"Pupunta tayo sa kaharian?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Emma sa kanyang ina.
Ang ikatlong anak ni Emilia at Gregor. Mahaba ang buhok nito na tulad ng kanyang ina. Kuhang kuha niya ang ganda ng mga Chevor pero kasing kulay ng ama ang mata ni Emma. Kulay Morado. Mas morado.
Noon pa man ay gusto na niyang makita ang kaharian na pinaguusapan ng lahat. Pangarap niya na makapag asawa ng prinsipe at pamunuaan ang lahat ng kalupaan.
"Oo pero kailangan niyong maging maingat sa bawat kilos niyo at maging mapagobserba sa inyong paligid," sabi ni Emilia habang nagtutupi ng mga damit
"Ngunit bakit naman?" tanong ni Inari. Ang ika - apat na anak ni Emilia at Gregor.
Nakuha ni Inari ang mukha ng mga Aragon.Tulad ng kanyang ama ay matapang din ang kanyang itsura ngunit nakuha nito ang mata ng kanyang ina na kulay kunig. Sa kanilang magkakapatid ay siya lang ang naiiba. Sa kanilang lahat ay siya ang mananatiling Chevor kailanman ay hindi niya dadalhin ang apilidong Aragon pagkat isinilang siya na ang mata ay kulay kunig.Mata ng mga Chevor.
Madalas ay tampulan ng tukso ang mga kagaya niya na hindi nasunod sa apilido ng ama.Ang mga katulad niya ay naiiba at pinaniniwalaang mahihina.Walang puwang sa kanilang pamilya. Ngunit lumaki siya na ang kanyang ama ay si Gregor at ang kanyang ina ay si Emilia. Kailanman ay hindi siya tinuring na iba ng kanyang magulang. Para sa mga ito ay isa pa rin siyang Aragon.
"Ang kaharian ay isang napakagandang lugar ngunit nasa loob nito ang pinakadelikadong bagay," sabi ni Emilia sa kanyang anak.
"Anong bagay?" tanong ni Emma sa ina.
"Et coronam." Si Aspen na ang sumagot sa tanong ng nakakatandang kapatid na si Emma.
(Ang korona.)
Ang bunsong anak ni Emilia at Gregor. Siyam na taong gulang pa lamang ito ngunit kakikitaan mo na ng kakaibang talino. Mahilig ito magbasa ng mga libro kaya naman madami itong alam.
Napangiti naman si Emilia sa sinabi ng anak. Natutuwa siyang natutunan nitong mag-isa na magsalita ng sinaunang lengwahe. Kamukha ito ng kanyang ina at kulay murado rin ang kulay ng mata. Ang buhok nito ay itim na itim kaya kitang kita ang kaputian ng bata.
"Ang korona ?" nagtatakang tanong ni Emma. Hindi niya lubusang maisip kung bakit mapanganib ito.
Tumango naman si Emilia.
"Ngunit anong kinalaman nito? Paano ito naging mapanganib?" tanong ni Inari.
"Ang bagay na ito ay punong puno ng kasakiman at inggit. Kaya nitong isakripisyo ang pag-ibig at kapayapaan. Napakamakapangyarihan na kaya nitong pumatay ng kahit na sino man. Ibibigay nito ang buong mundo sayo pero sasakalin ka nito habang nabubuhay ka," sagot ni Emilia sa anak.
"Paano naman ang reyna?" Tanong ni Emma. "Pangarap kong maging reyna ina at kung isa kang reyna ay may suot ka ring korona ibig sabihin ba nito na masasakal ako habang buhay?"
Ngumiti naman si Emilia.
"Napakataas ng iyong pangarap anak. Ikatutuwa kong makita ka na nakaupo sa trono," sabi ni Emilia. “Ngunit tandaan niyo na ang isang mataas na posisyon ay nanganaghulugan ng malaking responsibilidad.”
"Kung ganon magiging reyna ako para sa iyo," sabi ni Emma. “Ano ngayon kung malaking responsibilidad iyon kung kaya ko naman gampanan.”
"Naghahangad ka ng kapangyarihan at ang kapangyarihan ay puno ng pagsasakripisyo," sabi ni Inari sa kapatid.
"Mas mabuti na maging reyna kaysa sa pangarap mong maging mandirigma," sabi ni Emma na parang minamaliit ang pangarap ng kapatid na si Inari.
"Anong masama sa pagiging mandirigma? Tila nakakalimutan mo na ata na ang mga mandirigma ang nakikipaglaban para sa kaharian," sabi ni Inari sa kapatid.
"Inari, ang mandirigma ay para lamang sa mga lalaki," sabi ni Emilia sa anak.
Napasimangot naman si Inari sa sinabi ng Ina. Ayaw ng kanyang Ina na maging isang mandirigma siya ngunit gusto niya humawak ng espada at makipaglaban. Hindi siya ang tipo ng babae na uupo lang at ipagliligtas ng mga lalaki. Ayaw niya ng ganoon. Mas magmumukha lang siyang mahina. Naiingit siya sa ibang kalupaan kung saan pinapayagan ang mga babae na humawak ng sandata.
Ngumiti naman si Emma sa nakitang reaksyon ni Inari.
"Kailan gaganapin ang kasiyahan?" tanong ni Emma na bumaling na sa ina.
"Sa susunod na buwan. Sa ikatlong linggo nitong buwan ay maglalakbay na tayo patungong kaharian kaya ihanda niyo ang mga sarili niyo," sabi ni Emilia sa tatlong anak na kasama niya ngayon.
Natutuwa naman at napatayo si Emma at nagpaalam na sa ina upang ihanda ang mga gamit. Tanging pagsunod nalang ng tingin sa anak ang nagawa ni Emilia.Natatakot siya sa maaaring mangyari. Tila ba lumalapit sila sa isang patibong kung saan wala silang kawala.
At the SixthLand : The Land of Beauties
"Malakas din ang loob ni Devos na imbitahin tayo matapos niyang pagtaksilan ang mga Valeeryan na ka alyansa natin ilang taon na ang nakalipas," nagngingitngit na sabi ni Ellysa Chevor habang sinusunog ang maliit na papel na hawak niya.
"Ang bibig mo Ellysa," sita sa kanya ng panginoon ng ika anim na lupain na si Edward Chevor.
"Anong mali sa sinabi ko Edward? Iyon ay puros katotohanan lamang," tanong ni Ellysa sa asawa.
Hanggang ngayon ay sariwa pa rin sa ala-ala niya ang nangyari labing-limang taon na ang nakalipas. Kung paanong nawala ang anak niyang si Erissa dahil sa inggit at galit.
"Hindi ordinaryong tao si Haring Devos. Siya ay hari. Ang hari ng anim na lupain," sabi ni Edward sa asawa.
"Iyon ang sinasabi nila. Hari ng buong mundo dahil hawak hawak niya sa palad ang anim na kalupaan pero baka nakakalimutang mong walo ang lupain sa buong mundo Edward. Walo! At ang hawak niya lang ay anim," sabi ni Ellysa.
"Anong laban ng dalawa sa anim? Walang lider ang natitirang dawalang kalupaan. Mga malalayang tao ang nakatira roon at yung pinakahuling lupain na kasama sa sinasabi mo ay matagal ng abandonado," sabi ni Edward.
"Wala akong pakielam kahit diyos pa si Devos. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit nagtaksil siya sa una niyang pag ibig gan-"
"At ang pag ibig na iyon ang siyang dahilan kung bakit nanatili tayong namumuno sa ika anim na lupain. Kung hindi dahil kay Haring Devos ay baka nagkaroon ng madugong labanan sa pagitan ng mga Chevor at La Casa," putol ni Edward sa sinasabi ni Ellysa.
Naningkit ang mga mata ni Ellysa sa sinabi ng asawa. Sa tono nito ay parang utang na loob nila ang buhay nila sa hari. Mas dumilim pa ang kulay ng mga kunig na mata ni Ellysa. Hinding hindi niya matatanggap ang lahat ng mga nangyari. Hindi kailanman.