Hindi ako dinalaw ng pagkaantok dahil sa pag-iisip tungkol sa sinasabi nilang sagradong okasyon. Maingat ako bumangon sa aking higaan para hindi magising sina Binibining Lilo at Binibining Fana na nagbabantay sa akin sa kwarto. Lumapit ako sa may bukas na bintana at pinagmasdan ang magandang tanawin ng kalangitan sa gabing ito. "Napakaganda ng gabing ito." Bulong ko sa hangin. Napakaliwanag ng buwan. Nagkiskislapan rin ang mga bituin. Malamig ang simoy ng hangin. Napakatahimik. Matagal na rin nang huli ko ito maranasan. Ngayon lang muli ako nakaramdam ng kapayaan mula ng tumakas sa pagpapakasal kay Prinsipe Charde. Pinikit ko ang aking mga mata at pinalangin na tumagal pa ang kapayaan na ito. Lumakas ang hangin at tinangay nito ang ilang hibla ng aking buhok. Hinawi ko ang buho