XIX - Desires

1918 Words
At the Second Land: The Land of Kings Third Person Point of View         “Mahal na reyna,” tawag ni Amaya sa kanyang kamahalan mula sa pinto. “Narito ang inyong pangalawang anak na si Gatley. Nais niya raw kayong makausap patungkol sa isang bagay.”         Napatingin naman si Mercier sa kanyang pintuan.         “Sige at papasukin mo siya,” ani ni Mercier La Casa sa kanyang tagasilbi.         Binuksan naman ni Amaya ang pinto upang papasukin si Gatley. Ngumiti naman si Gatley at hinawakan sa bewang ang dalaga kaya napatingin ang binibini sa binata. Kumindat si Gatley noong magtama ang kanilang mga mata.         Agad naman na yumuko si Amaya.         Pumasok na si Gatley at iniwan ang binibini sa labas.         Yumuko siya  sa kanyang ina at binati ito, “Mahal kong ina. Nabalitaan ko na siniyasat ng hari ang iyong silid kahapon. May problema ba?”         Binuksan naman ni Mercier ang bintana ng kanyang silid at tumingin sa kanyang anak.         “Pinaghihinalaan ako ng iyong ama dahil lamang sa maling balita ng kanyang tagapayo na si Bellamy,” sagot ni Mercier at pumunta sa kanyang lamesa. “Ngunit huwag ka nang mag – alala pa. Napatunayan ko na sa iyong ama na ako ay inosente.”         “Mabuti kung gaanon,” ani nI Gatley at napatingin sa librong nasa lamesa ng kanyang ina. Kilala niya ang libro na iyon. Huling kita niya dito ay nasa lamesa ito ng kanyang ama. “Wala pa rin bang balita ‘kay Greco?”         “Wala pa,” sagot naman ni Mercier sa kanyang anak. “Hindi pa ako nakakatanggap ng ano mang mensahe sa iyong kapatid. Ako ay nag aalala para sa kanyang kaligtasan. Ipagdasal nating ligtas siya.”         Palihim naman na tumalim ang mga mata ni Gatley. Hindi niya kailanman isinama ang kapatid na si Greco sa kanyang mga dasal. Kung pwede nga lang na isumpa niya ito ng paulit ulit upang mamatay na sa kalupaan ng mga malalayang tao.         “Kung magtatagumpay si Greco, siya na ba na ang susunod sa linya ng hahalili sa trono ni amang hari?” tanong ni Gatley sa kanyang ina.         Nais niyang makasigurado na kanya pa rin ang trono kahit na maging kaapelyido pa ng ama ang nakakatanda niyang kapatid.         Alam ni Mercier ang kagustuhan ng kanyang anak at iyon ang trono.         Nilapitan nya ang kanyang anak at hinawakan ito sa magkabilang balikat.         “Sino man sa inyo ay karapat dapat,” mahinang ani ni Mercier sa anak. “Kayo lamang nila Greco, Hollick at Amethyst ang dapat humalili sa inyong ama dahil kayo ay mga anak ko. Kahit sino sa inyong apat ay pwede.”         Hindi nagustuhan ni Gatley ang sinabi ng kanyang ina. Tinanggal niya ang mga kamay ng ina ng may bahagyang pwersa at lumayo rito.         “Sinungaling!” madiin na ani ni Gatley. “Ang sabihin mo ay gusto mo na si Greco ang sumunod na maging hari pagka’t siya ang iyong paborito!”         “Wala akong paborito, Gatley!” madiin na sabi ni Mercier. “Pantay pantay ang pagmamahal ko sa inyong apat dahil kayo ay mga anak ko. Huwag mong kainggitan ang iyong kapatid. Kapatid mo iyon!”         “Sinasabi mo lamang iyan upang pagtakpan siya na siya talaga ang pinakamamahal mo sa aming tatlo pagka’t isa siyang La Casa!” inis na sabi ni Gatley. “Dahil River kaming tatlo ay mas inuuna mo si Greco dahil gusto mo na La Casa pa rin ang maupo sa trono!”                        Nagulat naman si Mercier sa kanyang anak. Hindi niya naisip na ganito na mag isip ang kanyang pangalawang anak.         “Gatley, hindi. Nagkakamali ka,” paliwanag ni Mercier sa binata.         Umiling iling naman si Gatley.         “Ito ang tandaan mo,” madiin na sabi ni Gatley. “Gagawin ko ang lahat huwag lang mapunta kay Greco ang trono. Kahit tulungan mo pa siya ay sisiguraduhin ko na akin ang korona!”         Pinanlakihan ni Gatley ng mata ang ina saka tumalikod at naglakad patungo sa pintuan.         “Gatley!” tawag ni Mercier sa kanyang anak ngunit hindi na siya pinansin nito at lumabas na ng tuluyan.         Napahawak naman siya sa kanyang sentido. ***         Napatakbo si Amethyst mula sa kanyang kasama at nagtago siya sa isang tabi kung saang walang nakakakita sa kanya.         Iniharap niya sa kanya ang kanyang dalawang palad at hinihingal na pinagmasdan ito. Hindi niya malaman kung ano ang nangyayari rito kanina.         May mga lumabas dito na mabibilis at tumutunog na mabilis.         Nanginginig ang kanyang mga kamay na tila ‘kay bigat at may gustong ilabas.         “Prinsesa Amethyst?” tawag ng kanyang tagasilbi at lumapit sa kanyang kinalalagyan.         Nanalalaki naman ang mga mata ni Amethyst sa kanyang takot.  Isinara niya ang kanyang mga palad at tumingin sa dumating na tauhan.         “Ano ang ginagawa mo rito??” tanong ng lalaki na si Donny. “Halika at ituturo ko sa iyo ang iba pang mga magagandang ginawa ng tao para sa iyo.”         Akmang lalapit si Donny upang kuhanin si Amethyst sa dulo noong lumayo sa kanya ang dalaga kaya siya ay nagtaka.         “May problema ba, mahal kong prinsesa?” tanong ni Donny sa kanyang prinsesa.         “Huwag kang lalapit sa akin!” madiin na ani ni Amethyst.         Napahinga naman ng malalim si Donny. Iniisip niya na niloloko lamang siya ng dalaga.         “Ano nanamang bang pakulo ito? Halika na prinsesa. Hindi mo naman nais na magsayang pa ng oras hindi ba?” tanong ni Donny rito at nagsimulang humakbang palapit sa dalaga.         Umiling iling si Amethyst.         “Huwag kang lumapit, Donny!” madiin na sabi at idinipensa ang kanyag mga kamay.         Pinatuloy naman ni Donny ang kanyang paglalakad at hinawakan ang prinsesa ngunit sa pagdampi ng kamay nito sa kamay ng dalaga ay malakas itong tumilapon palayo at nawalan ng malay.         Nagulat si Amethyst at napatitig ‘kay Donny noong bumagsak ito sa semento. Dinig na dinig ang pagtama ng ulo nito sa sahig.         Agad na napalapit si Amethyst sa binata.         “Donny!!!”  tawag ni Amethyst at hindi malaman ang gagawin.         Naluluha na ang prinsesa at napapakagat sa kanyang daliri.         Nanginginig ang kanyang mga kamay habang umaagos ang luha. Hindi niya malaman ang kanyang gagawin.         Luminga linga siya sa paligid upang pagmasdan kung mayroon mang ibang nakakita. Noong makasigurado ang dalaga na wala at hinawakan niya sa dalawang paa ang binata gamit ang mga kamay. Hinatak niya ito palayo sa lugar na iyon. ***         Naglalakad si Hollick sa labas ng kanilang kaharian habang suot suot ang pang alipin na damit. Itinatago niya ang kanyang tunay na pagkarinlan pagka’t walang sino man ang dapat makaalam sa mga taong nasa paligid niya ngayon na si Prinsipe Hollick ng kaharian.         Dire diretso siyang pumasok sa isang eskinita. May mga tambay na tao roon na tahimik lamang. May mga babaeng nagtitinda sa may sahig habang kalong kalong ang kanilang mga anak.         Lumiko muli si Hollick sa isa pang eskinita at dumiretso sa isa sa mga pinto roon.         Napatigil naman ang isang doktor na nagpapahid ng likido sa isang malambot na tela.         Unang kita niya pa lamang ay kilala niya na agad ang lalaking pumasok sa kanyang klinika.         “Mahal na prinsipe,” tawag ni Preto sa lalaki at yumuko ito upang magbigay pugay.         Tinanggal naman ni Hollick ang kanyang sumbrebro at sumilay sa apat na sulok ng kwarto ang abong mga mata nito.         “Nabatid mo na ba kung para saan ang laman ng botelyang binigay ko sa iyo?” tanong ni Hollick sa lalaki.         Pumunta naman si Preto sa kanyang lamesa at inilabas ang maliit na botelyang ibinigay sa kanya ng isang araw.         “Huwag mong sabihing hindi mo pa nalalaman kung para saan,” madiin na ani ni Hollick sa lalaki. “Buwis buhay ko iyang ninakaw pa sa silid ng aking ina!”         “Huminahon kayo, mahal na prinsipe,” ani ni Preto dito. “Sa loob ng ilang araw na pag – aaral ko sa likidong nasa loob ng botelyang ito ay alam ko na kung para saan ito ginagamit.”         “Saan?” tanong ni Hollick.         “Sa mata,” ani ni Preto.         “Alam ko, lapastangan!” ani ni Hollick pagka’t nakita niya noong pupunta ito sa silid ng kapatid na si Greco ay nagpapatak ito sa kanyang mata. Hindi lang siya napansin ng kapatid dahil nakatalikod ito sa kanya.         “Ginagamit ito ng isang tao upang ibahin ang kulay ng kanilang mga mata,” ani ni Preto sa prinsipe. “Ngunit kakaiba ang gamot na ito, mahal na prinsipe pagka’t may halo itong gamot ng isang mahika.”         “Mahika?” tanong ni Hollick.         “Tama! Kung ang normal na gamot ay kayang gawing itim ang kulay ng iyong mga mata ang gamot na ito ay gumagamit ng mahika upang gawing isang kahel ang mata ng isang tao.”         Napaisip naman si Hollick sa sinabi ni Preto.         “Kahel lamang? Sigurado ka bang kahel lang ang kulay na ibinibigay nito?” tanong ni Hollick.         “Opo, mahal na prinsipe,” ani ni Preto. “Ilang beses kong sinubukan sa mga halimbawa ko ang gamot na ito at puro kahel ang kinalabasan.”         “Kahel,” bulong ni Hollick sa kanyang sarili. Iniisip niya kung bakit kailangang gamitin ni Greco La Casa an gang gamot na iyon gayong kahel na ang kanyang mga mata.         “Ginagaya nito ang kulay ng mata ng mga La Casa,” ani ni Preto sa prinsipe. “Kung sino man ang gumagamit ng mga gamot na ito ay mababatid mo agad.”         “Papaano?” tanong ni Hollick.         “Walang kislap ang kanilang mga mata na animo ay patay na,” sagot naman ni Preto. “Saan mo nakita ito? Bibihira lang ang may alam sa gamot na ito at bibihira mo lamang din makukuha sa isang tindahan. Mahal ang gamot na ito na hindi kayang bilhin ng mga ordinaryong mga nilalang.”         Hindi naman sumagot si Hollick. Iniisip niyang iba ang kulay ng mata ng kanyang kapatd na si Greco dahil walang silbi ang gamot na ito kung gagamitin niya pa sa kahel niyang mga mata. Isa lang ang ibig sabihin nito. Iba ang kulay ng mata ni Greco.         Maaring abo. Ngunit iyon ang pinagtataka ni Hollick. Kung abo ang mata ni Greco ay bakit kailangan pang itago ng kanyang ina gayong mas makakabuti sa kanyang kapatid na panganay ang bagay na ito.         “Maari mo ba akong gawan ng ganyang gamot?” tanong ni Hollick sa lalaki.         “Ipagpaunmahin mo, mahal na prinsipe,” ani ni Preto. “Ngunit hindi ko pa alam kung paano gumawa ng gamot na ito at kakailanganin mo ng isang babaylan o mangkukulam para makapili ka ng kulay na nais mo.         “Kakailanganin ko rin ng malaking salapi upang pambili ng mga kailangan sa paggawa ng gamot na ito.”         “Mayaman ang aking pamilya,” ani ni Hollick. “Hindi mo kailangan mamoblema sa salapi. Ibibigay ko ang salapi na hihingin mo para lang makagawa ng gamot na ito.”         Napangiti naman si Preto sa narinig noong mabanggit ni Hollick ang salapi.         Pinagkuskos nya ang kanyang mga kamay at lumapit sa prinsipe.         “At paano naman ang pangako niyo sa akin, mahal na prinsipe?” tanong ni Preto. “Na ilalagay niyo ako sa mataas na posisyon ng kaharian.”         “Maghintay ka lamang,” sagot ni Gatley dito. “Kapag ako na ang hari ay ilalabas kita sa silid na ito.”         Mas lalo namang napangiti si Preto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD