[Ranzell] Dalawang linggo ang nakalipas pagkatapos kong idiklera na ang binibini ang nais kong maging reyna. Naging mabilis ang pagkalat ng balita sa buong palasyo. Marami rin ang nagulat na isang binibini ang inaakala nilang ginoo na manggagamot sa kanilang bayan. Ang iba sa mga natulungan ni Binibining Zorra ay nagpapadala ng kani-kanilang regalo para pagbati sa kanya bilang susunod na reyna ng Alphammus. Nakakalungkot lang na wala sa kanila ang nakaalam tungkol sa nangyari sa binibini habang nasa loob siya ng aming palasyo. Minsan ko nakakasalubong at nakakasalamuha ang aking magulang sa palasyo pero kailanman ay hindi nila kinamusta ang kalagayan ni Binibining Zorra. Hindi rin nila ako kinausap tungkol sa aking desisyon pakasalan ang binibini. Marahil dahil nakarating sa kanila ang