At FourthLand:The Land of Wealth
Third Person Point of View
"Gumagawa na ng mga hakbang ang mga Carlsen upang patalsikin ka sa trono panginoong Merco," sabi ng kaliwang kamay ng panginoon na si Rey
Napakuyom naman ng palad ang panginoong Merco. Ang ama ni Mercolita Octavin.
"Akala ba nila ay kakayanin nila ang pamilyang Octavin? Ipapakita ko sa kanila kung ano ang kayang gawin ng isang Octavin," sabi ni Merco.
Kulay luntian ang mga mata nito na mahahalintulad sa luntiang kapaligiran ng kanilang lupain.
"Ngunit nalalapit na ang kasiyahan sa kaharian ni Haring Devos," nag aalalang sabi ni Rey sa kanyang panginoon
"Dadalo tayo sa kasiyahan pagkatapos nating iresolba ang problema sa loob ng ating lupain. Magpadala ka ng sulat kay Mercolita," utos ni Merco
"Masusunod," pagsunod ni Rey sa panginoon
Agad din siyang nagpadala ng sulat dala ng isang uwak papunta sa ikalimang lupain kung saan namumuno si Mercolita at ang kanyang asawa na si Raciero
At Land of Birds: The Land of Free Men
Mula sa pagkakapikit ay bumukas ang mata ng isang babaeng may puraw na mga mata.Mahaba ang buhok nito na kulay puti. Ang suot din nito ay kulay puti at may nakalagay sa kanyang buhok na mga palamuting ibon tanda na siya ang may pinakamataas na posisyon sa lahi nila. Ang kanyang kalahating mukha ay natatakpan ng manipis na puting panyo. Tanging ang makikita lang sa kanya ay ang mga puraw na mga mata.Napapaligiran siya ng tatlong babae na gaya niya ay nakasuot din ng puting mga damit at kapwa mga nakatakip ng panyo ang mukha.
"Ang katapusan ng mundo ay nalalapit na.Ang araw ay babalutan ng itim at magdidilim ang paligid. Ang buwan ay lilitaw sa kalangitan kahit nasa taas pa ang araw. Ang buwan ay magiging pula at mapupuno ng pagdanak ng dugo sa buong mundo. Mapupuno ng sigaw ang bawat sulok ng mundo. Magbibitak ang lupa at magmumula roon ang masangsang na amoy. Lalabas doon ang mga nilalang sa ilalim ng lupa upang lipulin ang sangkatauhan walang gagawin ang mga diyos upang sagapin tayo. Manonood sila habang pinagbabayaran natin ang ating mga kasalanan. Magkakaroon ng takot ang lahat at ang mga tanging pag asa ay mamamatay kung wala tayong gagawin," sabi ni Shabiri- ang pinaka pinuno ng puting mga babaylan
"Ngunit tayo ay mga nilikha at hindi tayo pababayaan ng mga lumikha sa atin kaya nagpadala sila ng walong pinuno na galing sa mga mahaharlikang dugo. Hanapin niyo sila. Ang walong mga nakatadhana ay may tinataglay na talento. Mga ibinigay sa kanilang mga angkan ngunit ilang taon na ang nakalipas mula ng selyuhan nila ito at ikulong. Mga bagay na akala ng karamihan ay mga kwento lang pagkat matagal ng nawala. Ngunit ngayon ang mga ito ay magbabalik na. Hindi sila madaling hanapin ngunit hindi rin mahirap makita pagkat sila ay namumukod tangi sa lahat, " dagdag ni Shabiri.
Nagkatinginan naman ang tatlo at tumango saka linisan ang lugar matapos ibigay ni Shabiri ang mga mensahe
"Kailangan ay mauna natin silang mahanap bago pa sila mahanap ni Irishiba ang pinuno ng itim na mangkukulam," bulong ni Shabiri
At Lastland :The Land of Gods also known as the Abandoned Kingdom
"Rex invitationes omnes dominos suos omni terra celebraturi 15 Anno autem sedebat in solio," mahinang sabi ni Alexander habang hawak hawak ang espada
(The king invites all the Lords of every Land to celebrate his 15th year of sitting on the throne)
Nasa labas sila ngayon nila Meira at Erebus at nagsasanay silang tatlo sa isang bakante at malawak na lupa na parte ng abandonadong kaharian.Kitang kita mo ang mga asul na mata ni Alexander na sumasalamin sa makinis niyang espada.Titig na titig naman si Meira sa mga asul na mata ng binata. Gustong gusto niya ito tila nakikita niya dito ang kalangitan at ang malawak na karagatan.
Napakuyom naman ng kamay si Erebus sa narinig. Para sa kanya ay walang karapatan magdiwang ang lahat lalo na ang pamilya ng La Casa at River. Sila ay mga ganid at traydor.
Labinlimang tao na nilang ipinagkakait ang mga bagay na dapat ay nasa kanilang magkapatid. Kalayaan,kapangyarihan at kasiyahan. Lahat ng iyon ay dapat sa kanila. Matagal nang nangyari ang sumibol na digmaan sa pagitan ng mga angkan nila pero sariwang sariwa parin ito sa kanyang ala ala na tila kahapon lang nangyari at kailanman ay hindi niya ito malilimutan.
"Magpakasaya sila habang kaya pa nila dahil darating ang araw na hindi na nila magagawa pa ang mga bagay na iyon," madiin na sabi ni Erebus
Napatingin naman si Meira sa kakambal.Puno ito ng galit sa mga mata.Maging siya ay nasaksihan ang masalimuot na kahapon at hanggang ngayon ay hindi niya parin makalimutan ang lahat.Kung ang kakambal niya ay puno ng galit siya naman ay puno ng takot at lungkot.Takot sa mga kaaway na baka gawin din sa kanya ang mga nangyari sa angkan nila at lungkot na dulot ng nakaraan.
Dadalawa na lang silang magkapatid.Nilipol na ng mga kaaway nila ang libo libong mga Valeeryan na namumuhay labinlimang taon na ang nakalipas.Hindi lang sila ang nalipol pati na ang ibang mga pamilyang kasamang nakipaglaban ng kanilang angkan.
"Kaya hindi tayo dapat nag aaksaya ng panahon.Kailangan niyong magpalakas upang muling makaahon sa pagkakalubog sa hukay" sabi ni Alexander
Nabaling na sa kanya muli ang atensyon ni Meira.Tinignan ni Meira ang kabuuan ng binata.Mas matanda ito sa kanya ng labintatlong taon.Nakasuot ito ng itim na pang itaas pagkatapos ay may hawak na espada na laging nasa tabi nito.May pilak na panangga ito sa balikat pati sa mga tuhod.Nakasuot din ito ng kupyang gawa sa pilak na tinatanggal lamang ng binata kapag matutulog.Magaling ito humawak ng armas.Para lamang itong sumasayaw sa hangin.Walang kahirap hirap na iwinawasiwas ang sandata na parang kadugtong ng kamay niya.
Kaya hanggang ngayon ay nabubuhay pa silang magkapatid ay dahil sa lalaking ito.Siya ang sariling guwardiya ng ina noong ito ay nabubuhay pa.Mismong ang ama nila ang nagtalaga dito.Ngayon ay sila na mismo ang binabantayan ng binata.Pakiramdam niya ay ligtas na sila kapag kasama nila ito.
"Ayoko humawak ng espada.Ayokong makipaglaban.Ayokong sumama sa digmaan" sabi ni Meira at binitawan ang hawak hawak na sariling armas.
Isa itong sibat na parehong matulis ang dulo.Ginawa ito ni Alexander para sa kanya.Ang hawakan nito at gawa sa matibay na bakal at ang magkabilang dulo ay nilikha sa ginto.
May kadena ito sa loob na nagdudugtong sa sibat kapag nahahati ito sa gitna.Kakaiba ang armas na espesyal na ginawa para sa kanya.Binurdahan din ito ng disenyo ni Alexander.
"Isang magandang armas para sa isang magandang prinsesa." Naaalala pa ni Meira ang sinabi ni Alexander nang ibigay ito sa kanya
Pinulot naman ni Erebus ang kanyang sibat at ibinalik sa kamay niya saka ipinahawak ito sa kanya ng mahigpit
"Hindi panghabang buhay ay narito lang tayo sa ating kinatatayuan.Darating ang araw ay lalabas tayo upang lumaban Meira.Kailangan mong maging malakas upang mabawi natin ang dapat na atin" sabi ni Erebus na batid ang takot ng kapatid.
Alam niyang natatakot ito pero hindi maaring manatili lamang itong mahina kailangan nito ng lakas upang ipagtanggol ang sarili.Hindi palaging nariyan si Alexander o siya upang protektahan ang babaeng kapatid.
"Ayoko.Ayoko." tanggi ni Meira at binitawan ang sibat
Pakiramdam ni Meira ay binabangungot siya ng nakaraan kapag ginugusto niyang magsanay upang makipaglaban.Iniisip niya pa lamang ang mangyayari ay abot abot na ang kanyang kaba.
"Meira!Kailangan mong matutong ipagtanggol ang sarili mo" sabi ni Erebus habang nakatingin sa malungkot na mata ng kapatid
"Huwag na tayong makipaglaban Erebus...Mamuhay nalang tayo ng tahimik kasama si ginoong Alexander.Ayokong magkaroon muli ng digmaan Erebus" nagmaakaawang sabi ni Meira
Nagkatinginan naman si Alexander at Erebus sa sinabi ng kapatid
"Tu es enim sanguis meus princeps regiis Valeeryan -A..Hindi ganitong buhay ang nararapat na pamuhayan mo" sabi ni Alexander
(You're a Valeeryan -A royal blood my princess.)
"Sinabi kong ayoko!Mamumuhay nalang ako bilang isang ordinaryong mamayan.Wala akong pakielam sa trono o korona.Nais ko lamang mamuhay ng normal" madiin na sabi ni Meira
"Hindi iyon maari prinsesa" sabi ni Alexander
"Hindi ako prinsesa.Wag mo akong tawaging prinsesa!" sabi ni Meira sa binata
"Hindi maitatago ng pulang mata mo ang tunay na pagkatao mo prinsesa.Panghabang buhay kang Valeeryan at hindi iyon magbabago.Darating ang panahon na magiging hari ang iyong kapatid at kailangan niya ng kaagapay upang mangyari iyon"paliwanag ni Alexander
Lumapit naman si Erebus kay Meira at hinawakan niya ito sa magkabilang balikat saka hinarap sa kanya
"Sa oras na malaman nilang may nabubuhay pang mga Valeeryan ay ilalabas lahat ng mga La Casa at River ang buong pwersa nila mapatay lang tayo at nalalapit na iyon.Gusto mo bang mamatay tulad ng nangyari sa angkan natin?! Gusto mo bang mamatay na walang kalaban laban?Gusto mo bang mamatay na hindi man lang napaghihiganti ang ating angkan?Gusto mo bang mamatay na hindi nakakamit ang mga bagay na dapat atin?!Mamatay ka na walang natatamong hustisya Meira kung patuloy kang matatakot!" madiin na sabi ni Erebus sa kapatid
Nais ni Meira ng hustisya pero puno ng takot ang puso niya
"Ngayon pulutin mo ang iyong armas at ngayon naman ay ako ang magsasanay sa iyo" sabi ni Erebus at bahagyang itinulak ang kapatid nang bitawan niya ang balikat nito