Chapter 4

1422 Words
ALEX MAAGA akong dumating lugar nang tagpuan. Alas sais ang usapan at saktong alas sais ay naroon na ako. Matapos akong ihatid ng aming driver at agad na rin itong umalis matapos akong tulungang ibaba ang aking mga gamit. Hindi ko alam kung ilang araw kaming mananatili roon kaya naman nagbaon ako ng maraming damit upang makasiguro. Inabot ng halos tatlong maleta ang dala ko para sa lakad na iyon. Agad kong natanaw si Klaus kasama ang iba na halos hindi ko kilala. Palipat-lipat ang kanilang tingin pagitan ko at ng aking mga bagahe. Daig pa ng mga ito ang nakakita ng multo. “What's your problem?“ mataray kong turan sa mga ito. “Didn't your teacher taught you that it's rude to stare?“ Agad namang natauhan ang mga ito at mabilis na nag-iwas ng mga tingin. Apat na mukha na hindi ako pamilyar ang naroon. Dalawang babae at dalawang lalaki. I'm glad that Adam wasn't there. Mukhang hindi na natuloy ang pagsama nito. “What are those?“ kunot-noong tanong ni Klaus nang makalapit ito sa akin. “My things, duh?“ mataray kong saad. “Baka nakakalimutan mo, pupunta ka ro'n para magtrabaho. Hindi ka magbabakasyon,” inis na turan ni Klaus. “These are my working clothes and stuff. I need all of them,” tugon ko. Hindi ko gusto ang nakakalokong ngiti na naglalaro sa kaniyang mga labi. “Anong laman ng mga 'yan?“ usisa nito. Matalim akong umirap ngunit sa huli ay sinagot ko rin ang kaniyang tanong. “This one are my clothes. The pink one is my make up and other toiletries, and the last one are my shoes and bags.“ “You have threes huge luggage, and yet, you still have a hug duffel bag on you? Dala mo ba ang buong bahay mo?“ Tiningnan niyang muli ang aking mga maleta na tila ba kinakabisa iyon. Matapos ang ilang minuto ay tumalikod na ito at nag-ayang umalis. “Let's go,” turan nito. “Who are these people?“ tanong ko habang nakatingin sa apat na taong nakatayo malapit sa kotseng aming sasakyan. Napatigil ito sa paglalakad at kunot-noong lumingon sa akin. “Hindi mo kilala ang mga empleyado mo? They are working for Core International for more than three years now,” tanong ko. “Well, I'm not good with names. Do you expect me to know the names of every single employees in my company?“ sarkastikong turan ko. “No. But I expect you know the names of the people who works under your deparment,” malamig nitong turan. Bahagya pa akong nagulat nang malaman na mga empleyado na nagtatrabaho sa akin ang mga kasama namin sa biyaheng ito. Nang makalapit ako sa sasakyan ay isa-isang nagpakilala ang mga ito. Ang matangkad at may itsurang lalaki ay nagngangalang Harold. Habang ang maliit, medyo may katabaan, at nakasalaming lalaki ay nagpakilalang Carlos. At ang kasama nilang babae ay naglahad ng kamay at napagkilalang Tammy. Ngunit kapansin-pansin ang isang babaeng hindi lumapit sa akin upang magpakilala. Nanatili itong nakatayo malapit sa pinto ng sasakyan habang pinanonood si Klaus na kasalukuyang nagkakarga ng mga gamit. Maganda ito at nakakasilaw ang kutis dahil sa labis na kaputian. Halatang alaga rin ang mahaba at tuwid nitong buhok. Nakasuot ito ng simpleng pantalon at blusa ngunit nangingibabaw ang angkin nitong ganda. Hindi ko tuloy naiwasang ikumpara ang aking sarili. Bagama't hindi naman ako nagpapahuli sa ganda at kinis ng kutis, hindi ko pa rin maiwasang ma-insecure dahil tila ba mala-anghel ang kaniyang itsura kumpara sa natural na masungit kong mukha. Tawag ng karamihan sa ganitong itsura ay resting bìtch face. Maayos ang pagkakaahit ng aking kilay na tumugma naman sa bilugan kong mga mata. Katulad ng babae ay mayroon din akong natural na mapupulang labi ngunit natatago iyon sa likod ng makapal na make up. At dahil hindi ito lumapit ay ako na ang lumapit dito upang mapilitan itong magpakilala sa akin. Mukhang ito lang ata sa mga empleyado ang hindi nakakakilala sa akin. “And you are…” wika ko. “Oh, I'm sorry. I forgot to introduce myself. I'm Jordan,” pakilala nito sabay lahad ng kaniyang kamay. Agad ko naman iyong tinanggap at nakipagkamay rito. “Are you also working on my department?“ tanong ko. “Oh, no! I'm not working in your company. Isinama lang ako ni Klaus dito,” turan nito. Saglit akong natigilan. Agad na bumilis ang t***k ng aking puso. Bigla akong kinabahan ng malala na hindi ko maintindihan kung bakit. “K-Kasama ka ni Klaus?“ ulit kong tanong. “Yes. Ang totoo n'yan, hindi n'ya talaga ako isinama. Nagpumilit lang akong sumama dahil naiinip na ako sa bahay. I'm here for a vacation,” nakangiting turan nito. When she's talking, she's radiating this illuminating aura as if angels in heaven were singing and praising her. “M-Mabuti naman at napilit mong isama ka ni Klaus. Hindi kasi 'yan basta-basta nagsasama ng kahit sino kapag may trabaho,” wika ko. “Well, I'm not just anybody. I'm his fiancée.“ Hindi ko alam kung bakit ngunit parang biglang gumuho ang mundo ko nang marinig ko ang kaniyang tinuran. Alam kong wala akong karapatang makaramdam ng ganito ngunit hindi ko pa rin maiwasang masaktan. It's been years since we broke up, I shouldn't be feeling this way. Napapitlag pa ako nang may biglang humila sa hawak kong maleta. Mabilis akong napalingon sa pangahas na bigla na lamang humila sa aking maleta. “What are you doing?“ takang tanong ko kay Klaus nang mamamataan ko itong kinukuha ang aking mga gamit. “I'm going to put this in the trunk. Would you like to do it by yourself?“ masungit nitong saad. Tila bigla naman akong natauhan. Agad kong binitiwan ang aking maleta saka upang ipaubaya rito. “This is where your clothes are, right?“ tanong nito. “Yes, why?“ kunot-noong turan ko. “Nothing.“ Nagkibit-balikat pa ito bago dinala ang aking maleta patungo sa likod. Makalipas ang ilang minuto ay narinig kong isinarado na nito ang trunk at mabilis na nagtungo sa may gilid ng sasakyan. “Let's go,” aya ni Klaus. Bago pa man makapasok ang kahit na sino ay mabilis akong kumilos upang pumuwesto sa paborito kong lugar. Lagi akong umuupo sa passenger seat na malapit sa bintana at nasa likod ng driver. Iyon kasi ang pinakakomportableng puwesto kapag bumabiyahe. “Alex, do'n ka sa likod.“ Narinig kong turan ni Klaus. “You know, I don't like to seat at the back,” mataray kong saad. “Jordan can't seat at the back dahil madali s'yang mahilo. You have to move,” giit ni Klaus. “Eh, 'di sana hindi s'ya sumama kung madali pala s'yang mahilo,” mataray kong saad. “Alex….“ may pagbabantang turan ni Klaus. Lahat ay nakatitig lamang sa amin habang nagtatalo kaming dalawa. Pinairal ko ang katigasan ng aking ulo kaya naman hindi ako kumilos upang lumipat. “Alex, if you don't move, I swear to God I'll drag you myself,” mariing turan nito. Nakaramdam ako ng kirot dahil sa mariing turan ni Klaus. Nanumbalik sa akin ang mga panahon na halos makipagpatayan pa ito sa iba naming mga kaklase sa tuwing may field trip para lamang ibigay sa akin ang puwestong ito. Ngunit ngayon ay halos ipagtabuyan na niya ako para lamang ibigay ang upuang ito sa babaeng nasa tabi niya. It's not your place anymore, Lex, bulong ko sa aking sarili. Mabigat ang loob akong kumilos at lumipat sa may bandang likuran. Katabi ko roon ang tatlong empleyado na kanina ko lamang nakilala. Itinuon ko na lamang ang aking atensyon sa labas ng bintana upang hindi ko na makita ang mga ito. Ramdam ko ang panaka-nakang paglingon ni Klaus sa akin ngunit nananatili akong nakatingin sa labas ng bintana. Maya-maya pa nga ay naramdaman ko na ang pag-andar ng aming sasakyan. Habang nakatanaw ako sa labas ay nahagip ng aking mga mata ang dalawang pamilyar na maleta. “A-Are those my bags?“ turan ko. “What the…hell…” Lumingon pa ako sa likuran upang masigurong hindi ako namamalikmata. Napanganga ako at halos lumawa ang aking mga mata nang makita kong iisa lamang ang maleta kong naroon sa likod ng sasakyan. “Klaus, what have you done with my bags!“ malakas kong hiyaw na umalingawngaw sa loob ng sasakyan. “We have no more space. Besides, you won't need those things,” nakangising turan nito. *************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD