Chapter 8

2063 Words
ALEX HALOS paubos na rin ang aming iniinom. Naniningkit na rin ang aking mga mata dahil sa epekto ng alak. Maingay ang aming lamesa dahil sa tunog ng gitara na pinapatugtog ni Tata Ambet kasabay nang pagkanta nito nang mga sinaunang kanta. Dahil na rin sa ingay ay madalas na yumuko si Harold at tumapat sa aking tainga sa bawat pagkakataong may sasabihin ito upang mas marinig ko ito nang mabuti. Hindi ko lubos na inaasahang makakagaanan ko agad ng loob ang mga ito kahit ilang oras pa lang simula nang makilala ko sila. Kahit papaano ay nagiging malinaw na rin sa akin ang plano ng aking ama kung bakit niya ako pinipilit na sumama kay Klaus. Kahit papaano ay marami na rin akong natutunan sa takbo ng pagtatrabaho nila. Totoo nga ang sabi nila, kailangan mong bumaba mula sa iyong pedestal upang lubos mong makita ang kalagayan ng iyong nasasakupan. Napapitlag kaming lahat nang marinig namin ang malakas na kalabog mula sa lamesa. Sabay-sabay kaming napalingon sa gawi nang pinaggagalingan ng ingay. Napalingon sa aking kanan kung saan naroon si Klaus at malakas na ibinagsak ang baso sa ibabaw ng mesa. Naaliw kami sa pagkukuwentuhan kaya't hindi na namin napansin na nakabalik na pala ito mula sa paghatid kay Jordan sa kanilang silid. “Let's go. Ihahatid na kita sa kuwarto mo,” malamig nitong turan. Bahagya pa akong nagulat dahil sa kaniyang sinabi. Hindi ko akalaing totohanin nito ang sinabi kanina na babalikan niya ako upang ihatid sa aking silid. “It's okay, I'm fine. Kaya ko namang bumalik mag-isa. Saka malapit na rin namang matapos ito,” tanggi ko sabay ngumiti rito habang naniningkit ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit ngunit mas lalong ikinadilim ng kaniyang mukha ang aking sinabi. “Chandria, let's go,” mariin at may pagbabantang ulit nito. Bahagyang tumaas ang tinig ni Klaus dahilan upang matigilan ang lahat at mabalot ang paligid nang nakakabinging katahimikan. Tanging huni nang mga kuliglig ang maririnig sa paligid. Halatang lahat ay kinakabahan sa biglaang pagtataas nito ng boses. Kung hindi man natakot ay halatang nagulat ang mga mata ito sa kaniyang ginawa. Maliban na lamang siguro sa akin. Sanay na ako sa ganitong akto ni Klaus. Kahit dati pa ay nagagalit ito sa tuwing sinusuway ko ang gusto n'ya. Mahina akong tumawa na mas lalong ikinalalim nang kunot ng kaniyang noo. “I'm not your responsibility, Klaus. Kaya ko ang sarili ko. Besides, Harold is here to help me. Right, Harold?“ baling ko rito. “O-Of course, Alex,” nauutal nitong tugon. “Alex?“ mariing turan nito kasabay nang pag-igting ng kaniyang panga. “What did you call her again?“ Mariing napalunok si Harold bago mahigpit na napakapit sa kaniyang upuan. “A-Ang sabi po kasi ni A-Ale—ni Miss Alex ay tawagin na lamang namin s'ya sa kaniyang pangalan,” tugon nito. “You call her ma'am or miss or anything but her name, understood?“ matalim nitong banta kay Harold. “Y-Yes, s-sir.“ Ramdam ko ang pangangatog ng binti ni Harold dahil sa takot. “Chandria, I said let's go. Stop being stubborn!” baling nito sa akin. Katulad ng aking ama, alam kong galit na ito kapag tinatawag na niya ako sa aking pangalawang pangalan. “You're the one who's being stubborn. Kanina ko pa sinasabi na kaya ko ang sarili ko. Bakit ba ang kulit-kulit mo? Tatapusin na nga lang, 'di ba?“ mataray kong tugon dito. “Hinabilan ka sa akin ng ama mo. That's why you're my fùcking responsibility!“ giit nito. Napatayo ako dahil sa inis at saka bumaling dito. “Oh, for Pete's sake! I'm nobody's responsibility. Hindi na ako bata, okay?“ “Hay, naku! Wala pa rin kayong pinagbago. Parang aso't pusa pa rin kayo kung mag-away parang no'ng mga bata pa kayo. Hindi nga namin akalaing magkakagustuhan kayo no'n, ay!“ natatawang turan ni Tata Ambet dahilan upang saglit kaming mapatigil sa aming pagtatalo. Noon lamang namin napagtanto na pinagtitinginan na pala kami nang lahat. Napabuga na lamang ako nang malakas na hangin saka padabog na bumalik at umayos nang pagkakaupo. Nanatiling nakatayo si Klaus sa aking likuran. Akala ko ay aalis na ito makalipas ang ilang minuto ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang bigla itong umupo sa aking tabi. Napapagitnaan ako ni Klaus at Harold sa mahabang upuan. Nagsimula na muling manumbalik ang saya at ingay sa paligid. Muling ipinagpatuloy ni Tata Ambet ang pagtipa sa kaniyang gitara na agad namang sinabayan ni Tammy at Carlos ng kanta. Si Harold ay nanatiling tahimik habang sumisimsim ng alak sa kaniyang baso. Halata ang ginagawa nitong pag-iwas sa akin dahil marahil sa presensya ni Klaus. “You want to drink? Fine. Drink as much as you want, but I'll stay here. Hindi ako aalis dito hangga't hindi kita naihahatid sa silid mo,” pabulong nitong turan sa akin dahil na rin sa ingay. Bumaling ako rito upang sumagot. Ngunit saglit akong natigilan nang mapagtanto kong halis iilang pulgada na lamang ang pagitan ng aming mga mukha. Bagama't naniningkit na ang aking mga mata dahil sa epekto ng alak, malinaw pa rin sa akin ang bawat sulok nang perpekto niyang mukha. Wala sa sariling bumagsak ang aking mga mata sa kaniyang mapupulang mga labi. Awtomatikong nanumbalik sa akin ang alaala ng kaniyang mainit at mapusok na halik. Mabilis kong sinaway ang aking sarili nang mapagtanto ko kung saan lumilipad ang aking isip. Tumikhim ako upang palisin ang tila bikig sa aking lalamunan bago nagsalita. “Sinabi ko nang kaya ko ang sarili ko. I don't need your help,” mataray kong saad bago mabilis itong inirapan upang itago ang kabang aking nararamdaman. “You can't say anything that will make me leave, Alexis.“ Tila kay sarap pakinggan ang sinabi niyang iyon. Para iyong pangako ng pagmamahal na kay sarap damhin. But who am I kidding? He wasn't doing it because he cares about me or he still has some lingering feelings towards me. It was nothing but a gesture. Alam kong nakumpirmiso lamang ito dahil sa pangako niya sa aking ama. “Tss. You're so annoying,” mataray kong turan dito. “And your breath reeks alcohol. Since when did you like drinking liquor?“ “Since when did you like Bagoong?“ ganting tanong ko. He was taken a back by my question. Saglit itong natigilan habang matiim na nakatitig sa aking mga mata. Halata ang pag-aalinlangan sa kaniyang mukha. Hindi ito nakasagot. Kitang-kita ko ang paggalaw ng kaniyang lalamunan at tila ba nahihirapan sa isasagot nito. “I still don't like it. Jordan is a sweet girl. Hindi ko lang s'ya kayang tanggihan at mapahiya,” paliwanag nito. “Wait a minute, what does it has to do with your drinking habit?“ Mapakla akong tumawa, “It's merely a habit when you're just doing it once in a while. My point is, people change. Just like how you change yourself because you don't want to upset her.“ Mapakla akong tumawa habang inaalala ang nakaraan. “Parang dati lang hinding-hindi kita mapilit na kumain ng Bagoong sa tuwing kumakain ako ng paborito kong manggang kalabaw. But look at you now…” “Alex…” “Oh, no, don't get me wrong. I'm not saying that with a bad taste. I'm just making a point that people change. There are few factors in our lives that force us to change in order to adapt.“ Maybe because I already consume alcohol passed my limit that's why I got the courage to say what's in my mind. “I know I haven't got the chance to tell you this, but I want you to know that I'm geniunely happy for you. I'm glad that you finally found the woman you deserve. From the looks of it, she's a woman of class and character. She'll be perfect for you,” wika ko habang nakangiti at namumungay ang aking mga mata dahil sa alak. It's true, I'm happy for him. Pero hindi ibig sabihin noon ay hindi na ako nasasaktan. Pilit kong itinatago ang sakit sa likod ng aking mga ngiti. This is the price I have to pay for leaving him that day. He deserves to be happy and I deserve to be in agony for causing him too much pain. Wala s'yang naging kasalanan. Cliché it may sound, but the problem was me. I got cold feet and had doubts about my decisions. Natakot akong baka pagsisisihan ko ang susunod na mga mangyayari kung itutuloy ko ang kasal. “You don't get to say those things after what you did. You have no right to be happy for me, because I've been in so much pain when you left. You don't get to be happy just because someone pick up the pieces that you shattered because you chose to runaway instead of facing your problem. So no, Alex. Wala kang karapatang maging masaya dahil sa tingin mo ay naging maayos ang lahat sa kabila ng naging desisyon mo.“ Ang bawat niyang salita ay tila talim na humihiwa sa aking puso. Alam kong karapatang n'yang makaramdam ng galit sa akin. Pero masakit pa ring marinig ang mga salitang iyon mula sa kaniyang mga labi. Malungkot akong ngumiti at maluwag na tinanggap ang lahat ng kaniyang sinabi. “I know, and I'm sorry. I deserve all your hate. And if there's anything I can do to make amends—” “There's nothing you can do,” maagap niyang putol sa aking sasabihin. “It's too late for that. After all, everybody has move on already.“ Hindi ko na nagawang sumagot pa. Malungkot akong nag-iwas ng tingin upang itago sa kaniya ang lungkot na bumabakas sa aking mukha. Pinilit kong ibaling ang aking atensyon at makisali sa kuwentuhan nila ngunit ang aking isip ay nananatiling nakapako sa lalaking naroon sa aking tabi. Muli akong tumungga ng alak mula sa aking baso. Kanina pa kami umiinom ngunit tila ngayon ko lamang tuluyang nalasahan ang pait ng lambanog. Nangiwi ako saka mariing pumikit upang pigilan ang nagbabadyang pagbaliktad ng aking sikmura. Sinubukan kong itago iyon ngunit hindi ako nakalusot sa mapanuring tingin ni Klaus. “That's enough,” mariin ngunit pabulong nitong turan bago mabilis na inagaw ang baso mula sa aking kamay. Balak ko pa sanang magprotesta ngunit mabilis na itong nakatayo upang alalayan ako. Gusto kong pairalin ang katigasan ng aking ulo ngunit naramdaman kong wala na rin akong lakas upang gawin iyon. Ramdam ko na ang pag-ikot ng aking paningin dulot nang pagkalasing. Namamanhid na rin ang aking mukha at labi kasabay nang pamumungay ng aking mga mata. At this rate, I don't think I would be able to reach my room without kissing the floor. “Ihahatid ko na si Alexis sa kuwarto n'ya. Ayos lang ba kayo rito?“ Narinig kong turan ni Klaus sa aming mga kasama. “Oo naman, utoy. Kami na ang bahalang magligpit dito. Iakyat mo na 'yang si Alexis at mukhang lasing na,” wika ni Tata Ambet. “H-Hindi pa—ako lasheng…” I tried to act normal but my body betrays me. Mas lalo lamang noong pinatunayan ang aking kalasingan. “You're drunk. Let's go,” wika ni Klaus bago niya hinapit ang aking baywang papalapit sa kaniyang upang alalayan ako at hindi matumba. Para akong nakuryente dulot nang pagkakadikit ng aming mga balat. Wala sa sarili ko itong naitulak dahilan upang mawalan ako ng balanse. Inaasahan ko nang babagsak ako sa gawi ni Harold na siyang nasa aking tabi. Ngunit ganoon na lamang ang gulat ko nang mabilis pa sa alas kuwatro ay agad na naipalibot ni Klaus ang kaniyang braso sa aking baywang. Marahas niya akong hinala patungo sa kaniya dahilan upang mapasandal ako sa kaniyang dibdib. “You're not allowed to fall over any man but me,” bulong niya sa aking tainga. Hindi ko alam kung tama ba ang aking narinig o pinaglalaruan lamang ako ng aking malikot na imahinasyon. Marahas kong ipinilig ang aking ulo upang maging malinaw ang aking isip ngunit talaga yatang tinamaan ako ng alak na aming ininom. Habang pinipilit kong ibuka ang aking mga mata ay siya namang unti-unting paglabo ng aking paningin hanggang sa tuluyan na itong nilamon ng kadilim at nawalan ng malay dahil sa kalasingan. *************
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD