[Zorra's pov] Nanatili ako sa palasyo habang abala sina Fugar sa pangangalaga ng kanilang prinsipe. Bigla na lamang itong tumumba sa hindi malaman na dahilan. Walang sugat sa katawan silang nakita mula sa kanya para magkaganito siya. Sinubukan rin nilang tignan kung may lason sa kanyang sistema. "Anong sabi ng manggagamot ng inyong palasyo?" Seryosong tanong ko kina Chika nang lumabas sila sa kwarto ni Prinsipe Ranzell. Umiling sila ng ulo para sabihin walang makitang resulta ang kanilang manggagamot. Inaasahan ko na rin iyon ang magiging resulta nila. "Sinubukan namin pakiusapan ang mga manggagamot para ipatingin siya sa iyo ngunit hindi sila pumayag na pahawakin siya sa hindi kilalang manggagamot." Naiinis na sambit ni Xell saka sinuntok ang pader sa sobrang galit. "Tanging