ALEX
NAGSIMULA na naming tahakin ang daan patungo sa aming plantasyon sa lalawigan ng Albay. Masayang nagkukuwentuhan sina Harold, Carlos, at Tammy habang tahimik lamang na nag-uusap si Klaus at Jordan. Tanging ako lamang ang nananatiling tahimik at walang kausap.
Inabala ko na lamang ang aking sarili sa pakikinig ng musika sa aking cellphone gamit ang bluetooth earphone. Ngunit sadyang malakas ang kanilang mga tinig dahilan upang matalo nang malakas nilang usapan ang tunog na aking pinakikinggan. Ilang minuto ko ring tiniis ang ingay nila bago ako nagpasyang sawayin ang mga init.
“Puwede bang pakihinaan ang mga boses n'yo? Hindi ba kayo marunong makaramdam kung nakakaistorbo kayo?“ mataray kong baling sa mga ito.
Sabay ring napalingon sa likuran si Jordan at Klaus dahil doon. Tinaasan ko lamang ng kilay si Klaus nang mabakas ko ang panghuhusga sa kaniyang mga mata. Madilim ang kaniyang mukha hudyat na hindi nito nagustuhan ang paraan ko ng pagsaway sa mga ito. Matalim ko lamang itong inirapan bilang tugon. Wala naman akong pakialam sa iniisip n'ya.
Agad namang tumahimik ang mga ito at halos pabulong na lamang na nag-uusap. Ramdam ko pa rin ang mainit at matalim na titig ni Klaus sa akin ngunit ipinagsawalang-bahala ko lamang iyon at muling itinuon ang aking atensyon sa labas ng bintana.
Malayo-layo na rin ang rin nalalakbay namin nang hilahin ako ng antok. Ipinikit ko ang aking mga mata upang umidlip.
*
*
*
*
BAHAGYA pa akong napapitlag nang maalimpungatan ako. Napabalikwas ako nang bangon nang mapansin kong mag-isa na lamang ako sa loob ng sasakyan. Nagpalinga-linga ako sa paligid at saka ko lamang napagtanto na nag-stop over pala kami sa isang kainan.
Napasilip ako sa aking relo at nakita kong mag-a-ala una na rin pala ng tanghali. Kasunod noon ay naramdaman ko na ang pagkalam ng aking sikmura. Sumilip ako sa restaurant kung saan kami pumarada. Tanaw ko mula sa aking kinauupuan ang imahe ng mga ito habang masayang kumakain at nakukuwentuhan.
“Aba't wala man lang talagang gumising sa akin para ayain akong kumain?“ inis kong turan sa aking sarili. Akmang baba ako upang sugurin ang mga ito nang isa-isang tumayo ang mga ito hudyat na tapos na silang kumain.
Hindi ko alam kung bakit tila bigla na lamang akong nataranta kaya dali-dali akong bumalik sa aking puwesto at inabala ang aking sarili sa aking cellphone.
Sabay-sabay na natigilan ang mga ito nang mabungaran nila akong gising habang abala sa aking cellphone.
“M-Miss Alex…g-gising na po pala kayo. Hindi na po namin kayo inistorbo kanina dahil mukhang malalim po ang tulog n'yo,” turan ni Tammy nang tila wala ni isa sa kanila ang may lakas loob na magsalita.
Si Klaus naman ay nananatiling nakatayo sa kanilang likuran habang nakasuksok ang kaniyang mga kamay sa kaniyang bulsa at matiim na nagmamasid.
“G-Gusto n'yo po bang kumain sa loob? M-Marami pong masasarap do'n. Gusto n'yo po bang samahan ko kayo?“ tanong ni Tammy.
“Hindi na. Salamat,” malamig kong tugon saka muling ibinalik ang aking atensyon sa aking cellphone at nagkunwaring abala roon.
“S-Sigurado po kayo? Malayo pa po ang biyahe natin,” nag-aalalang tanong ni Tammy.
“I said I'm fine,” mariin at mataray kong tugon.
Tila naman nakaramdam ito ng takot dahil na rin bahagya kong pagtaas ng tono.
“Stop being stubborn, Alex. Go inside and eat something,” sabad ni Klaus.
You should have think about that before you go ahead and eat without me, turan ko sa aking sarili.
Pinairal ko pa rin ang aking pride at katigasan ng aking ulo. Sa halip na sumunod sa kanilang sinabi ay mas pinili kong panindigan ang aking desisyon sa kabila nang nararamdaman kong gutom.
“Eh, sa ayaw ko ngang kumain. Bakit ka ba namimilit?“ pagsusungit ko rito.
Halatang hindi nito nagustuhan ang aking naging tugon. Agad na dumilim ang kaniyang mukha at pag-igting ng kaniyang panga.
Nakatingin lamang sa aming dalawa ang iba naming kasama at pinakikiramdaman ang namumuong tensyon sa pagitan naming dalawa.
“That's what you want? Fine. Tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin nang katigasan ng ulo mo,” saad nito. “Let's go,” aya nito sa iba.
Nagdadalawang-isip naman ang mga ito bago tuluyang nagpasyang sumakay sa loob ng sasakyan.
Nagpatuloy na kami sa biyahe. Pinilit kong bumalik sa pagtulog upang makalimutan ko ang gutom na aking nararamdaman ngunit hindi ko magawa. Panay ang dasal ko na sana ay hindi nila marinig ang pagkalam ng aking sikmura. Iniwan pa naman ni Klaus ang iba kong mga gamit kung saan naroon ang mga snacks na binaon ko para sa biyahe.
Nanunuyo na ang aking labi sa gutom. Kahit tubig ay wala ako kaya naman pakiramdam ko ay nanunuyo na ang aking lalamunan.
Pasimple kong sinilip ang loob ng aking sling bag upang tingnan kung mayroon akong makukuha roon na maaari kong gamitin upang pantawid ng gutom. Munitk pa akong mapasigaw sa tuwa nang makita kong naroon pa ang isang pakete ng mint candy na madalas kong baon sa aking bag.
Dali-dali akong kumuha at saka iyon kinain. Kahit papaano ay nawala sa aking isip ang gutom. Ngunit hindi pa man kami nakakalayo nang makaramdam ako nang pagkaihi. Sinubukan kong tiisin na lamang ito at humanap ng tiyempo upang magsabi. Makalipas ang ilang minuto ay wala pa rin akong natatanaw na kahit anong establisyamento kaya naman naglakas-loob na akong magsabi sa driver.
“Manong, puwede ba tayong tumigil sa susunod na gasoline station?“ turan ko.
Ramdam ko ang sabay-sabay nilang paglingon sa akin ngunit binalewala ko lamang iyon.
“Naku, ma'am! Malayo-layo pa po ang pinakamalapit na gasoline station. Mga isang oras po siguro,” tugon ng driver.
Hindi ko alam kung kaya ko pang mahintay nang gano'n katagal ngunit wala naman akong ibang pagpipilian.
“Ah…gano'n ba? Sige, okay lang. Basta pakihinto na lang kapag may nadaanan kang gasoline station,” wika ko.
“Sige po, ma'am.“
Bumaling si Klaus sa akin upang magtanong. “What's wrong? Do you need anything?“ usisa nito.
Isang matalim na irap lamang ang tinugon ko rito at muling ibinaling ang aking tingin sa labas ng bintana.
“Alexis,” mariin at may pagbabantang tawag nito sa aking pangalan. Tandang-tanda ko na ganito ang tono niya sa tuwing nauubos na ang pasensya niya sa akin. Sigurado akong hindi ko magugustuhan ang susunod nitong gagawin kung hindi ko ito papansin.
“I need to go to the bathroom! Happy?“ pabalang kong sagot.
“Number one or number two?“ tanong nito.
Halos manlaki ang aking mga mata dahil sa tanong niya. Hindi ako makapaniwalang tinatanong pa niya kung anong gagawin ko sa banyo.
“What the hell? It's none of your business. Puwede ba, huwag mo na nga lang akong kausapin,” mataray kong saad. Wala akong pakialam kung nakatuon na sa aming dalawa ang atensyon nang lahat nang naroon.
“I don't need your smart mouth, Alexis. I'm not going to repeat myself,” banta nito.
“I need to pee! There I said it! Okay na ba? Titigilan mo na ba ako?“
“You can't hold your pee for another hour. Alam mo bang maraming nagkakasakit sa gan'yan?“ kunot-noong saad nito.
Matalim akong umirap sa hangin. “What do you want me to do? The nearest gasoline station is one hour away.“
Saglit itong tumitig sa akin bago tumingin sa labas. Ilang minuto itong nananatiling nakatingin sa labas bago ito nagsalita.
“Stop the car,” utos nito.
“Yes, sir,” mabilis namang sagot ng driver.
What is he planning to do?
Nang huminto ang sasakyan ay mabilis na bumaba si Klaus saka nagtungo sa likod. May kung anong kinuha ito mula roon. Makalipas lamang ang ilang saglit ay bumalik na ito. Ngunit sa halip na sumakay ay nananatili itong nakatayo sa labas ng pinto ng sasakyan.
“Get out,” turan nito habang may tila malaking tela itong hawak.
Nagkatinginan pa kaming lahat sa loob. Hindi na kailangang tanungin kung sino ang tinutukoy niya dahil sa akin lamang nakatuon ang kaniyang mga mata.
“W-Why?“ gulat kong tanong.
“You need to pee, right? You can pee there. I'll cover you,” turo niya sa isang bakanteng damuhan sa may gilid ng kalsada.
“Are you out of your mind?“ gulat kong sigaw. “I'm not going to pee there! No way!“ mariin kong tanggi.
“Are you coming or I'll drag you here myself?“ hamon nito.
“No way, Klaus! I won't do it,” wika ko saka pinagkrus ang aking mga braso sa harap ng aking dibdib.
“What's the problem? I've already seen it all anyway? Ano pang itatago mo sa 'kin?“ nakangising turan nito.
Halos lumuwa ang aking mga mata habang nakanganga dahil sa labis na pagkagulat. Hindi ko akalaing nagawa niyang sabihin iyon sa harap ng mga kasama namin.
“Niklaus!“ saway ko rito.
“I'm not going to stop until you come out here and do your business,” wika nito.
Mariin akong pumikit saka humugot nang isang malalim na hininga bago padabog na bumaba ng sasakyan.
“Fvck you,” mura ko rito bago ko ito nilampasan.
Mahina itong tumawa bago mabilis na sumunod sa akin. Hindi ko lubos akalain na nagawa niyang sambitin ang mga katagang iyon sa harap mismo ng kaniyang fiancée. Kung ako siguro 'yon ay baka nanggagalaiti na ako sa inis. But Jordan was surprisingly calm after that remark.
Nang makarating kami sa bahagi ng damuhan na malayo sa kalsada at sasakyan ay agad na inilahad ni Klaus ang bitbit nitong tela na gagamiting pantakip.
“Don't you dare peek, asshóle,” banta ko sa kaniya.
“What are you trying to hide from me? I've seen that already. I even tasted it,” giit nito.
“Stop saying that! Hindi ka na nahiya sa fiancée mo. Binanggit mo pa talaga 'yan sa harap n'ya. Ano na lang iisipin no'n?” wika ko.
“You don't have to worry about her. She's none of your business,” malamig nitong turan. Malayo sa pilyo at mapanuksong aura nito kanina.
Mariin kong kinagat ang aking pang-ibabang labi upang tiisin ang sakit na dulot ng kaniyang mga salita. Kulang na lamang ay ipamukha niya sa akin na wala akong pakialam sa kanilang dalawa, na labas ako sa kung anuman ang namamagitan sa kanila.
Pinili ko na lamang manahimik at ipagpatuloy ang nais kong gawin.
“I'm done,” malamig kong saad matapos kong umihi at magpunas gamit ang baon kong wipes.
Akmang lalampasan ko na ito upang bumalik sa sasakyan nang mabilis niyang hinawakan ang aking braso.
“Here,” wika nito sabay abot ng isang supot.
Kunot-noo ko itong tiningnan bago nag-angat ng mukha. “What's this?“ nakataas ang isang kilay kong tanong.
“Stop being stubborn and accept it. Baka mamaya mahimatay ka pa sa gutom dahil sa kaartehan mo,” masungit nitong saad bago kinuha ang aking kamay at pinilit na inilagay roon ang supot na kaniyang inaabot.
Hindi naman ako agad nakatugon at nananatili pa rin akong naguguluhan. Nang lingunin ko ang supot na inabot nito sa akin ay saka ko lamang napagtanto na pagkain ang laman noon. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakalayo na ito sa akin at nakabalik na ng sasakyan.
Wala na akong nagawa kung 'di ang tanggapin iyon. Sabagay, gutom na rin talaga ako at pakiramdam ko anumang oras ay mahihimatay na ako sa gutom.
Nagmamadali akong bumalik sa sasakyan at walang imik na bumalik sa dati kong puwesto. Pasimple kong tinitigan ang likod ni Klaus. Dali-dali naman akong nag-iwas ng tingin nang bigla itong lumingon sa aking gawi.
Pasimple kong sinimulang kainin ang pagkaing inabot ni Klaus sa akin. Isang pirasong burger iyon na may kasamang fries. Muntik pa akong mapaungol nang malakas nang sumayad ang pagkain sa aking dila. Ito na ata ang pinakamasarap na burger na natikman ko kahit pa nga ba wala namang masyadong kakaiba roon. Marahil ay dulot na rin iyon nang labis na gutom.
Bagama't nananatili itong nakatalikod sa akin, hindi naman nakaligtas sa akin ang pasimpleng ngiti ni Klaus nang lingunin ko ito.
************