[Zorra's pov]
Nang makaupo sa kanilang trono ang maharlikang pamilya at nagsimula na muli ang tugtugan at musika. May mga magkasintahan na masayang sumayaw sa gitna ng buong lugar. Mayroon rin mga kababaihan na nagpapaganda sa direksyon ng prinsipe na nasa kanyang trono.
Hindi ko tuloy maiwasang mapatingin sa prinsipe. Halata ang pagkabagot niya at walang kainteres sa nagaganap na okasyon. Mukhang napilitan lamang siya pumunta rito base sa kanyang itsura.
"Hanggang ngayon ay ayaw pa rin ng ating prinsipe sa mga ganitong selebrasyon." Natatawang sabi ni Vigor. "Tignan niyo ang kanyang itsura."
"Siguradong mainit na naman ang ulo niyan sa atin mamaya." Iiling iling naman sabi ni Philo. "Tayo na naman ang mapag-iinitan ng ulo."
"Sana kasi umibig na ang ating prinsipe para magkaroon man lang ng tamis ang kanyang buhay." Komento naman ni Dyun saka uminom sa kopita ng alak na hawak niya.
Natatawang napailing na lang ako sa sinasabi nila. Ang lalakas ng loob nila dahil hindi sila naririnig ng kanilang prinsipe.
"Akitin mo kasi, Chika." Panunudyo ni Dyun sa katabing si Chika at mapang-asar na sinisiko ito. "Bali-balita sa mga bayan na ikaw ang mapapangasawa ng ating prinsipe."
Napairap naman ang babae. "Bakit ko naman gagawin iyon? Hindi ko naman gusto ang prinsipe saka may lalaki akong nagugustuhan kaya tigil tigilan niyo ko." Nakasimangot niyang sabi saka naghalukipkip bg kanyang mga braso.
Biglang humarap sa akin si Xell at napangisi. "Naalala ko lang malimit kang kamustahin sa amin ni Prinsipe Ranzell." Sambit niya kaya lahat sila ay tila may naisip at napangisi sa aking direksyon. "Hindi normal na mag-alala siya sa isang tao."
"Oo nga. Napapansin ko rin iyon." Sang-ayon ni Philo habang tinataas baba ang kanyang mga kilay. "Kakaiba ang kanyang pag-aalala sa kanya. Hindi talaga normal kumbaga."
Napapitik naman ng kanyang daliri si Dyun. "Muntikan pa siyang tumakas sa kanyang trabaho para lang bisitahin ang ating binibini." Komento naman niya.
Lahat sila ay tumingin sa akin na may kakaibang ngiti. Nagkibit balikat na lang ako sa takbo ng kanilang usapan. Alam ko na isa lang naman iyon biro kaya hindi ko kailanganin ipersonal.
Naiba ang tugtog na mga musikero at doon nagsimulang magsayaw ang Inang Reyna at Amang Hari sa gitna ng selebrasyon. Natigil ang lahat para panuorin ang mag-asawang namumuno ng kaharian ng Alphammus. Ito ang unang beses na nakita ko sila at masasabi ko na mabubuti silang mga pinuno. Ramdam ko ang paghanga at paggalang sa kanila ng lahat ng imbitado.
Nagkaroon ng kaguluhan ng bumaba rin sa trono ang prinsipe. Halata sa mukha niya na napipilitan siya na bumaba para makisalamuha sa mga kababaihan na nag-aabang sa kanya. Umaasa ang mga babae na aalukin sila ng prinsipe na sumayaw tuwing mapapadaan siya sa mga ito.
Napailing na lang ako ng ulo at kumuha ng ilang pagkain at inumin sa mga nakahain. Dito ko na lang muna siguro aabalahin ang sarili. Habang kumakain ako ay nakita ko sa hindi kalayuan si Calista. Magandang maganda rin siya sa kanyang kasuotan. Walang pag-aalinlangan na lumapit ako sa kanya.
"Calista!" Masayang bati ko sa kanya.
Nalilito namang tumingin sa akin si Calista. "Kilala mo ko magandang binibini?" Tanong niya habang nakaturo sa kanyang sarili.
"Ako ito si---"
"Mga binibini!" Putol sa akin ng ilang kalalakihan at lumapit sa amin ni Calista. "Maaari ba namin kayo samahan?"
Halata sa uri ng kanilang paglapit na wala silang magandang intensyon. Hindi naman namin sila basta pwedeng paalisin dahil halata sa kanilang kasuotan na nagmula sila sa mga kilalang pamilya. Naramdaman ko pa ang pag-akbay sa akin ng isa sa kanila at hinapit palapit sa katawan nito.
"Pakibitawan ako, Ginoo." Pakiusap ko sa kanya at pilit na kumakawala sa hawak niya.
"Binibini, huwag kang malikot. Kami lamang ay nagnanais na makipagkilala sa iyo." Sambit niya at malagkit na tumitig sa aking dibdib na natatakpan ang aking suot na bestida.
Napakuyom ako ng kamay at sinamaan ko siya ng tingin habang patuloy na kumakawala sa kanyang hawak. Ngunit may naghawi ng kamay na iyon paalis sa aking balikat at pinilipit sa kanyang likuran.
"Aww!" Hiyaw niya sa sakit. "Bitawan mo ko! Hindi mo ba ako nakikilala? Ako lang naman ang tagapagmana ng pamilyang Herliz!"
Kaysa tulungan siya ng mga kasama niya at natatakot sila napaurong nang makilala ang taong nagpilipit ng kamay ng lalaki. Tinignan ko naman ang taong nagligtas sa akin at naroon si Fugar na pinapatay sa tingin ang lalaking bastos.
"Tama na iyan, Fugar." Pigil ko sa kanya. "Baka mabalian mo siya."
Patulak naman binitawan ni Fugar ang lalaki bago tumabi sa akin. Hindi pa rin nawawala ang tingin niya na puno ng pagbabanta sa grupong iyon.
"G-G-Ginoong Fugar..." Natatakot na sabi ng lalaking bastos at halos takasan ng kulay ang kanyang mukha.
Tumakbo sila palayo na ikinahinga ko ng maluwag dahil hindi na masyadong lumaki ang gulo. Kaya ko naman depensahan ang aking sarili ngunit hindi ko pa rin kayang manakit ng aking kapwa. Malaki ang pasasalamat ko sa pagdating ni Fugar.
"Salamat Fugar."
Tumango lamang siya bago inilahad ang kanyang kamay. Mula sa kanyang porma ay inaalok niya ako sumayaw sa gitna. Doon ko lang rin napansin na nandoon ang mga kasamahan niya na maligayang mga nagsasayaw.
"H-Hindi ako marunong sumayaw." Nakangiwing sabi ko habang nagdadalawang isip na tanggapin ang kanyang kamay
Ngumisi si Fugar at walang pag-aalinlangan na hinila ako patungo sa gitna. Inilibot ko ang tingin at nakikita ko ang mga naiinggit na tingin ng mga kababaihan. Kahit hindi palasalita itong si Fugar ay hindi maitatanggi na may taglay siyang kakisigan kaya marami ring babae ang humahanga sa kanya. Pumangalawa siya sa taong gusto mapangasawa ng mga dalaga sa mga bayan.
"Fugar, pinagtitinginan tayo." Bulong ko sa kanya.
Hinawakan niya ang aking mga kamay saka ipinatong iyon sa kanyang balikat. Hinawakan niya naman ako sa aking bewang bago sinimulang isayaw ang aming mga katawan mula sa ritmo ng musika. Nawala ng kaunti ang aking kaba habang nagsasayaw kami ni Fugar kaya hindi ko napigilang mapangiti sa kanya. Nagpaikot ikot kami na tila nagsasayaw sa gitna ng mga nagsasayaw. Pabilis ito ng pabilis sa bawat pag-ikot namin.
Nagulat ako ng bigla akong bitawan ni Fugar kaya nawalan ako ng balanse at nagpatuloy sa pag-ikot hanggang bumangga ako sa isang lalaki na agad naman ako sinambot. Naramdaman ko ang pagyakap sa aking bewang ng lalaki na nahandog ng kakaibang kuryente sa aking buong katawan.
Katulad ito nang unang mahawakan ako ni Prinsipe Ranzell.
Dahan dahan ako lumingon at laking gulat ko na makita si Prinsipe Ranzell ang lalaking sumambot sa akin. Binalik ko ang tingin kay Fugar na ngumisi lang sa akin bago umalis sa kalagitnaan ng mga sumasayaw. Alam ko na sinadya niyang itulak ako patungo sa kanilang prinsipe.
Nanginit ang aking pisngi nang mapagmasdan ang kanyang kamay na nasa aking bewang. Napatikhim ako ay lumayo sa prinsipe na kunot noong nakatingin sa akin.
"Ayos ka lang ba, Binibini?" Nag-aalalang tanong ni Prinsipe Ranzell
Tumango ako saka nahihiyang napatingin sa kanyang mukha. Ibang iba ang itsura niya ngayon kumpara sa una ko siya nakita. Nababagay sa kanya ang bahong kasuotan mula sa karaniwan niyang puting damit. Natawa ako nang maalala ang karaniwan niyang anyo. Kung hindi siya kilala ay walang mag-aakala na siya ang prinsipe ng Alphammus.
Napasinghap ang lahat ng mga nakapalibot sa amin ng biglang maglahad ng kanyang kamay si Prinsipe Ranzell sa akin. Pasimple ko inilibot ang tingin sa paligid at nakita ko ang kakaibang ngiti ng kanyang mga tagabantay na nanunuod sa amin. Kahit ang kanyang Inang Reyna at Amang Hari ay binibigyan ako ng tingin na tanggapin ko ang kamay ng kanilang anak.
Napabuntong hininga ako at nanginginig na tinanggap ang kamay ni Prinsipe Ranzell. Giniya niya ako sa pinakagitna saka doon kami nagsimulang magsayaw mula sa ritmo.
Nakatitig pa rin sa aking mukha ang prinsipe kaya nagtatakang napatingin ako sa kanya. "Mayroon ba akong dumi sa aking mukha?" Kinakabahang tanong ko.
Umiling siya. "Pakiramdam ko kasi ay kilala kita." Kunot noong sabi niya. "Napakapamilyar ng iyong amoy at presensiya. Halos katulad ito ni Ginoong Zarro."
Napangiti ako sa kanyang sinambit. Napakalakas talaga makiramdam ng prinsipe. Siya lamang ang tila ang nakakilala sa akin ngayon gabi. Tulad ng makilala niya ako sa gubat gamit lang ang aking presensiya at amoy.
Hindi ko tuloy maiwasang mapaamoy muli ako sa aking sarili. Sigurado naman ako na nakapaligo ako ngayon at may ginamit na pabango mula sa dagta ng mga tinindang halaman ni Calista. Humahalimuyak rin ang koronang bulaklak na inilagay sa aking ulunan ni Fugar.
Humarap muli ako kay Prinsipe Ranzell at nginitian siya na labis niyang ikinagulat. Ngunit napawi ang aking tingin ng mapatingin sa kanyang likuran. May isang mabilis ba bagay ang patungo sa kanilang kinaroroonan. Agad ko kinuha ang tinago kong punyal sa gilid ng aking bestida saka tinulak sa aking likuran ang prinsipe. Sinangga ko ang mga kunai na patungo sa kinatatayuan ng prinsipe.
Marami ang napasigaw sa gulat nang makita ang nangyari. Agad na umaksyon ang mga tagabantay ng prinsipe at pinaikutan kami.
Mula sa kadiliman ay lumabas ang mga nagtatagong lalaking nakamaskara. Nakita ko na noon ang kanilang maskara. Sila ang umatake noon sa prinsipe sa kagubatan. Mukhang nandito sila para ipagpatuloy ang naudlot nilang plano.