Ikadalawangpung Apat na Kabanata

1390 Words

Nakahinga ako ng maluwag nang marating ang kwartong pinamamalagian ko rito sa palasyo. "Aaaarggh! Sino ba ang mga binibining iyon at ganoon sila na umasta?!" Nanggagalaiting sambit ni Binibining Lilo pagkasara na pagkasara ng pintuan ni Fugar. "Kung hindi pa nagpakita si Ginoong Fugar baka hindi tayo tinantanan ng mga iyon." Napadako naman ang tingin ko sa tagasilbing kasama namin. Kanina pa ito nakayuko at tahimik na umiiyak. Kinuha ko ang mga ilang gamot na ginawa ko habang tinuturuan ko rito sa palasyo si Binibining Lilo na gumawa ng gamot. Nilapitan ko ang tagasilbi at pinaupo siya sa isang silya. Natigilan pa ito nang pahiran ko ng gamot ang namamaga niyang pisngi. Namamangha siyang napaangat ng tingin sa akin nang maramdaman ang paggaling ng kanyang pisngi. "M-Maraming salamat po

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD