V - Valeeryans

2206 Words
At Lastland :The Land of Gods also known as the Abandoned Kingdom Third Person Point of View Pilit naman, at walang ganang pinulot ni Meira ang sibat saka tumingin 'kay Alexander. Wala naman itong emosyon na nakatingin lang sa dalaga. Malupit ang pamamalakad ni Erebus kapag siya ang katunggali sa pagsasanay ni Meira pero kahit na ganon ay naiintindihan ni Alexander na gusto lang ni Erebus na matuto ang kapatid. Maski sa kanya ay inutos ni Erebus na maging malupit kay Meira upang mas madali itong matuto. Sinusunod naman niya ito pero minsan ay hindi niya kaya lalo na pag napapatingin siya sa malungkot na pulang mga mata ng dalaga. Naaawa siya rito. Naghanda naman na ang dalawa.Ikinumpas ni Erebus ang hawak na espada. Si Erebus mismo ang gumawa nito. Gawa ito sa purong matibay na bakal pero gawa naman sa ginto ang hawakan. Mabilis matuto ang binata, halos lahat ng ituro ni Alexander ay madali lang nito natututunan. Masasabi ni Alexander na dalubhasa na ang binata at handa na ito makipaglaban pero lubos niyang ipinag aalala ang kasalukuyang katayuan ni Meira na walang hilig sa paghawak ng mga armas o walang kagustuhan na lumaban. Madali lang itong magagapi ng kahit sino man. Dahan dahan naman lumapit si Meira sa kapatid na tila sinusukat ang galaw ni Erebus. "HAAA!" sigaw ni Meira nang sumugod ito ng paamba sa taas. Sinangga ito ni Erebus at tinuhod siya sa tiyan saka umikot si Erebus at sinipa ang kapatid sa ulo. Napahiga si Meira sa ginawa ng kapatid. "Hindi ganyan gamitin ang armas mo Meira. Ilang daan beses ko na bang sinabi sayo. Pare pareho lang ang galaw mo at tila hindi ka natututo!" sabi ni Erebus na walang naaawang emosyon na ipinapakita para sa kanyang kapatid. Tumayo si Meira at sumugod muli pero walang kahirap hirap na sinangga muli ito ni Erebus at pinaikot ng binata ang kanyang espada saka ipinalo sa likod ng kapatid niya. Napahiga muli si Meira sa ginawa ng kapatid. Lumayo naman si Erebus saka pinalitan ang hawak na espada. Kinuha nito ang sandata na gawa lamang sa kahoy. "Erebus," pigil ni Alexander. Nahihinuha na niya ang gagawin ng binata sa kapatid "Si vis ea est fortis dolor sit nobis necesse ostendere quae eius," sabi ni Erebus at nilagpasan na si Alexander. (If we want her to be strong, we need to show her what pain is) "HAAAA!!" sigaw uli ni Meira at sumugod sa kapatid. Paulit ulit lang na pagsugod ang ginawa ni Meira. Walang ibang posisyon puro kagaya lang ng nauna at lagi naman ito sinasangga ni Erebus at ikinukumpas sa kanya ang kahoy na espada "Argghh!" napayuko si Meira ng isaksak sa kanya ang hawak na armas ni Erebus. Hindi ito tumagos sa balat niya pero ramdam niya ang sakit Binawi ni Erebus ang espada at iniharap sa kanya ang dulong hawakan saka itinira sa ulo niya kaya napahakbang siya patagilid at natumba sa lakas nito. "TAYO!" utos ni Erebus at hinampas siya sa likod. Napasigaw naman siya sa sakit. "Tama na, Erebus. Ayoko na! Nahihirapan na ako!" pigil ni Meira. Bugbog na ang katawan niya Hinampas uli siya ng kapatid at muli siyang napasigaw at hindi na makatayo sa lakas ng pwersa ng kapatid. Ang mga palo nito ay walang awang binubugbog sa lakas ang katawan ni Meira. "Habang sumisigaw ka pa ay hindi mo pa batid ang tunay na sakit, Meira at habang hindi ka natututo ay patuloy kang masasaktan," sabi ni Erebus at hinataw muli siya ng dala dalang kahoy na espada. Puno ng sigaw ang maghapon na pagsasanay. Gabi na nang matapos sila. Nakasilay na ang buwan at mga bituin sa kalangitan. Walang pahinga at tuloy tuloy lang. Itinigil lang ni Erebus ang pagsasanay noong hindi na niya narinig ang pagmamakaawa ng kapatid. Sa huling hataw ay hindi niya narinig ang sigaw nito. Dapat lamang na matuto na ito. Napakahabang panahon na nila sinasanay ang isa't isa pero hanggang ngayon ay hindi parin ito nagiging dalubhasa. Matapos ang pagsasanay ay binuhat ni Alexander ang dalaga na nakahiga lamang sa semento mula kanina pa. Puno ito ng sugat at pasa sa katawan. Wala itong emosyon at nakatingin lang sa taas. Uminom si Erebus ng tubig habang puno ng pawis ang buong katawan saka naglakad na sila papasok muli sa butas papunta sa ilalim ng kaharian. Inihiga naman ni Alexander si Meira sa semento. Ngayon ay isang kandila lamang muli ang nagbibigay liwanag sa madilim na kapaligiran. Lumapit si Erebus kay Meira at sinimulang gamutin ang mga galos nito. "Patawad, Erebus," mahinang sabi ni Meira habang nakatingin sa kanya. Patuloy namang nilalagyan ng gamot ni Erebus ang mga galos niya. "Patawad saan?" tanong ni Erebus sa kapatid. Madalas ay nagtatampo sa kanya si Meira kapag nagsasanay sila at hindi siya nito kakausapin hanggang kinabukasan pero ngayon ay humihingi ito ng pasensya sa isang bagay na hindi niya alam "Patawad dahil napakahina ko. Patawad pagka't isang duwag na tao ang kapatid po. Wala akong silbi," sabi ni Meira at tumulo na ang luha sa mga mata. Hinawi naman ni Erebus ang mga hibla ng buhok na nakaharang sa mukha ng kapatid saka inipit ito sa tenga niya. Pinunasan nito ang mga luhang tumulo sa pisngi ng dalaga. "Kung ganoon ay hindi kita papatawarin," sabi ni Erebus at hinalikan siya nito sa noo. "Magpalakas ka. Higitan mo ang galing ko at doon ay makakamit mo ang kapatawaran ko sa bagay na hinihingan mo ng kapatawaran." Akmang aalis na si Erebus ng hawakan niya ito sa kamay. "Natatakot ako," sabi niya sa kapatid. "'Wag kang mag alala. Hindi ko hahayaang saktan ka nila habang nabubuhay pa ako. Hanggang dilat ang aking mga mata at hanggang ang hininga ko ay lumilibot pa sa mundong ito ay hindi ko hahayaang may manakit sa iyo," sabi ni Erebus at ngumiti sa kapatid. Sa mga sandaling iyon ay nawala ang takot na nadarama ni Meira sa sinabi ng kapatid. Ipinikit na niya ang mga mata at nakatulog. Umupo naman si Erebus sa isang gilid at tumitig sa apoy ng kandila. "Bukas ay pupunta tayo sa lupain ng mga malalayang mga tao. Magsisimula na tayo sa plano," sabi ni Erebus. Sang ayon naman si Alexander sa prinsipe. Sapat na ang labinlimang taon. Oras na para ibuka ang pakpak at lumipad sa kalangitan. "At paano si prinsesa Meira?" tanong ni Alexander. Alam nilang dalawa na hindi pa handa si Meira sa pakikipaglaban. "Magsasanay siya habang humahakbang tayo papunta sa ating destinasyon. Hindi pwedeng maghintay pa tayo nang matagal na panahon habang lumalakas ang kalaban. Oras na para hanapin natin ang hustiya," sabi ni Erebus. "Kung darating man ang pagkakataon na kailangan mong mamili. Piliin mo si Meira," dagdag ni Erebus. Nagkaroon ng gulat sa mukha si Alexander nang marinig ang mga katagang iyon kay Erebus. Tila ba sinasabi nitong mapupunta sila sa bingit ng kamatayan "Hindi ko hahayaang mangyari iyon Erebus," sabi ni Alexander sa kanya. "Hindi ko isasakripisyo ang kahit sino man sa inyong dalawa. Ikaw ang hinahaharap na hari at mahalaga sa akin si Meira. Hindi ako mamimili. Erebus lang ang tawag ni Alexander dito pagkat yun ang utos ni Erebus. Hindi siya hahayaan ng binata na tawaging niyang prinsipe o hari ito kung hindi pa nito suot ang korona at hindi pa ito nakakaupo sa trono. Ngumiti naman si Erebus. "Alam ko, pero kung darating ang panahong iyon ay si Meira ang pipiliin mo," sabi ni Erebus. "Utos ito ng iyong panginoon." "Masusunod," sabi ni Alexander. Wala siyang magagawa kung iyon ang utos ni Erebus ngunit hindi niya hahayang mapunta sila sa bingit na iyon. Nawala na ang ngiti na kanina ay sumilay sa labi ni Erebus. Ngayon ay wala na siyang emosyon habang iniisip ang mga bagay na mangyayari bukas.Tinignan niya ang kapatid na mahimbing na natutulog. Alam niya kung anong kayang gawin nito. Alam niya ang isang bagay na higit pa sa lahat at maski si Alexander ay hindi napapansin. Siya ang pinaka nakakakilala sa dalaga. Humiga na siya upang magpahinga. Bukas ay isang araw na maisusulat sa historya ng buong mundo kung saan magsisimulang tumayo muli ang mga Valeeryan. At FirstLand :The Land of Dragons Nagbibigay ng tunog sa buong kapaligiran ang mga matatalim na tabak na tumatama sa bawat isa na ikinukumpas ng dalawang binata na nagsasanay. Nasa batis ng pagsinta ang magkakapatid na Aragon kasama ang kanilang ama na nanonood sa kanila. Dito sila madalas magsanay kapag mayroon silang panahon. Walang humpay na pagtira ang ginagawa ni Ermil ang ikalawang anak ni Gregor at Emilia sa kanyang kapatid na si Gregory ang panganay sa limang magkakapatid. Si Ermil ay nasa ikabenteng edad samantala si Gregory naman ay bente tres anyos . Si Gregory ay malaking tao. Namana niya ang katangkaran sa kanyang ama. Malaki din ang pangangatawan nito na parang isang mandirigma talaga. Maskulado at gwapo. Bagay na bagay dito ang itim na itim na buhok sa moradong mga mata. Matalim ito tumitig na natural sa isang Aragon. Samantala si Ermil naman ay isang makisig na binata.Wala itong namana sa mga Chevor kundi ang madilaw dilaw na buhok ng mga ito na pompadour ang gupit pero masasabi mo paring malakas ang datingan ng binata sa mga kababaihan. Halos lahat ng pwedeng makuha sa mga Aragon ay nakuha na nito Nagsasanay sila ngayon upang hasain pa ang kanilang mga sarili sa paggamit ng kanilang sandata. "Anong masasabi mo kuya Gregory? Kasing galing na ba ako ng maalamat na kabalyero ng lupain ng talim?" natutuwang tanong ni Ermil sa kapatid habang patuloy ang pagtira. "Masyado kapang mabagal Ermil para maging kasinggaling ng maalamat na kabalyero at mahabang pagsasanay pa ang kailangan mo para higitan siya," sabi ni Gregory at sinangga ang malakas na tira ni Ermil sa kanya saka niya ito mabilis na siniko sa panga Medyo napaatras si Ermil ng ilang hakbang sa ginawa ng kapatid. Napangiti naman siya. Gusto ni Ermil maging kasing galing ng maalamat na kabalyero pero mukhang mauunahan pa siya ng kuya niya dito. Mas magaling ito humawak ng espada sa kanya at kung meron mang bagay na magaling siya ay ang paghawak ng mga balisong. Maliliit lang ito kaya madali niyang naigagalaw. Umabante ulit siya upang tumira na siyang sinasangga naman ni Gregory. "Sino ba ang sinasabi ni kuya Ermil na maalamat na kabalyero ?" kunot ang noo na tanong ni Emma. "Iyan na nga ba ang sinasabi ko, Emma wala kang alam kundi pananahi lamang ng mga tela," sabi ni Inari sa nakatatandang kapatid. Si Emma ay labinwalong taong gulang samantalang kinse anyos naman si Inari. Tatlong taon ang agwat nila at hindi sila magkasundo sa mga bagay bagay pero ganun paman ay mahal na mahal nila ang isat isa. "Maaari bang manahimik ka Inari? Hindi naman ikaw ang tinatanong ko kundi ang ating ama. Isa pa ay huwag kang bastos, bigyan mo ng galang ang pagtawag mo sa akin. Tila ba sa dami ng pinag - aaralan mo ay hindi mo pa natututunan ang salitang ate," pairap na sabi ni Emma. "Ang maalamat na kabalyero ay isang dugong bughaw sa lupain ng talim. Ang pamilya nila ang namumuno sa ikatlong lupain. Lubos ang kagalingan sa paghawak ng espada ng kabalyerong ito na para lamang sumasayaw sa hangin. Sa batang edad ay nagpakitang gilas na ito sa buong mundo. Sa edad na labing lima ay nakuha niya ang pangalan na maalamat na kabalyero ng lupain ng talim. Ilang libong mga kaaway ang namatay sa mga kamay ng kabalyerong iyon kaya naman binigyan siya ng isang napakalaking posisyon ng dating haring Beumont. Malugod itong tinanggap ng kabalyero pero nakakalungkot na kasama siyang nasawi sa digmaan labinlimang taon na ang nakalipas. Walang sino man ang nakaalam kung sino ang nakapatay dito. Sayang. Naaalala ko nang makipaglaban ako sa kabalyerong iyon, 'di hamak na bata ito sakin pero natalo niya ko sa tunggalian namin. Napakagaling humawak ng espada," mahabang sabi ni Gregor sa dalawang anak na babae Napahanga naman si Inari sa sinabi ng ama. Magaling na mandirigma ang kanyang ama. Kilala ang mga Aragon sa mga angking talento ng mga ito pero natalo siya ng kabalyerong mas bata pa dito. Lubhang nakakamangha na ito para sa katulad niyang mahilig humawak ng sandata. "Ang ikatatlong lupain ay ang lupain ng talim. Doon nang gagaling halos lahat ng mga talentadong mga mandirigma at manglilingo kaya tinawag itong lupain ng talim at ang pamilyang namumuno doon ay mga Ulaah? Natalo ang Gregor Aragon ng isang Ulaah?" namamangha na tanong ni Inari. Ngumiti naman sa kanya ang ama at hinawakan ang ulo niya. "Tama at ang tumalo sa akin ay isang batang kabalyero. Hindi naman siya tatawagin na maalamat kung hindi ito magaling," sabi ng kanyang ama at ginulo ang kanyang buhok. Napakagat ng labi si Inari sa sinabi ng kanyang ama at napag – isip mabuti. Lubha siyang namamangha sa kabalyero na iyon mula ng marinig niya ang kwento patungkol dito. Nangarap tuloy siya tulad nito. Katulad ng kabalyero ay nais niyang maging isang magaling na mandirigma. Ang balita niya ay tila sumasayaw lamang sa hangin ang kabalyero sa tuwing ito ay nakikipaglaban. Wala pa siyang nakita o nabasa na mas gagaling pa sa kabalyerong ito maging ang kanyang ama na alam niya kung ganoo kagaling humawak ng isang sandata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD