Chapter 7

2123 Words
ALEXIS MATAPOS kong maligo at makapagpalit ng damit ay agad na rin akong nagtungo sa bakuran kung saan nakahanda ang aming hapunan. Nang makarating ako roon ay halos kompleto na rin sila. Tanging ako na lamang ang kanilang hinihintay bago magsimulang kumain. “Oh, narito na pala ang ating prinsesa!“ masiglang bungad ni Manang Gina. “Halika! Dito ka na umupo.“ Ang tinutukoy nito ay ang upuan sa kaliwang banda ni Klaus. Nakalatag ang mga pagkain sa isang mahabang lamesa habang ang lahat sa nakaupo sa paligid nito. Si Klaus ang nakaupo sa pinakadulong bahagi ng lamesa habang nasa kanang bahagi nito nakaupo si Jordan. Sa halip na umupo sa tabi ni Klaus ay mas pinili ko na lamang maupo sa dulo kasalungat kung saan ito naroon. It would definitely awkward if I sit near them. Hindi ko rin alam kung magagawa kong umakto ng normal habang nasa harapan nila. Mabuti na itong malayo ako, kahit papaano ay maiiwasan kong makausap ang dalawa. “Halina't magsimula na tayong kumain!“ anunsyo ni Manang Gina na agad namang sinang-ayunan nang lahat. Tahimik lamang akong kumakain habang panay ang kuwentuhan ng lahat. Nananatili lamang akong nakamasid sa mga ito habang masayang nagkukuwentuhan. Hindi nakaligtas sa aking pandinig nang magsalita si Jordan. Bihira lamang itong magsalita ngunit sa tuwing maririnig ko ang tinig nito ay hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit. Malumanay at kahalina-halina sa tainga ang boses nito. Para itong anghel dahil sa amo ng kaniyang tinig. “This one is good. What do you call this?“ tanong nito kay Manang Gina. “Ah, Binagoongang baboy ang tawag d'yan,” tugon naman nito. “Oh, it's taste good.“ Patango-tango pa ito habang sumusubo ng pagkain. “Klaus, you should try this. It's delicious,” turan nito. “No, thanks,” tugon nito. “Come on, you should try it. Here have a bite,” giit nito. Hindi ko maiwasang mapangiti. Ngayon pa lamang ay naaawa na ako sa kaniya. Klaus hates the taste and smell of Bagoong. Noong kami pa ay madalas ko rin itong piliting kumain ng bagoong lalo na kapag kumakain ako ng paborito kong manggang hilaw. Ngunit talagang mariin ito sa pagtanggi. Kahit minsan ay hindi ko ito napilit na kumain noon. Kaya sigurado akong tatanggihan n'ya rin ang alok ni Jordan. “Okay, I'll try it,” nakangiting saad nito. Halos mapanganga ako dahil sa labis na pagkagulat. Hindi ko lubos na inaasahan na nagawa nitong tikman ang inaalok ni Jordan. Mabilis akong napalingon sa kaniyang gawi. Tila may kumurot sa aking puso nang makita ko kung paano subuan ni Jordan ng pagkain si Klaus at kung paano nito masayang tinanngap ang pagkaing sa pagkakaalala ko ay ayaw na ayaw niya. Lahat ng tao nagbabago, Alex, paalala ko sa aking sarili. Sabay-sabay na naghiwayan ang lahat dahil sa lambingan ng dalawa. Ako'y nakatulala lamang habang pinanood silang naglalambingan. Mabilis akong nag-iwas ng tingin nang dumako ang tingin ni Klaus sa aking gawi. Pilit kong inabala ang aking sarili sa pagkain. Sinubukan kong huwag nang lumingon sa gawi nila upang hindi na ako mas lalo pang masaktan. Hindi ko na halos napansin ang paglipas ng oras. Tuluyan na akong nawalan ng ganang kumain at halos kakaunti lamang ang nagalaw ko sa aking pagkain. Mabuti na lamang at abala ang lahat kaya naman walang nakapansin sa akin. “Matutulog na ba kayo? Maaga pa naman. May inihanda akong lambanog d'yan,” aya ni Tata Ambet. “Naku! Ikaw talaga, Ambet. Baka pagod na ang mga bata.“ “Ay! Bakit hindi na lamang natin sila tanungin,” wika naman ng lalaki bago bumaling sa amin. Sila Harold, Carlos, at Tammy ay agad na lumingon sa aming dalawa ni Klaus na tila ba humihingi ng permiso. “It's fine. Sa isang araw pa naman magsisimula ang trabaho natin kaya sulitin n'yo na,” tugon nito. “Ayon, ayos!“ tuwang-tuwa na turan ni Harold. “Why don't we stay all for a bit? I think it would be a great bonding, right?“ Gusto ko na sanang umakyat sa aking silid upang makaiwasa sa kanila ngunit ayaw ko namang magmukhang KJ lalo na't nakatingin si Jordan sa akin na para bang naghihintay ng sagot. “S-Sure,” nauutal kong sagot. “Naku! Matitikman n'yo ang masarap na lambanog dito sa amin. Kami mismo ang gumawa niyan kaya siguradong masarap!“ pagmamalaki ni Tata Ambet. Sa pagkakataong ito ay maliit na lamang ang lamesa naming gamit dahil nailigpit na ni Manang Gina at ibang katulong ang mga platong kanina ay nahatag sa lamesa. Nakaupo sa tapat namin si Jordan at Klaus katabi si Tata Ambet habang kami naman ni Harold, Carlos, at Tammy ang magkakatabi sa katapat na mahabang upuan. “Liligpitin lamang namin ito at saka namin kayo sasaluhan diyan,” turan ni Manang Gina. Nag-abot si Tata Ambet ng kaniya-kaniyang baso sa amin na malugod naman naming tinanggap. I have low tolerance when it comes to alcohol. But tonight, I want to drink. Umaasa akong magiging sapat ang alak upang puksain ang natitirang damdamin sa aking puso para kay Klaus. I can't imagine myself working with him for the following days while having this feeling inside my heart. Hangga't maaari ay gusto kong lubusang kalimutan kung anuman ang pamilyar na damdaming nagsisimulang umusbong sa aking puso. This kind of unwanted feelings won't do any good. Especially now that everyone has moved on. At ikaw na lang ang hindi? turan ng isang mumunting tinig sa aking isip. Nais kong kastiguhin ang aking sarili dahil sa pagtatanim ng mga ganoong ideya sa aking isip. “Alexis, kumusta pala ang papa mo?“ baling sa akin ni Tata Ambet. “Ayos naman po. Matigas pa rin ang ulo hanggang ngayon at mahilig ding uminom ng alak kagaya n'yo kahit na pinagbawalan na ng doktor,” turan ko. “Naku po! Mas lalo kaming magkakasakit kapag hindi kami uminom,” katwiran nito na naging dahilan upang lahat ay magtawanan. “Matagal-tagal na rin nang huling mapabisita ang ama mo rito. Balita ko ay isasalin na raw sa 'yo ang pamamahala rito? Eh, 'di madalas ka nang magagawi rito n'yan?“ “Mukhang gano'n na nga po,” maikli kong sagot. “Ang bilis ng panahon ano? Parang kailan lang ay kay liliit n'yo pa. Nasabi nga pala ni Gina sa akin na hindi pala natuloy—aray!“ Hindi na nito nagawang tapusin pa ang kaniyang sasabihin. Napahiyaw na lamang ito sa sakit nang dumapo sa kaniyang braso ang malakas na hampas ni Manang Gina. “Ikaw talagang matanda ka! Walang kapreno-preno 'yang bibig mo,” saway nito. “Napakasakit namang iyong hampas, giliw. Eh, nakikibalita lamang naman ako,” wika nito saka nilambing ang asawa. “Mahiya ka naman sa mapapang-asawa ni Klaus. Naku, ineng. Pagpasensyahan mo na itong asawa ko at talagang may pagkataklesa ang bibig nito,” baling nito kay Jordan. “Wala po kayong dapat alalahanin. Naiintindihan ko naman po. Klaus and Alex were childhood sweetheart and they had history. Kaya hindi po maiiwasan ang pag-usapan ang tungkol sa kanila,” nakangiting saad nito. Mabilis na gumapang ang inis sa aking puso. Can't she be more perfect? Wala na atang mapipintas dito. Kung ako ang nasa sitwasyon n'ya kung ano na ang nagawa ko. Mas lalo lamang naging malinaw sa akin ang pagkakaiba naming dalawa. Siguro ay iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit ito ang napili ni Klaus upang pakasalan. She's more mature and intellegent than me. She'll be a perfect wife for someone like Niklaus Romanov. * * * PALALIM na nang palalim ang gabi. Habang parami nang parami ang aming naiinom ay mas lalong nagiging masaya ang aming kuwentuhan. Kahit papaano ay nakakapag-adjust na ako sa aking mga kasama. Paminsan-minsan ay nakikipagbiruan na rin ako sa kanila at tuluyan nang nawala ang kanilang pagkailang sa akin. Halos maubos namin ang isang galong lambanog na inilibas ni Tata Ambet. Kakaunti na lamang natitira roon nang magsimulang mahilo si Jordan. “Are you okay?“ Bakas ang pag-aalala sa tinig ni Klaus nang tanungin niya si Jordan. Nagsisimula nang mamanhid ang aking mga labi dahil sa alak ngunit hindi ang aking puso. Ramdam ko pa rin ang sakit dulot nang hayagang pagpapakita ni Klaus nang pag-aalala kay Jordan. Hindi maiwasang sumagi sa isip ko na kung hindi siguro ako tumakbo sa araw ng aming kasal, baka ako ang nasa posisyon ni Jordan at inaalagaan ni Klaus. Nag-uumpisa na rin akong makaramdam ng pagkahilo ngunit pinilit kong magpakatatag. I don't want to look weak in front of Klaus. “Mukhang lasing na si Jordan. I think I'll bring her to our room,” turan ni Klaus. “Ah, gano'n ba? Sige, sige, iakyat mo na s'ya para makapagpahinga,” turan ni Tata Ambet. “Hindi pa ba kayo aakyat?“ muling tanong ni Klaus. Hindi ko na tinangkang lingunin ito ngunit ramdam ko ang matalim niyang pagtitig sa akin. Sinadya kong hindi tumingin dito upang hindi ko makita kung paano nito alalayan ang kaniyang mapapang-asawa. “Kakaunti na rin ito, sir. Baka ubusin na lamang namin ito,” wika ni Harold. “Ikaw, Ma'am Alex? Gusto mo na po bang magpahinga?“ baling nito sa akin. Mabilis akong nag-angat ng mukha at bumaling dito. Ngumiti ako bago nagsalita. “Call me, Alex. Nakakatanda ang ma'am,” saad ko. “Saka tama ka—hic—kakaunti na lamang naman 'yan—hic—kaya ubusin na natin,” sang-ayon ko sa pagitan ng aking pagsinok. “Ayon, sir. Sige po mauna na kayo. Kami na po bahala maghatid kay Alex sa silid n'ya,” turan ni Harold. Muli akong tumungga ng alak mula sa aking baso. Hindi pa rin ako bumabaling sa gawi ni Klaus. Wala akong lakas upang labanan ang matalim nitong mga titig. Pansin ko sa gilid ng aking mga mata ang ilang minuto niyang pagtitig sa akin. “Ihahatid ko lang si Jordan sa kuwarto. Pagkatapos ay babalikan kita rito.“ Narinig kong turan ni Klaus. Mabilis akong napalingon sa gawi niya dahil sa kaniyang sinabi. Mariin akong napalunok nang bumungad sa akin ang madilim nitong mukha at matatalim nitong mga titig. Bigla akong nakaramdam ng kaba sa hindi ko maipaliwanag na dahilan. It took me a while before I finally gain the strength to speak. “There's no need for that. Kaya kong bumalik sa kuwarto nang mag-isa,” tugon ko. Nanatili itong tahimik. Hindi ko namalayang kanina ko pa pala pigil ang aking hininga habang nakikipagtagisan ako ng tingin kay Klaus. Saka lamang ako nakahinga nang maluwag nang hindi na ito muling nagsalita at tumalikod na upang pumasok sa loob ng bahay habang akay-akay ang lasing na si Jordan. Nakahilig ang ulo nito sa balikat ni Klaus habang nakapikit ang kaniyang mga mata. Wala sa sariling nalagok ko ang buong laman ng aking baso matapos kong makita ang posisyon nilang dalawa. Ayaw ko man ngunit hindi ko maiwasang kainin ng selos ang aking puso habang pinapanood ang dalawa. “Mukhang mabait ang bagong mapapang-asawa ni Klaus, ano?“ saad ni Tata Ambet. Napangiwi naman ito nang sikuhin ni Manang Gina dahil sa naging komento nito. Walang ni isa ang nagtangkang sundan ang komento ni Tata Ambet. Mukhang lahat sila ay nangingiming magsalita tungkol sa sitwasyon naming tatlo. Pinilit kong umakto na kunwari'y hindi ako naapektuhan sa mga nangyayari. Pilit akong ngumiti bago nagsalita. “Yes, she's nice. She'd be a perfect wife for Klaus. And Klaus also deserves a woman like her. I'm happy for them,” wika ko. Nanatiling tahimik ang mga ito saka pasimpleng nagtinginan na para bang tinatantiya ang aking sinabi. “O-Oo nga po. Napaka-down to earth ni Miss Jordan at masayang kakuwentuhan. Hindi mo mahahalatang anak mayaman,” dagdag ni Tammy. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang bahagyang pagsiko ni Harold dito na tila ba sinasabihang maghinay-hinay sa sinasabi. “P-Pero mabait din naman po kayo, Miss Alex. M-Medyo mukha lang masungit sa umpisa pero kapag tumagal po solid din po kayong kasama,” bawi nito. “Sus, nambola ka pa,” pag-iiba ko sa paksa. “Huwag na nga kami ang pagchismisan n'yo at tapos na ang kabanatang 'yon sa buhay namin. We already moved on with our lives. Masaya na s'ya at—” “Masaya po ba kayo?“ sabad ni Tammy. Saglit akong natigilan. Hindi ko alam kung bakit hindi ako kaagad nakasagot sa simpleng tanong na iyon. Mariin akong napalunok bago pilit na sumagot. “O-Oo naman. Masaya ako.“ Hindi ko alam kung sino ang kinukumbinsi ko sa aking sinabi, sila ba o ang sarili ko. Dahil ang totoo, iyon din ang tanong ko sa aking sarili. Masaya nga ba ako? **********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD