XVI - Blooming Undefined Roses

1916 Words
AT THE LAND OF BIRDS: THE LAND OF FREE MEN Third Persn Point of View                 Sa pag ihip ng malakas na hangin ay nagkakatitigan si Greco La Casa at Meira Valeeryan.                 Nagulat si Meira na mayroon pang ibang tao sa kanyang pinuntahan. Una niyang napansin ang mata ng lalaki na kulay kahel – isang La Casa, habang si Greco rin ay gulat na gulat habang pinagmamasdan ang dalaga na tumatakbo kanina.                 Lalapit sana si Greco sa dalaga upang tanungin ito kung mayroon mali ngunit napatulala siya sa ganda ng dalagang kaharap niya. Bahagyang bumuka ang kanyang bibig habang titig na titig sa mata nito.                 Lumabas ang buwan sa nakatagong ulap at unti unting umalis ang mahikang nakabalot sa kanilang mga mata. Pareho silang nabigla sa kanilang nakita. Agad na napatakip si Greco ng kanyang mga mata noong mapagtanto na nawalan na ng bisa ang kanyang gamot sa mata habang si Meira naman ay takot na nakatingin kay Greco.                 Iniisip ni Meira na masamang tao ang lalaki at kasamahan ito ng humahabol sa kanya hindi alintana ang pagkawalang bisa ng mahikang ginagamit niya sa mata.                 Napatingin si Greco ‘kay Meira ng gulat. Takang taka siya sa kanyang nakikita ngayon pagka’t kulay pula ang mata ng dalaga. Ngayon niya lamang nakita muli ito at sa kanyang pagkakaalam ay wala na dapat tao ang may dala dala ng ganitong kulay ng mata pagka’t labin limang taon na ang lumipas mula noong ubusin ang kanilang lahi.                 “I-ikaw,” ani ni Greco sa dalaga. “Bakit pula ang iyong mga mata???”                 Doon napagtanto ni Meira na bumalik na sa dati ang kulay ng kanyang mga mata kaya naman agad siyang yumuko at itinaas ang kappa saka iniharang sa mukha.                 “Anong pula ang iyong sinasabi?” tanong ni Meira sa lalaki. “Hindi pula ang aking mga mata! Nagkakamali ka lamang.”                 Ngunit huli na upang pagtakpan pa ito ng dalaga pagka’t kanina pa ito nakalahad sa harap ng binatang si Greco.                 “Nakita ko na iyong mata,” ani ni Greco at sinubukang lapitan ang dalaga.                 “HUWAG KANG LALAPIT!” sigaw ni Meira rito kaya napatigil si Greco sa paghabang.                 “Huwag kang mag – alala,” ani ni Greco rito. “Hindi ako masamang tao.”                 “SINUNGALING!” ani ni Meira. “Bakit dalawa ang kulay ng iyong mga mata?!”                 “Anong ibig mong sabihin?” tanong naman ng binata sa kanya pabalik. “Isa lamang ang kulay ng aking mga mata. Kulay kahel.”                 “SINUNGALNG!” sigaw muli ng dalaga na ikingulat naman ni Greco.                 “Ano ag ngalan mo?” tanong ni Greco. “Isa kang kataas taasan. Isa kang Valeeryan! Paanong nangyari ito?”                 “Hindi ako Valeeryan!” madiin na ani ni Meira at napahigpit ang pagkapit sa kanyang kapa. Binalaan kasi siya ni Erebus na walang dapat makaalam ng kanilang katauhan.                 Nag isip si Meira ng pwede niyang sabihin upang hindi pa siya tuluyang mabuko.                 “Masama bang hiramin ang kulay ng kanilang mga mata?”                 “Kaya mong baguhin ang kulay ng iyong mga mata?” tanong ni Greco habang nakakunot ang noo sa sinabi sa kanya ng dalaga. “Isa kang mangkukulam? Isa kang hangal kung ganoon! Walang sino man ang may karapatan gayahin ang kulay ng isang dugong bughaw! Isang parusang kamatayan ang kabayaran sa kataksilang ginagawa mo.”                 Nahintakutan si Meira sa kanyang narinig. Gumapang ang nginig sa kanyang mga kamay at bibig noong marinig nya ang sinabi ng binata.                 “K-kamatayan?” mahinang ani ni Meira sa sarili.                 Napaatras siya na tila binangungot siya ng isang pangyayari. Natatakot siya. Takot na takot siya. Ayaw niyang mamatay. Hindi niya gustong mamatay ng maaga.                 Inilabas ni Greco ang kanyang espada at nakita iyon ni Meira. Kumislap ang makinis na sandata nito sa mata ni Meira na mas lalong nagbigay sa dalaga ng takot. Naalala niya ang digmaang nangyari sa kanyang pamilya.                 Ayaw niyang mangyari sa kanya ang nangyari sa kanyang lahi. Kinikilabutan siya sa isipin nab aka hiwain rin siya ng matalim na espada na hawak ng binata,                 “Ayoko, ayokong makipaglaban,” hkbi ni Meira habang nakatingin sa espada.                 Sumilip muli ang mga pulang mata ni Meira sa binata at sa pangalawang pagkakataon ay nakita muli ni Greco ang mata ng dalaga. Napansin niya ang takot nito sa espadang dala dala.                 Agad niyang itinago ito noong makita ang reaksyon ng kanyang kaharap.                 “Isa ka nga Valeeryan,” ani ni Greco sa dalaga. “May kislap sa iyong mga mata kaya walang bahid ng mahika o gamot ang nakalagay dito. Ako ay isang prinsipe ng anim na kalupaan. Ako si Greco La Casa anak ni Haring Devos River, at ni Reyna Mercier La Casa. Kaya sa ngalan ng aking kapangyarihan ay magpakilala ka sa akin ng pormal!”                 “River? La Casa???” mahinang tanong ni Meira sa kanyang sarili.                 Kilalang kilala niya ang mga apilidng iyon. Kilala niya si Devos River at si Mercier La Casa. Si Devos River na kaibigan ng kanyang ama at si Mercier La Casa na anak ni Raciero La Casa. Sila ang mga nagtraydor sa kanyang pamilya. Sila rin ang umubos ng mga Valeeryan.                 Nais sumbatan ni Meira ang lalaki ngunit hindi siya pwedneg magsalita. Isa pa ay natatakot siya rito.                 “Mahal na Prinsipe Greco,” isang lalaki ang tumawag kay Greco mula sa malayo. May kasama itong isa pang babae.                 Noong makita ito ni Meira ay agad siyang tumakbo palayo.                 “Sino ang babaeng iyon?” tanong ni Yvonne noong makalapit sila sa kinalalagyan ni Greco.                 “Hindi ko kilala,” ani ni Greco. “Isang mangkukulam o isang dugong bughaw.”                 Napakunot naman ang noo ni Gin at ni Yvonne sa sinabi ng kanilang mahal na prinsipe.                 “Bakit ngayon lamang kayo?” tanong ni Greco sa dalawa. “Ang usapan ay bago lumubog ang araw ngunit nakasilip na ang buwan sa langit noong dumating kayo.”                 “Pasensya na prinsipe,” paghingi ng pasensya ni Yvonne. “Kay rami kasi naming pinagtanungan.”                 “Oo nga pala,” ani  ni Gin sa kanyang prinsipe. “Mayroon na kaming nakalap na impormasyon kung nasaan ang hinahanap niyong templo kung saan matatagpuan ang balon ng pinagpala.”                 Nagliwanag naman ang mukha ni Greco sa kanyang narinig at nalimutan ang patungkol kay Meira Valeeryan.                 “Talaga?” nagagalak na ani ng Prinsipe. “Kung ganoon ay ano pa ang hinihintay natin. Tara na.”                 “Mahal na Prinsipe,” ani ni Yvonne. “Alam ko na nais niyo na agad matapos ang naiatas sa iyo ng iyong ama ngunit malalim na ang gabi ay kailangan ring nating mamahinga upang makabawi ng lakas. Isa pa ay may kailangan kayong pag usapan ni Gin patungkol sa templo na ating pupuntahan. May napag alaman kami patungkol sa templong ating hinahanap.”                 Napakunot naman ang noo ni Greco. AT FIRST LAND: THE LAND OF DRAGONS                 “Kataas taasang Emma,” tawag ni Levin sa pangalan ng dalaga. “May dala akong munting regalo para sa iyo.”                 Mula sa pagtatahi sa ilabas ng kanilang kastilyo ay napatingin si Emma sa  hawak ng binatang lumapit sa kanya.                 “Isang tela?” tanong ni Emma rito habang kunot ang noo. Kinuha niya ito sa kamay ng binata.                 “Isang belo,” pagtatama ni Levin sa dalaga. “Naisip ko na bagay sa iyo ang belo na iyan kaya naman aking binili  sa nagtitinda. Maari mo bang isukat?”                 Napatingin naman si Emma sa  belong hawak hawak at iniladlad itong mabuti mula sa pagkakatupi. Napatingin siya sa binata. Labis siyang natutuwa sa natanggap niyang regalo ngunit hindi niya nais ipahalata ito.                 “Maraming salamat dito, ginoo,” ani ni Emma sa lalaki. “Ngunit sa kwarto ko na lamang ito isusukat. Mayroon pa akong mga tahiin na kailangang gawin.”                 Ibinaba ni Emma ang belo sa kanyang tabi.                 “Narinig ko na dadalo kayong lahat sa pagtitipon sa ikalawang kalupaan kung saan nakatayo ang kaharian ng hari,” ani ni Levin sa dalaga. “Bagay na bagay iyan sa iyo kung isusuot mo sa pagpunta sa kasiyahan. Siguradong magugustuhan ka agad ng mga anak na prinsipe ng Haring Devos.”                 Napatigil naman si Emma sa pagtatahi dahil sa sinabi ni Levin sa kanya.                 “Binigay mo sa akin ito upang magustuhan ako ng ibang lalaki?” tanong ni Emma sa binatang kaharap niya saka nagpatuloy sa pananahi.                 “Narinig ko na nais mong maging isang Reyna,” ani ni Levin sa dalaga. “Posible lamang iyon kung pakakasalan mo ang Prinsipe na hahalili sa trono ng Haring Devos.”                 Tila nawalan ng gana bigla si Emma sa sinabi ni Levin sa kanya. Nadismaya siya sa pagrereto ng binata sa kanya sa iba.                 “Maiwan mo na ako,” ani ni Emma sa binata. “Ayokong maabala sa pananahi ko rito.”                 Napansin ni Levin ang biglang pagsimangot ng magandang dalaga.                 “Kung ganoon ay aalis na ako,” paalam ni Levin sa dalaga. Hindi siya pinansin nito kaya naman tumalikod na siya at naglakad palayo.                 Maya maya pa ay tumigil si Emma sa pananahi at tinigna ang nakalayong binata.                 Inilapag niya ang knayng tinatahi sa isang gildi at kinuha ang belo na ibinigay sa kanya ni Levin. Tumayo siya sa kinauupuan ay pumasok  sa loob ng kastilyo.                 Sinuot niya ang belo sa ulo at humarap sa kanyang salamin.                 Napangiti siya sa kanyang nakikita. Walang kaduda dudang bagay na bagay sa kanya ang belong suot na suot.                 Bumagay ito sa morado niyang mga mata. Tila isa siyang diwata kung pagmamasdan. Paniguradong maraming lalaki ang lilingon sa kanyang pagdaan.                 “At kanino naman galing ang belong iyan?” tanong ni Ermil noong matgil siya sa kanyang paglalakd at nakita ang nakangiting kapatid sa salamin. “Galing muli sa iyong manliligaw? Mukhang napupusuan mo ang lalakin ito. Ipakilala mo siya sa amin.”                 Nawala naman ang ngiti ni Emma at tinanggal ang belo sa kanyang ulo saka tumingin sa kanyang kapatid.                 “Galing  sa aking kaibigan,” ani ni Emma na may halong pagkasungit.                 “Bakit tinanggal mo?” tanong ni Ermil sa kapatid. “Isuot mo muli. Bagay na bagay sa iyo. Kaninong kaibigan mo naman ito nakuha? Nais kong makilala. Babae ba ito?”                 Kumindat naman si Ermil ‘kay Emma. Napairap ang dalaga.                 “Tigilan mo ako,” ani ni Emma at naglakad palabas ng kastilyo. Sinundan siya ng kanyang kapatid na si Ermil. “Hindi maganda nag araw ko ngayon.”                 “Ngunit nakangiti ka kanina,” ani ni Ermil na tinutukso ang kapatid. “Ibig bang sabihin nito na sa kabila ng pangt na araw mo ay napapangiti ka niya.”                 Sumimagot lalo si Emma sa kanyang narinig. Naiinis siya sa pagtukso ng kanyang kapatid.                 “Magsanay ka na lamang doon,” ani ni Emma sa kuya. “Samahan mo na lamang si Inari sa pagsasanay. Huwag mo akong guluhin dito.”                 “Bakit iniiba mo ang usapan?” tanong ni Ermil na abot hanggang tainga ang ngiti.                 Masama naman siyang tinignan ni Emma. Hindi na ito natutuwa. Inilagay naman ni Ermil ang dalawang daliri sa noo na animo ay sumasaludo.                             Napansin niya ang hindi magandang timpla ng mukha ng kapatid.                 “Aalis na ako,” ani ni Ermil ngunit nakangiti pa rin.                 Mabilis itong naglakad palayo at sumigaw ‘kay Emma. “Ikukuwento ko ito kay Inari!!”                 Napakuyom naman ng kamao si Emma, “Grrr! Kuya Ermil!!!!”                 Hinabol ng dalaga ang kapatid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD