Dahil sa nangyari na labanan sa kagubatan na iyon ay mas naisipan ko na umalis doon. Maaari kasi magsibalikan ang mga taong nakamaskara at hanapin ang prinsipeng aking iniligtas. Ayoko naman madamay sa problema na ito ng ibang kaharian. May sarili na nga akong gulong kinabibilangan at hindi ko na kakayanin na masangkot pa sa gulo na mayroon ang prinsipe na iyon.
Pagkalabas ko sa kagubatan ay nakarating ako sa hindi pamilyar na bayan. Gayun pa man ay labis na namangha ako sa kaibahan ng lugar mula sa mga bayan ng kaharian ng Gammus. Hanggang sa matigilan ako nang makita ang mga simbolo na nakaukit sa mga kabahayan. Napag-alaman ko roon na nasa kaharian na ako ng Alphammus.
Nanginig ako sa takot dahil ang kaharian ng Alphammus ang pinakamalakas na kaharian. At sa tingin ko ay hindi nila gugustuhin na mayroon katulad kong dayo sa bayan nila ngayon.
Ngunit habang naglalakad ako sa bayan na iyon ay marami sa kanila ang hindi man ako kilala pero buong galak na binabati ako. Napansin ko na may pagka-masigla ang bawat mamamayan rdto at tila wala mga pinoproblema katulad ng pangangalap ng pagkain at gamot.
Hindi akalain na makakatagpo ako ng ganitong kasiglang bayan na kabaliktaran sa bayan na pinagmulan ko. Sana lang balang araw ay maging ganito kasisigla ang mga bayan ng Gammus at masolusyunan ang problema na pagnanakaw ng mga ministro ng pera ng bayan.
"Ginoo!"
Napapitlag ako nang may kamay na tumapik sa aking balikat. Sa paglingon ko ay isang dalaga roon na nakangiting kumakausap sa akin.
"Magandang umaga sa iyo," pagbati pa niya.
Pilit akong ngumiti dahil sa pagtawag niya sa akin na ginoo. Doon ko lang din naalala na iniba ko ang aking anyo para hindi ako mahanap ng tauhan ni Prinsipe Charde.
"M-M-Magandang umaga rin sa iyo, Binibini," pabalik na pagbati ko sa kanya at binabaan ang aking boses.
Namula naman ang pisngi ng binibinj sa aking pabalik na pagbati. "Bago ka lang ba rito, Ginoo? Paumanhin dahil ngayon lang ako nakakita ng katulad mong makisig sa bayan namin," nahihiyang sambit niya.
Makisig?
Ako?
"A-Ah tama ka," pagsang-ayon ko sa sinabi niya, "May alam ka bang lugar na pwede kong pagbentahan ng mga gamot?"
Masayang pinagdaop ng binibini ang mga kamay niya. "Mayroon ako nalalaman na tindahan," nakangiting sambit ng binibini at bigla na lamang hinila ako palayo.
Tumigil kami sa tapat ng isang tindahan. Mula sa amoy na lumalabas sa loob ito ay nagtitinda ito ng mga halamang gamot.
"Ito ang bilihan ng mga halamang gamot sa aming bayan. Pero paminsan minsan ay bumibili siya ng mga gamot na itinitinda ng mga dayo na napapadaan," pagbibigay alam ng binibini.
Walang kung ano ay binuksan na ng binibini ang pintuan ng tindahan na iyon. Nang makapasok sa loob ay agarang inilibot ko ang tingin dahil hindi naiiba ang lugar na ito sa aking klinika. Mukhang may kakayahang manggamot ang taong nagmamay-ari nito.
Lumabas mula sa likuran ng tindahan ang isang lalaki. "Ikaw pala Binibining Calista!" masayang bati ng lalaki sa babaeng kasama ko. "Aba sino itong ginoong kasama mo? Nobyo mo ba?"
Nahihiyang nag-ipit naman ng buhok sa likuran ng kanyang tenga ang babaeng tinawag niyang Calista. "Hindi po, Mang Ruben. Sa totoo lang ay isa siyang dayo na naghahanap ng pwedeng pagbentahan ng mga gamot," paliwanag naman ng dalaga, "Kaya dinala ko siya sa inyo."
Agarang dumako ang tingin sa akin ni Mang Huben at kita ko na kinikilatis niya ang aking kabuuan. Marahil nag-iingat siya sa ibang manloloko na nagbebenta ng mga pekeng gamot para kumita.
"Maaari ko na ba makita ang mga gamot na ibebenta mo?" seryosong sabi niya.
Agarang binuksan ko ang bag na dala ko ay nilabas roon ang mga bago gawa kong gamot mula sa ilang araw na paglalakbay ko sa kagubatan. Isa isa naman na inusisa iyon ni Mang Ruben. At pagkalipas ng ilang sandali ay nakita ko na lang ang labis na pagkagulat ni Mang Huben.
"N-N-Napakagandang klase ng mga gamot na ito," hindi makapaniwalang sabi niya.
"Ibig sabihin ba nito ay bibilhin mo ang gamot niya, Mang Ruben?" umaasang tanong ni Binibining Calista sa kanya.
Napakamot ng kanyang batok si Mang Ruben. "P-Paumanhin... Sa klase ng mga gamot na ito ay tanging mga maharlika lamang ang may kakayahan makabili ng ganitong gamot. Mas maganda na sa kanila mo ito ialok," naghihinayang niyang pagpapaalam sa akin.
Nanghihinayang na patango na lamang ako ng ulo bago ibinalik sa aking bag ang mga gamot na iyon. Akmang lalabas na ako ng tindahan niya nang biglang magsalita muli si Mang Ruben.
"Ah teka lang pala, Ginoo!" pagpigil niya sa akin.
Nagtataka na nilingon ko naman siya. "Kung sa pangkat kaya ni Xiara mo ibenta ang mga iyan," mungkahi ni Mang Ruben na siyang masayang pinagdaop muli ng kamay ni Binibining Calista.
"Oo nga, Mang Huben! Nangangailangan sila ng mga gamot ngayon," sang-ayon ni Binibining Calista, "Tamang tama ang mga gamot niya!"
Nalilitong napatingin naman ako sa kanilang dalawa. Wala akong ideya kung sino ba ang Xiara na tinutukoy nila.
Masayang humarap naman sa akin si Calista. "Ginoo! Tara sasamahan kita sa kanila," pag-aya niya muli sa akin.
Nagpasalamat muna ako kay Mang Ruben bago nagpatangay kay Binibining Calista kung saan. Hanggang mapadpad kami sa lugar na hinding hindi ko inaasahan.
Napalunok ako ng ilang beses. "A-Anong klaseng pangkat ba ang kinabibilangan ng Xiara na kilala niyo?" kinakabahang pagtatanong ko.
Malawak na ngumiti si Binibining Calista. "Kilala sila bilang mga Magic Knights. Taga-lingkod ng kaharian ng Alphammus at taga-protekta sa mamamayan," buong pagmamalaki na pagsagot niya.
***
Labis ang aking kaba nang wala ako nagawa nang hilahin ako ni Calista paloob sa base ng pangkat ng sinasabi niya. Isang pagkakamali na pumasok ako sa lungga ng mga tigre.
Ano na lang ang mangyayari sa akin kapag nalaman nila na taga-Gammus ako?
Paniguradong aakalain nila na isa akong espiya.
Pagpasok naman namin sa loob nito ay maraming mga nandoon na ang agad na bumati kay Binibining Calista.
"O Calista, sinong ginoo iyang kasama mo?" nakasimangot na tanong ng isang binata kay Binibining Calista at mapangmata ako na tinitigan.
"Zeur, siya nga pala si Zarro, isang manggagamot. Magbebenta sana siya ng gamot dito sa bayan natin kaya dinala ko siya kanina kay Mang Ruben. Pero hindi pala basta basta ang gamot na hawak niya kaya mungkahi ni Mang Ruben na rito kami magpunta," mahabang pagsasalaysay ni Binibining Calista sa pakay ng pagpunta namin doon.
Nauunawaang tumango si Zeur pero makikita pa rin sa kanyang mukha ang hindi pagkagusto sa akin. "Zarro, siya naman si Zeur, kababata ko siya," pagpapakilala naman ni Calista sa binatang kausap.
Magalang na yumuko naman ako sa harapan ng lalaki. Humugot muna ng malalim na hininga si Zeur saka pilit na ngumiti sa akin.
"Ako na ang bahala na magdala sa ginoo sa aming pinuno. Sa ganoon ay sila na mismo ang makapag-usap tungkol sa mga gamot na ibebenta niya," maawtoridad na sambit ni Zeur para napalabi si Binibining Calista.
"Sige na nga..." napipilitang pagpayag ni Binibining Calista.
Pagkatapos ay nagpaalam sa akin si Binibining Calista kaya naiwan ako kasama si Zeur. Tahimik na sumunod na lamang ako kay Zeur patungo sa kinaroroonan ng kanilang pinuno. Ngunit habang patungo kami sa kanyang pinuno ay may nadaanan kaming mga kasamahan niya na may malulubhang sugat.
Marahil bago ako dumating sa kanilang bayan ay may kaguluhan na nangyari rito. At base sa itsura ng mga sugat na natamo ng mga taong iyon ay gawa ito ng mga mabangis na hayop. Iyon siguro ang dahilan kaya nangangailangan ang pinuno nila ng mga gamot ngayon.
"Nitong nakaraan ay naging madalas ang pagsugod ng mga chimera sa aming bayan," pagpapaliwanag ni Zeur nang mapansin ang pagtingin ko sa mga kasamahan niyang sugatan, "At hindi basta ang mga chimerang iyon dahil malalaki at malalakas sila. Marami sa kasamahan namin ang nakatamo ng malubhang sugat at marami rin ang nasawi."
Malungkot na napatingin muli ako sa mga sugatan niyang kasamahan. "Iyon ang dahilan kaya nangangailangan kami ng mga gamot," dagdag ni Zeur.l, "Tamang tama ang iyong pagdating."
Tumigil kaming dalawa sa tapat ng isang pintuan pagkatapos ay tatlong beses na kumatok doon si Zeur.
"Pasok."
Saglit na pumasok mag-isa si Zeur para ipaalam sa kanilang pinuno ang tungkol sa gamot na ibebenta ko. Pagkalipas ng ilang sandali ay bumukas muli ang pintong iyon at pinapasok ako sa loob ni Zeur.
Pagkapasok ko ay bumungad sa akin ang isang magandang binibini. Ngunit sa tingin pa lang niya at sumisigaw ng awtoridad at paggalang. Mukhang sa awra pa lang ng babae na aking kaharap ay mapag-aalaman na kung gaano siya kalakas.
Kuntentong ngumiti naman ang babae. "Nagagalak ako makilala ka, Ginoong Zarro. Maupo ka," nakangiting bati niya sa akin bago itinuro ang upuan sa kanyang harapan, "Ako nga pala si Xiara ang namumuno sa pangkat sa bayang ito."
Nag-aalinlangan man ay umupo ako sa upuan na nakatapat sa kanya. Ramdam ko pa ang paninitig niya sa akin. Kaya sinamantala ko iyon para ilabas ang mga gamot na inalok ko kay Mang Ruben. Agarang kinilatis naman ni Xiara ang mga gamot at muli napangisi ng magtama ang aming tingin.
"Bukod sa pagbili ng mga ito ay may iba ako iaalok sa iyo, Ginoong Zarro," seryosong sabi ni Pinunong Xiara, "Nararamdaman ko na may kakaiba kang awra katulad namin. Alam ko na marunong kang gumamit ng mahika at tila mas mahusay pa. Kaya bakit hindi ka sumapi sa aming pangkat?"
Natigilan ako sa narinig mula sa kanya at agarang napaiwas ng tingin.
"Isang malaking karangalan sa akin ang inaalok niyo, Pinuno. Ngunit isa akong manggagamot at wala akong kakayahan na makipaglaban at manakit ng aking kapwa," pagtanggi ko sa alok niya.
Kita ang pagkalugi ni Pinunong Xiara sa aking pagtanggi. "Nakakapaghinayang naman ang iyong kakayahan kung hindi mo ito gagamitin," malungkot niyang hayag, "Lalo na ngayon na kakaunti lamang ang mga tauhan ko na pwedeng lumaban sa susunod na pagdating ng mga chimera. Kailangan ko mapalakas muli ang aming pwersa kundi mapipinsala ng mga halimaw ang aming buong bayan."
Napatitig siya sa aking mga mata na tila kinukumbinsi pa rin ako na sumali sa pangkat nila. Yumuko ako at humingi muli ng paumanhin para tanggihan ang alok niyang iyon.
"Wala ako magagawa kung iyan ang iyong desisyon," nakalumbabang sabi ni Pinunong Xiara at nilabas ang isang bag ng pera, "Ito ang aking bayad sa mga gamot na ito."
Nagpasalamat naman ako bago kinuha ang kanyang bayad. Pagkatapos ay lumabas kami sa opisina na iyon. Kasama ko pa rin si Zeur para maihatid niya ako palabas ng kanilang base.
At sa daan palabas ay nadaanan ko muli ang mga kasamahan nilang malulubha. Hindi ko pa magawang alisin ang mga tingin ko sa mga taong iyon. Sa bawat hakbang ko palayo roon ay bumibigat ang aking puso. Hanggang sa mapatigil ako sa paglalakad at malakas na napabuga ng hininga pagkatapos ay lakas loob na bumalik ako at nilapitan ang mga pasyente na iyon.
"Anong ginagawa mo, Ginoong Zarro?" paghabol sa akin ni Zeur dahil sa paglapit ko sa mga kasamahan niya.
Itinaas ko ang manggas ng aking damit. "Labis ang bayad ni Pinunong Xiara kaya naisip ko na tulungan ang mga kasamahan mo na sugatan," pagdadahilan ko na lamang.
Nilapitan ko ang lalaking sugatan na nasa pinakamalapit sa akin. Namimilipit siya sa sakit dahil sa malalim na kalmot ng nakalabang chimera sa kanyang dibdib. Anumang paggagamot ang gawin dito nila ay hindi ito gumagaling dahil na rin may kakaibang lason ang kuko ng mga chimera na iyon.
Mabilis na inilapag ko ang gamit ko at inilabas doon ang iba ko pang nakatagong halamang gamot at dinikdik ito at pinahid sa sugat ng lalaki. Kita ko ang paglusaw ng lason sa kanyang sugat kaya medyo kumalma na ang pasyente. Pagkatapos ay iilapat ko ang aking kamay sa sugat ng lalaki at pasimpleng ginamot ng aking mahika ang kanyang malalim na sugat. Unti unti tumikom ang sugat niya pero itinigil ko iyon bago tuluyang gumaling. Ayoko na maghinala si Zeur na isa akong healer lalo na tanging kaharian lang ng Gammus ang nagtataglay ng ganoong kakayahan.
Nang masiguro ko na ligtas na sa kamatayan ang lalaki at lumayo na ako sa kanya bago nagtungo sa iba pang mga pasyente. Sa katulad na pamamaraan sa unang pasyente ay ginamot ko sila sa paraan hindi mahahalata ni Zeur. Tila narinig naman ni Pinunong Xiara ang ginagawa kong panggagamot sa mga kasamahan nila ay dali dali ito nagtungo sa kinaroroonan namin.
"Zarro, isa kang hulog ng langit sa amin! Maraming salamat! Salamat!" taos pusong pagpapaalsalamat ni Pinunong Xiara nang makita ang bumuting lagay ng mga kasamahan niya.
Pinahid ko ang namuong pawis sa aking noo saka tumayo sa kinauupuan. Inayos ko na rin ang aking gamit pabalik ng aking bag. Natapos ko na kasi gamutin silang lahat kaya maaari na ako makaalis.
"Kapalit lang po ito ng sobrang ibinayad niyo sa akin kanina," nakangiting pagrarason ko muli, "Ngayon ay aalis na ako."
"Hindi na ba talaga magbabago ang iyong isip, Ginoo?" umaasang tanong muli ni Pinunong Xiara, "Kahit maging manggagamot ka ng aming pangkat?"
Malungkot na iniling ko ang aking ulo. Malaking gulo kasi kapag natuklasan nila na taga-Gammus ako at nandito ako ng walang pahintulot sa kanilang kaharian.
"Paminsan minsan ay bibisita po muli ako sa inyo para magbenta ng aking mga gamot," nakangiti kong sabi na lang bago tuluyang umalis.