XXXXV - Golote at Valeeryan

1901 Words
At The Land of Birds: The Land of Free Men Third Person Point of View “Isang kasal?” tanong ni Nabi, at napatawa ng sarkastiko. “Isang kahibangan! Hindi ako sumasang ayon sa isipin na iyon, Erebus!” Kay agang bungad ng balita kay Nabi na agad ikinasira ng kanyang araw. Magkahawak naman ang magkabilang kamay ni Erebus habang nag – iisip. “Nais kong makuha ang mga Golote,” ani ni Erebus habang malalim ang iniisip. “Ngunit hindi ko nais maitali sa sino man.” “Kung hindi mo kaya, panginoon ay ipilit mo na lamang ako sa kanila,” ani ni Augustus. “Handang handa ako.” “Kahit ikaw pa ang pinakahandang lalaki ay hindi ka nila tatanggapin,” ani ni Alexander sa kanya. “Panginoon,” tawag ni Shabiri sa lalaki. “Kung nais mong magpalakas ng iyong kapangyarihan ay hindi mahalaga ang kagustuhan ng isang puso. Kailangan mong sundin ang iyong isipan dahil iyon ang mas makakabuti. Maliban na lamang kung may iba ka pang naiisip na makuhang mga mandrigma o kung handa mong bitawan ang mga Golote.” “Sumasang ayon ako kay Shabiri, mahal na prinsipe,” ani ni Alexander. “Ang mundo na ating kinatatayuan ay puno ng pagsasakripisyo. Kailangan mong isakripisyo ang iyong puso para sa iyong mga pakpak. Walang lugar ang pagmamahal sa isang digmaan.” “Meira?” tawag ni Alexander sa kapatid na tila walang interes sa kanilang pagpupulong, at nakatuon ang atensyon sa alaga nitong halimaw na si Haw. “Mahal na prinsesa,” tawag ni Alexander kay Meira noong hindi nito marinig si Erebus. Agad naman na napatingin si Meira sa kanyang kapatid. Ang lahat ay nakatingin sa kanya. “Anong masasabi mo sa mga ideya?” tanong ni Erebus sa kanyang kapatid. “Agape!!” sigaw ng halimaw na ipit ang boses dahil maliit lamang ito. “Ideya? Isang suhestiyon? S-sa akin ay mas nais kong manatili na lamang dito, at huwag ng makipagdigma. Masaya naman dito, Erebus. Saka ligtas naman tayo dito. Natatakot sa digmaan.” “Meira, isa kang Valeeeryan,” ani ni Erebus. “Ayusin mo ang iyong sarili, at tanggalin ang takot sa iyong puso. Hindi pang habang buhay tayong magtatago. Ano pa nga, at sigurado akong nakarating na sa kanila ang balitang buhay pa tayo. Sigurado akong magpapadala sila ng mga manlilingo upang patayin tayo, at kung magiging duwag ka sa iyong buhay ay ikaw ang unang mamamatay!” “Huwag mong biglain ang iyong kapatid,” ani ni Nabi kay Erebus. “Sigurado akong may dahilan ang kanyang takot. Hindi madaling tanggalin ang trauma sa isang tao.” Nasaktan si Meira sa tinawag ng kapatid sa kanya na pagiging duwag. Napayuko siya. “Kung ano ang magiging desisyon mo ay doon ako,” ani ni Meira habang nakayuko na hindi alam ang maiimungkahi niya. “May tiwala ako sa iyo.” Nilapitan naman ng halimaw si Meira, at niyakap ito. Ramdam niya ang lungkot sa kanyang amo. “Ano ang mga inalok mo sa datu ng mga golote? Baka may ibang kapalit pa siya na nanaiisin,” ani ni Nabi sa binata. “Inalok na namin ang lahat ngunit ang tanging nais ng datu ay ang ipakasal ang kanyang anak kay Erebus,” ani ni Alexander sa dalaga. “Pag iisipan ko muna itong mabuti,” ani ni Erebus. “Mayroon akong ilang araw upang pag isipan ang bagay na ito. Huwag kayong mag – alala pagka’t pinahahalagahan ko ang inyong mga opinyon. Tapusin na natin ang pagpupulong na ito.” Agad na tumayo si Meira upang bumalik sa kanyang silid. Siya ay naiiyak pagka’t pakiramdam niya ay napahiya siya sa lahat dahil sa kanyang kaduwagan. Sinundan naman siya ng halimaw. Sinundan naman siya ni Alexander pagka’t ito rin ang nakatalagang kanyang taga bantay. Habang si Augustus ay nagpaalam kay Erebus na lalabas muna upang bigyang utos ag kanyang mga nasasakupan. Si Shabiri naman, at si Nabi ay nagtititigan. Nagpapatagalan sa kanilang upuan. Nais nilang umalis ang isa sa kanila pagka’t nais nilang makausap ng masinsinan ang binata. “Babaylan? May nais ka pa bang sabihin sa panginoon?” tanong ni Nabi kay Shabiri. “Kung maaari sana ay iwan mo muna kami upang kami ay makapag usap,” ani ni Shabiri kay Nabi. Napangiti naman si Nabi ng sarkastiko. “Nais ko rin makausap ang panginoon, maaring mamaya mo na lamang siya kausapin,” “Magsalita kayo,” ani ni Erebus. “Hindi na kailangang mag usap pa ng magkaibang oras. Maari niyong ilahad ngayon ang nais niyong sabihin.” “Mauna na siya,” sabay nilang sabi ni Shabiri. Akmang magsasalita sila ay napatigil din noong malaman na sabay silang magsasalita. Malalim na napahinga si Erebus. “Nabi, ikaw na ang mauna,” utos niya sa dalaga. “Hindi ko matatanggap ang magiging desisyon mo kung pipiliin mo na magpakasal sa kanya,” ani ni Nabi kay Erebus. “Narito ako sa tab moi dahil gusto kita pero kung sa kanya mapupunta ay mawawala ako sa iyo. Babalik ako sa aking pinanggalingan. Hindi katanggap tanggap na tinanggihan mo ako ngunit siya ay hindi.” “Nabi, hindi mo dapat dinadala ang personal mong nararamdaman sa pagpupulong na ito,” ani ni Erebus. “Sa tingin ko ay naging malinaw naman sa iyo ang aking naging sagot noon. Mas makakabuti pa na bumalik ka na lamang sa iyong pinanggalingan kung palagi mong uunahin ang pansariling kagustuhan.” Nagulat si Nabi sa sinabi ng binata sa kanya. Aaminin niyang nasaktan siya noong sabihin nito na makasarili siya. Ngumiti si Nabi, at tumayo sa kanyang upuan. Walang sabi sabi na umalis siya habang mapait ang ngiti sa harap ni Erebus. Nilisan niya ang silid, at naiwan sila Shabiri, at Erebus sa loob. “Malaki ang maitutulong sa iyo ni Nabi,” ani ni Shabiri. “Kilala siya sa lugar na ito” “Mas makakabuting pagtibayin niya muna ang kanyang sarili bago siya sumama sa akin sa digmaan,” ani ni Erebus. “Hindi biro ang digmaan, Shabiri. Nasaksihan ko kung paano matalo ang isang nagmamahal na puso. Sa labanang puno ng mga makakasalanang tao, isipan ang dapat na ating maging panangga. Lakas ang dapat nating pang tira. Hindi tayo dapat nabbatiran ng kahit anong awa.” Napahinga naman ng malalim si Shabiri sa sinabi ni Erebus. Hindi niya masisi ang isang pusong umiiyak. Paano niya masisi ang isang taong biktima lamang din ng hindi patas na mundo. “Nagtitiwala ako sa iyo,” ani ni Shabiri. “Ngunit nais ko lang uli ipaalala sa iyo na hindi sila ang tunay mong mga kaaway kundi ang itim na mangkukulam na si Irashiba.” “Hindi ko nakakalimutan ito,” ani ni Erebus. “Ngunit nais ko munang makuha ang bagay na dapat sa akin. At pagkatapos noon ay saka kita sasamahan kalabanin ang itim na mangkukulam na tinutukoy mo.” Napatango naman si Shabiri sa sinabi ni Erebus. Makalipas ang apat na araw ay bumalik si Erebus kasama sina Alexander, at Augutus sa bundok ng mga golote. Sinalubong sila ni Datu Borloc kasama ang anak nito na si Sagada Kakanae . “Nagbalik kayo,” ani ni Borloc sa mga ito. “Ibig bang sabihin nito ay sumasang ayon kayo sa kagustuhan ko?” Napatingin naman si Erebus kay Sagada. “Araw araw ay hinihintay ka ng aking anak na bumalik dito,” ani ni Borloc habang nakangiti. Bumaling naman si Erebus sa datu. “Kinukuha ko ang iyong anak bilang aking magiging asawa,” ani ni Erebus at sinenyasan si Augustus na ibigay ang kanyang regalo sa anak nito. Ito ay kanilang tradisyon na kailangan magbigay ng lalaki ng magarbong regalo na hindi bababa sa milyon ang halaga para sa babaeng mula sa pamilya ng mga namumuno sa golote. Umabante naman si Augustus at binukasan ang isang maliit na kahon. Mula roon ay kuminang ang asul na maliit na brilyante na nakakabit sa isang kwintas. “Ang prinsipe Erebus mismo ang gumawa ng kwintas na ito para sa iyong anak na si Sagada,” ani ni Alexander sa datu. Napangiti naman ang datu sa kanyang narinig. “Pakakasalan ko ang iyong anak sa oras na maupo na ako sa aking trono,” ani ni Erebus sa datu. “Walang problema sa akin,” ani ni Borloc. “Ngunit sa oras na hindi mo tuparin ang ating kasunduan ay sisiguraduhin ko sa iyong hindi magtatagal ang korona sa iyong ulo.” Lumapit naman si Erebus, at kinuha ang kumikinang na kwintas sa maliit na kahon. “Ang kwintas na ito ang magpapatibay ng ating kasunduan,” ani ni Erebus. “Ito ang regalo ko para sa aking mapapangasawa pagdating ng tamang panahon.” Tinignan naman ni Datu Borloc ang kanyang anak upang sabihin dito na lumapit kay Erebus. Lumapit naman si Sagada sa kanyang mapapangasawang binata. “Ito ang kwintas na magpapatunay na ikaw ay aking kabiyak, Sagada,” ani ni Erebus habang hinahawi ang buhok nito na nakaharang sa leeg ng babae. Noong maisuot ay inilahad ni Erebus ang kanyang palad sa harap ni Sagada upang hingin ang permiso nito. Nagagalak si Sagada na hinawakan ang kamay ni Erebus. “Sa iyo ako, ginoo,” ani ni Sagada, at tinanggal ang kanyang telang nakaharang sa kanyang mukha. Napatitig si Erebus sa dalaga noong makita ang mukha nito. Akala niya ay may itinatago itong sakit kaya nakatakip ang mukha ng dalaga. “Akala ko ay ayaw mong ipakita ang iyong mukha pagka’t hindi ito kanais nais,” ani ni Erebus sa dalaga. “Ngunit nagkamali ako pagka’t mas maganda ka pa sa brilyanteng kwintas na isinuot ko sa iyo.” Napangiti si Sagada sa sinabi ni Erebus. “Ang mga babaeng golote, habang hindi pa nahahanap ang kanilang mapapangasawa ay nakatago ang lahat ng kanilang balat, at mukha dahil naniniwala kami na ang tunay na pag ibig ay hindi sa mukha nakikita kundi sa kalooban,” ani ni Datu Borloc. “Tatanggapin mo siya ng buo maging ano man ang kanyang itsura pagka’t pinili mo siya ng hindi tumtingin sa kanyang panlabas na kaanyuan. Sa oras na makita na nila ang taong para sa kanila ay maaari na nilang ipakita sa kanilang mapapangasawa ang tunay nilang kaanyuan.” “Ngunit paano kung hindi siya pinakasalan?” tanong ni Augustus. “Isang lalaki lamang ang maaring piliin ng isang babaeng golote,” ani ni Sagada habang nakatingin kay Erebus. “Kung hindi siya mapapakasalan ay habang buhay siyang mag – iisa. Ikaw ang pinili ko, ginoo. Sa iyo ang buong buhay ko.” “Erebus, aking kataas taasan,” ani ni Erebus, at hinalikan ang kamay nito. Nagsigawan ang mga tao roon upang pagbubunyi sa pakikipagkontrata nila Erebus, at Sagada. Nagkaroon ng maliit na pagsasalo salo upang ipagdiwang ito. Ngayon ay nakaupo sila sa iisang mesa. “Simula ngayon ang mga golote ay iyo ng mga tao,” ani ni Datu Borloc at sinalinan ng alak ang baso ni Erebus. “Tanggapin mo ang aking pagtanggap sa iyo, panginoong Erebus!” Itinaas naman ni Erebus ang kanyang baso kasabay ng pagtaas din ng ibang mga mandirigma. “KAMPAY!!!” sigaw nila. Sabay sabay nilang ininom ang laman ng kanilang baso. “Ano ang susunod mong mga hakbang?” tanong ni Borloc kay Erebus matapos ibaba ang baso. “Maglalakbay tayo patungo sa aming kaharian,” ani ni Erebus sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD