[Zorra] Kita ko ang labis na pagkagulat sa mukha ni Prinsipe Ranzell dahil sa inamin ko. Inisip ko na mas mabuting sabihin na sa kanya kung sino talaga ako dahil na rin wala ng dahilan para itago ko pa sa kanya ito sa dami ng nangyari nitong nakaraang araw. Aaminin ko na masakit sa akin na tanggihan ang kasal ng mabait na prinsipe ng Alphammus ngunit ito ang nakakabuti sa aming dalawa. Hindi na namin kailangan pang patagalin ang namumuong damdamin sa pagitan namin. Habang maaga pa ay kailangan na namin putulin ang aming ugnayan. "P-Patawad dahil inilihim ko ito sa inyo." Nakayuko at hiyang hiya na paumanhin ko kay Prinsipe Ranzell na hindi pa rin nakakabawi sa sobrang pagkagulat. Tumayo ako sa higaan saka malungkot na tinignan siya. "Balak ko na magpakita sa kanya at sumama pabalik ng