[Ranzell] Dalawang araw ang lumipas mula ng tanggihan ako ni Binibining Zorra. Iyon rin ang huli beses kong hinarap ang binibini. Hindi ko alam tuwing naalala ko ang kanyang pagtanggi ay siyang panunumbalik ng sikip at pananakit ng aking puso. Kaya para makalimutan ang nangyari ay sinubsob ko ang aking sarili sa pagtratrabaho. "Hindi ka pa rin ba magpapahinga, Prinsipe Ranzell." Nag-aalalang tanong sa akin ni Chika. "Dalawang araw na kayong walang tulog." Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa pagbabasa at pagpirma ng mga papeles. "Prinsipe Ranzell, nakikiusap kami na magpahinga kayo." Pangungumbinsi naman ni Xell sa akin. "Baka magkasakit kayo sa inyong ginagawa." "Kamusta na ang binibini?" Pagtatanong ko sa kanila habang patuloy pa rin sa aking ginagawang trabaho at hindi sila tini