Ikalabim Anim na Kabanata

1139 Words

[Ranzell] Hindi ko alam kung gaano katagal kami nag-antay sa labas ng kwarto ko. Hanggang ngayon ay hindi pa rin lumalabas ang babaeng manggagamot at wala rin kami natatanggap na balita tungkol sa kalagayan ni Binibining Zorra. Gusto ko mang pumasok muli sa loob ngunit natatakot ako maging abala sa babaeng manggagamot. Kaya pilit kong kinontrol ang aking sarili sa kagustuhan na bumalik sa loob ng kwarto. Nagpabalik balik ako ng lakad sa harapan ng pinto at umaasa na bigla na lamang ito bubukas. "Prinsipe, maupo muna kayo!" Suway sa akin ni Xell. "Kakagaling niyo lang sa kakaibang karamdaman at hindi pa kayo ganoong kalakas!" “Hindi ko kayang mapirmi sa upuan, Xell." Pagtanggi ko sa kanyang nais. "Labis labis ang pag-aalala ko sa kalagayan ng binibini." "Ganoon rin kami sa kanya, Prins

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD