At The Second Land: The Land of Kings
Third Person Point of View
Nakatingin si Gregor Aragon at si Emilia Chevor sa nakangiting mag – asawa na si Tyrell Carlsen at Ember La Casa.
Dala dala ni Ember ang isang ngiti na animo ay sinasabi sa mga Aragon na hawak ng mga La Casa ang lahat ng kapangyarihan sa kanilang mga kamay.
“Hindi ko alam na nagpakasal ka na pala sa Kataas taasang Ember La Casa,” ani ni Gregor kay Tyrell Carlsen.
“Naniniwala ako, Panginoong Gregor na hindi na kailangan pang ipabatid sa inyo ang bagay na ito,” ani ni Tyrell sa panginoon ng ika unang lupain.
Masama ag kutob ni Emilia sa kanyang nakikita habang si Gregor naman ay iniisip kung ano ang ibig sabihin ng mga bagay na ito.
Si Emma naman ay nakahawak sa kutsilyong pang hiwa ng karne na nasa may lamesa habang nakatingin kay Tyrell. Tinatanong sa isipan kung alam ba nito ni Levin. Lubha siyang nagtataka pagka’t ang sabi sa kanya ni Levin ay hindi siya pinaglakbay ng kanyang kapatid na si Tyrell dahil malalagay sa panganib ang buhay nito sa mga La Casa ngunit ngayon ay pinakasalan pa ng kanyang kapatid ang anak ni Raciero La Casa na si Ember.
Nakatingin ang reyna kila Tyrell at Ember. Hindi niya gusto ang mga nangyayari.
“Ano ang ibig sabihin nito, Ember?” tanong ni Mercier sa kanyang kapatid na si Ember. “Bakit kayo ang narito? Nasaan ang panginoon ng ika apat na lupain? Ang ating abuelo na si Merco Octavin?”
` “Ako na ang bahalang magpaliwanag sa iyo, Mercier,” ani ng lalaking kapapasok pa lamang. Walang iba kundi ang kanilang ama ni Ember na si Raciero. Kasama nito ang kanilang kapatid na si Kester.
Matalim ang tingin ni Emilia at Jamaicah kay Raciero sa pagpasok pa lamang nito.
Agad na tumayo si Gregor at Emilia noong pumasok na rin ang ama, at kapatid ni Emilia kasama ang hari, at mga anak nito.
“Ama,” tawag ni Emilia.
Umupo ito sa kanyang katabing upuan.
Pinagmasdan naman ni Mercier ang mga Chevor at kumukulo ang kanyang dugo sa kanyang nakikita.
Si Gatley naman ay nakatingin kay Emma. Ito ang unang kumuha ng kanyang atensyon sa kanyang pagpasok pa lamang. Nabihag agad siya ng kagandahan ng dalaga.
Nakatingin sa kanya si Emma at pinagmamasdan ang prinsipe na nakatingin sa kanya.
“Natutuwa akong makitang magkakasama ang mga namumuno sa mga kalupaan,” panimula ng hari noong nasa tabi na siya ng kanyang asawa na si Mercier. “Kailanman ay hindi pa nangyari ito na nagtipon tipon ang bawat isa sa isang hapag na lamesa. Akala ko ay hindi na mangyayari ang bagay na ito ngunit salamat dahil pinagbigyan niyo ang aking kahilingan, at inyong pinaunlakan ang aking imbitasyon. Tanggapin niyo ang una kong regalo sa inyo.”
Umupo ang hari at napatingin sila sa pagbagsak ng malaking telang humaharang sa malaking entablado sa labas ng kaharian.
Nasa tapat nila ito at ang pagkakaiba lamang sila ay nasisilungan. Sa kanilang paligid at sa mas mababang parte ay naroon at nakatayo ang mga ordinaryong mamayan ng ikalawang kalupaa. Naroon din upang makisaya sa pagdiriwang ng hari.
Sa pagbaba ng tela ay pagsimula ng pagtugtog ng malakas, at may kwelang musika. Ag mga tao sa entablado na nakasuot ng iba’t ibang wisit ay nagsimulang mag – sigalawan.
Kanilang sinimulan ang pag – arte sa entablado tampok ang kagitingan ng haring si Devos River.
Nagkatinginan naman si Edward at si Emilia.
“Kumusta ka na, anak ko?” tanong ni Edward na kinuha ang pagkakataon habang nanonood ang lahat sa entablado.
“Mabuti, aking ama,” ani ni Emilia. “Wala kang dapat ipag – aalala sa akin dahil nasa mabuting kamay ako. Inaalagan ako ng mabuti ng aking asawang si Gregor.”
“Ikinagagalak kong marinig iyan,” ani ni Edward sa kanyang anak. “Maya maya ay nais kong kumustahin ang iyong mga anak pagkatapos ng kasiyahang ito. Mukhang naaaliw sila sa mga aktres at aktor sa entablado.”
Nakangiti namang pinagmasdan ni Emilia ang kanyang mga anak na ang atensyon ay nasa harap.
“Siyang tunay,” sagot ni Emilia sa kanyang ama. “Kumusta ang ina? Bakit hindi mo sya kasama.”
“Alam mo ang iyong ina, Emilia,” ani ni Edward. “Iba ang kanyang pag – iisip. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makaahon sa pagkakalubog ng anod ng nakaraan. Hindi ko na siya isinama pa dahil tiyak na makikipagsagutan siya sa reyna at hari. Isa pa ay ayaw niyang magtungo rito.”
Nalungkot naman si Emilia sa kanyang narinig mula sa kanyang ama. Ilang taon na rin simula ng huli niyang makita ang inang si Ellysa.
Simula ng maging asawa niya si Gregor ay nanatili na lamang siya sa kanilang kastilyo na nakatayo sa ika unang kalupaan. Hindi na niya nadalaw ang kanyang magulang sa kanilang kalupaan.
Samantala si Jamaicah ay hindi nakatingin sa entablado kundi sa mga taong nasa paligid. Maiigi niyang pinagmamasdan ang kabuuan upang makita kung mayroon bang kakaiba rito. Hindi siya kampante sa lugar na ito at pakiramdam niya ay ano mang oras ay may darating na panganib.
Nais niyang maging alerto ng sa ganoon ay hindi mangyari sa kanila ang nangyari noon. Hindi siya kampante lalo na at narito ang lahat ng namumuno sa La Casa.
Ang ipinagtataka lamang ni Jamaicah ay hindi kasama ni Raciero ang asawa nitong si Mercolita.
Hinawakan naman ni Olivia ang kamay ng kanyang asawa na si Efren kaya napatingin ito sa kanya. Kinakabahan si Olivia at naramdaman iyon ni Efren ng mahawakan nito ang kanyang kamay. Nanlalamig ito dahil na rin siguro ay ninenerybyos ito sa kanyang mga kaharap na panginoon at kataas taasan ng bawat lupain.
Si Ember naman at Tyrell ay natatawa sa bawat biro ng mga aktor at aktres sa may entablado. Naririnig ang kanilang mga tawa sa buong lamesa.
Si Kester La Casa ay hindi natutuwa sa kanyang panonood. Hindi mga taong nakasuot ng maskot ang nais niyang panoorin kundi mga magagandang babaeng sumasayaw. Nauuhaw na din siya at nais niyang uminom ng alak ngunit walang nakalagay pa sa kanilang lamesa kundi mga plato at walang laman na baso.
Magkahawak naman ang parehong kamay ni Adira at malakas ang t***k ng kanyang puso. Kinakabahan siya. Natatakot siya kay Kester na baka siya ay bigla na lamang pahiyain nito.
Habang nanonood ay palihim na tinignan ni Emma ang prinsipe na nakatingin sa kanya kanina na alam niyang Gatley ang ngalan nito. Agad siyang napaiwas ng kanyang tingin noong makitang nakatingin pa rin sa kanya ang prinsipe.
Bahagya siyang nahiya at napayuko dahil dito. Napahawak siya sa kanyang leeg pagka’t nanlalamig ang kanyang kamay dahil tumitibok ng mahina ngunit mabilis ang kanyang puso sa titig ng prinsipe sa kanya.
Muli niyang tinignan ito. Nakatingin pa rin sa kanya si Gatley. Ngumiti si Gatley kay Emma at kumindat.
Binigyan naman siya ni Emma ng simangot na mukha at ibinalik ang tingin sa mga nagtatanghal ngunit hindi niya maituon ang atensyon sa entablado ng buo pagka’t alam niyang minamasdan siya ng prinsipeng si Gatley.
Napaisip si Emma. Naisip niya na may gusto sa kanya ang prinsipe. Napangiti siya habang nakatingin sa entablado.
Ilang minuto ang lumipas at natapos ang pagtatanghal sa may entablado. Nagpalakpakan ang mga tao maging ang mga panginoon sa mahabang lamesa.
Tinignan ni Mercier ang kanyang tauhan na si Amaya. Sinenyasan niya ito ng kanyang mga mata. Alam na ni Amaya ang kanyang gagawin.
Nagtungo siya sa lagayan ng mga alak at pagkain kasama ang iba pang mga taga silbi upang paghandaan ng pagkain ang bisita ng mga hari.
Tumayo ang hari sa kanyang upuan matapos malagyan ng alak ang kanyang baso. Kinuha niya ang baso at sumigaw ng malakas dahilan upang tumahimik ang mga tao at kanyang mga bisita.
“May nais akong ianunsyo sa inyo,” ani ng hari at tumingin kay Greco.
Agad naman na napangiti si Greco at hindi niya malaman ang gagawin. Wala siyang paglagayan ng kanyang sobra sobrang galak. Alam niya ang iaanunsyo ng kanyang ama. Ang isa sa pinakanais niya.
Ang pagsunod sa apilido nito.
“Simula sa araw na ito,” ani ni Devos. “Ang anak ko na si Greco La Casa ay susunod na sa aking pangalan. Siya ay isa ng River! Mula ngayon ay hindi na maiiba ang turing sa kanya! Tumayo ka Greco.”
Agad na tumayo si Greco at kinuha ang baso na may lamang alak.
“Tayo ay kumampay sa aking pagdiriwang at sa pagiging River ni Greco!” sigaw ng hari.
“MABUHAY KA PRINSIPE GRECO RIVER!” sigaw ng mga tao.
“MABUHAY KA MAHAL NA HARING DEVOS!”
Kinuha naman ng bawat panginoon ang kanilang baso at itinaas sa ere.
“MABUHAY KA MAHAL NA HARING DEVOS!”
Isang ngiti ang kanilang ibinagay sa hari at kay Greco.
Napariin naman ang kamay ni Mercier sa kanyang pagkakahawak sa kanyang baso at napatingin kay Gregor.
Pagtaas ng mga baso at pagkatapos nito ay hindi uminom ang mga Aragon at Chevor pwera lamang kay Edward Chevor kaya naman napatingin sa kanya si Emilia.
Gaya ng nakagawian nila ay nais nilang mauna ang ibang uminom sa mga baso kapag sila ay isang bisita at hindi nila kilala ang mga taong naglagay nito sa kanilang hapag kaya naman nagtaka si Emilia sa inasta ng kanyang ama.
Habang ang hari naman ay nakatingin kay Greco at nginitian ito sa unang pagkakataon.
Si Jamaicah ay hindi uminom sa baso ng alak ngunit si Aelous ay inubos ang laman nito.
Uminom din si Mercier ng alak noong makita niya ang ginawa ni Edward Chevor. Matapos inumin ito ay napahawak si Mercier sa kanyang leeg at agad na nakaagaw ng atensyon ng lahat ng naroon.
“Ina? Anong nangyayari sa iyo?” tanong ni Amethyst dito.
Hindi naman makapagsalita si Mercier at nanlaki ang kanyang mga mata habang nakahawak sa kanyang leeg na animo ay kinakapos ng hininga.
Agad na napasuka ito ng dugo kaya naman nagsimulang magkagulo ang mga tao.
Agad na bumagsak si Mercier at sinalo siya ni Fieto. Agad na lumapit si Amaya at hinawakan ang dugo sa bibig ng reyna.
“Nalason ang reyna!” sigaw ni Amaya na ikinagulat ng lahat.
Napasuka ng dugo si Edward at agad na bumagsak sa may lamesa.
“AMA!” tawag ni Emilia at agad na nilapitan ito.
Kinuha ito ni Efren at iniharap sa kanya ang bumagsak na ama.
“Ama? Anong nangyayari sa iyo?!” tanong ni Efren.
Bumigkas ng mga salita si Edward ngunit masyadong mahina kaya naman inilapit ni Efren ang kanyang mukha upang maulinigan ito.
“Dalhin niyo ang reyna sa silid niya! Kumuha kayo ng manggagamot! Magmadali!” utos ng hari.
Agad itong binuhat ni Fieto at inalis sa hapag kainan.
Habang si Edward naman ay tuluyan ng binawian ng kanyang buhay.