At The Second Land: The Land of Kings
Third Person Point of View
Napaubo si Devos River habang nakatakip ang puting panyo sa kanyang bibig. Napatingin sa kanya ang kanyang taga payo na si Bellamy.
“Lumalala na ang iyong sakit,” ani ni Bellamy kay Devos. “Kailangan mo nang inumin ang tubig na inuwi sa iyo ng iyong anak na si Greco.”
Tinanggal naman ni Devos ang panyo sa kanyang bibig, at pinagmasdan ito. May mga dugo roon. Walang gamot ang kanyang sakit. Ilang doktor, at manggamot na rin ang kanyang pinatawag na maging ang mga ito ay walang lunas sa sakit na dumapo sa kanya.
Ang tanging alam niya lamang ay malapit na siyang mawala sa mundong ito. May hanggan na ang kanyang buhay.
Tama, at iniutos niya nga kay Greco na kumuha ng tubig sa balon ng pinagpala. Ang dahilan niyang sinabi rito ay para sa kanyang sakit nguit may iba pang dahilan.
Hindi para sa kanya ang tubig na iyon kundi para sa isang babae.
“Bellamy,” tawag ni Devos sa kanyang tauhan. “Matagal na akong namuhay sa mundo. Kung ano man ang mangyayari sa akin sa mga susunod na mga araw ay buong loob kong tatanggapin. Ito na maaari ang parusa sa aking katrayduran. Tinamaan ako ng isang sakit na walang lunas.”
“Ngunit kailangan ka ng iyong kaharian, mahal na hari,” ani ni Bellamy. “Kailangan ka ng iyong mga mamayan. Alam kong may mga anak ka upang humalili sa iyo ngunit iba pa rin ang pamamahala ng isang katulad mo. Marami silang dapat matutunan pa.”
“Wala na silang dapat matutunan pa,” ani ni Devos sa kanyang tagapayo. “Nabasa na nila ang lahat sa libro. Ang makadadagdag na lamang ng kanilang mga nalalaman ay tanging mga karanasan.”
“Si Gatley ang sunod na hahalili sa akin sa trono,” dagdag ni Devos. “Kung pararaanin natin sa legal na paraan ay si Gatley ang kasunod ko pagka’t siya ay isang tunay na River, at nangunguna sa pila ngunit sa nakikita ko kay Gatley ay lubhang nakakatkot ang maaari niyang gawin sa kanyang hahawakan na kapangyarihan. Nakuha niya ang ugali ng mga La Casa.”
“Kung ganoon ay nais mo bang si Greco ang susunod na kokoronahan?” tanong ni Bellamy sa kanya.
Napadaan naman si Gatley sa bulwagan, at narinig niya ang sinabi ni Bellamy kaya siya ay napahinto, at nagtago sa mga malalaking poste upang makinig sa usapan ng dalawa.
“Si Greco,” ani ng hari, at bahagyang napaisip. “Ibang dugo ang mayroon siya nguit isinunod ko na siya sa aking apilido. Hindi na magkakaroon ng komosyon sa labas ng kaharian kung siya man ang humalili sa akin. Tatanggapin siya ng mga mamayan. Na kay Greco ang lahat ng hinahanap kong katangian ng isang hari, at may karapatan na rin siya sa trono.”
Nagkaroon ng siklab ng galit sa kalooban ni Gatley noong marinig niya ang mga bagay na iyon. Napakuyom siya ng kanyang mga kamay. Sa kanyang mga narinig ay sa wari niyang si Greco ang pipiliin ng kanyang ama na humalili dito.
Agad niyang nilisan ang bulwagan sa kanyang galit.
At The First Land: The Land of Dragon
Third Person Point of View
“Ngayong araw na ito ay pormal nang kinokoronahan ang panganay na anak nina dating panginoong Gregor Aragon ng unang kalupaan, at ng asawa nitong kataastaasang Emilia Chevor na si Gregory Aragon upang humalili sa posisyon ng kanyang ama bilang panginoon ng unang kalupaan ng mga Dragon,” ani ni Avrio habang nakatingin kay Gregory na diretsong nakatingin sa mga taong naroon na kanilang mamayan. Naroon ang mga ito upang masaksihan ang pagpapasa ng kapangyarihan. “Binabasbasan kita panginoong Gregory Aragon. Maipanalo mo ang lahat ng iyong laban. Binabati kita.”
Binunot naman ni Gregory ang kanyang espada sa kanyang kaluban na nasa kanyang tagilirang tiyan saka itinaas ito sa harap ng maraming tao.
“Ako si Gregory Aragon,” panimula ni Gregory Aragon puno ng siklab ng damdamin. “Panginoon ng ika unang kalupaan ng mga dragon! Unang anak nina Gregor Aragon, at Emilia Chevor. Nagmula sa dugo ng mga Aragon ay nangagako sa lahat ng aking mga nasasakupan na iaalay ko ang aking buhong buhay upang depensahan, protektahan, pangalagaan, at pamamahalaan ang mga mamayan ng ika unang kalupaan ng buong puso, walang kinikilingan, katapat tapat, at puno ng sinseridad, at katapangan. Ang apoy na nanalaytay sa akin ang siyang magbubukas ng pakpak ng isang dragon upang lumipad sa kalangitan sa taas ng lahat! Gamit ang sandata na ito na aking hawak hawak ay ipaghihiganti ko ang namayapa kong magulang sa kamay ng mga La Casa, at River. Kukuhanin natin sa kanila ang hustisya!!!”
Nagsigawan ang kanyang mga kawal, maging ang kanyang mga tao sa kanyang panunumpa sa kanilang harapan.
“MABUHAY ANG BAGONG PANGINOON NG UNANG KALUPAAN NG MGA ARAGON!!!! MABUHAY KA PANGINOONG GREGORY ARAGON!!! MABUHAY KA PANGINOONG GREGORY ARAGON!!!”
“MABUHAY ANG BAGONG PANGINOON NG UNANG KALUPAAN NG MGA ARAGON!!!! MABUHAY KA PANGINOONG GREGORY ARAGON!!! MABUHAY KA PANGINOONG GREGORY ARAGON!!!”
“MABUHAY ANG BAGONG PANGINOON NG UNANG KALUPAAN NG MGA ARAGON!!!! MABUHAY KA PANGINOONG GREGORY ARAGON!!! MABUHAY KA PANGINOONG GREGORY ARAGON!!!”
“MABUHAY ANG BAGONG PANGINOON NG UNANG KALUPAAN NG MGA ARAGON!!!! MABUHAY KA PANGINOONG GREGORY ARAGON!!! MABUHAY KA PANGINOONG GREGORY ARAGON!!!”
Sigaw ng mga taong naroon.
Tinanguan ni Ermil ang lalaking nakahawak sa kanilang bandila. Malakas naman na lumikha ng tunog ang mga malalaking tambol, at trumpeta sa kastilyo ng ika unang kalupaan. Dinig na dinig ito ng lahat.
Kasabay noon ay ang pagtaas ng kanilang bandila na may bahid ng mga dugo. Napatingin ang mga tao sa kanilang bandila na may nakaburdang dragon. Puno ng bahid ng dugo.
Nakaupo si Aspen sa isang tabi habang binabasa ang libro ng katotohanan.
Nababasa niya roon na iba ang tunay na digmaan na kanilang dapat harapin. Mas nakakatakot, at mas nakakahindik. Isang digmaan na hindi inaasahan ng lahat. Isang digmaan na magbabalot ng dilim sa kapaligiran. Dadanak ang dugo sa lahat ng kalupaan.
Isang digmaan na tao laban sa tao ngunit isa lamang ang pinagkaiba ng dalawang magkalaban na panig. Ang pagpintig ng kanilang mga puso.
“Isang digmaan ang nais mo,” ani ni Levin sa kanyang bagong panginoon. “Nasa kamay nila ang iyong kapatid na si Emma, at Inari. Maaring mapahamak sila dahil dito.”
Kunot naman ang mga noo ni Gregory na tumingin kay Levin.
“Hindi ako mauupo, at manonood lamang, Levin,” ani ni Gregory sa lalaki. “Kukuhanin ko ang hustisya. Papatayin ko ang hari, at ang mga La Casa. Walang ibang paraan. Ngunit pinapangako ko na ibabalik ko ang aking mga kapatid sa kalupaan na ito ng ligtas.”
“Maari pang magbago ang iyong isip. Hindi digmaan ang sagot sa lahat,” ani ni Levin. “Ipinapayo ko sa iyo ito dahil alam kong magdudulot lamang ito ng mas malaking sigalot. Gregory hindi biro ang digmaan. Di hamak na mas malaki ang kanilang pwersa kaysa sa iyo. Isa itong pagtratraydor sa kaharian.”
“Kahit ilang milyon pa sila,” ani ni Gregory. “Matapang akong sasagupa sa kanilang harapan. Sila ang unang nagtraydor, Levin. PINATAY NILA ANG AMING AMA, AT INA! GINAWA NILANG BIHAG ANG AKING MGA KAPATID! Kung hindi mo nais ang kagustuhan ko ay malaya ka ng bumalik sa inyong hermano na nagpakasal sa isang La Casa.”
Nagulat si Levin sa kanyang narinig.
“Ang aking kuya? Nagpakasal sa isang La Casa? Imposible. Tunay na magpapakasal siya ngunit hindi sa isang La Casa,” ani ni Levin dito.
“Nasaksihan ko iyon ng dalawa kong mga mata!” madiin na sabi ni Gregory, at binalingan ng tingin ang bandilang nakataas sa kanilang kastilyo.
Napaatras naman si Levin. Hindi niya akalain na magpapakasal ang kanyang hermano na si Tyrell sa isang La Casa. Hindi man lang ito sumulat sa kanya.
***
At The Sixth Land: The Land of Beauties
Third Person Point of View
Napapunas ng mga mata si Ellysa habang nakatingin sa kayang anak na humalili na sa kanyang ama ngayon. Inaalalayan siya ng asawa nitong si Olivia Blancheffeur
Lubos siyang nasasaktan sa balitang natanggap niya noong nakaraang araw. Sinabi na niya kasi sa mga ito na huwag ng pumunta sa kaharian ngunit hindi nakinig ang mga ito sa kanya.
Ngayon ay tila nabasag ang kanyang puso. Namatay ang kanyang asawang si Edward Chevor. Nawala ang kanyang anak na si Emilia Chevor, at ang asawa nitong si Gregor Aragon. Hawak ng mga La Casa, at River ang kanyang dalawang apo.
Hindi niya alam kung may maiiyak pa ba siya sa mga balitang ito na kay sama. Hindi niya matanggap na wala na ang mga ito. Hindi man lang din nakarating sa kanya ang bangkay ng kanyang anak o asawa.
Naiwan ito sa kanilang kaharian.
“Ako si Efren Chevor!” ani ni Efren Chevor sa harap ng kanyang mga mamayan habang mahigpit na hawak ang espada sa kanyang kamay. “Bagong panginoon ng ika anim na kalupaan ng kagandahan! Unang anak nina Edward Chevor, at Ellysa Chevor. Nagmula sa dugo ng mga Chevor ay nangagako sa lahat ng aking mga nasasakupan na iaalay ko ang aking buhong buhay upang depensahan, protektahan, pangalagaan, at pamamahalaan ang mga mamayan ng ika unang kalupaan ng buong puso, walang kinikilingan, katapat tapat, at puno ng sinseridad, at katapangan.”
Nagsigawan ang mga tao roon.
“MABUHAY ANG BAGONG PANGINOON!!!”
“MABUHAY ANG BAGONG PANGINOON!!!”
“MABUHAY ANG BAGONG PANGINOON!!!”
“Ang mga mabubuting loob na mga Chevor ay muling pinagtaksilan ng mga La Casa, at River. Sa loob ng kanilang kalupaan ay pinatay nila ang aking ama, kapatid, at ang asawa ng aking kapatid na panginoon ng ika unang kalupaan na si Gregor Aragon! Sila ay hindi patas! Hindi tayo papayag na habang buhay tayo nilang tatapakan! Ipapakita nila ang galit ng isang Chevor! Kukuhanin natin ang hustiyang ipinagdamot nila!!!”
“HUSTISYA!!!! HUSTISYAA!!!” sigaw ng mga ito.
Itinaas nila ang kanilang dilaw na bandilang may burdang babae na may bahid ng mga dugo.
Napapikit si Ellysa, at kamuntikan ng bumagsak ngunit nasalo siya ni Olivia.
“Kataastaasang Ellysa,” tawag ni Olivia rito.
“Si Efren na lamang ang natitira sa akin, Olivia,” lumuluhang sabi ni Ellysa. “Ngunit siya ay nagdedeklara pa ng isang madugong digmaan. Hindi ko kaya! Mawawala ako sa aking katinuan Olivia! Pigilan mo siya!!”
Malungkot naman na napayuko si Olivia. Alam niyang hindi niya mapipigilan si Efren sa kung ano man ang naging desisyon nito. Maging siya ay takot sa maaring mangyari sa digmaan na magaganap ngunit paano nya mapipigilan ang isang puso na humihingi ng isang hustisya para sa mga nawalang minamahal nito?
“Saan ako nagkulan?!” tanong ni Ellysa. “Naging mabuti akong tao ngunit bakit kailangan akong masaktan ng ganito?! Ako na lamang sana ang kinuha nila!”
Iyak ni Ellysa Chevor, at tuluyan nang nawalan ng kanyang ulirat.