[Zorra's pov] "Binibini." Seryosong sambit ni Prinsipe Ranzell at tinulak ako palayo sa isang gilid. "Umalis ka na. Iligtas mo ang iyong sarili." Nagsimula nang magkagulo ng magsitakbuhan ang mga panauhin ng selebrasyon para iligtas ang kani-kanilang mga sarili. Tanging naiwan ang ibang lalaban para tumulong na puksain ang grupo na nakamaskara. Tulad na lamang nina Ginoong Zeur at Pinunong Xiara saka iba pang kasapi ng iba't ibang pangkat. Inilibot ko ang tingin at habang tumatagal ay dumadami ang dumadating na mga kalaban na nakamaskara. Alam ko na pursigido ang mga lalaking maskara na tapusin siya ngayon. Hindi ko pwedeng iwanan ang prinsipe. Hindi kakayanin ng aking konsesiya na mamatay siya rito. Maaari ko siya matulungan sa oras na mapanganib muli ang kanyang buhay. Ga