuto itong nagkakawag bago tuluyang namatay.
“INAAAA!!!” sigaw ni Emma, at nahimatay sa kanyang nasaksihan.
Hindi makapagsalita si Inari sa kanyang mga nakita.
Napaluha si Mercier habang mahigpit ang pagkakahawak niya sa kanyang upuan. Unti unting sumilay ang ngiti sa kanyang mga labi habang pinagmamasdan ang sinapit ng pamilyang Aragon.
Sa isang tumpok naman ng tao ay napakuyom ng kamao si Efren sa nakita ng kanyang mga kunig na mata. Napuno siya ng galit habang nasaksihan ang kamatayan sa entablado.
Galit siyang tumalikod at bumalik kung saan siya nanggaling. Inabutan niya si Gregory na naghihintay sa kanya sa gilid. Hindi na niya ito pinapasok kanina.
Sumakay si Efren ng kanyang kabayo.
“Anong balita?” tanong ni Gregory sa lalaki. “Nasaan ang aking mga magulang? Kamusta ang aking mga kapatid.”
Napahigpit ang pagkakahawak ni Efren sa tali ng kabayo.
“Isang digmaan ang muling sisibol,” ani ni Efren kay Gregory saka pinatabo ang kanyang kabayo paalis sa lugar na iyon.
Hindi makapaniwala si Gregory sa kanyang narinig. Namuo ang kanyang luha sa mga mata.