*Ikalimang Kabanata*

2255 Words
Pagkatapos na maging opisyal ako ng mamamayan ng Alphammus ay nagsimula na ako magplano ng aking panimula sa kaharian na ito. Katulad na lang kung saan magandang lokasyon ako maaaring magtayo ng aking panibagong klinika at makapaggamot muli ng libre sa mga mamamayan. "Kanina pa tayo nag-uusap ngunit ay hindi ko nakuha ang iyong pangalan, Ginoo," biglang sambit ng prinsipe na siyang pumutol sa aking pagpla-plano. Agarang magalang na yumuko naman ako sa harapan ni Prinsipe Ranzell. "Ako po si Zarro at marahil may ideya na po kayo na isa akong manggagamot," pormal na pagpakilala ko sa aking sarili gamit ang pangalan ng namayapa kong kapatid. Masayang tumango ang prinsipe sa aking pagpapakilala bilang manggagamot. "Ano na ang balak mo ngayon?" nag-aalalang tanong niya, "Bilang bagong mamamayan ng aming kaharian ay nais ko masiguro ang magandang simula mo rito." Malapad naman na ngumiti ako. "Sa totoo po niyan ay nais ko muli na makapagbukas ng aking sariling klinika. Gusto ko po maipagpatuloy ang pagtulong sa mga mamamayan na walang kakayahan na magbayad ng pagpapagamot," pagbibigay alam ko. Gulat na lumingon sa aking direksyon sina Chika tila nakuha ng aking sinabi ang kanilang atensyon. "Teka nais mo na manggamot ng libre?" gulat na tanong pa ni Chika sa akin. Agarang itinango ko ang aking ulo. "Tama po kayo ng narinig. Noon pa man ay ganoon na ang aking nakagawian at gusto ko pa rin iyon ipagpatuloy sa inyong kaharian," umaasa kong sambit para mapayagan ako ni Prinsipe Ranzell na magawa iyon. Kita ang pagrehistro ng pagtataka sa mukha nilang lahat dahil umalis ang katulad kong manggagamot sa kaharian ng Gammus. Ngunit pinatili nilang tikom ang kanilang bibig at hindi na naglakas loob na usisain ang rason ko. Pagkalipas ng ilang araw... Sa tulong na rin nina Chika at Xell ay nakahanap ako ng magandang lugar para pagtayuan ng aking panibagong klinika. Tamang tama ito dahil nasa pagitan ito ng mga daan patungo sa palasyo at iba pang mga bayan. Binigyan rin ako ng ilang libro ni Prinsipe Ranzell na pwede makatulong sa akin sa mga halamang gamot na sa kanilang teritoryo lang makikita. Kaya mabilis rin ako natuto sa mga espeyal na gamot na sa kaharian lang ng Alphammus makikita. "Hindi ko talaga lubos maisip kung paano ka nagawang pakawalan ng kaharian ng Gammus," nagtatakang bulalas ni Chika habang tumutulong sa akin sa pagdikdik ng mga halamang gamot. Panandalian naman ako natigilan sa panunukat ng gamot. "May mga bagay kasi na salungat sa aking ideya sa pamamahala ng Gammus," makahulugan na sambit ko at pilit itinatago ang dahilan ng aking pag-alis. Lalo na ngayong wala pa rin silang ideya na isa akong babae. Gusto ko man sabihin sa kanila ang totoo kong kasarian ang problema ay hindi ako makakuha ng tamang tiyempo. Kaya hayaan ko na lamang na isipin nila na isa akong lalaki hanggang dumating ang araw na sila na mismo ang makahalata. Sa ngayon kasi ay hindi importante na malaman nila ang tunay kong kasarian. Muling nagpatuloy ako sa paggawa ng mga gamot. Dahil sa may kailangan akong pakuluan na ilang sangkap ay kailangan ko gumawa ng kalan. Mula sa akinh nakagawian ay sinindihan ko ang mga kahoy gamit ang aking mahikang apoy. Bago nilagay sa isang kaldero ang mga dahon na kailangan ko pakuluin. "Marunong ka pala na gumamit ng mahika?" Nagulat ako nang may magsalita sa likuran ko. Paglingon ko ay hindi ko napansin na lumapit pala si Chika sa akin para panuorin ang pagproseso ko ng mga halamang gamot "Akala ko ba kakaunti lamang ang biniyayaan sa inyong kaharian na ganitong kakayahan?" patuloy na pag-uusig sa akin ni Chika at matamam ako na tinignan sa aking mga mata. Napalunok ako ng ilang beses bago napakamot ng aking batok. "Kakaunti nga lang talaga... At naging maswerte ako dahil isa ako sa mapalad na nabibiyaan nito," pag-amin ko na lalong nagpataka sa kanila. Nagpalumbaba si Xell habang nakatitig sa akin. Kanina pa kasi siya nagmamasid sa ginagawa namin ni Chika. "Hay... Napaka-misteryoso talaga ng iyong katauhan pero katulad nga ng sabi ng aming prinsipe ay makikita namin na wala kang masamang intensyon." seryosong sambit ni Xell. "Salamat sa inyong pagtitiwala," nakahingang sabi ko na lamang habang nagpatuloy sa ginagawa. Sa kalagitnaan ng aking paggawa ng mga gamot ay biglang malakas na bumukas ang pinto ng aking klinika. "Doktor! Pakiusap! Tulungan niyo kami!" Agarang napatayo ako sa aking kinauupuan nang may pumasok na lalaki buhat buhat ang isang sugatan na babae. Mabilis na nilapitan ko naman sila at itinuro sa lalaki ang isang higaan para ihiga roon ang babae. "Anong nangyari sa kanya?" pagtayanong ko habang dinadama ang lakas ng t***k ng puso ng pasyente sa kanyang pulso. Ang problema ay masyadong mahina na ang t***k ng puso niya at halata ang pangingitim ng balat gawa ng isang matinding lason na kumalat na sa kanyang katawan. "M-M-May umatake sa aming f-ferrir habang pauwi na kami sa aming bahay," umiiyak na pagsasalaysay ng lalaki, "B-Basta na lang sila lumabas kung saan at inatake kami!" Maalertong nagkatinginan sina Xell at Chika. Nitong nakaraan ay nakakakuha sila ng mga ulat na bigla na lamang may mga halimaw na umaatake sa bayan na ito. Nagulat ako nang hawakan ng lalaki ang mga kamay ko habang patuloy na lumuluha ang mga mata. Kita ang kadesperaduhan niya na mailigtas ang babaeng kasama niya. "Nakikiusap ako po ako sa inyo, ginoo! Iligtas niyo ang buhay ng aking asawa! Bata pa po ang mga anak namin para mawalan sila ng ina," lumuluhang pagmamakaawa niya at halos lumuhod siya sa aking harapan. Humugot ako ng malalim na hininga bago pinakawalan ito. "Huwag kayo mag-aalala. Gagawin ko ang makakaya ko para mailigtas siya," pagbibigay pangako ko pa sa kanya at muli dinaluhan ang nag-aagaw buhay na babae. Tinignan ko muna kung gaano kalalim ang pagkakakagat ng ferrir sa kanya. Tulad ng chimera na umatake sa pangkat ni Pinunong Xiara ay nagtataglay ang ferrir ng lason na siyang papatay sa kanilang biktima. Kumuha ako ng ilang halamang gamot at mabilisang dinikdik ito bago pinahid sa sugat. Nakita namin lahat ang paglabas ng itim na usok mula sa sugat senyales na nalusaw ng gamot ang lason. Ngayon ay kailangan ko maampatan ang sugat na patuloy sa pagdurugo. Akmang gagamutin ko ito nang makaramdam ng tapik sa aking balikat. "Masyadong malalim ang kanyang sugat!" nababahalang sambit ni Xell at iniling iling ang kanyang ulo, "Imposible na mailigtas mo pa siya, Zarro." Sa sinabi na iyon ni Xell ay bumalahawanng iyak ang asawa ng babae. Alam ko na kahit siya ay tila nawalan na ng pag-asa na makaligtas ang aking pasyente. Ngunit hindi nila alam na magiging imposible lang ang kalagayan ng babae sa normal na paraan ng panggagamot. Humugot muli ako ng hininga at malakas na pinakawalan ito. Mukhang hindi ko na maililihim pa sa kanila ang isa sa aking sikreto. Ipinangako sa aking sarili na wala na muling pasyente na mamamatay sa aking harapan. Sapat na isang beses na ako ay nabigo na makapagligtas ng buhay. "Ako ang bahala," seryosong sambit ko kay Xell para mabitawan niya ang aking balikat. Nilapat ko ang aking kamay sa tapat ng sugat ng babae. Hanggang sa unti unti ito nagliwanag at pumasok ang liwanag na iyon sa sugatang katawan ng pasyente. Pagkalipas ng ilang sandali ay nagsimulang maghilom ang sugat hanggang sa tuluyang mawala ito. Nang masiguro na ligtas na ang buhay niya ay pinunasan ko ang namuong pawis sa aking noo. Pagkatapos ay hinayaan ko na matulog ng mahimbing ang pasyente. Napahiyaw naman sa galak ang lalaki at paulit ulit na nagpasalamat sa aking pagliligtas sa buhay ng kanyang asawa. "Maraming salamat, Ginoo! Salamat sa tulong niyo! Dahil sa inyo ay makakasama pa namin siya!" Pagharap ko naman kina Chika at Xell ay nakanganga ang kanilang mga bibig habang nakatitig sa aking mukha. Dahil doon ay natatawa ako napailing ng ulo sa kanilang naging reaksyon. Inaasahan ko pa naman na sunud sunod sila magtatanong sa aking ginawa. "I-Isa kang healer?" tanging naisambit ni Chika nang makabawi sa kanyang pagkagulat. Ngumiti ako saka dahan dahan na tumango. "Oo. Nanggaling ako sa angkan ng mga healer," hayag ko, "Pasensiya na kung inilihim ko ang tungkol rito." "Kung ganoon ay hindi ka lang bastang manggagamot ng inyong kaharian. Alam ko kung gaano pinag-aagawan ang mga katulad mo ng palasyo para lang gawin nilang personal na manggagamot.l," pag-alala ni ni Xell, "Hindi ko akalain makakaharap ko ang isang healer sa tanang buhay ko na ito." "Ngayon ay hindi na ako nagtataka kung paano mo nailigtas si Prinsipe Ranzell sa kamatayan," napaisip na sabi naman ni Chika, "Nang ikwento noon ng prinsipe ang nangyari sa kanya at talagang nagtaka kami na wala siya man lang niisang galos sa kanyang katawan. Iyon ay dahil isang healer ang gumamot sa kanya." "Ngunit maipapayo ko na itago mo ang kakayahan mo na iyan hanggang maaari," buong kaseryosohan sambit muli ni Xell at nagbigay ng nagbababala na tingin sa akin, "Hindi natin alam kung sino sa mga taga-Alphammus ang magnanais na makuha ka kapag nalaman nila ang tungkol sa kakayahan mong ito." Napangiti ako ng mapait sa narinig. Alam ko kung gaano pinag-aagawan ang katulad kong healer. Kalakip ng aking kakayahan ay ang pagbuhay ng masamang intensyon ng mga tao. Dahil ang mahikang mayroon ako ay maaaring sumagip o kumitil ng buhay ng tao. "Pero... Ayos lang ba na sabihin namin kay Prinsipe Ranzell ang tungkol rito?" umaasang tanong ni Chika dahil na rin sa katapatan nila sa prinsipe, "Nang sa ganoon ay mabigyan ka ng proteksyon ng palasyo." Napaisip ako ng ilang sandali. "Ayos lang naman sa akin kung iyon ang sa tingin niyo na mas makakabuti para sa akin," nauunawaang sambit ko. *** Pagkatapos kausapin nina Xell at Chika ang mag-asawa na ilihim ang anuman ginawa ko ay nagpaalam silang dalawa para bumalik ng palasyo. Doon ko lang nalaman na mga personal na bantay sila ng prinsipe. Base pa sa kanila ay anim silang bantay na pinagkakatiwalan ni Prinsipe Ranzell. Nagpapalitan lamang sila sa pagkatoka sa bawat araw at oras. Kaya kung may pagkakataon ay ipapakilala nila ako sa iba nilang kasamahan. Dahil gusto rin raw ng ibang bantay na makilala ang taong nagligtas sa kanilang binabantayang prinsipe. Nang makaalis ang dalawa ay naisipan ko na isara muna ang aking klinika at bisitahin si Binibining Calista. Tamang tama din na hindi pa naman gaano karami ang bumibisita ng aking klinika. Alam ko na dahil bago pa lamang ito kaya marami pang iwas na mga tao. Sa ngayoncl ay kailangan ko muna kuhanin ang tiwala nila sa aking kakayahan na manggamot. Habang naglalakad ako sa bayan para hagilapin si Binibining Calista ay siyang pagkaalala ko ng aming naging usapan. Na may nasabi siya na nagtitinda siya ng mga bulaklak sa sentro bayan. At base sa pagbati sa kanya ng mga tao ay kilalang kilala siya sa buong bayan. Kaya magiging madali ko lamang siya mahahanap kung magtanong tanong ako. Ngunit bago pa ako makapagtanong ay umalingawngaw ang malakas na boses ni Binibining Calista para tumawag ng mamimili sa mga dumadaan. "Paano na ito? Wala pa rin akong benta ngayong araw," dismayadong pagbulong pa ni Calista habang tinitignan ang mga bulaklak niyang paninda, "Lagot ako nito kina inay mamaya." "Magkano ang mga bulaklak, Binibining Calista?" nakangiting bungad ko sa kanya para agarang mapaangat siya ng tingin. "Ginoong Zarro!" tuwang tuwa na pagbati ni Binibining Calista at palundag na yumakap sa aking braso, "Mabuti naman nadalaw ka muli sa aming bayan. Pero nandito ka ba para magbenta muli ng iyong mga gamot?" "Ah hindi naman. Napadalaw lang ako dahil wala pa akong masyadong pasyente sa aking klinika," nahihiyang pag-amin ko na siya ang sinadya ko. "Hindi nga?! Mayroon ka ng sariling klinika?" humahangang sambit niya at nagningning ang mga mata. Tumango ako at tinuro ang direksyon na aking pinagmulan. "Nasa dulo ng mga bayan ang aking klinika. Maaari mo rin ako bisitahin doon kapag may oras ka," pag-aya ko pa sa kanya. "Asahan mo ang malimit ko pagbisita sa iyo, Zarro!" tuwang tuwa muling sabi niya at pasimpleng inipit ang buhok sa likod ng kanyang tenga. Natatawang napailing na lang ako sa kanyang ginawang aksyon na iyon. Hanggang sa napatingin ako sa mga tinitinda niyang bulaklak. Medyo nagulat ako na makakita roon ng mga bulaklak na pwedeng gamitin sa paggagamot. Mahirap hagilapin ang mga ito kaya laking tuwa ko na malaman na may tinitinda siya na ganoon. "Nais mong bilhin iyan, Ginoo?" masayang tanong ni Calista nang mapansin ang pagtitig ko sa isang uri ng bulaklak sa mga tinda niya, "Ang bulaklak ng buwan ba?" Mabilis na itinango ko ang aking ulo."Oo," mamamanghang sambit ko at hinawakan ang mga bulaklak na iyon, "Pero paano ka nakakuha nito? Hindi basta basta ang bulaklak na ito na mahanap kung saan." Malapad na ngumisi naman si Calista. "Hehe! Eksperto ako sa mga bulaklak. Bata pa lang ay naturuan na ako kung paano magpalaki at kumuha ng mga iba't ibang uri ng bulaklak," buong pagmamayabang niya, "Kaya lahat ng tinda ko ay nagmula sa aking itinanim at inalagaang mga halaman." Manghang napatango ako sa sinabi niya at napangiti. "Kung ganoon ay maaari mo ba ako hatiran ng bulaklak ng buwan sa aking klinika tuwing ikauna ng linggo?" aking pakikipag-negosasyon sa kanya. Masayang napalakpak ng kamay si Binibining Calista sa nais ko na iyon. "Talaga?! Hulog ka ng langit sa akin, Zarro! Hindi ko na ngayon pro-problemahin ang pag-ubos ng bulaklak na ito!" tuwang tuwa na sambit niya saka kinuha ang mga panindang bulaklak ng buwan at maingat na binalot ito sa papel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD