At the Second Land: The Land of Kings
Third Person Point of View
Puno ng luha ang mata ni Emilia na hinawakan ang kamay ng kanyang ama. Tila nayanig ang kanyang pagkatao noong pumikit ito.
Maingay ang paligid. May tumatawag sa kanya ngunit hindi niya marinig. Tanging ang ama na laman niya na si Edward Chevor ang kanyang nakikita.
Napapikit si Efren at binitawan ang kanyang ama.
“Panginoong Gregor!” tawag ni Efren kay Gregor na inaalam kung anong nangyari. “Tumakbo na kayo palabas ng kaharian kasama ang iyong pamilya. Nanganganib ang buhay natin dito.”
Hinawakan ni Efren ang kamay ni Olivia at dali daling umalis sa kanilang kinalalagyan.
“Emilia,” tawag ni Gregor. “Emilia halika na!”
Si Emilia ay nanatiling tulala sa kanyang ama. Wala siyang naririnig. Hindi niya marinig ang boses ng kanyang asawa kaya naman hinawakan siya ni Gregor at itinayo. Hinatak siya nito palayo roon kasama ang kanilang mga anak.
“AMA!!” sigaw ni Emilia habang pilit na kumakawala kay Gregor na humahatak sa kanya paalis doon.
Kunot ang noo ni Jamaicah habang pinagmamasdan si ang papalabas na nakahigang reyna. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari. Hinawakan siya ni Aelous at hinatak paalis doon.
Habang si Raciero ay nanatiling nakaupo sa kanyang upuan. Pinagmamasdan ang naiwang katawan ni Edward.
“Ama? May nais pumatay sa atin!” ani ni Kester na hindi mapakali at nakatayo. Palingon lingon siya sa kanyang paligid.
Hinatak niya si Adira at inilagay sa kanyang harapan upang gawing panangga sa kung sino man ang mag nanais patayin siya.
Nakatakip naman ang bibig ni Ember habang kunot ang kanyang noo.
“Anong nangyayari, mahal ko?” tanong ni Ember kay Tyrell. “Bakit sila nag sisialisan?”
“Kailangan nating umalis dito,” ani ni Tyrell at inatak si Ember. “Baka tayo ay mamatay dito. Kailangan nating iligtas ang ating mga sarili.”
Ang hari naman ay napapaligiran ng mga kawal upang protektahan siya. Agad niyang ipinatawag si Bellamy upang suriin ang mga pagkain.
Doon pumasok si Amaya. Nagprisenta siyang tignan ang mga pagkain upang makahanap ng lunas sa reyna.
Pinayagan siya ng hari. Pinagmasdan ni Raciero si Amaya at bahagya itong napatingin sa kanya ngunit agad ding nag – iwas ng kanyang mga tingin at bumaling sa mga pagkaing nakahain.
“Mahal na hari,” ani ni Amaya habang hawak hawak ang isang baso. Gulat na gulat ito. “Ang inyong alak ay may lason! Maging ang alak ng mga prinsipe, at prinsesa at may lason din! Isa itong lason na malubha na kung hindi maagapan ay agad mamatay ang taong makakainom nito.”
“Tignan mo ang lahat ng pagkain,” ani ng hari. “Nasaan ang mga Aragon at Chevor? Ipasok niyo sa silid ang panginoong Edward Chevor.”
Pinulsuhan ni Amaya ang nakahigang si Edward sa may leeg. Matapos ay tumingin sa hari.
“Wala na siyang buhay, mahal na hari,” malungkot na ani ni Amaya.
Nanlaki naman ang mga mata ng hari at lumapit doon. Siya mismo ay pinulsuhan din ang lalaki ngunit wala na itong buhay.
“Sino ang lapastangan na gagawa nito?!” galit na tanong ni Devos.
Tumayo si Raciero sa kanyang pag kakaupo.
“Sino pa ba sa tingin mo?” tanong ni Raciero rito. “Ang pamilyang Aragon! Agad na nilisan nila ang silid dausan matapos malason ang reyna upang tumakas!”
“Hindi ito magagawa ng mga Aragon! Hindi nila gagawin ito kay Edward na kanilang kalapit na pamilya. Dugo ito ni Emilia!” depensa ng hari.
“Haring Devos! Huwag kang magpakabulag! Saksi ang lahat na agad silang tumakas!” ani ni Raciero at nilapitan si Devos. “Saksi ang lahat ng mga narito. Bakit sila agad lumabas ng silid? Dahil nahuli na sila. Iyon ang patunay na sila ang may kasalanan ng mga ito!”
“Nilason din nila si Edward? Imposible! Hindi sila ang may sala,” ani ni Devos kay Raciero.
“Naalala mo ba ang nangyari kay Beumont? Naniwala siyang hindi mo magagawa ang bagay na iyon sa kanya pero nagawa mo,” mahinang bulong ni Raciero. “Naiinggit ang mga Aragon sa taas ng narating mo at kahit magsakripisyo sila ng isang miyembro ng kanilang pamilya ay ayos lamang basta mapatay ka nila.”
“Nakita ko ang mga Aragon at Chevor kanina,” ani ni Tyrell. “Hindi sila umiinom ng alak matapos ng kampay. Ginawa nilang pain si Edward Chevor upang hindi sila paghinalaan, mahal na hari!”
Pinagmasdan naman ni Devos si Raciero at sinuri ito. Naniniwala siya sa mga Aragon na hindi nila magagawa ang mga bagay na ito.
“HARING DEVOS!” malakas at mariing sabi ni Raciero. “Habang pinaghihinalaan mo ako rito ay tumatakas ang mga kriminal na lumason sa anak ko! Kilala mo ako! Hindi ko papatayin ang aking mga anak at apo! Hindi mo ba narinig ang sinabi ng babaylan na ito? May lason ang pagkain ng iyong buong pamilya! Kung mananatili ka rito ako ay hindi! Pagbabayarin ko ang kalapastangan na pagtangkang pagpatay sa aking anak at mga apo!”
“Hanapin niyo ang mga Chevor at Aragon!” malakas ang boses na utos ni Raciero sa kanyang mga kawal. “Hulihin niyo sila!
Agad na binunot ni Aero ang kanyang palaso sa kanyang likuran noong makitang papaalis na si Raciero sa may silid dausan. Nakita niya ang kaguluhan kanina.
Hindi siya makapaniwala na may mangyayari nanaman sa harap ng pagsasalo salo nila.
Inasinta n Aero ang kanyang palaso sa naglalakad na lalaking si Raciero.
Sumunod siya ng palihim sa kanyang kapatid at kay Jamaicah upang maisagawa ang kanyang plano na pagpatay sa magkakapatid na La Casa at ang ama nito.
Akmang bibitawan na ni Aero ang palaso noong isang babae ang biglang humawak sa kanya. Kinuha nito ang palaso at agad siyang hinawakan sa kanyang kamay at itinakbo papalayo roon.
“Makani?!” gulat na tawag ni Aero sa dalagang hatak hatak siya.
Noong makalabas sila ng kaharian ay tumigil si Makani at naiinis na tumingin kay Aero.
“Sinasabi ko na nga ba!” mariing ani ni Makani. “Mabuti na lamang at nakasunod ako sa iyo dahil kung hindi ay baka may panibagong kaguluhan nanaman ang nangyari sa loob ng kaharian. Nahihibang ka na ba?”
“Bakit mo ako hinatak?” tanong ni Aero at ibinagsak ang kanyang pana sa lupa. “Napatay ko na sana si Raciero La Casa!”
“Nakita mo ba kung saan ka nakapwesto kanina? Madali ka nilang makikita! Sa dami ng kawal nila ay imposibleng makatakbo ka!” ani ni Makani sa binata. “Nais mo bang mamatay agad? Hindi ka ba nag – iisip?”
Hindi lang si Jamaica hang naiinis ngayo kundi pati si Aero.
“Alam mo bang kay tagal kong plinano ang bagay na ito, Makani?!” inis na tanong ni Makani. Napatigil ang dalaga dahil ngayon lamang nagtaas ng boses si Aero sa kanya. “Naroon na ako! Sinira mo ang lahat ng plano ko! Ano bang pakielam mo sa buhay ko?! Handa akong mamatay basta mabaon ko lang kasama sa hukay ang mga La Casa.”
Pinulot ni Aero ang kanyang pana upang bumalik sa loob.
Hinawakan siya ni Makani at pinigilan.
“Hindi ako papayag,” pigil ni Makani rito at niyakap ang binata. “Proprotektahan kita. Papatayin mo muna ako bago ka makabalik sa kaharian.”
Naphinga ng malalim si Aero at pilit tinatanggal ang pagkakayakap sa kanya ng dalaga ngunit mahigpit ito at ayaw talaga siyang pakawalan.
“Bitiwan mo ako, Makani!” madiin na sabi ni Aero rito.
“Hindi!” matigas na sagot sa kanya ng dalaga.
Napatingin naman si Aero sa mga kumpol na kawal na lumabas ng kaharian. Sa lagay nito ay hindi na siya makakapasok pa roon dahil sa paghihigpit ng mga ito.
Wala siyang ibang pagpipilian kung hindi bumalik sa kanilang kalupaan. Kung magpupumilit siya ay siya ang unang mapapatay bago pa tamaan ng palaso ang mga La Casa.
***
Pinulot ni Addison Octavi ang bato sa gilid at malakas na hinagis iyon sa ilog na kaharap niya. Dahil hindi balanse ang kanyang pagkaka itsa ay hindi masyadong lumayo ang bato sa kanya. Malapit lamang ang lugar na nilubugan nito.
Naiinis siya sa kanyang natanggap na balita.
Tumabi naman sa kanya si Marcella habang nakatingin sa binata.
“Malungkot ka nanaman?” tanong ni Marcella noong mapansin ang nakasimango na mukha ng binata. Kita niya sa mga mata nito ang lungkot.
“Ako na ata ang pinakamalas na nilalang, Marcella,” ani ni Addison at muling bumato ng bato sa tubigan. “Namatayan ako ng kaanak. Natanggalan ako ng posisyon. Wala man lang naghahanap sa akin. Kung mayroon man ay mga kawal ng mga Carlsen na gusto akong ipapatay. Isa na lamang akong ordinaryong nilalang katulad mo.”
“Kailanman ay hindi ka magiging kalebel ko, kataas taasan,” ani ni Marcella. “Kitang kita sa iyong mata ang dugong bughaw. Hindi iyon mapag kakailala ng sino man.”
“Mga mata? Itong mga luntiang mata?” tanong ni Addison na sarkastikong nakangiti. “Anong silbi nito? Anong silbi ng aking mga mata kung wala akong kastilyo. Wala akong mga kawal. Wala akong mga tao. Walang kwenta ang mga luntiang mata na ito kung wala naman akong kapangyarihang hawak – hawak. Tatapak tapakan lang nila ako.
“Makakaahon pa ba ako sa putikan na ito, Marcella? Pakiramdam ko ay wala na akong pag – asa. Sa tuwing gigising ako sa umaga ay puno ng bigat ang dibdib ko. Wala akong kalaban laban sa kanila! ‘Ni hindi ko nga kayang pumatay ng isang kawal. Ang lupit ng mundo sa akin, Marcella. Napakalupit.”
“Nais mong maligo sa ilog?” tanong ni Marcella at lumakad patungo sa tubigan. “Halika. Maligo ka. Isabay mo sa agos ang iyong kalungkutan. Iwan mo sa tubig ang lahat ng kahinaan at pagdududa sa iyong sarili, kataas taasang Addison.
“Ang tubig ng ilog na ito ang nagtatanggal ng aking kalungkutan at mga problema. Subukan mong maligo rito at baka gumaan din ang loob mo kahit papaano.”
Napatitig naman si Addison sa dalaga. Mula noong mapadpad siya dito ay hindi pa siya nakaligo. Siguradong nangangamoy na din siya.
Tinanggal ni Addison ang kanyang pang itaas na damit. Tumambad ang kanyang kapayatan. Sumulong din siya sa tubig gaya ni Marcella.
Tama ito. Nakakagaan ng kalooban ang tubig na kanyang kinalalagyan. Tila hinehele siya ng tubig sa kanyang pag – iyak.
“Isigaw mo ang mga hinanakit mo sa ilalim ng tubig,” ani ni Marcella. “Sa pagtaas mo rito ay dapat isa ka ng panibagong tao. Iwan mo na ang problema mo sa ibaba.”
Inilubog ni Marcella ang kanyang ulo. Ilang minuto rin ang kanyang itinagal at umahon na. Ngumiti siya kay Addison at hinawi ang basang buhok sa kanyang mukha.
“Subukan mo, kataas taasan,” ani ni Marcella. “Matutuwa ka.”
“Ganto lamang ako, Marcella. Kahit anong gawin ko ay mananatili akong isang lampa, at puno ng hinanakit,” malungkot na ani ni Addison.
Lumapit naman si Marcella sa kanya.
“Sinong nagsabi sa iyo?” tanong ni Marcella. “Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan.”
Hinawakan ni Marcella ang kanyang ulo at inilubog ito.