[Ranzell] Nakipagtagisan ako ng tingin sa maangas na kawal. Alam ko na may pinagmumulan ang kakaibang kompiyansa nito sa kanyang sarili kaya kailangan ko rin mag-ingat sa kanya. Hindi siya basta basta papayag na ibigay sa akin ang susi ng selda ng binibini. Siya ang tipo ng taong mapaglaro at tanging sarili lamang ang iniisip. "Ngunit maaaring magbago ang aking isip." Nakangising sambit muli ng mayabang na kawal. "Iyon ay kung gusto niyong malaman ang aking kondisyon." "Anong sinasabi mo, Geol?" Pagsaway sa kanya ng mga bantay ng kulungan. "Nahihibang ka na ba? Mahigpit ang utos ng Hari na walang papasukin kahit ang kanyang prinsipe!" Hindi sila pinansin ng lalaking tinawag nilang Geol at walang takot itong lumapit sa akin saka tumigil sa aking harapan. Tinignan pa niya ako mula ulo ha