VI - Aragons

1839 Words
Third Person Point of View     "Ngunit ipinagtataka ko ama. Kilala ang mga Valeeryan sa isa sa mga makapangyarihang pamilya kung kaanib rin nila ang napakagaling na kabalyero bakit hindi sila nanalo?" tanong ni Emma sa ama nitong Gregor.     "Pagka't hindi naging patas ang nangyaring digmaan noon Inari. Isa pa ay malaking pwersa rin ang hawak ng mga La Casa at River na kanilang naging kaaway at kahit gaano ka pa kagaling ay hindi ka mananalo sa libo libong mga kawal ng dalawang pinagsanib na pamilyang ito. Kalahati ng mga mandirigma na dala ng dating haring Beumont noon ang walang kalaban laban na pinaslang," sagot ni Gregor dito.     "Lubhang nakakalungkot ang nabasa kong digmaan patungkol doon. Hindi ko alam kung bakit tinalikuran ng mga River ang Valeeryan gayong sa mahabang panahon ay magkakampi sila," malungkot na sabi ni Inari.     "Pagka't walang permanente sa mundo Inari. Lalong lalo na ang damdamin ng isang tao. Maaaring magbago ang tinitinitibok nito anu mang oras o kahit sa isang kumpas lamang," sabi sa kanya ng amang si Gregor.     "Nais ko pa man ring  makilala ang maalamat na kabalyerong tinutukoy mo ngunit sayang lamang at wala na ito sa mundo. Kung nabubuhay pa ito ay siya ang nais kong mapangasawa," sabi ni Inari. Napatawa naman si Gregor sa inasal ng anak.     "Hindi maari, Inari kahit buhay pa siya ngayon ay hindi mo siya pwedeng pakasalan pagka't nakatakda na itong ikasal sa isang babae na galing rin sa kanilang lupain," singit ni Aspen na nagbabasa ng libro sa tabi ng ama.     "Meron siyang kasintahan? Kung ganoon ay may naiwang kasintahan ang maalamat na kabalyero. Kawawa ka naman Inari kahit na sa kanya ang puso mo ay hindi mo makukuha ang puso ng kabalyerong iniibig mo," sabi ni Emma na nang aasar.     "Imposible! Hindi ko nabasa ang patungkol roon. Sino ang kanyang kasintahan? Kasama niya ba itong namatay?" tanong ni Inari na may panghihinayang sa boses.     "Si Jamaica Ulaah ang kasintahan nito na nagmula rin sa kanilang lupain. Ang babaeng lumalaban na ang hawak lamang ay pamaypay. Magaling na manglilingo si Jamaicah kaya napaibig niya ang maalamat na kabalyero. Hindi namatay si Jamaica. Naroon sila sa kanilang lupain at kasamang namumuno ng panginoong Aelous Ulaah," sabi ni Aspen.     Nabasa niya ito sa lumang libro na ibinigay sa kanya ni Levin. Napag alaman niya na ang mga babae sa angkan ng Ulaah ay sinasanay gumamit ng mga armas.     "Totoo ba ito ama?" tanong ni Inari sa ama na hindi kumbinsido sa sinabi ng nakababatang kapatid.     Tumango naman si Gregor sa kanya.     "Kung ganoon ay nais kong makilala ang tinutukoy ni Aspen na Jamaica. Anong katangian ang mayroon siya bukod sa pagiging magaling na manglilingo upang mapaibig ang kalbayero," sabi ni Inari.     "Ngunit ama, sinabi sa libro na hindi nakita ang katawan ng kabalyero o walang sinuman ang nakakita na napatay ang kabalyero at wala ring umangkin na may nakapatay sa maalamat na kabalyero kaya hindi malinaw kung napatay nga talaga ito," dagdag pa ni Aspen na bumaling sa ama.     "Sinusunog nila ang katawan ng mga Valeeryan kapag namamatay ang mga ito kaya naman malamang ay  kasamang sinunog  ang katawan ng kabalyero," sabi ng kanilang ama.     "At bakit sinusunog nila ang katawan ng mga Valeeryan?" dagdag na tanong ng ama  nila na sinusukat ang kaalaman ng mga anak. "Dahil ang mga Valeeryan ang may hawak ng elemento ng yelo. Maaring mabuhay muli sila matapos ang mahabang panahon na pagkamatay," sabi ni Emma sa malambing na tono     Kahit ganoon pa man ay marami ring nalalaman si Emma. Ano pa nga ba ay gusto niya maging reyna. At para maging reyna kailangan niyang maging matalino.     Napangiti muli si Gregor pagka't tama ang sinabi ng anak     "Ngunit hindi ba ay matagal nang isinara ang lahat ng elemento. Limang daang taon na ang nakalipas bakit naniniwala parin ang bawat pamilya sa mga ito?" tanong ni Inari sa kanyang ama.     "Dahil hindi naman ito pinatay. Pinatulog lang ito Inari at nananalaytay pa rin ito sa dugo nila. Walang masama sa paninigurado. Ang sabi nga nila ay mas maiging mapigilan mo kaysa gamutin mo ito," sabi ni Gregor sa kanyang anak.     "Ang mga Aragon ang humahawak sa elemento ng apoy ibig bang sabihin ay nananalaytay pa rin ito sa dugo namin?" tanong ni Emma.     "Tama ka, Emma. Ngunit natutulog ito," matipid na sagot ni Gregor.     "May nabasa akong libro. Isang lumang libro na isinulat ng isang puting babaylan. Nakalagay doon na may walong dugong bughaw ang muling isisilang sa mundo upang pangalagaan ito at iligtas sa nakatakdang katapusan ng mundo. Ang mahaharlikang ito ang muling gigising sa mga natutulog na elemento. Totoo ba ito ama?" tanong ni Aspen.     Napahawak naman si Gregory sa baba niya na tila nagiisip.     "Nabasa ko na ang librong sinasabi mo. Ipinabasa sakin ito ng aking ina noong sampung taong gulang pa lamang ako pero hindi ko tinapos pagka't sabi ng aking ama ay walang katotohanan ang bagay na ito. Ang mga bagay na nasa libro ay mga bagay na kahit kailanman ay hindi ko pa o nila nakita," sabi ni Gregor sa bunsong anak.     Naintriga si Emma sa librong sinasabi ni Aspen.     "Anong libro ito?" Tanong ni Emma.     "Ang libro ng liwanag at dilim na isinulat ni Shabiri," sabi ni Aspen.     "Ni Shabiri? Hindi ba ay sinasabi nilang buhay pa ang babaylan na iyon?" tanong ni Inari.     "Oo buhay pa siya at naninirahan siya sa lupain ng malalayang tao siya ang pinakapinuno ng mga babaylan. Sabi nila ay ilang daang taon na si Shabiri at mapanghanggang ngayon ay nabubuhay pa ito pero walang sinuman ang nakakakita sa babaylang ito kaya maaring mga kwento lang ito," sabi ni Gregor.     "Meron bang nabubuhay na ganoon katanda?" medyo hindi makapaniwalang  tanong ni Inari. "Ang buhay ng tao ay aabot ng isang daang tao at bibihira lamang ito."     Hindi siya naniniwala sa mga ganoong bagay     "Walang nakakaalam. Ngunit Aspen saan mo nakuha ang librong ito?" tanong ni Gregor sa bunsong anak.     "Ibinigay sa akin ito ni Levin. Lubhang kamangha mangha ang librong ito, ama. Hindi natatapos ang kwento sa bawat pahina,"sabi ni Aspen.     Napakunoot naman ang noo ni Gregor sa sinabi ng anak.     Napunta ang atensyon nila kay Ermil at Gregory na papalapit na sa kanilang kinauupuan. Katatapos lang nila sa kanilang pagsasanay.     "Sa susunod ay hindi mo na magagamit muli ang taktikang mong iyon," sabi ni Ermil kay Gregory.     "At araw araw ay may bago akong taktika," natatawang sabi ni Gregory sa kapatid.     Napatayo naman si Inari nang makita ang dalawang kapatid     "Tapos na kayo maglaban? Tuturuan niyo na bako humawak ng espada?" nagagalak na tanong niya sa mga kuya     "Oo naman kung handa kana," sabi ni Ermil sa kapatid.     "Ano ang sabi ni Ina? Hindi para sa babae ang paghawak ng espada," sabi ni Emma.     "Hayaan mo siya Emma. Wala namang masama kung matuto siyang humawak ng armas," sabi ni Gregory dito.     "Isama niyo sa pagsasanay si Aspen. Siguraduhin niyong babalik na kayo sa kastilyo pagsapit ng hapunan," sabi ni Gregor at tumayo na saka nilisan ang lugar na iyon.     Natutuwa naman si Inari na hindi siya pinagbawalan ng ama.     "Kunin niyo na ang mga espada at magsisimula na tayo," sabi ni Gregory.     Kinuha naman ni Inari ang kahoy na espada sa may tabi ng puno. Napakibit balikat naman si Aspen at isinara na ang libro at sumunod sa utos ng kapatid.     Pumunta sila sa gitnang apat upang magsanay at naiwan si Emma na nakaupo sa tabi ng puno. Lumapit sa kanya si Levin. Isang magaling na mandirigma rin na galing din sa maharlikang pamilya. Bente uno anyos ang binata. Galing ito sa pamilyang Carlsen na nakatira sa ikaapat na lupain. Ipinadala siya sa mga Aragon bilang tanda ng kanilang matibay na alyansa.     Nakasuot ito ng kulay pulang amerikana. Sa loob nito ay nakabalot sa katawan ang kulay kayumanggi na sinturon na nakadisenyo din sa likod-lagayan ito ng espada ng binata. Ang mga kamay nito ay may itim na gwantes. At may mga panangga din ito sa mga delikadong parte na pwedeng tamaan ng matulis na armas. Medyo kulot ang buhok ni Levin. Kulay abo ang buhok nito at kulay kalimbahin naman ang kulay ng mata. Matangos ang ilong at pulang pula ang labi. Ito ang pangalawang anak ni Hidalgo at Helena Carlsen. Makikita mo rito ang gwapo at mala anghel na mukha.     "Dicens nonne respondebis Abner et biberent c*m eis domina mea?" tanong ni Levin kay Emma.     (Aren't you going to join them my lady?)     "Hindi ginoo. Hindi humahawak ng espada ang isang binibini. Hayaan mong ang mga mandirigma ang makipaglaban para sa iyo," sabi ni Emma rito.     "Et vidi tam felix," sabi ni Levin.     (They looked so happy)     "Nagsasalita ka na ng sinaunang lengwahe," sabi ni Emma na iniba ang usapin. Ayaw niyang ang mga kapatid ang pinaguusapan nila     "Ipagpaumanhin mo pagka't nasanay lamang ako dahil madalas ako kausapin ni ginoong Aspen habang gamit ang latin na salita," sabi ni Levin.     Napatawa naman si Emma sa sinabi nito at napatingin kay Levin.     Napatingin din si Levin sa kanya. Napatitig si Emma sa kalimbahin na mga mata nito ng ilang mga segundo     "May problema ba binibini?" agad na binawi niya ang pagkakatitig sa binata ng tanungin siya nito     "W-wala. Babalik na ako sa aking silid upang ipagpatuloy ang tinatahi ko," sabi ni Emma.     "Ihahatid na kita," suhestiyon ni Levin.      "Huwag na. Kaya ko ang sarili ko," tanggi ni Emma.     "Sige. Mananatili muna ako dito upang panoodin ang pagsasanay nila," sabi ni Levin.     Nilisan naman ni Emma ang lugar. Hindi niya alam pero sa sandaling tinginang iyon ay kumabog ang dibdib niya.     Naupo naman si Levin sa may puno.     Napatingin si Gregory sa kanya.     "Ginoong Levin! Halika at sumama ka dito. Ipakita mo sa kanila ang magaling na mga hakbang mo," sabi ni Gregory dito.     Sa matagal na pagsasama ay nalapit na din ang loob ni Gregory kay Levin.     Tumayo naman si Levin at lumapit kila Gregory.     Napatingin si Emma mula sa itaas ng kanilang kastilyo na kanilang tinitirhan. Naroon sa may bintana ang kanyang ina habang nakatingin mula sa malayo. Panigurado ay sa may batis ito nakatingin kung saan nagsasanay ang mga kapatid niya. Mula kasi sa bintana ay tanaw nito ang batis mula sa malayo.     Napababa ang tingin ni Emilia at nakita ang anak na si Emma na nakatingin sa kanya. Ngumiti siya sa anak. Hindi niya namalayan na umalis na pala ito sa batis dahil sa lalim ng kanyang iniisip. Ngumiti naman si Emma pabalik sa kanya. Napakaganda ni Emma malapitan o malayuan mo man tignan.     Napahawak si Emilia sa kanyang dibdib. Nangangamba siya sa paparating na kasiyahan. Pangambang baka ang mga natitirang araw bago ang kasiyahan ay ang mga huling araw na makakasama niya ang mga anak niya. Mga araw na huling ngitian nilang pamilya. Isinarado na ni Emilia ang bintana nang pumasok na si Emma sa kastilyo upang salubungin ang anak.     Nararamdaman niya kahit wala pa ang araw na iyon. Ang takot sa puso na baka magaya sila sa mga Valeeryan.Takot na hindi na muling masilayan ang mga anak. Takot na maubos rin ang dugong Aragon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD