XXXVII - Mga Bisita

1895 Words
At The Second Land: The Land of Kings Third Person Point of View           Nakahawak si Jamaicah sa kamay ni Aelous habang papasok sila ng kaharian.           Noong makaharap nila ang hari ay yumuko sila at nagbigay galang.           “Mga Ulaah,” ani ni Devos habang nakangiti. “Huwag mong sabihin na ang magaling na manlilingong si Jamaicah ay iyo ng asawa.”           Kilala ng hari si Aelous pagka’t ito ang panginoon ng ika – tatlong kalupaan na pumalit sa kanyang amang namayapa na. Sino ang hindi makakakilala sa magaling na manlilingong babae na nagngangalang Jamaicah na siyang laging nakasuot ng itim na kimono habang may hawak hawak na pamaypay sa kanyang kamay.           “Iyon na nga,” ani ni Aelous. “Ipagpaumanhin mo kung hindi ka namin naimbita, mahal na hari. Mabilis lang dinaos ang aming kasal at tanging kami lang din ang mga naroon. Walang naganap na pagsasalo.”           “Naiintindihan ko,” ani ni Devos. “Sayang at hindi ako nakadalo upang nabasbasan ko kayong dalawa. Napakaswerte mo sa iyong asawa. Kayang kaya ka nito ipagtanggol sa gitna ng digmaan.”           Hindi naman ngumingiti si Jamaicah sa hari at sa ibang parte ng kaharian ito nakatangin. Hindi niya nais batiin ang hari pagka’t hindi niya pa nakakalimutan ang naganap noon – labing – limang taon na ang nakakalipas.           Pinagmasdan ni Jamaica ang mga anak ng hari na nakatingin din sa kanila. Hindi siya natutuwa sa mga ito. Lalo na at pinaghalong River at La Casa ang mga dugong nanalaytay sa kanila.           “Nais ko man ay hindi ko na kayo gustong abalahin pa,” ani ni Aelous.           Napansin ni Devos na ilag sa kanya ang babaeng si Jamaicah kaya naman hindi na niya pinahaba pa ang kanilang usapan at ipinahatid na niya ang mga ito sa pagdadausan ng munting pagsasalo salo nila kung saan nakahain ang mga masasarap na alak at pagkain.           Sa isang gilid ay nakatago sa malaking barakilan ng kaharian ang lalaking nakasuot ng mahabang kappa at nasasakluban ng talukbong ang kanyang ulo upang hindi siya madaling makilala.           Nagmamasasid ito sa hari at sa mga taong naninirahan dito.           Sunod na pumasok ay ang mag – asawang si Ember La Casa at si Tyrell Carlsen.           Napataas ang kilay ni Devos pagka’t wala siyang kaalam alam na iba na ang namumuno sa ika – apat na kalupaan. Isang Carlsen at ang asawa nito na kapatid ng kanyang asawa na si Mercier.           Iniisip ni Devos kung alam ba ni Mercier ang tungkol dito. Inaasahan niya na si Merco Octavin ang dadalo sa kanyang imbitasyon ngunit taliwas dito ang kanyang inaasahan.           Nakangiti sa kanya si Ember La Casa.           “Mahal na hari,” bati ni Tyrell at yumuko silang dalawang mag – asawa sa harap ni Devos.           “Sa nakikita ko ay ikaw na ang panginoon ng ika – apat na kaharian,” ani ni Devos. “Hindi ito napagbigay alam sa akin at asawa mo si Ember La Casa.”           Seryoso ang mukha ni Devos habang nakangiti naman si Tyrell at Ember. Iniisip niya na lumalaki ang hinahawakang kapangyarihan ng mga La Casa.           “Sa tingin ko ay mabagal ang lipad ng balita sa inyong kaharian, mahal na hari,” ani ni Tyrell. “Matagal na akong panginoon sa ika apat na kaharian. Nagpakasal na rin ako kay Ember La Casa at mag kakaanak na kami sa loob ng siyam na buwan. Iba talaga ang humaling ng mga babaeng La Casa, mahal na hari.”           “Binabati ko kayo, mahal na haring Devos,” ani ni Ember sa hari. “Sa iyo ang buong araw na ito.”           Mas lalong napaisip si Devos sa sinabi ni Ember.           Nagkatinginan si Tyrell at Ember noong hindi sumagot ang hari sa kanila.           “Tiya!” nagagalak na tawag ni Gatley kay Ember.           “Gatley! Hollick! Ang lalaki niyo na,” natutuwang ani ni Ember sa kanila. “Tignan mo nga at lumaking magandang dalaga si Amethyst. Kamukha mo ang iyong ina. Hindi ba at napakaganda niya, aking mahal.”           “Parang ikaw,” ani ni Tyrell habang nakatingin kay Amethyst.           Nagkatinginan si Devos at Bellamy dahil sa sitwasyon nila ngayon.           “Ihatid niyo an gating panauhin sa kabilang silid,” utos ng hari sa kanyang alalay.           Sumunod naman doon si Tyrel Carlsen at si Ember.           “Paanong hindi nakarating sa akin ang mahalagang balitang ito,” nakasimangot ang mukha na ani ni Devos kay Bellamy.           “Ipagpaumanhin mo haring Devos,” ani ni Bellamy na wala ring kaalam alam. “Sigurado akong may mga malalaking tao ang pumigil na makarating sa atin ang balita. Hayaan niyo at agad kong iimbestigahan ang mga ito.”           Napatigil sa pag uusap si Devos at si Bellamy noong taas noong pumasok si Raciero La Casa sa bulwagan kasama ang anak nitong si Kester La Casa at ang mapapangasawa na si Adira.           “Haring Devos!” masaya ang boses na tawag ni Raciero sa hari habang nakabuka ang kanyang mga kamay.           “Panginoong Raciero!” tawag pabalik ni River sa lalaki.           Sa totoo lamang ay bukod sa kanyang asawa na si Mercier ay si Raciero ang higit na nais obserbahan ni Devos. Para sa kanya ay ito ang pinakatuso at magaling niyang kaaway. Ang padre de pamilya ng mga La Casa.           Alam niyang kahit na siya ay hari ay mas mababa pa rin ang tingin sa kanya ni Raciero at nais siya nitong hawakan sa leeg. Akala nito ay may karapatan siyang gawin ang bagay na ito pagka’t si Raciero ang gumawa ng paraan upang maupo siyang hari ng lahat ng kalupaan na animo ay isang utang na loob niya ang mga bagay na meron siya ngayon sa kanya.           “Kamusta ang pamumuno mo?” tanong ni Raciero sa kanya.           Napatingin si Devos kay Bellamy na nakatingin din sa kanya. Noong minsan lamang ay nagpadala ito ng sulat kay Mercier ng hindi niya alam.           Iniisip niya na may plinaplanong kasamaan ang mag – ama sa kanya.           “Mabuti naman,” ani ng hari at bumaling kila Kester. “Sino ang iyong kasama Kester? Kay gandang dilag kahit hind isang dugong bughaw.”            Napatikhim naman si Raciero at tumingin kila Kester.           Matalim ang mga mata ni Kester na nakatingin kay adira bago nagbago ang mga mata nito at naging normal noong bumaling siya sa may hari.           “Ang aking mapapangasawang si Adira,” ani ni Kester. “Ipinagkasundo lang siya sa akin ng aking ama. Tunay na kaakit akit ag kanyang itsura kayak o siya nagustuhan din.”           Napansin ni Devos ang mga pasa ni Adira. Ilag naman ang tingin ni Adira na hindi makatingin sa hari.           “Ihatid niyo na ang mga La Casa sa kanilang upuan,” ani ng hari.           Sumunod naman sila Raciero  doon at napahinto. Pinagmasdan niya ng matalim si Devos.           Hindi niya gusto ang pagmamalaki nito sa kanya.           “Ang tuta ay hindi nagiging lobo,” mahinang bulong ni Raciero habang nakatingin sa nakatalikod na hari. “Mananatili kang tuta at lalamunin ka ng ahas.”           “Lolo,” tawag ni Amethyst at agad na yumakap kay Raciero.           Mabilis naman na nagbago si Raciero at ngumiti kay Amethyst.           “Iha,” tawag ni Raciero kay Amethyst. “Kamusta kayo rito sa kaharian?”           “Maraming nangyari,” ani ni Amethyst at bumaling sa tauhang maghahatid kila Raciero. “Ako na ang maghahatid sa kanila.”           Tumango naman ang tauhan nila at huminto.           “Gatley, Hollick,” tawag ni Raciero. “Hindi ba kayo sasama sa amin? Wala naman ng iba pang mahalagang bisita ang darating.”           “Hihintayin ko na ang aking amang hari, lolo,” ani ni Gatley dito.           Dahil hindi papayag si Hollick na masapawan siya ni Gatley ay nais niya ring manatili sa tabi ng kanyang ama.           “Ako rin ho, mauna na kayo ni Amethyst,” ani ni Hollick kaya nagkatingin sila ni Gatley.           Nagsukatan sila ng mga tingin.           Bumaling naman na si Raciero kay Amethyst. Hinatak siya ng dalaga paalis doon at sinimulang kwentuhan.           “Huwag mo nang subukang makipag kumpetensya sa akin, Hollick,” ani ni Gatley sa kanyang kapatid. “Wala kayong panama ni Greco sa akin. Hinding hindi niyo maaagaw ang korona at trono sa akin.”           “Walang dapat agawin sa iyo,” ani ni Hollick. “Wala naman sa iyo ang korona at trono. Sigurado akong kay Greco mapupunta ang trono dahil ngayon ay isa na rin siyang ganap na River.”           Matalim na tinignan ni Gatley si Hollick.           “At kinakampihan mo si Greco na isang dugong La Casa?!” tanong ni Gatley sa kanya. “Kay baba mo. Sa maling tao ka pa sumisipsip. Kapag naging hari ako ay isasama kita sa pagtatapon sa kanya sa labas ng kaharian.”           “Mas matanda si Greco sa iyo kaya naman sunod sya trono ng hari,” ani ni Hollick dito. “Kung sana ay hindi siya sinunod ng ama sa kanyang apilido ay baka may pag – asa ka pa ngunit sa lagay ngayon ay huwag ka nang umasa, Gatley. Malayong koronohan ka.”           “Ang trono at korona ay para lamang sa akin,” ani ni Gatley. “Ipinanganak ako para rito. Nakatadhana akong pamunuan ang mga kalupaan.”           Hindi naman sumagot si Hollick at tumingin na lamang sa pumasok na kanilang mga bisita.           Nagbigay galang si Edward Chevor kasama ang kanyang anak na si Efren Chevor at ang asawa nitong si Olivia Blancheffeur sa mahal na hari sa kanilang pagsalubong dito sa bulwagan.           “Hindi mo ata kasama ang iyong kataas taasang asawang si Ellysa Chevor,” ani ng hari. Malambot ang puso niya sa mga Chevor lalo na at ito ang magulang ni Erissa Chevor.           “May sakit ang aking asawa kaya naman hindi ko na siya pinilit pang maglakbay patungo sa kaharian,” ani ni Edward. “Sana ay naiintindihan niyo, mahal na hari.”           Napahinga naman ng malalim si Devos River. Alam niyang masama ang loob ni Ellysa sa kanila. Sigurado siyang ayaw sila nito makita ng mga La Casa dahil sa aksidenteng nangyari noon.           Kung sana lamang ay isinama niya si Erissa sa kanya ay hindi na sana kinailangan nitong mamatay.           Masakit din para sa kanya ang mga nangyrai gayong ang babaeng si Erissa ang dahilan kung bakit niya inagaw ang trono kay Beumont kung bakit siya umanib sa mga La Casa.           Ngunit ngayon ay wala siyang napala. Nawala pa rin sa kanya ang kanyang minamahal. Hindi lamang iyon kundi pati ang pagtitiwala at puso ng maraming tao.           Kasalanan niya rin naman. Masyado siyang nagpakalunod sa mga bagay na hindi dapat sinisisid. Ginusto niya ito at alam niyang hindi na siya pwedeng bumalik pa. Paninindigan niya ang kanyang naging desisyon hanggang sa kanyang huling hininga.           “Walang problema,” ani ni Devos sa kanila. “Kamusta, Efren Chevor? May munting anak na ba kayo ng maganda mong asawa?”           “Nais muna naming lasapin ang isa’t isa, mahal na hari,” ani ni Efren. “Sguro sa mga susunod na taon na kami magbabalak magkaroon ng mga supling.”           Ngumiti naman si Devos sa kanila. Nakikita niya ang mga kunig na mata ng dalawang lalaki na lubos na nagpapaalala sa kanya kay Erissa.           “Halika at sasabayan ko na kayo sa silid na ating pagdadausan,” ani ni Devos. “Siguradong naghihintay na rin sa atin ang iba pang mga bisita.”           Sumang ayon naman si Edward at naglakad sila patungo roon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD