ALEX
KANINA pa sumasakit ang aking ulo sa kakaisip kung paano ko gagawan nang solusyon ang nalalapit na pagkalugi ng aming kompaniya. Ilang oras na akong nakatitig sa financial report na hiningi ko sa sekretarya ni Daddy ngunit kahit anong gawin ko ay wala akong maisip na paraan upang maisalba ang kompaniya nang hindi humihingi nang tulong sa iba, lalong-lalo na kay Klaus.
I've been working as the General Manager of Core International for quite some time now. And it pains me to know that I never had any idea what's happening with the company. Bakit hindi ko man lang natunugan na hindi na maganda ang lagay ng kompaniya?
My reports regarding the operation has always been positive. We were actually planning on exporting some of goods overseas. Kaya't paanong bigla-bigla na lamang ay malulugi na ang kompaniyang pinaghirapan itaguyod ng aking ama?
"Argh!" inis kong sigaw saka pabagsak na sumandal sa aking swivel chair. Bahagya kong hinilot ang aking sentido, umaasang baka sakali ay maibsan noon ang sakit ng aking ulo.
Napabaling ako sa may bandang pinto nang makarinig ako nang mahinang katok mula roon.
"Come in," hiyaw ko bilang tugon.
Maya-maya pa nga ay bumukas ang pinto ng aking opisina at iniluwa noon ang pamilyar na pigura na hinding-hindi ko makakalimutan.
"Am I interrupting something?" bungad nitong tanong nang makapasok ito.
Mabilis akong umayos nang upo at pilit na ginawang pormal ang aking sarili sa harap nito.
"Yes," maikling tugon ko rito. Muli kong ibinalik ang aking paningin sa bundok ng papel na nasa ibabaw ng aking mesa.
"Have you think about my offer?" tanong nito habang marahang naglakad patungo sa mahabang sofa na nasa gitna ng aking opisina. Umupo ito sa mahabang sofa na nakaharap sa aking lamesa at pagkatapos ay ipinatong ang kaniyang mga braso sa ibabaw ng sandalan.
"I have nothing to think about because you're offer wasn't in my choices in the first place," mataray kong turan dito.
He chuckles, "Why do you sound like as if I was the one at fault here? May I remind you that you're the left who left me on our wedding day. Kung mayroon mang may karapatang magalit sa ating dalawa, ako 'yon."
"Exactly my point! You should be mad at me, not helping me!" Hindi ko na napigilang pagtaasan ito ng boses. His presence makes me nervous and I tried to hide it by shouting at him.
"Alexis, it has been five years since it happened. I already moved on. I don't see any reason to be mad at something that was already done. You're family is a good friend of ours. And if Tito Daniel needs my help, then I'll help."
Parang naging malabo ang mga kasunod nitong sinabi matapos kong marinig ang una niyang tinuran. Bigla akong natahimik. Hindi ko maipaliwanag ang tila kurot na sa aking puso nang manggaling mismo sa mga labi nito na naka-move on na siya. May parte sa aking puso ang naiinis dahil sa loob nang limang taon ay hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kaniya.
I didn't leave that day because I didn't love him anymore. I love him so much that I need to make that decision in order for us to have a future together. Ngunit mukhang nagkamali ata ako. Isang pagkakamaling hindi ko na kailanman mababago.
Bumuntonghininga ako bago muling nagsalita, "What would you get out of this?"
"We want to expand our horizon. And your company would be perfect for it. It was the plan since the beginning, hence, the wedding. The goal was to merge two multi-million food corporation in order to pushover other competitors. Thus, we can now dominate the market."
Kumunot ang aking noo dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko napigilang ulitin sa kaniya ang bagay na iyon. Umaasa akong baka nagkamali lamang ako nang pag-intindi.
"What did you say? The wedding? You mean our wedding was nothing but a business plan to you?"
Ngumisi ito at mahinang tumawa. "Don't get me wrong, Alexis. I do love you, really, I do," diin niya. "But we can't pretend that it wasn't the whole purpose of the merger."
Mapakla akong tumawa saka pilit na ngumiti. "Oh, I'm sorry!" kunwa'y gulat ko pang saad. "And here I thought it was for love," sarkastikong saad ko.
"You know what I mean—"
"Oh, yeah! I know what you mean," maagap kong putol sa kaniya bago matalim itong tinitigan.
Ilang minuto rin kaming nagtagisan nang tingin hanggang sa ito ang unang bumawi. Bumuga ito nang malakas na hangin saka umayos nang upo. Akmang muli itong magsasalita nang katulad kanina ay maagap ko siyang pinutol.
"Let me get this clear, Klaus..." saying his name feels weird to me, "...I have no plan on selling my company to you."
"I'm not trying to buy you out," he chuckles. "Look, if you're not comfortable with this set up, it's fine. I understand. As I said before, I would never squeeze myself into places I'm not welcome." Tumayo ito mula sa kaniyang pagkakaupo. "Don't bother. I'll see myself out," turan nito bago tuluyang humakbang patungo sa pinto.
Mariiin kong kinagat ang pang-ibaba kong labi habang patuloy na nagtatalo ang aking kalooban. Maybe, I was taking this matter personally. I would like to think that his intention to help was geniune and that he has no other motive.
Ngunit hanggang sa huli ay nanaig pa rin ang aking pagdududa rito kaya nanatili lamang akong tahimik hanggang sa tuluyan nitong maisara ang pinto.
Napabuga ako ng hangin saka muling pabagsak na sumandal sa aking upuan. Ang ilang minutong pag-uusap namin na iyon ni Klaus ay tila umubos sa lahat ng aking enerhiya. Bigla akong binalot ng kakaibang pagod. Pagod na hindi kayang punan nang kahit anong pahinga.
Binigyan ko nang ilang oras ang aking sarili upang pag-isipang mabuti ang susunod kong mga hakbang. Ayaw ko rin namang maapektuhan ang aming kompaniya dahil lamang mas pinipili kong mangibabaw sa akin ang bugso ng damdamin. Kailangan kong paghiwalayin ang trabaho at personal kong buhay.
*
*
*
“DAD, what's this?“ humahangos kong turan sa aking ama nang magtungo ako sa kaniyang opisina.
“What exactly are you asking dear?“
“You offer the CEO position to Adam?“
Adam is my cousin. He has been eyeing for that position for as long as I can remember. He was currently the Head of Finance of Core International Corporation. He has been my rival ever since we started working here in the company. My dad knows that and I can't believe that he's willing to give that position to him instead of me.
“Yes, it's true, Alex,” he casually answered.
“That's it? Hindi ka man lang ba magpapaliwanag kung bakit mo ginawa 'yon?“ inis kong saad.
“I don't have to explain myself to you, Chandria,” seryosong turan nito. “Malinaw naman ang sinabi kong kondisyon upang mapasayo ang posisyon. At dahil mariin mo ring tinanggihan ang alok ko sa 'yo, kaya naman inalok ko na lamang ito sa iba,” kibit-balikat nitong saad.
“It's not that I didn't want the position. Alam mo kung gaano ko pinangarap ang posisyong iyon, dad. What I don't like is the idea that I need to undergo training and work with Klaus. Bakit ba nasama pa s'ya sa usapang ito?“
“Malaki ang tiwala ko kay Klaus, anak—”
“At sa akin, wala kang tiwala? Gano'n ba, dad?“
“You're my daughter. Kilala kita mula ulo hanggang paa. At alam ko ring malaki ang potensyal mo. But at the same time, I also know you're weakness. You tend to be cocky and over confident. That's a very dangerous traits, my dear. I need to do something about it,” paliwanag nito.
“At sa tingin n'yo talaga makakatulong ang Klaus na 'yon?“ sarkastikong turan ko.
“Naniniwala akong walang ibang kayang gumawa noon maliban sa kaniya. He's a great businessman at sigurado akong marami kang matututunan sa kaniya. It's a win-win situation,” katwiran pa nito.
“At ano, ibibigay n'yo na lang kay Adam ang posisyon nang walang kondisyon? Samantalang ako ang anak mo at siyang nararapat na magmana ng mga pinaghirapan mo.“
“Oh, no dear. I also asked Adam to do the same. He will also work under the supervisory of Klaus. And he already agreed on it,” dagdag pa nito.
“Are you fùcking serious, dad?“ hiyaw ko.
“Language, Chandria,” banta nito. “I don't know why you're acting like this. Eh, ang simple-simple lang naman ng kailangan mong gawin para mapasaiyo ang posisyon. The decision is yours, Alex. Klaus will go to our farm tommorow to check on our products. Mayroon ding iilang problemang kailangang pagtuunan ng pansin dahil sa nakaraang tagtuyot. You can go with him if you want. But remember that if you didn't show up, the position will go to Adam,” paalala pa nito.
“You can't do this, dad.“ Halos may himig na ng pagmamakaawa ang aking tinig. Hindi ko alam kung anong mangyayari kung sakaling sumama ako kay Klaus sa plantasyon.
Bakit natatakot ka bang malaman n'yang may nararamdaman ka pa rin sa kaniya? aniya ng munting tinig sa aking isip.
“I already did, anak. But this decision isn't final. Ikaw pa rin ang may hawak kung anong mangyayari sa sitwasyong ito. The position is basically yours. If you only do what I wanted in return. Mayroon ka hanggang bukas ng umaga para madesisyon. Sabay-sabay silang pupunta sa plantasyon kasama ang ibang mga empleyado. Narito ang address kung saan sila magkikita-kita.“
“I don't have to. I can use my car,” mataray kong saad.
“No, Alex. You need to go with them. This is what I'm talking about. You don't even know how to a team player. Hindi ka marunong bumaba sa level ng mga tao mo. Paano mo sila maiintindihan at paano ka rin nila maiintindihan kung ayaw mong bumaba sa pedestal?“
“Of course, I do!“ giit ko.
Tiningnan lamang ako ni dad na para bang hindi ito naniniwala sa aking sinabi.
“Yeah, right. Sige nga, sabihin mo sa akin kung sino ang kilala mo sa mga tao dito sa opisina. Except from the bosses, of course.“
Mariin akong napalunok. Saglit akong nag-isip. Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi habang patuloy na nag-iisip ng pangalan.
“Gentle, I know Gentle,” kumpiyansa kong sagot.
Napairap sa hangin ang aking ama nang marinig niya ang aking sagot. “Of course, you know her. She's your secretary.“
Muli akong nag-isip ng pangalan upang mapatunayan dito na mali ito nang sinabi. “Emmy, I know Emmy.“
“Emmy who?“ tanong nito.
“E-Emmy, you know, t-the one who…”
“Stop it, Alex. We have no employee named Emmy.“
“How can you be sure? Imposible naman kilala mo ang lahat ng nagtatrabaho sa floor na 'to,” wika ko sabay pinagkrus ang aking mga braso sa harap ng aking dibdib.
“As a matter of fact, I do, Alex. I know every single name of the employees that works for me. And you should too, if you want this position so badly. Now if you'll excuse me, I still have a lot of work to do before my retirement,” pagtataboy nito sa akin.
“Argh!“ Napapadyak akong tumalikod at nagtungo sa pinto upang lumabas. Ngunit bago pa man ako tuluyang makalabas ay muli kong narinig ang aking ama na magsalita.
“Remember, Alex. If you don't come tomorrow, you'll lose the position,” paalala nito.
Hindi na ako sumagot at pabalibag na isinara ang pinto. Hindi ako makapaniwalang magagawa iyon ng aking ama upang masunod lamang ang kaniyang gusto. Ayaw ko sanang magpatalo rito at bumigay sa kapritso niya ngunit kilala ko rin ang aking ama. Kapag may sinabi ito ay gagawin niya. Kaya hindi malabong ibigay talaga nito ang posisyon sa aking pinsan kung sakaling hindi ako sumunod sa kaniyang nais.
I guess I don't have much of a choice, do I?
**************