[Ranzell] Sa kasalukuyan kami kumakain ng hapunan kasama si Prinsipe Charde at kanyang mga asawa. Minsan ay nahuhuli ko ang malalagkit na tingin na binibigay sa akin ng mga babae pero pilit kong binalewala ang mga iyon. Gusto ko lamang sa mga oras na ito ay umalis at puntahan si Binibining Zorra sa kanyang kwarto. "Hanggang kailan kayo magtatagal rito?" Biglang pagtatanong ko kay Prinsipe Charde na ikinalaki ng mga mata ng aking mga magulang. Napadaop naman ng kamay si Prinsipe Charde sa kanyang harapan at umaktong napapaisip. "Gusto namin manatili hanggang sa iyong kasal, Prinsipe Ranzell." Sagot naman niya na hindi ko inaasahan. Marahil gusto lamang niyang kumpirmahin ang katotohanan sa ibinalita ng aking ama na ikakasal na ako. "Ngayong nagpausapan natin ang iyong kasal." Kunot noo