XXXXIV - Kapalit

1894 Words
At The Free Land: The Land of Birds Third Person Point of View                 “Pang – ilang araw na nating sinusuyo ang mga gorote, panginoon,” ani n Augustus kay Erebus habang sakay sakay ng kanyang kabayo.                 Pang – apat na araw na nila ang pagpunta rito ngunit gaya ng dati ay itinataboy sila ng mga ito. Hindi nila matyempuhan ang lider ng mga golote.                 “Hindi atayo susuko hanggang hindi natin nakakausap ang kanilang datu,” ani ni Erebus.                 Pinapunta niya ang kanyang kabayo sa harap ng bukana papasok sa tirahan ng mga golote. Napatigil muli ang mga naroon , at napatingin sa kanila.                 “c*m duce tuo colloqui volo. Ostende mihi viam,” ani ni Erebus sa mga taong naroroon.                 (I want to talk with your leader. Show me the way.)                 Isang gorote ang bumulong sa isang naroon.                 “Quis homo pertinax. Miraris ducem nostrum. Dixit mihi quod det tibi forte colloqui c*m eo,” ani ng isang golote na binulungan. “Veni, ingredere et sequere me.” (What a persistent man. You made our leader amaze. He told me that he will give you chance to talk with him.)( Come, enter, and follow me.) Nagkatinginan naman si Augustus, at Erebus. Hinabas nila ang tali ng kabayo upang papasukin ito sa kanilang tirahan ngunit agad na pinagkrus ng dalawang bantay sa bukana ang kanilang mga hawak na sibat upang hindi sila makapasok. “Relinque equis,” sabi ng isang taga bantay. “Arma depone.” (Leave your horses.)( Put away your weapons.) “Arma nostra relinquere non possumus. Haec sunt nostra praesidia. Bellator sumus, et manus nostrae sunt,” ani ni Augutus sa mga bantay. (We can't leave our weapons. These are our protection. We are a warrior, and they are our hands.) “Si loqui vis c*m Datu nostro, relinque arma tua!” ani ng isang taga bantay. (If you wish to talk with our Datu, leave your weapons behind!) Tinignan naman nila Augustus, at Alexander si Erebus upang malaman kung ano ang magiging desisyon niya. “Ne cures, domine, non est intus malum. Gladio loquendo non indigebis,” ani ng lalak na umaaya sa kanila kanina papasok. “Iwan niyo ang inyong mga kabayo, at sandata,” ani ni Erebus saka bumaba ng kanyang kabayo. Iniwan nila ang kanilang mga espada sa mga taga bantay ng bukana. Pumasok sila upang sumunod sa lalaki. Ang lahat ng mga naroon ay nakatingin sa kanila na animo ay ngayon lamang nakakita ng mga nilalang na tulad nila. Hindi sila komportable sa mga tingin ng mga ito. Pakiramdam nila ay may kakaiba. Ilang minuto silang naglakad, at pinapasok sila ng lalaki sa nasa gitna, at pinakamalaking tolda na nakatayo sa may bundok. Pagkapasok nila ay bumungad ang malaking espasyo sa loob. Sa gitna ay may nakita silang lalaking nakaupo. May pulang bandana ang ulo nito. Ang buhok nito ay abot hanggang dibdib. Wala itong saplot pang itaas, at puno ng mga burda ang katawan ng iba’t ibang simbolo. May gintong kolorete ito sa magkabilang pulsuhan. Ang pang ibabang suot nito ay pulang tela. Mayroon din itong tatlong gintong kwintas na simpleng pabilog na nakaikot sa kanyang leeg na animo ay mga maliliit na bakal. “Maupo kayo,” ani ng datu na kanilang ikinagulat pagka’t hindi lumang lengwahe ang gamit nito. “Nakakaintindi ka ng modernong lengwahe?” tanong ni Erebus. “Ano sa tingin mo?” tanong ng Datu sa kanya. “Maaring malayo kami sa kabihasnan ngunit bilang kanilang pinuno ay kailangan kong maging matalino, at maalam. Kaya kong bumigkas ng tatlong lengwahe. Moderno, banyaga, at luma.” Umupo naman sa papag sila Erebus. Ang kanilang upuan, ay tatlong makakapal na tela . “Kahanga – hanga,” ani ni Erebus. “Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. Nais kitang maging kaanib ko sa aking pwersa. Kailangan ko ang tulong mo sa pakikipaglaban sa digmaan.” Malakas na napatawa ang datu sa sinabi ni Erebus na kanilang ipinagtaka. “Ginoo,” tawag ng datu sa kanya. “Kung nais mong makuha ag aking puso, hindi ba dapat ay pinag – aralan mo muna ang aming mga tradisyon? Hindi ba dapat ay gumagawa ka muna ng panungkit? Gaya na lamang kung nais mong makuha ang prutas sa itaas ng puno. Hindi mo pwedeng sigawan lamang ito na bumaba upang mapasakamay mo. Dapat gumawa ng mahabang sungkit upang makuha ito. Ang pagpasok sa aking tolda, at ang pakikipag usap sa akin na sinasabi mo agad ang iyong mithiin ay isang kabastusan. Hindi mo baa lam kung paano gumalang? Sa aking pagkakaalam na kapag dadalaw ka sa hari ay may dala kang regalo, bago mo siya kausapin ay yuyuko ka sa kanyang harap, at magbibigay respeto ngunit may isa ka bang ginawa sa kahit alin doon?” Hindi agad nakasagot si Erebus sa sinabi nito. “Ako ay isang datu, isang pinuno, at hindi kung sino sino lamang,” dagdag ng datu sa kanya. “Ipagpaumanhin mo kung ako ay naging bastos,” ani ni Erebus. “Iyon ay hindi ko sinasadya. Dapat ay naging mas maingat ako sa aking pananalita. Sa ngayon ay wala akong maipapangako sa iyo pagka’t tumatayo pa lamang ako sa aking paglipad ngunit sinisigurado ko na kapag tayo ay naging magkaalyansa ay hindi magugutom ang iyong komunidad. Kapag ako ay umupo na sa trono ay bibigyan ko ang mga  golote ng kanilang sariling lupa, at mataas na posisyon.” Mahinang tumawa ang Datu sa sinabi ni Erebus. “Marami ka pang dapat pag – aralan,” ani ng Datu sa kanya. “Napakaganda ng iyong mga alok ngunit ito ay walang kwenta sa isang tao na kuntento sa anong meron siya. Mayroon kaming sariling lupain, at ito ang bundok na kinatatayuan mo ngayon. Hindi naman problema ang kakainin namin sa araw – araw pagka’t maraming binibigay ang kapaligiran. Posisyon? Sa akin? Ako ang pinakamataas sa lugar na ito ano pang ibibigay mo sa akin? Kung aanib ako sa iyo ay bababa lamang ang aking ranggo.” Kasunod niyon ay ang pagtawa ng datu habang nakangiti ang sarado nitong labi. “Proteksyon,” ani ni Erebus. “Ang lahat ng nasa ilalim ng aking mga pakpak ay makakasiguradong nasa ilalim ng aking proteksyon, at pangangalaga.” “Itigil mo na ang iyong pag – aalok,” ani ng Datu kay Erebus. “Nagmumukha ka lamang katawa tawa. Paano mo kami proproteksyunan gayong kailangan mo pa ng tulong namin sa pakikidigma. Ilalagay mo lamang ang aking mga tao sa kapahamakan.” “Isang prinsipe ang kausap mo,” ani ni Alexander sa Datu. Pinigilan naman siya ni Erebus. “Kung ganoon ay ano ang gusto mo?” tanong ni Erebus sa Datu ng mga golote. “Napakaganda ng iyong mga mata,” ani ng Datu habang nakatingin sa pulang mga mata ni Erebus. “Bagay na bagay iyan sa isang golote.” Nagkatinginan naman ang tatlo sa sinabi ng datu. “Hindi mo maaring kuhanin ang mata ng panginoon!” madiin na sabi ni Augutus. Ngumiti naman ang Datu at tumingin sa isang gilid. Mula roon ay pumasok ang isang babae. Nakatakip ang kalahati ng mukha nito, at tanging mga mata lamang ang kanilang nakikita. Ang buhok nito ay nakaipit lahat sa likod. May suot itong palamuti sa ulo na binubuo ng mga maliliit na nagkikinangang bato na abot hanggang sa noo ng dalaga. Ang tenga nito ay may mahabang pares ng  hikaw. Nakasuot ito ng magarang damit na may mahabang manggas. Maging ang paldang suot suot ay lagpas sa binti. Bukod pa roon ay may pula na may bahid na gintong kulay na telang nakalagay mula sa balikat nito hanggang sa bewang na nakapahalang. Lumapit ito sa Datu, at napatingin sa mga bisita ng kanyang ama na nasa harap. Agad napukaw ng atensyon niya ang mga pulang mata ng binata na si Erebus. “Ito ang aking anak na si, Sagada,” ani ni ng Datu kay Erebus. “Nasa hustong bilang na siya upang mag – asawa. Marami ang nanliligaw sa kanya ngunit ngayon ay nakahanap na ako ng ipapareha sa aking anak.” Alam na nila ang nais iparating ng Datu. Kapalit ng alyansa nito ay ang pagpapakasal ni Erebus sa anak nitong si Sagada. “Hindi ko maaring pakasalan ang babaeng hindi ako ang mahal,” ani ni Erebus. “Ang kasal sa akin ay isang sagrado. Tanging minamahal ko lamang ang aking pakakasalan.” “Ginoo, masama ang tanggihan ang isang alok sa iyo ng isang Datu,” ani ng Datu sa kanya. “Minsan lamang ako mag – aalok sa iyo kaya pag isipan mong mabuti. Isa pa ay hindi ka malulugi sa aking anak. Siya ay isang kagalang galang na dalaga. Nakikita mo ba ang binatang may pulang mga mata Sagada? Ipakilala mo ang iyong sarili sa kanya kung pumapayag ka na kanyang mapangasawa.” Napatingin naman si Erebus kay Sagada. Ang mga titig ni Erebus ay naging dahilan na mahiya ang dalaga dito. Hindi nito maitatanggi na gwapo, at makisig ang binatang nakatitig sa kanya. Ngayon lamang siya nakakita ng isang dugong bughaw mula sa labas ng kanilang tirahan. Pangarap niya ang mapkapasyal sa ibang kalupaan ngunt dahil isa siyang anak ng Datu ay hindi siya pwedeng pumunta sa kahit saan niya gusto. Naglakas ng loob si Sagada na tumingin ng diretso kay Erebus gamit ang kanyang kulay kapeng mga mata. “Ako si Sagada Kankanae, Ginoo,” panimula ni Sagada, at tila nahulog si Augustus sa mahinhin at malambot na boses nito. “Anak ako ng Datu Borloc Kankanae, at Haraya  Sol Dimaunahan, nagmula ako sa angkan ng mga Golote. Kung sakaling naisin mo ang alok ng aking ama ay buong puso kitang tatanggapin. Ipinapangako ko na ako ay magiging mabuting asawa sa iyo.” “Nais kong magsabi ka ng totoo,” ani ni Erebus kay Sagada. “Ikaw ba ay may napupusuan na?” “Napupusuan?” pag uulit ni Sagada, at siya ay napaisip. “Wala, ginoo.” Tunay ang kanyang sinasabi pagka’t wala sa kanilang angkan ang makakuha ng kanyang interes. May iba siyang hinahanap. Hindi rin isang golote ang kanyang nais mapangasawa ngunit isang lalaking galing sa ibang kalupaan. “Kung hindi papayag ang aking panginoon ay maari akong maging kapalit,” ani ni Augustus. “Handa akong pakasalanan ang iyong anak, Datu. Tatanggapin ko ng buong buo ang magandang binibining ito. Gaya ng panginoon ay isa rin akong binata. Naghahanap din ako ng aking mapapangasawa na aking makakatuwang.” “Hindi ikaw ang nais ko para sa aking anak,” ani ng Datu kay Augustus kaya napasimangot naman ang lalaki.  Bumaling ang Datu kay Erebus. “Ano sa tingin mo?  Kapag naging asawa mo si Sagada ay wala kang dapat ipag – alala sa ating alyansa. Tutulungan ka naming ibuka ang iyong mga pakpak upang makalipad ka.” Napaisip naman si Erebus sa alok ng goloteng Datu. Sa totoo lamang ay nasa proseso pa lamang sya ng paghahanap sa mamahalin ng kanyang puso. Hindi niya nais magpakasal sa isang babaeng hindi niya gusto pagka’t naniniwala sya na ang isang kasal ay sagrado.                 “Pag iisipan ko muna ito, bigyan mo ako ng ilang araw,” ani ni Erebus, at tumayo. “Magbabalik ako dito kung sakaling nais kong pakasalan ang yong anak.”                 “Magaling,” ani ng Datu, at tumayo na rin upang ihatid sila palabas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD