Ikawalong Kabanata

1292 Words
[Zorra's pov] Naging usap usapan sa buong kaharian ang nalalapit na okasyon. Marami rin mga kababaihan ang humihingi sa aking ng mga kakaibang gamot. Katulad ng pamahid sa balat para lumambot ito. Mayroon rin na gamot para pumuti ang kulay ang kanilang mga balat. Mayroon gamot sa buhok para kumintab ito at iba pang gamot. Naging abala ako sa klinika para pagbigyan ang kagustuhan ng mga kababaihan at masasabi ko na naging mabenta ang aking mga nagdaang araw. Tumutulong rin naman sa akin si Fugar na siyang pinanindigan ang pagiging bantay ko. Tingin ko nga hindi siya bantay kundi isa aking alalay sa klinika. Hindi naman siya nagrereklamo at taos pusong tumutulong sa akin. Nanghihina ako mapasandal sa upuan nang maisara ko ang aking klinika. Hindi na siguro muna ako magbubukas ng aking klinika bukas dahil na rin abala ang lahat sa paghahanda. Bukas na magaganap ang pinakaiintay nilang okasyon. "Hindi ka ba babalik ng palasyo?" Tanong ko kay Fugar. "Hindi ka ba nila kakailanganin roon?" Iling lang ang sinagot sa akin ni Fugar at nagpatuloy sa dinidikdik na halamang gamot. Pansin ko na rin na marunong na maghalo ng gamot si Fugar. Siya yata ang pinakamabilis na nakatuto sa lahat ng tinuruan ko. "Isasara ko bukas ang klinika para makapunta ka." Sabi ko sa kanya kaya napaangat siya ng tingin. "Alam ko kahit papaano ay gusto mo makita ang iyong prinsipe sa kanyang kaarawan." Binitawan ni Fugar ang hawak at may kinuha sa ilalim ng estante. May malaking kahon roon siyang kinuha at inabot sa akin. Nagtataka ko naman inabot ang kahon. Tinuro niya ang tali ng kahon para ipinahihiwatig na buksan ko iyon. Sinunod ko naman ang kanyang nais at binuksan ito. Bumungad sa akin ang pulang tela. Nang ilantad ko ito ay napag-alaman ko na ito ang bestida na tinignan ko noon galing sa kagubatan. Nanlalaki ang mga mata ko na napatingin sa kanya. Binili niya ito para sa akin? "Fugar... Hindi ko kayang tanggapin ito." Nahihiya kong sabi at ibinalik ang bestida sa kahon. Humugot ng malalim na hininga si Fugar. "Suotin mo iyan para bukas. Makakapunta lamang ako sa okasyon kung kasama ka." Seryosong sabi niya. "Hindi naman ako kailangan sa palasyo para sumama sa iyo." Kunot noong sambit ko. Naghalukipkip ng braso si Fugar. "Ayokong isipin nila na pinabayaan kita para lamang makapunta roon." Pagdadahilan niya. Napaisip naman ako sa sinabi niya. Mula sa sinabi niya ay ayaw niya na sumama ang tingin ng prinsipe sa kanya dahil iniwanan niya ako na siyang binabantayan niya. Napakamot ako ng ulo dahil mukhang wala na akong magagawa kundi samahan si Fugar pumunta ng palasyo kaya sa huli ay tinanggap ko ang bestida na ikinangiti naman ng lalaki. Bumalik si Fugar sa kanyang ginagawa habang ako ay natatawang napailing na lang sa kanya. Napatitig muli ako sa bestida. Matagal tagal na rin ng huli ako nakapagsuot nito. Halo halo ang pakiramdam ko habang hinawakan ang bestida. *** "Napasobra yata ang ginawa ko." Nahihiyang sambit ko habang nakaharap sa salamin. Masyado ang aking kaligayahan ng masuot ang bestida. Gumamit ako ng ilang pamahid na gamot sa aking balat at buhok. Naging makintab ang aking buhok at malambot ang aking balat kumpara sa mga nagdaang araw. Mayroon rin akong ginawang pabango mula sa mga dagta ng mga bulaklak na tinda ni Calista kaya humahalimuyak ang amoy ng aking bestida. Gamit naman ang kulay ng pulang rosas ay pinintahan ko ang aking labi, kaunti sa aking pisngi at pilikmata. Halos hindi ko makilala ang sarili sa harapan ng salamin. Matagal tagal na rin ng huli ako nag-ayos para sa isang okasyon. Narinig ko ang katok sa pintuan ng klinika kaya binuksan ko iyon. Nandoon na si Fugae para isabay ako patungo sa palasyo. Maayos rin ang kanyang itsura. Inangat niya ang kamay at ipinakita ang bagong gawang korona ng bulaklak. Ngumiti siya bago iyon inilagay sa aking ulunan. Nahihiyang kinapa ko naman ang koronang bulaklak sa aking ulo. "Salamat." Isinara ko na ang klinika. Marami rin mga kababaihan na ang patungo na sa direksyon ng palasyo. Samu't sari ang mga nakita ko kulay ng naggagandahan nilang mga bestida. Hindi ko tuloy maiwasang mahiya sa aking itsura kumpara sa kanila. Tinapik ako sa balikat ni Fugar at itinuro ang karwahe sa unahan na tila inihanda niya para maghatid sa amin. Tila isa pa ngang prinsesa na inalalayan niya ako sa aking pagsakay. Maraming babae ang napapatingin sa aming gawi at nagtataka. Nagsimula na maglakbay ang karwahe. Nakatingin ako sa aming nadaanan. Aaminin ko na abot abot ang aking kaba. Alam ko na pagkatapos ng gabing ito ay malalaman nila na isa akong binibini at hindi isang ginoo. Ngayon pa lang ay iniisip ko ang magiging reaksyon nila lalo na ang prinsipe. Tumigil ang karwahe senyales na nasa palasyo na kami. Nilahad muli ni Fugar ang kanyang kamay at inalalayan ako sa aking pagbaba. Nagtataka ako dahil tila nakuha ko ang atensyon ng lahat. Marahil dahil kasama ako ng isa sa mga bantay ng prinsipe. "Sino ang binibini?" "Saan bayan siya nagmula?" "Ngayon ko lamang siya nakita." "Napakaganda niya." "Marahil nobya siya ni Ginoong Fugar." "Napakaswerte naman ng ginoo." Napayuko ako ng ulo dahil ako ang naging laman ng mga usap usapan. Pinahawak naman ako ni Fugar sa kanyang braso habang pinapasok namin ang palasyo. Bumungad sa amin ang klasikal na musika mula sa mga musikero na naglilingkod sa palasyo. "Fugar, buti nakarating ka." Nakangiting bati ni Xell sa kanya kasama si Chika at ibang kalalakihan Yumuko naman si Fugar sa kanila bilang kanyang pagbati. Napatingin sila sa akin at nangingiting napatingin kay Fugar. "Hindi mo isinama si Zarro?" Tanong ni Chika sa kanya. "Iniwan mo mag-isa siya?" Umiling si Fugar at hinila ako sa kanyang harapan para sabihin na kasama niya ako. "Oo. Halata ngang may kasama kang binibini pero sana isinama mo man lang siya." Nagagalit na sambit ni Chika. Napahiling ako ng ulo dahil tila hindi ako nakikilala nina Xell at Chika. "Chika, ako ito." Sambit ko sa kanya. "Ang kaibigan mong si Zarro." Nakangiwing dagdag ko. Agad napalingon sina Xell at Chika sa akin. Tinignan nila ang aking kabuuan na tila inaalam kung ako nga ba si Zarro, ang ginoong inakala nila. "May pagkahawig ka nga sa kanya pero hindi magandang biro iyan, binibini." Hindi naniniwalang sabi ni Xell sa akin. Tumingin ako kay Fugar dahil hindi sila mga naniniwala. "Siya ang manggagamot." Sambit ni Fugar sa dalawa. "Isinama ko siya rito dahil imbitado rin siya sa okasyon. Isa siyang binibini." Natahimik sina Xell at Chika. Hindi alam kung saan sila mas nagulat. Sa pagsasalita ni Fugar o ang sinabi niya na ako nga si Zarro na kilala nila. Napakamot ako ng batok. "Chika at Xell, pasensiya na kung hindi ko agad sinabi sa inyo pero isa akong babae. Hindi rin Zarro ang pangalan ko kundi Zorra." Nahihiyang sabi ko. Nahihiyang napakamot ng batok si Xell. Naalala niya siguro ang araw ng muntikan na niya akong patayin. Hindi ko naman ikinasasama iyon ng loob. Wala siyang ideya sa tunay kong kasarian. Niyakap naman ako ni Chika. "Hindi ko akalain na isa kang babae." Natatawang sabi niya. "Napakaganda mo para itago ang gandang ito." Nahihiyang inipit ko ang buhok sa likuran ng aking tenga. Natatawang napailing na lang si Xell at tinignan ang iba nilang kasama. "Gusto ka nga pala makilala ng iba naming kasamahan." Sambit ni Xell at tinuro ang tatlong lalaki nilang kasama. Agad naman sila lumapit sa akin at nag-uunahan na naglahad ng kanilang mga kamay. "Ako nga pala si Vigor, Binibini." "Philo." "Dyun, ang pinakagwapo." Natatawang nakipagkamay ako sa kanilang tatlo. "Zorra." Pakilala ko sa tunay kong pangalan. "Umayos nga kayo." Suway ni Chika sa tatlong lalaki na hindi mawala ang mga ngiti sa kanilang labi. "Padating na ang prinsipe." Sambit naman ni Xell at tumingin sa ikalawang palapag ng palasyo kung saan magmumula ang maharlikang pamilya. Tumunog ang mga torotot para ihanda ang lahat sa kanilang pagdating. Nagsiluhuran kami katapat ang pulang latag sa sahig. Narinig namin ang mga yabag ng sapatos na paparating. "Mabuhay ang ating Hari!" "Mabuhay!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD