At Third Land : The Land of Sword
"Tatanggapin natin ang imbitasyon ng hari," sabi ng lalaking nakaupo sa isang malaking upuan na may hawak na espada.
"Kalilimutan ko ang nangyari noon para sa kapayapaan," dagdag pa nito.
"Matagal mo nang kinalimutan ang mga nangyari noon, Aelous. Simula noong lumuhod ka noong naghari si Devos noong matapos ang digmaan," sabi ng babaeng nakasuot ng mahabang itim na bestida habang ang boses nito may diin sa tono sa dulo.
"Pagka’t iyon ang pinakamatalinong desisyon, Jamaicah" sabi ni Aelous at pinunasan ang mahabang espada na hawak - hawak.
"Pinakamatalino?" natatawa pero halatang sarkastiko na sabi ni Jamaicah.
"Kung ako siguro ang namumuno noon ay baka mas gugustuhin ko pa na mamatay o mapugutan ng ulo kesa ibaba ang dignidad ko. Hindi ako luluhod sa isang La Casa," sabi ni Jamaicah.
"Kung gusto mong mabuhay ng matagal ay iisantabi mo ang puso mo, Jamaicah. Yun ang turo ng aking ama," kalmado parin ang tono na sabi ni Aelous.
Hindi makapaniwala si Jamaicah sa sinabi ni Aelous. Hindi niya naiintindihan ang sinabi ng binata. Paano nitong nagagawa na maging kalmado gayong ilang linggo na lang ay makikita niya ang mga lahing pumatay sa kapatid niya.
Siguro ay dahil sa labis na pagmamahal niya sa kapatid ni Aelous ay kaya mapa - hanggang sa ngayon ay hindi siya makawala sa kadenang bakas ng kahapon.
At the SecondLand : The Land of Kings : The Kingdom
*tok* *tok * *tok*
Madilim ang mukha ni Mercier La Casa habang tinutuktok ng hintuturo ang lamesang nasa harap niya. Dinig na dinig ito sa tahimik na silid niya. Pinag - iisipan niya kung paano magagapi ang mga Aragon at Chevor ng sabay. Alam niyang malaking kabaliwan ang iniisip niya pero hindi siya kampante habang may buhay pa sa mga kaaway niya. Mga kaaway ng pamilya niya. Pinangako niya na sa oras na umupo siya bilang reyna ng lahat ng lupain ay lilipulin niya lahat ng mga ito. Hindi pa tapos ang laban habang may nakahadlang sa kanilang daan. Planado ang lahat mula umpisa hanggang ngayon. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya magawa ng maayos dahil buhay na buhay parin si haring Devos - ang kanyang asawa. Malusog pa ito at mukhang aabutin pa ng ilang dekada ang buhay. Hindi niya kayang maghintay ng ganoon katagal. Hindi niya kayang itago pa ang sekreto ng ganoon katagal.
Napatingin siya sa pinto ng may kumatok dito
"Mahal na Reyna," malakas ang boses na sabi ng nasa kabilang panig ng pinto.
Kilala na niya ang boses na ito sa tagal na nilang magkasama.
"Pasok," utos niya dito.
Bumukas naman ang pinto at niluwa roon ang isang babaeng kulay kayumanggi ang balat. Ang mga mata nito ay kulay puraw.
Lumapit ito sa kanya at inabot ang isang sulat. Maliit na papel na tila dala lamang ng isang uwak. Base sa selyo nito ay galing ito sa kanyang ama.
Binuksan niya ang maliit na papel
/ / / /
/ / /
/ / /// ///
Yan ang mga nakasulat sa papel. Itinapat ni Mercier ang papel sa apoy ng kandila at hinayaang masunog ito. Sa pangalawang pagkakataon ay mangyayari uli ang isang bagay na nangyari na dati. Ibang panahon,mag kaibang hari pero iisa parin ang gagawa. Isang La Casa.
Walang problema sa kanya ang sinasabi sa kanya sa sulat dahil ni kahit minsan naman ay hindi niya minahal ang kanyang asawa. Nag - gamitan lang sila para sa kapangyarihan.
"Naihanda mo na ba ang pinahahanda ko sayo?" tanong ng reyna sa babaeng nasa tabi niya.
"Opo mahal na reyna," sagot nito.
"Magaling ," sabi ni Mercier at sumilay ang isang ngiti sa kanyang labi.
.
.
.
.
.
.
/ / / / Kill
/ / / The
/ / /// /// King
Ito na ang oras na hinihintay niya kung saan kailangan na niyang humakbang paitaas. Para sa kanyang mga anak ang gagawin niyang ito at para sa kanyang pamilya. Walang ibang dapat maghari sa lahat ng kalupaan kundi ang kanilang lahi. Ang La Casa.
At FifthLand : The Land of Lords but also known as the Land of Snakes
"Bilang na ang mga araw ni haring Devos. Mabibigla na lang ang mga tao na sumunod na ito sa kanyang kaibigan na si Beumont," sabi ng isang matandang lalaki. Si Raciero. Ang panginoon ng ikalimang kalupaan. Ang tatay ng magkakapatid na La Casa.
Maganda pa rin ang pangangatawan nito kahit na may edad na ngunit makikita mong puti na ang bawat hibla ng buhok ng lalaki.
"At sino ang mauupo sa trono kapag wala na si Haring Devos?" tanong ng matandang babaeng nakatayo sa harap niya si Mercolita. May dala itong bote ng alak at baso na may laman ding alak.
Marami itong porselas sa katawan. Makikita mo talaga na galing ito sa makapangyarihang pamilya. Kamukhang kamukha niya ang kasalukuyang reyna ngayon ng buong kalupaan. Si Mercier. Sa kanya nagmana si Mercier. Mula sa ulo hanggang paa masasabi mong mag - ina silang dalawa. Yun nga lang ay hindi na kulay tsokolate ang buhok niya. Kulay puti na ito dala ng edad nito samantalang kumikinang pa ang buhok ni Mercier.
"Walang iba kundi ang panganay na anak ni Mercier. Si prinsipe Greco," sagot ni Raciero kay Mercolita.
"Pero isa siyang La Casa. Hindi niya dala - dala ang apilido ni Haring Devos," sabi ni Mercolita sa asawa.
"Unang dahilan para maupo siya. Isa siyang La Casa at mga La Casa dapat ang maupo na sa trono," sabi ni Raciero.
"Hindi makakapayag ang mga tao sa bagay na yan. Magproprotesta ang mga ito," sabi ni Mercolita at lumagok ng hawak na alak.
"Ano ang pakielam nila sa desisyon ko. Reyna si Mercier. Kapag wala na ang hari si Mercier na ang magdedesisyon sa bagay na iyon. Kaya tayo mga La Casa, Mercolita dahil tayo ang batas at walang kwenta ang opinyon ng mga ordinaryong tao, " sabi ni Raciero.
Matapang ang bawat tingin na binibigay nito
"At paano ang mga panginoon? Ano ang sasabihin nila? Siguradong hindi lang sila mauupo at manonood lamang. Gagawa sila ng hakbang lalo na ang mga Aragon," sabi ni Mercolita.
"Et Aragons? They potest non prohibere de La Casa est maior quam draco serpens ex conquering.Once ad eam omnes, eripiat eum," sabi ni Raciero
(Mga Aragon? Hindi nila mapipigilan ang mga La Casa na maghari sa kalupaan. Sa oras na mas malaki na ang ahas sa dragon ay lulununin na lamang sila ng buong buo nito.)
"Hindi mo naiintindihan. Sanib pwersa ang mga Chevor at Aragon," sabi ni Mercolita.
Hindi nagustuhan ni Raciero ang sinabi ng asawa. Sa pandinig niya ay parang minamaliit siya nito
"Olim Greco et occidite super istud, et sedens super solio .I all.So puer natus clauditis ore tuoy," sabi ni Raciero habang nakatingin ng diretso kay Mercolita. Nagbigay iyon ng pagtaas ng balahibo kay Mercolita
(Sa oras na maupo na si greco sa trono ay papatayin ko silang lahat kaya manahimik ka na lamang diyan matandang babae.)