*Ikalawang Kabanata*

1868 Words
"S-Sino kayo? A-Anong kailangan niyo sa akin?" natatakot kong sambit at maalertong tinignan sila. Hinanda ko pa ang aking sarili kung mauwi sa isang labanan ang pagpunta nila rito. Manggagamot man ako ay may kakayahan pa rin ako lumaban. Iyon nga lang mas pipiliin ko ang manggamot kaysa manakit ng aking kapwa. Hindi sila sumagot at sa halip tumingin sa pintuan kung saan may isa pang lalaki na pumasok. May suot ito na baluti sa kanyang buong katawan. Sa uri ng pagtrato sa kanya ng mga lalaki ay alam ko na hindi basta basta ang taong ito. Hanggang sa mapasinghap ako nang makita ang simbolo ng Gammus sa bandilang dala nila. Dahil doon ay malakas na kumabog ang puso ko. Hindi kasi ako pwedeng magkamali na mga tauhan sila ng prinsipe. Ano naman ang ginagawa nila rito? Inutusan ba sila ng aking angkan para pwersahan na pabalikin ako? "Maaari ko ba malaman ang biglaan na pagbisita niyo sa akin?" seryosong pagtatanong ko. Lumapit sa akin ang lalaki na naka-baluti at agarang lumuhod para magbigay galang sa aking harapan. "Nagagalak ako makita ka, Binibini Zorra," pagbati niya. "Ako si Gamo, ang nagsisilbing kanang kamay ni Prinsipe Charde. At nandito kami para ihatid sa inyo ang imbitasyon ng aming prinsipe," dagdag niya bago inabot ang isang gintong sobre na naglalaman ng sinasabi nilang imbitasyon. Mariing tinitigan ko ang imbitasyon na iyon. Kahit hindi ko itanong kung anong klaseng imbitasyon ito ay tila nahuhulaan ko na kung ano ito. Dahil doon ay nanginginig ang aking kamay habang inaabot iyon. Hanggang sa mariing mapikit ako ng mata ng dumampi sa kamay ko ang sobre. Bakit sa lahat lahat ay ako pa ang napili? Bakit ako pa ang gusto maging bagong asawa ng prinsipe? “Binibini!" tuwang tuwa na bulalas ni Mosha nang mapagtanto kung ano ang imbitasyon sa akin ng prinsipe, "Masaya ako para sa iyo!" Ngunit hindi alam ni Mosha na salungat ng kanyang inaakala ang aking damdamin. Isang malaking bangungot para sa akin ang mahirang na maging asawa ng prinsipe. Dahil marami pa ako nais gawin rito at tulungan na mamamayan. Ayokong matali sa palasyo na limitado lamang ang aking magiging galaw. Alam ko na kakayahan ko lang din ang gusto na makuha sa akin ni Prinsipe Charde. Gusto niya ako maging personal niyang manggagamot sa paraan na paghirang sa akin bilang asawa niya. "Susunduin ka namin bago mag-gabi," pagbilin pa ni Ginoong Gamo na may tono ng pagbabanta, "Sa ganoon ay makapagpaalam ka sa iyong mga kaibigan sa bayan na ito." Naging tulala lang ako sa kawalan hanggang makaalis sila sa loob ng aking klinika. Mariing napatitig pa ako sa pintong nilabasan nila. Inisip ko ang nararapat na gawin sa oras na ito. "Binibini?" takang pagtawag ni Mosha sa aking naging reaksyon, "Hindi ka ba matutuwa na napili ka maging asawa ng prinsipe?" Humugot ako ng malalim na hininga. "Maaari mo ba ako iwanan dito, Mosha?" pilit ngiting sabi ko at hindi sinagot ang tanong niyang iyon. Nag-aalala man ay sinunod ni Mosha ang aking kahilingan at agarang nagpaalam. Pagkaalis niya ay nanghihina na inilibot ko ang aking tingin sa kabuuan ng aking klinika. Nangilid pa ang luha ko dahil ito na marahil ang huling beses na makikita ko ito. Ilang taon din ako nanirahan dito kasama ang aking namayapang kapatid na si Zarro. Kaya masakit sa akin na iwanan ang lugar na ito sa ganitong klase ng dahilan lang. Hanggang sa biglang nagkaroon ng anumang ideya ang isip ko. Pagkatapos ay nagmamadaling nagtungo ako sa aking kwarto. Natigilan pa ako sa paglalakad nang makita ang aking repleksyon sa salamin. Ilang sandali ko na pinagkatitigan ang aking itsura roon na akala mo tinatandaan ang bawat detalye nito. "Ito lang ang tanging paraan..." pagbulong ko pa sa aking sarili. Alam ko na ito ang tamang desisyon para matakasan ang kasal kay Prinsipe Charde. Kaya kumuha ako ng punyal na siyang nakatago sa aking bestida at ginagamit ko sa pangangalap ng sangkap sa kagubatan. Pagkatapos ay walang kung anu ano ay pinutol ko ang aking mahabang pilak na buhok na katulad sa gupit na panglalaki. Nang matapos ay nagmamadaling binuksan ko ang aking damitan at hinanap ang mga naiwang damit ng namayapa kong kapatid. Nang mahanap ang mga iyon ay muling tumingin ako sa aking repleksyon bago naisipan na isuot ang mga iyon. Sa ganoon paraan ay matatakasan ko ang aking naghihintay na kapalaran sa kaharian ng Gammus. *** Nakasuot ako ng isang kulay itim na pananlob habang nakayukong naglalakad palabas ng bayan. At sa bawat hakbang ng aking paa ay tila dinudurog ang aking puso na iwanan ang lugar na ito. Lalo pa ikinabigat ng puso ko na hindi ko na magagawang magpaalam sa mga tao na tumulong sa akin na manirahan sa bayan na ito. Napatingala ako sa kalangitan. Takip silim na ngayon kaya alam ko na patungo na si Ginoong Gamo sa aking klinika para sunduin ako. Panigurado na magkakaroon ng malaking kaguluhan sa oras na malaman nila na wala ako roon. Marahil hahanapin nila agad ako para lang madala sa palasyo ni Prinsipe Charde. Nakarating ako sa madalas kong puntahan na kagubatan. Inisip ko na mas mabuti na dito ako dumaan para magtago sa mga tauhan ng prinsipe na maghahanap sa akin. Iyon ay dahil sa alam ko ang bawat sikot ng kagubatan na ito kaya alam ko na hindi nila ako basta mahuhuli rito. Sa ilang araw na paglalakbay ko sa kagubatan ay kumukuha rin ako ng mga kilala kong halamang gamot sa daan. Ginamot ko ang mga nakuha ko para gumawa ng gamot na maaaring ibenta sa bayan na aking madadaanan. Magagamit ko ang maiipong pera para bumili ng ibang kakailanganin ko sa aking paglalakbay. At naging ganoon ang sistema ng aking buhay sa mga lumipas na araw hanggang sa alam ko na nakalampas na ako sa teritoryo ng kaharian ng Gammus. Hindi ko alam kung saan kaharian ako napadpad ngunit gayun pa man ay alam ko na ligtas ako rito pasamantala. Iyon nga lang ay hindi ako pwede makita ng mga tao sa ibang kaharian. Maaaring isipin nila na isa akong espiya na pinadala ng kaharian ng Gammus. Kailangan ko rin kasi makatanggap ng pahintulot muna bago makapasok sa teritoryo ng ibang kaharian. Kaya baka manatili ako na nakatago sa kagubatang ito hanggang sa maaari na ako makabalik ng kaharian ng Gammus. Gamit ang ginawa kong sibat ay nangaso ako ng isang baboy ramo. Mukhang sasapat na ang karne nito sa limang araw na rasyon ko ng pagkain. Mabuti na lamang bukod sa panggagamot at may kaalaman din ako sa ibang bagay. Katulad na lang sa paggawa ng pamahid na siyang makakatulong sa akjn sa pagreserba ng karne ng mga ilang araw na pag-iimbak. Gamit ang aking punyal ay walang kahirap hirap ma kinatay ko ang baboy ramo na aking hinuli. Tinago ko ang ibang parte sa aking dalang maliit na bag. Ang iba naman ay tinusok sa pinatulis kong kahoy at niluto gamit ang aking mahikang apoy. Nasa kalagitnaan ako ng kasarapan ng pagkain nang makarinig ng mga yabag ng paa at ilang kalansing ng mga naglalaban na espada. Dahil doon ay nagtago ako sa ilalim ng isang matayog na puno at tinaklob sa aking ang pananlob ko para itago ang aking sarili sa anino ng puno na iyon. Hanggang sa matanaw ko ang mga naglalaban na iyon. Nakita ko pa na pinalilibutan ng mga lalaking nakamaskara ang isang lalaking may ginintuang kulay ng buhok at nakasuot ng puting damit. Nagsimula na silang magpalitan ng mga atake. Lahat ng nakamaskara ay may kakayahang gumamit ng mahika. Dahil doon ay dehado ang lalaking nakaputi sa dami ng kanyang mga kalabang nakamaskara. Unti unti na nakatamo ang lalaki ng malalalim na sugat dahil sa magkakasabay na atake ng mga kalaban. Hindi niya makayanan na depensahan ang kanyang sarili. Sa tindi ng natamo ay napaluhod siya at ginamit ang hawak na espada para tulungan siya makatayo muli. Matalim na titig ang binigay niya sa kalaban na kahit ako ay hindi naiwasang matakot sa kanya. Akmang susugod sa kanya ng sabay sabay ang kalaban para wakasan ang buhay niya nang may ilang pagsabog sa hindi kalayuan ang narinig. Naalerto ang mga nakamaskara at sa huli ay nadesisyunan na lang nila na tumakas. Naiwan sa gitna ng kadiliman ng gabi ang lalaking nakaputi na ngayon ay naliligo sa kanyang dugo. Tinignan ko kung paano napaluhod muli ang lalaki habang sapo ang sugat niya na patuloy na nagdurugo. Nagdadalawang isip ako lumabas sa aking pinagtataguan at tulungan ang lalaki. Taga-ibang kaharian ako at malaking kasalanan na ang pag-apak ko sa lupain nila. Kung sakaling tulungan ko ang lalaki ay para ko na rin ipinahamak ang aking sarili. Hanggang sa napasinghap ako nang tuluyan na siyang tumumba at humalik sa lupa. Tumingin muna ako sa paligid para alamin kung may makakakita sa akin. Pagkatapos ay dahan dahan ako lumapit sa lalaki at tinignan kung may malay pa ito. "Ginoo, naririnig mo ba ako?" tanong ko at kaunting sinundot ang pisngi nito. Hindi ko masyado makita ang mukha niya dahil na rin natatakpan ito ng kanyang hindi kahabaan na ginintuang buhok. Napatingin ako sa kanyang sugat at napangiwi. Ang dugo niya ay halos bumalot na sa kanyang puting damit. Kung hindi ko aagapan ito ay marahil mamatay siya sa pagkaubos ng kanyang dugo. "Huwag ka mag-aalala, Ginoo. Nandito ako at hindi ka hahayaang mamatay," pagbulong ko sa lalaki na akala mo naririnig niya ako. Kagat labi ko nilapat ang aking kamay sa kanyang sugat. Hindi nagtagal ay lumabas roon ang puting liwanag na siyang gagamot sa lalaking sugatan. Lumiwanag ang buo niyang katawan senyales na unti unti pumapasok sa katawan niya ang aking mahika. Nakahinga ako ng maluwag ng makita ko na bumalik na sa dating kulay ang balat ng lalaki. Nawala na rin ang kanyang sugat sa katawan. May panibagong buhay na naman ako nailigtas gamit ang aking mahika. Hindi ko man kilala ang lalaking ito pero mapalad siya para makatagpo ko sa ganitong sitwasyon. Nakarinig ako ng ingay sa paligid kaya nataranta ako na may makakita sa akin. Muli ay nagtago ako sa likuran ng matayog na puno at nagtaklob. Nag-aalala na sumilip ako para alamin kung ang mga parating tutulungan ang walang malay na lalaki. Hanggang sa dumating ang isang babae at isang lalaki na nababalot rin ng dugo ang kasuotan. Ngunit ang dugong iyon ay hindi nagmumula sa kanila kundi sa kanilang kalaban na napaslang. Nang makita nila ang lalaking nakahandusay ay agad nila ito nilapitan. "Prinsipe!/Prinsipe Ranzell!" Kita ko ang takot sa mga mukha nila nang makita ang madaming dugo na kumulay sa damit ng lalaki. Base sa naging reaksyon nila ay kasamahan sila ng lalaki. Dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag. Kung bumalik kasi ang mga nakamaskara ay hindi ko alam ang gagawin. Masasayang lang din ang pagligtas ko ng buhay ng lalaki. "Tawagin niyo ang manggagamot! Bilisan niyo!" Natataranta pa nilang utos nang may panibagong grupo na dumating. Pagkatapos ay agarang binuhat nila ang walang malay na lalaki at tinakbo ito sa pinanggalingan nilang direksyon. Nakahinga ako ng maluwag ng makaalis sila nang hindi ako nakikita sa aking pinagtataguan. Ngunit hindi ko inaasahan na isang prinsipe pala ang lalaking iniligtas ko. Prinsipe Ranzell.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD