XXV - Pagkikita

1858 Words
At the Land of Birds: The Land of Free Man Third Person Point of View         Nagulat si Meira Valeeryan noong sa kanyang pagliko sa may pasilyo ay naabutan niya ang isang babaeng may mga puraw na mata. Isa itong babaylan base sa kanyang kaalaman.         Agad siyang napaatras palayo dito.         Habang si Shabiri ay biglang nahilo noong nagkalapit sila ni Meira. Nagulat siya sa biglaang presensya nito.         Napahawak siya sa kanyang ulo.         “Mahal na prinsesa,” tawag ni Shabiri rito. “Matagal na kitang hinahanap.”         Napatitig naman si Meira sa babaylan. Wala siyang tiwala dito. Ngayong hindi niya kasama ang kanyang kapatid na si Erebus at ang kanyang taga bantay na si Alexander ay hindi siya pwedeng magtiwala kung kani – kanino.         Umiling iling si Meira.         “Nagkakamali ka,” ani ni Meira. “Hindi ako dugong bughaw. Isa lamang akong ordinaryong manlalakbay sa kalupaang ito.”         “Hindi mo kailangang magsinungaling sa akin,” ani ni Shabiri. “Nakikita ko ang tunay na kulay ng iyong mga mata. Kakampi mo ako mahal na prinsesa. Narito ako upang tulungan ka.”         “Hindi ko kailangan ng tulong mo!” madiin na ani ni Meira.         “Kailangan mong sumama sa akin,” ani ni Shabiri. “May isang gampanin ka sa mundo na kailangan mong gawin upang mapanatili ang buhay ng mga tao.”         Napakunot ang noo ni Meira at naguluhan sa sinabi ng babaylan.         “Ano ang iyong pinagsasabi?” tanong ni Meira rito. “Huwag mo akong pagsinungalingan! Alam kong humawak ng armas! Subukan mong gawan ako ng masama at hindi ako magdadalawang isip na hiwain ang iyong leeg!”         Puros kasinungalingan. Malakas ang t***k ni Meira ngayon. Hindi niya alam ang gagawin niya. Ilang araw na niyang hinahanap ang kanyang kapatit, at si Alexander ngunit sa luwang ng lupain na ito at sa rami ng tao ay palagi siyang nabibigo.         “Mahal na prinsesa, ako si Sha-“         Napatigil si Shabiri sa kanyang sasabihin noong inilabas ni Meira ang talim ng kanyang mahabang sibat.         Nanginginig ang kamay ni Meira na itinutok ni Meira ito sa babaylan.         “Lumayo ka sa akin kung ayaw mong masaktan!” madiin na sabi ni Meira habang nangangatal ang kanyang panga.         Kabadong kabado siya sa ginagawa niya ngayon.         Hindi naman gumalaw si Shabiri sa kanyang kinalalagyan. Dahil doon ay sinubukan ni Meira takutin ito at tutukan ng talim sa leeg ngunit dahil sa panginginig ng kanyang kamay ay nabitawan niya ang kanyang hawak na sibat.         Napatingin ang dalawa sa sibat na nasa sahig at nagtinginan sa isa’t isa.         Napalunok si Meira. Hindi niya alam kung ano ang kanyang gagawin.          Akmang gagalaw si Shabiri noong mabilis na tumakbo si Meira paalis doon sa takot. Naiwan niya ang sandata na iniregalo sa kanya ni Alexander.         Ang alam niya lang ay kailangan niyang iligtas ang kanyang sarili sa mga taong makakasalamuha niya.         Noong makalayo si Meira ay nagtago siya sa isang puno at napatalungko. Napaiyak siya pagka’t hindi na niya alam ang kanyang gagawin.         “Erebus, natatakot ako,” ani ni Meira habang pinupunasan ang luha sa kanyang mga mata. “Nasaan na ba kasi kayo.”         Napatingin si Meira sa magkabilang panig na daan. Hindi niya alam kung saan ang tatahakin niya roon. ***         “Maari kayong tumuloy sa aking tirahan mga ginoo,” ani ni Nabi kila Erebus at Alexander. “Bakit hindi muna kayo magpahinga sa paghahanap niyo sa inyong kasama. Alam mo, malawak ang lupain ng mga malalayang tao. Mahirap siyang mahanap kung dalawa lang kayo.”         Napatitig naman si Alexander kay Nabi. Ito ang babaeng tumulong sa kanila upang matigil ang kanilang pakikipaglaban sa mga mambubutang. Sinabi sa kanya ni Erebus na nakita na niya ang babaeng ito at nagtitinda ito sa gilid. Isa pa sa sinabi ni Erebus ay isang magnanakaw ang babaeng ito na nagsubok na pagnakawan ang kanyang prinsipe.         “Sasama tayo sa kanya?” tanong ni Alexander sa prinsipe.         “Kailangan nating magbawi ng lakas,” ani ni Erebus. “Kailangan natin ng matutuluyan pansamantala. Pagkatapos ay muli nating hahanapin si Meira.”         Nais sanang salungatin ni Alexander ang ideya na ito ngunit sa tingin niya ay alam ni Erebus ang kanyang ginagawa.         Ilang minuto lang ang ginugol nila sa paglalakad at nakarating sila sa bahay ni Nabi.         Maliit lamang ito at puno ng gamit ang loob. Kung saan saang pasilyo sila nagpasikot sikot bago makarating sa bahay ng dalaga.         Binigyan ni Nabi ang dalawa ng malamig na tubig na maiinom.         “Maghahanda lamang ako ng ating makakain,” ani ni Nabi sa dalawa.         Ininom naman ni Alexander ang malamig na tubig sa isang lagukan lamang.         “Lalabas na muna ako upang ipagpatuloy ang paghahanap kay Meira,” ani ni Alexander kay Erebus.         “Mag – iingat ka,” ani ni Erebus. “Hihintayin kita rito.”         Yumuko naman si Alexander at kinuha ang kupya na inilapag nya sa mesa kanina.         Lumabas na si Alexander upang ipagpatuloy ang paghahanap sa prinsesa. Hindi siya mapapakali hanggang hindi ito nakikita ng kanyang mga mata. Labis labis ang kanyang pag aalala sa kung ano na ang nangyari rito.         Tinigil naman ni Nabi ang kanyang paghahalo sa may kaldero at humarap sa nakaupong binata na umiinom ng tubig.         Batid ni Erebus na nakatitig sa kanya ang dalaga.         “Ituloy mo ang iyong pagluluto,” malamig na sabi ni Erebus. “Babayaran ko ang pagsisilbi mo.”         “Pagsisilbi?” natatawang tanong ni Nabi at lumapit sa binata saka hinawakan ang magkabilang balikat nito pababa sa dibdib ng binata. “Hindi ko kailangan ng salapi. Alam mo kung ano ang gusto ko sa iyo. Mukha namang madali kang makasabay sa iniisip ko.”         Hinawakan naman ni Erebus ang kamay ng dalaga at inialis ito sa kanyang katawan.         “Wala naman sigurong problema sa akin hindi ba?” tanong ni Nabi noong hindi siya sagutin ng binata. “Maganda naman ako. Kaya kong ibigay lahat ng gusto mo. Ang ibig kong sabihin ay napakaswerte mo na sa akin. Maraming lalaki ang naghahangad sa dalagang katulad ko.”         “Wala akong balak na pakasalan ka,” ani ni Erebus. “Hindi kita gustong mapangasawa. Hindi kita nakikita bilang isang babae kundi isang babaeng magnanakaw lamang.”         Nasaktan si Nabi sa sinabi ng binata sa kanya. Hindi niya lubos maisip kung bakit hindi niya nakikita sa binata ang mga mata ng kagustuhan gaya na lamang kung paano siya tignan ng ibang kalalakihan.         “Hindi ako papayag,” ani ni Nabi. “PASOK!!!!!!”         Sa pagsigaw ng dalaga ay nagsipasukan ang mga kalalakihan na hindi bababa sa lima. Puros malalaki ang katawan nito.         “Turuan niyo ng leksyon ang lalaking ito,” ani ni Nabi sa mga lalaki. “Masyadong pakipot.”         Napatingin si Erebus sa mga lalaki. Sunod sunod itong sumugod sa kanya kaya agad niyang inilabas ang kanyang espada.         Nagulat si Nabi sa kanyang nakita.         Agad na napabagsak ng binata ang tatlo sa mga ito.         Ilang minuto lang ang lumipas ay umiiyak na sa aray ang mga lalaking inutusan niyang bugbugin si Erebus.         Hinatak siya ni Erebus at ikinulong sa kanyang kamay saka itinutok ang talim ng espada na hawak hawak sa kanyang leeg.         Napahinga siya ng mabilis at bumilis ang t***k ng puso ni Nabi sa ginawa ni Erebus.         “Sa susunod na traydurin mo pa ako ay hindi na magbabanta pa ang espada ko sa iyong balat,” bulong ni Erebus sa dalaga. “Mararamdaman mo na lang ito na biglang hinihiwa ang iyong laman.”         Napalunok si Nabi sa banta ni Erebus. Tila nanginig siya sa malamig na boses ng binata.         Itinulak siya ni Erebus sa may lamesa. Hindi ito kalakasan kaya nagawa niyang balansehin ang kanyang sarili sa kanyang pagsubsob.         “Tanggapin mo ang iyong pagkatalo,” ani ni Erebus. “Simula ngayon ay tao na kita. Ang ano mang nasasakupan mo ay akin.”         Napatingin si Nabi kay Erebus. Isa itong tao na teritoryal. Hindi siya makapalag sa sinabi nito. Napatitig siya sa mata ng mga binata.         Nanlalamig siya sa tingin nito.         Napaiwas siya ng tingin. Sa kanyang tanang buhay ay siya lagi ang kumokontrol ngunit ngayon ay nabigo siyang kontrolin ang lalaking nasa harap niya ngayon. ***         Napatigil si Meira noong makasalubong niyang muli ang tatlong nilalang na nakita niya noong isang araw.         Sila Greco La Casa at ang mga kasama nito na si Gin, at Yvonne.         Parehong kunot ang noo nila habang nakatingin sa isa’t isa.         Nagtatanong kung namalik mata ba sila ng mga sandaling iyon pagka’t iba na ang kulay ng kanilang mga mata dahil sa bisa ng gamot na kanilang ginagamit.         Napakuyom ng kamay si Meira. Nakita niya ang mga kahel na mata ng binata. Kilala niya ang mga dugong bughaw na kahel ang mata. Walang iba kundi ang mga traydor na La Casa.         Dahan dahan niyang inilabas sa kanyang likuran ang maliit na kutsilyo. Iniisip niya na kung mapapatay niya ang La Casa na kaharap niya ngayon ay hindi na nila kailangan pang makipagdigma ng kanyang kapatid.         Hindi na niya kailangan pang makipaglaban.         Napansin ni Gin ang ginagawa ng dalaga.         Mabilis na tumakbo si Meira kay Greco. Agad na naglabas sila ng mga espada.         Mabilis na humarang si Gin sa harap ng kanyang prinsipe at malakas na tinira ang kutsilyo sa kamay ni Meira.         Sa lakas ng pwersa ng lalaki ay dumulas ang kutsilyo sa kamay ni Meira at tumalsik ito sa malayo.         Napaatras si Meira.         “Isang kalaban!” madiin na sabi ni Yvonne. “Nais niya kayong saktan mahal na prinsipe.”         Lumabas naman si Greco sa likuran ni Gin. Nanghina ang mga tuhod ni Meira sa titig ni Greco.         Nanginig ito sa takot sa talim na ibinibigay sa kanya ng binata.         Hindi siya makagalaw at natumba na lamang sa sahig.         “Isa kang lapastangan!” mariing sabi ni Gin.         Napahigpit ng pagkakahawak sa kanyang espada si Greco.         “Sino ang nag – utos sa iyo na patayin ako?” tanong ni Greco. “Si Gatley ba?”         Hindi naman makasagot si Meira.         “Magpakilala ka sa akin, binibini,” ani ni Greco. Nagdadalawang isip pa rin siya kung tuna yang mga nakita niya ng gabing iyon. Iba na kasi ang kulay ng mata ng dalaga ngayon. Itim na itim na.         Hindi pa rin sumagot si Meira.         “Patayin niyo na siya mahal na prinsipe,” ani ni Yvonne. “Mahirap na baka siya pa ang makapatay sa iyo.”         “Magsalita ka,” mariin na sabi ni Greco. “Kung hindi ay mamatay ka dito.”         Hindi makapagsalita si Meira sa takot. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya sa mga ito. Nanginging siya.         Napahinga ng malalim si Greco at itinaas ang kanyang sandata upang kitilan ng buhay si Meira.         Sa pagbaba ng kanyang espada ay agad na tumagilid ito ng isang sandata ang sumangga dito palayo kay Meira.         Agad siyang siniko ng nakabaluting lalaki kaya napatumba si Greco.         “Mahal na prinsipe!” tawag ni Gin at matapos ay sinugod ang lalaki ngunit nagulat siya sa galing nito humawak ng espada.         Nasugatan siya nito agad sa may balikat. Malakas siyang sinipa nito palayo sa dalaga.         Matapos ay agad nitong kinuha si Meira at itinakbo papalayo roon.          
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD