Third Person Point of View
Hingal na tumakbo si Greco La Casa sa isang puno habang palingon lingon sa kanyang likuran. Noong makita niya na hindi pa nakakaliko ang mga ito ay mabilis siyang umakyat s apuno at nagtago sa mga dahon at sanga nito.
Ilang seugndo lamang ang pagitan at narinig niya na ang mga yabag ng sunod sunod na mga paa ng mga kalalakihang humahabol sa kanya.
Napahinga siya ng malalim noong nilagpasan lamang siya ng mga ito at hindi man lang pinansin ang puno na kanyang pinagtataguan. Sa totoo nga ay kaya niyang patumbahin ang grupo ng mga kalalakihan na humahabol sa kanya.
Sanay na sanay siyang makipaglaban lalo na at nagpuprusige siya sa araw araw upang pabilibin ang kanyang amang hari. Upang tignan din siya nito tulad ng kung paano nito tignan ang ibang kapatid niya.
Yun nga lang ay ayaw niyang mapa – away at magsayang ng enerhiya para sa walang kabuluhang bagay. Para sa kanya ay wala itong kwenta at hindi na kailangan pang gumamit ng mga sandata.
Noong makasigurado si Greco La Casa na wala na ang mga kalalakihan na humahabol sa kanya ay bumaba na siya ng puno saka naglakad pabalik kung saan niya iniwan ang babaylan.
Wala na siyang naabutan doon kung hindi ang walang laman na espasyo sa eskinita. Wala na ang babaylan na kausap niya kanina.
Napahawak siya sa kanyang ulo habang inaayos ang buhok at nagpalinga linga. Umaasang makikita pa ang babaylan ng kanyang mga mata ngunit bigo siya. Wala na talaga ito sa lugar na iyon. Marahil ay humanap ng ibang mapagtataguan o pumunta na sa dapat nitong puntahan.
Nanghinayang si Greco pagka’t hindi niya pa naitanong dito kung saan niya matatagpuan ang templo kung saan naroon ang balon ng pinagpala.
Naisip niya muli ang babala nito sa kanya. Inalala niya ang pangalan ng itim na mangkukulam na tinutukoy nitongunit hindi na mabuo ang mga letra ng pangalan na kanyang narinig sa kanyang isipan. Gulo gulo na ito tulad ng hinangin na buhok.
Nagsimulang maglakad lakad si Greco upang hanapin ang babaylan. Sinilip niya ang bawat sulok at mga tindahan na kanyang nadaraanan. Madali lang ito makikita ng kanyang mga mata dahil purong puti ang suot nito ngunit kung gaano kalinaw ang suot nito sa gitna ng maraming tao ay ganoon kahirap hanapin ang babaylan.
Wala ng makita na nakasuot na puti si Greco. Ang mga taong nakikita niya ay nakasuot ng iba’t iba at maruming mga damit, at baluti sa katawan.
“Sayang, nakita ko na ang babaylan ngunit nakawala pa sa aking mga mata,” ani ni Greco sa kanyang sarili. “Hindi ko na dapat ito iniwan mag – isa. Si Shabiri pa naman iyon.”
Napailing na lamang si Greco at nanumbalik sa kanyang pupuntahan. Babalikan niya ang kanyang mga kasama na si Gin at Yvonne. Naghiwalay sila ng landas pagdating nila sa malayang lupain ng mga tao upang mas madali ang kanilang paghahanap.
Nangako sila na babalik sa kanilang tagpuan bago magtago ang araw sa kalangitan.
Si Gin at Yvonne na lamang ang kanyang isinama sa kanyang mahabang paglalakbay.
***
Napasigaw si Meira sa gulat noong isang lalaki ang humablot sa kanyang panalukbong sa ulo ng biglaan.
Napaatras siya sa laki ng katawan ng lalaking ito na animo ay magdamag kung magehersisyo.
Agad na napatingin si Erebus at Alexander sa komosyon na nangyari.
“A Foreigner!” sigaw ng lalaki habang pinapakita ang mga itim na ipin sa dalaga. “What a beautiful girl!)
(Isang dayuhan!) ( Isang napakagandang babae.)
Akmang hahawakan ng lalaki ang mukha ni Meira noong sa isang iglap ay narating ni Erebus ang kinalalagyan ni Meira at tinapik ang kamay ng lalaki bago ito madikit sa balat ng kanyang kapatid.
“Don’t you dare touch her or I will cut your hand,” madiin at malamig na sabi ni Erebus sa lalaki.
(Huwag mong subukang hawakan siya o puputulin ko ang iyong kamay.)
Napatawa naman ng malakas ang lalaki sa sinabing pagbabanta ni Erebus sa kanya.
Lumapit naman si Alexander kay Meira at hinawakan ito.
“Another foreigner!” sabi ng lalaki habang tumatawa. “Who are you? Are you her brother or husband? Let me be frank on you. I like that girl. I want that beautiful girl to be my wife. Let’s have a duel.”
(Isa pang dayuhan! Sino ka? Kapatid ka ba niya o asawa? Praprankahin na kita. Gusto ang babaeng iyon. Gusto kong mapangasawa ang magandang babaeng iyon. Maglaban tayo.)
Dumilim ang mga mata ni Erebus. Hinahamon siya ng lalaking kaharap ng isang labanan at ang magiging premyo ay ang kanyang kapatid na si Meira.
“You will never have her,” madiin na sabi ni Erebus at akmang aayain na nito sila Meira at Alexander paalis roon ng senyasan ng lalaki ang mga kasama na harangan ang daan nilang tatlo.
(Hindi siya mapapasaiyo kainlanman.)
Nagkatinginan si Erebus at si Alexander. Gustuhin man nila o hindi ay mapapalaban sila sa mga lalaking ito.
“You are not going anywhere unless you handed her to me,” ani ng lalaki kay Erebus.
(Hindi ka aalis hanggang hindi mo siya binibigay sa akin.)
“Ako na ang bahala sa kanila, Erebus,” ani ni Alexander at binubot ang kanyang espada sa tagiliran.
Lumapit naman si Erebus kay Meira upang siya naman ang sumama rito habang si Alexander ay humakbang paharap upang makipaglaban sa mga kalalakihan.
Mas lalong tumawa ang lalaking kaharap nila Alexander.
“Are you kidding me?” tanong nito na nang mamaliit sa dalawang lalaki. “You think you can defeat us by yourself? Oh man, you don’t know how strong my boys are.”
(Niloloko niyo ba ako?) ( Sa tingin mo ba kaya mo kaming talunin ng ikaw lang? Hindi mo alam kung gaano kalakas ang aking mga tauhan.)
Hindi naman sumagot si Erebus at inihanda ang kanyang katawan pati na ang kanyang mga mata sa mga gagawin na tira ng kanyang mga kalaban.
Sumenyas ang lalaki na sugurin si Alexander. Mabilis naman na sumugod ang mga kalalakihan ‘kay Alexander at nagulat ang mga nagkukumpulan na mga tao sa ginawa ni Alexander. Mabilis niyang napatumba ang mga ito sa ilang kumpas lamang ng kanyang espada.
“You know we don’t want blood but you insist it,” ani ni Alexander sa lalaki kaya naman napakuyom ito ng kanyang kamay at hindi na magawang tumawa o ngumiti man lang.
(Alam mong hindi na namin gusto ng dugo pero pinilit mo.)
Sumenyas muli ang lalaki at napatingin sila Erebus at Alexander sa sinenyasan nito. Lumabas sa likuran ng mga sibilyan ang maraming kalalakihan na ilang beses ang bilang sa daliri ng mga tao.
Napaatras si Alexander. Inilabas ni Erebus ang kanyang sandata upang tulungan si Alexander na patumbahin ang mga taong ito.
“Humawak ka lamang sa akin, Meira,” ani ni Erebus at mahigpit na hinawakan ang kamay ng kanyang kapatid.
Magkakasabay na nagsisuguran ang mga tauhan ng lalaking may gusto kay Meira habang ito ay kinuha ang espada sa isang kasamahan at tinungo ang kinalalagyan nila Meira at Erebus.
Gusto niya ang dalaga at nagandahan na siya rito sa una pa lamang nilang pagkikita. Sigurado na siya na ito ang gusto niyang mapangasawa.
Napansin ni Erebus na hihiwain ng isang lalaki ang pagitan ng kamay nila ni Meira kaya panandalian niya itong binitawan at tinira ng kanyang espada ang papalapit na lalaki.
Napatingin si Erebus sa kanyang gilid noong hindi niya makapa ang kamay ni Meira noong hahawakan na niya itong muli.
Nakita niyang tumatakbo ang kanyang kapatid palayo sa kanila. Hahabulin niya niya na sana ito noong kumpol kumpol na mga nanonood ang nakaharangan sa kayang daraanana at nahirapan siyang lumusot sa pagitan nito kaya naman naabutan siya ng mga tauhan ng kanilang kaaway.
Napunta ang atensyon niya sa mga ito at pinilit niyang matapos agad ang kanilang laban ng sa ganoon ay masundan niya si Meira sa kung saan man ito nagpunta.
Habang si Alexander naman ay okupado pa rin sa kanyang pakikipaglaban sa napakaraming tauhan ng nakaaway nila ni Alexander.
Si Meira ay nagulat ng bitawan siya ni Erebus. Agad siyang napatingin sa direksyon ng lalaking humablot sa kanyang talukbong kanina. Naglalakad na ito papalapit sa kanya.
Sa kanyang takot ay agad siyang tumakbo palayo sa lalaking ito upang hindi siya nito mahablot uli.
Napatingin si Meira sa kanyang likuran habang tumatakbo at nakita niya ang lalaking may malaking katawan na nakangiti habang hinahabol din siya.
Malakas ang kabog ng kanyang bibig at napadasal siya na huwag siyang madapa o mapahinto.
Maging ang kanyang mga binti kasi ay nanginginig sa takot at kaba. Tila gusto nitong bumigay ano mang oras. Natatakot siya nab aka bigla na lamang siyang mapahinto sa pagtakbo at maabutan siya ng nakakatakot na lalaki.
Dahil sanay ang lalaki ay mabilis niya ring naabutan si Meira. Hinablot niya ang dalaga sa buhok nito at ikinulong sa kanyang mga bisig.
“Where do you think you are going, my wife?” ani ng lalaki at inamoy ang buhok ng dalaga.
(Saan mo balak pumunta aking asawa?)
“Bitawan mo ako!” nanginginig ang boses na sigaw ni Meira at halos maiiyak na siya.
Agad niyang kinagat ang braso na nasa harapan lamang ng kanyang mukha. Saka buong lakas na sumipa pabalik. Tinamaan ang lalaki sa pagitan ng kanyang mga hita. Nabitawan nito si Meira sa sakit na nadama at napasigaw.
Napatingin si Meira sa lalaki at matapos ay tumalikod na saka kumaripas muli ng takbo. Hindi nito namalayan na napalayo na siya sa kanyang mga kasama. Ang nais niya lamang ay makatakbo palayo kung saan hindi siya mahahablot muli ng kinatatakutan niyang lalaki.
Lumluha si Meira habang tumatakbo. Abot abot ang kanyang kaba. Napalingon muli sya sa may lalaking humahabol sa kanya.
Tumatayo na ito upang habulin siya muli.
Lumipas ang mga oras na hindi pa rin sila tumitigil sa paghahabulan. Pagod na pagod na si Meira sa kanyang kakatakbo ngunit ang lalaking humahabol sa kanya ay tila punong puno pa ng enerhiya at panay pa rin ang habol sa dalaga.
Hindi na alam ni Meira kung saang lugar na siya napadpad at kung paano pa sya babalik sa kanyang mga kasama. Hinihiling niya na sana ay kasunod niya lamang ang kanyang kapatid na si Erebus o kaya naman ay si Alexander upang tulungan siya.
Hindi niya kayang kalabanin ang lalaking humahabol sa kanya. Sa laki ng katawan nito ay baka isang hampas lang siya nito. Hindi niya kayang ipagtanggol ang kanyang sarili at hindi niya alam kung paano ang kanyang gagawin kapag nahuli siya ng lalaking ito.
Hindi niya ito gustong mapangasawa. Hindi niya ito gusto. Maging ang itsura nito ay hindi niya tipo.
Napasigaw si Meira noong bigla siyang mapatid kakatakbo at duulas siya sa gilid ng daan kung saan may katabing kagubatan. Malalim ang pagitan ng kanyang pinaghulugan at dumiretso siya pagulong sa pinakababa.
Nauntog siya sa mga malilit na bato.
Hindi iyon alintana ni Meira at noong tumigil siya sa pagbagsak ay agad siyang tumayo. Paika ika siyang lumakad hanggang sa makalayo sa kanyang dinadaanan kanina.
Nilingon niya pabalik ang lalaking humahabol sa kanya at hindi niya na ito makita ng dalawang mga mata.
Sa kanyang paglingon sa kanyang harapan ay nagulat siya noong makita niya ang isang binatang gulat din na nakatingin sa kanya.