VIII - Ulaah

1805 Words
At Third Land: The Land of Sword Third Person Point of View Itinaas ni Jamaica Ulaah ang kanang kamay niya sa ere kasabay nang pagbukas ng pamaypay na hawak hawak nito sa magkabilang kamay. Gawa sa bakal ang pamaypay ni Jamaica. Purong bakal na kulay ginto. Ang bawat dulo ng parte nito ay matutulis. Ang bawat pundasyon ng pamaypay ay pwedeng humiwalay sa katawan upang maging maliit na kutsilyo. Nakatago sa loob ng pamaypay ang maliliit na mga karayom. Karayom na may mga lason. Sa hawakan ng pamaypay ay may nakasabit na maliit na bote na hugis espada. May nakalagay na likido sa loob nito. Nakasuot si Jamaicah ng itim na kimono. Walang ibang disenyo ito kundi ang mahabang kulay gintong obijime na binigay sa kanya ng kasintahan noon at ang kulay gintong burda ng kanang pakpak ng anghel sa may kwelyo ng kanyang kimono "HAAA!" sugod ng isang mandirigma na may hawak na espada sa kanya. Tumatakbo ito sa kinalalagyan ni Jamaicah. Ang espada ay nakatutok patama sa tiyan niya. Mabilis na nagbago ang posisyon ng kamay ni Jamaicah at sinangga ang espada patagilid. Pagkatapos ay pinalo niya ang espada ng pamaypay ng napakalakas dahilan para mabitawan iyon ng mandirigma saka siya humakbang ng mabilis at sinipa sa katawan ang katunggali. Hindi natapos doon ang pagtira ni Jamaicah. Humakbang ulit siya para sipaiin naman ito sa mukha. Mabilis ang pagtira niya kaya hindi na nagawa pang sanggain ito ng mandirigma. Tumilapon ito sa gilid. Pagkatapos ay hinugot ni Jamaica ang isang parte ng kanyang pamaypay at mabilis na inihagis ito sa ere at pinalo patira sa nakahigang mandirigma. Tumama ang patalim sa gilid ng mandirigma. Ilang espasyo nalang ang layo sa leeg nito. Napalunok ang mandirigma. Tunay na napakagaling makipaglaban ng manglilingong babae. Isa lamang si Jamaicah sa magagaling na tao ng ikatatlong lupain. Pero wala ng mas gagaling pa sa nawalang maalamat na kabalyero. Labis itong ikinalungkot ng lahat. Nagulat si Jamaicah ng may palasong mabilis na dumaan sa may gilid ng pisngi niya. Napatingin siya sa pintuan ng malaking silid - sanayan ng kanilang kastilyo kung saaan nanggaling ang palasong ito. Naroon at nakita niya ang bunsong kapatid nila Aelous. Tatlong mga anak na lalaki ang iniwan ng mag asawang pinuno ng mga Ulaah. Sina Aelous, Alexander at ang bunso na si Aero. Si Aelous ang panganay sa magkakapatid na ngayon ang namamahala sa buong ikatatlong lupain simula ng maawala ang ama nila. Si Alexander ay wala na samantala si Aero naman ay nakuha ang pangalan na Hari ng Palaso. Magaling ito gumamit ng pana na kahit ilang metro pa ang layo mo sa kanya ay paniguaradong tatamaan ka ng kanyang palaso. Agad na tumayo ang mandirigma ng makita ang lalaki na nasa posisyon pa ng pagpana .Nagbigay galang ito sa lalaki. Inutusan naman siya ng lalaki na lumabas ng silid kaya agad agad din itong lumabas upang iwan silang dalawa. "Oops sagitta mea et ego desidero?" nakangiting tanong ng binata na alam naman ng lahat na sadyang hindi niya iyon pinatama. (Oops did I miss my arrow?) Nakabalot ng panangga ang buong katawan ng binata. Kulay blonda ang buhok nito at asul naman ang mga mata katulad nila. Tulad ng mga kapatid ay gwapo din ito, masiyahin at medyo maloko. Pero iba na ngayon hindi mo na makikita na nakangiti si Aelous ngunit si Aero naman ay patuloy na sinusuot ang mga walang laman na ngiti nito. Humugot ng palaso si Aero na nakalagay sa likod nito saka umasintang muli pero hindi na ito nakatutok kay Jamaicah kundi sa malaking salamin na nakalagay sa likod niya. Tatlong palaso ang nasa pana ni Aero. Nang bitawan niya ang sinulid ay mabilis na binagtas ng mga palaso ang salamin. Nabasag ito at lumubog ang mga ulo ng palaso. "Nakahanda na ang palaso para sa tatlong anak ng mga La Casa. Isa para kay Kester, isa para kay Mercier at isa para kay Ember La Casa," sabi ni Aero saka ngumiti ‘kay Jamaicah. "Hindi ka dapat padalos dalos Aero. Tatlong makakapangyarihang tao ang tinutukoy mo. Reyna ng anim na mga lupain ang isa sa kanila. Kaya mag ingat ka sa iyong pananalita at baka bago mo sila mapana ay putol na ang iyong dila," paalala ni Jamaicah dito. Nag aalala siya na baka may maisip si Aero na ikapahamak nito. Alam niyang may kinikimkim rin si Aero na galit sa loob at alam niya ring padalos dalos ito magdesisyon kaya naman labis rin siyang nag aalala para sa bunsong anak ng Ulaah. "Tamang tama ang imbitasyon ng hari. Ang kasiyahang mapupunta sa lamayan," sabi ni Aero na hindi man lang binigyan pansin ang kanyang paalala. Nagulat si Jamaicah sa sinabi nito. May binabalak na naman ito at hindi siya nagkakamali. Ang binabalak niya ay hindi nagustuhan ng dalaga. "Masyadong mapanganib ang naiisip mo Aero. Sinabi ko na sa iyo n-" "Labinlimang taon na ang nakakalipas Jamaicah. Habang tayo ay malungkot na pinaglalamayan ang nasawing miyembro ng pamilya ay punong puno sila ng kasiyahan sa kaharian," putol ni Aero sa sinasabi ni Jamaicah. Masakit ang katotohanang iyon pero kung may binabalak si Aero ay maaring madagdagan ang mga taong paglalamayan nila. "Imumungkahi ko kay panginoong Aelous na maiwan ka rito sa ikatlong lupain upang pansamantalang pamunuan ito at ako ang sasama kapalit mo," sabi ni Jamaicah sa lalaki. Natawa ng sarkastiko si Aero "Noong nakaraang araw ay narinig kitang pinipigilan mong dumalo ang aking hermano sa kasiyahan pero mukhang ngayon ay payag ka nang dumalo kayo roon. Bakit hindi mo nalang imungkahi na maiwan kayo at ako ang dumalo baka mas matuwa pa ako sa iyo," sabi ni Aero sa dalaga. "Unang una ay hindi ikaw ang panginoon ng ika tatlong lupain. Pangalawa ay nagdesisyon na si Panginoong Aelous na dadalo at wala na akong magagawa roon," malungkot na sabi ni Jamaicah. Wala naman talaga siyang magagawa dahil si Aelous pa rin ang panginoon ng ika anim na lupain at kailangan nila itong sundin. Kahit anong pigil niya dito ay hindi ito nagpapigil. "Hindi ka seryoso sa sinasabi mo hindi ba?" tanong ni Aero sa dalaga. Ang akala kasi ni Aero ay makikipagkoopera ang babae sa mga plano niya pero kabaliktaran pala ang mangyayari. Hindi naman sumagot si Jamaicah at naglakad na palabas ng pinto. Napahinto si Jamaicah nang magsalita si Aero "Hindi mo dapat ako pinipigilan sa ganitong mga bagay," sabi nito sa kanya. "Hindi mo pa nakikita kung ano ang kayang gawin ng mga taong nakaupo sa trono hindi mo lubos na naiintindihan kung gaanong makapngyarihan ang mga ito," sabi ni Jamaicah at tuluyan nang nilisan ang silid sanayan. Naiwan si Aero na nakatingin sa basag na salamin. Ngumiti ang binata at lumakad patungo sa mga basag na parte ng salamin. Tumingin siya roon at nakita niya ang isang lalaking may mga asul na mata ‘At hindi pa nila nakikita ang kayang gawin ng isang Ulaah’ bulong nito sa isipan saka tumalikod at nilisan narin ang lugar. *** Napatingin si Aelous sa binatang naglalakad patungo sa kanya. Walang iba kundi si Aero. Dala – dala nito ang palaso sa kanyang kamay habang nakangiting lumalakad at nakatingin sa kanya. “Mahal kong kapatid,” bati nito sa kanya. “Narinig ko ang balita mula ‘kay Jamaicah na dadalo kayo sa kasiyahan sa kaharian baka naman maaari akong sumama.” Pinunasan ni Aelous ang kanyang espada ng ilang hagod at tinanggal ang tingin sa kapatid na si Aero. “Maiiwan ka sa ating lupain,” ani ni Aelous sa kapatid. “Ikaw muna pansamantala ang hahalili sa akin. Nakausap ko na si Jamaicah kanina.” “Ako ang kapatid mo ngunit si Jamaicah ang iyong isasama?” tanong ni Aero at napaismid. “Hind patas iyon, kuya. Ang mabuti pa ay ako na lang siguro ang dapat na dumalo at kayo ang maiwan dito.” “Aero,” mahinahon na tawag ni Aelous sa kapatid. “Alam ko ang binabalak mo ngunit sinasabi ko sa iyo na hindi ito ang tamang panahon.” “Kailan?” tanong ni Aero kaagad. “Kailan kung hindi ngayon? Kapag naunahan na nila tayong kitilin ang ating mga mabuhay?” “Malayo pa ang dapat takbuhn ng iyong mga palaso,” sagot naman ni Aelous sa kapatid. “Ilang tapyas pa ang gagawin mo para tumalim ang dulo ng iyong palaso. Libong pagsasanay pa ang yong kailangan, Aero abgo mo makamit ang bagay na gusto mo. Sa ngayon ay manahimik ka na lamang sa isang tabi habang nagsasanay.” “Tapos na ang aking pagsasanay,” ani ni Aero sa kanya. “Hasang hasa na ako sa pagpana. Huwag kang mag – alala sa akin. Ayos lang sa akin kahit buhay ko pa ang maging kapalit basta tatamaan ng aking tatlong palaso ang mga taong dapat tamaan nito.” “Nag – aalala na ikaw ay mamatay?” tanong ni Aelous dito. “Hindi lang iyon ang mangyayari sa binabalak mo. Magkakaroon muli ng panibagong digmaan at baka ang Ulaah na ang mga sumunod na mawala sa mundong ito. Kung hindi mo alam ang salitang takot ay pag aralan mo muna ito, Aero. Malakas ang hangin sa susunod na buwan. Malaki ang tyansa na lumihis ang mga palaso mo.” Napahigpit naman si Aero ng kanyang kamao habang hawak hawak ang palaso sa kanyang kamay. Nangangati na siyang patayin ang mga magkakapatid ngunit ito ang kanyang nakakatandang kapatid at pinipigilan siya sa kayang mga plano. Sapat na ang labinlimang taong pagsasanay. Alam na niya ang sariling abilidad kaya may tiwala siya sa kanyang sarili ngunit kung ang kapatid niya si Aelous ay wala, wala na siyang pakielam at hindi siya mapipigilan ng mga ito sa gagawin niyang mga plano. Huminga ng malalim si Aero at ngumiti sa kanyang nakakatandang kapatid na si Aelous kahit wala sa kanya ang tingin nito. “Malalaman natin,” ani ni Aero at tumalikod na. Nagkasalubong pa sila ni Jamaicah. “Ang kapatid mo ay may binabalak,” ani ni Jamaicah sa kanyang panginoon. “Siguradong malaking gulo kapag binitawan niya ang kanyang palaso sa kaharian ng hari at reyna.” “Ako na ang bahala ‘kay Aero,” ani ni Aelous at inilapag ang sandata sa gilid noong sapat na sa mga mata niya ang kinang nito. “Hindi ko hahayaan na manggulo siya sa paparating na salo salo. Maiiwan siya dito kung sakali man.” Lumingon naman si Jamaica muli sa lalaking si Aero at pinagmasdan ito. Nakita niya na ang laki na ng pinagbago ni Aero. Malaki na ito at hindi mo na matatawag na bata. May sarili na itong utak at siguradong alam na nitong magdesisyon. “Sana nga ay hindi ito makatakas sa kung ano mang inihanda mo,” ani ni Jamaicah sa panginoon niya. “Natatakot ako para sa inyong bunsong kapatid.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD